webnovel

Kung Maibabalik ko Lang

"Minsan na akong pinaglaruan ng isang lalake! Kaya bakit ba kinakailangan ko pa sila kung kaya ko naman ang mag isa" Kaya ko nga ba talaga? hanggang kelan ko ba ikukubli ang tunay Kong nadarama? Isinilang ako sa panahong hindi pantay ang tingin nila sa mga babae kesa sa mga lalaki. At ang mundo ay pinaghaharian ng kalalakihan. Walang kaming boses at wala karapatang ipagtanggol ang sarili lalo na at nabibilang ka sa mahihirap. Kaya nakuntento na lang ako nuon na tanggapin na hanggang dito na lang ako kasi babae lang ako! At kasi mahirap lang ako! Maraming tuloy mga bagay at pagkakataon na pinalagpas ko at pinanghinayangan sa buhay ko. Mga pagkakataon na pinanghihinayangan ko at ipinagdarasal, sana ..... Kung Maibabalik Ko Lang.

trimshake · Umum
Peringkat tidak cukup
213 Chs

Pananabik

"Anong ginagawa mo dito?"

Tanong ni Belen kay Gene ng makasalubong nya ito sa labas ng building.

Katatapos nya lang mananghalian at pabalik na sya sa kompanya ng makita si Gene sa harapan ng building.

Gene: "Binibisita ka!"

Buong ngiti nitong sabi.

Belen: "Ano ka ba, andito na si Issay!"

Sabay tingin sa paligid.

Gene: "Hindi naman sya ang dinadalaw ko ikaw! Saka may pasalubong ako sa'yo!"

Sabay abot ng dala nya kay Belen pero hindi nito kinuha.

'Hmp! Aalis alis sya ng hindi man lang nagpaalam tapos basta na lang susulpot na may dalang pasalubong!' Ano yan suhol?'

Belen: "Bakit ba ang kulit mo?"

Gene: "Na miss kasi kita, ako hindi mo ba na miss?"

Pag papa cute nito.

Belen: "Haaay naku! Bahala ka na nga dyan!"

Sabay alis.

Napakamot na lang sa ulo si Gene ng layasan sya ni Belen.

Ganito sya nakita ni Issay ng palabas sya ng coffee shop.

Issay: "Gene? Anong ginagawa mo dito? Bat dika pumasok sa loob? mainit dito!"

Sabay akay kay Gene papasok ng building.

Nakakita naman ng pagasa si Gene sa pagdating ni Issay.

Gene: "Ate Issay, Hehe!"

"Gusto ko sanang makausap si Madam Belen!"

Issay: "Ganun ba, halika samahan na kita sa opisina nya!"

Gene: "Salamat Ate!"

Kanina pa pinagmamasdan ni Issay si Gene habang nasa elevator sila.

'Tama ba itong nakikita ko, may nag iba dito kay Gene. Seryoso at laging matalim itong tumingin pero ngayon parang kinikilig sya at parang may ningning ang mga mata!' Hmmm....'

Pagdating sa taas dinala sya ni Issay sa silid ni Belen.

Toktoktok!

Issay: "Madam may bisita po kayo?"

Nagulat si Belen ng makitang si Gene ang tinutukoy nitong bisita.

Hindi na nagantay na papasukin si Gene, dirediretso na ito sa loob at bumati kay Belen sabay upo sa sofa.

Issay: "Sige maiwan ko na kayo!"

Sabay sara ng pinto. Naiintriga na talaga sya. Kaya nagpunta sya sa pwesto ni Tess.

Issay: "Tess! Anong meron dun sa dalawa?"

Pabulong na tanong niya.

Tess: "Hindi ko rin alam!"

Pabulong na sagot din nito. Maging sya ay naiintriga din sa dalawang yun.

Edmund: "Hoy! Anong ginagawa nyo, bakit kayo nagbubulungan dyan?"

Issay: "Shhh! Shhh! Wagka maingay!"

Pabulong nyang sabi kay Edmund.

Edmund: "E, bakit kasi para kayong nagtsitsismisan dyan?"

Issay: "Hindi naman kami nagtsitsismisan nagtataka lang kami dun sa kinikilos nung dalawa!

Ano bang meron?"

Edmund: "Hindi ko rin alam! Tatanan tanan ka kasi dyan tapos ..."

Pangiinis nito

Issay: "Aba loko 'to!"

Edmund: "Basta sabi ni Lolo pag magkasama ang dalawa wag ko daw istorbohin!"

Lalong naintriga si Issay pero wala na syang nagawa kundi manahimik na lang. Darating din ang panahon na magsasalita din ang dalawa.

Sa loob ng silid.

Pagka sara ni Issay ng pinto agad itong ni lock ni Belen.

Belen: "Bakit ka ba sumunod dito sa taas?"

Gene: "Nakalimutan mo kasi ang pasalubong ko sa'yo!"

Belen: "Sige na amina, ngayon pwede ka na bang umalis?"

Pero hindi naman nito binubuksan ang pinto.

Gene: "Ayoko nga! Antagal natin di nagkita tapos paalisin mo agad ako! Pa kiss muna!"

Belen: "Malay ko bang umalis ka!"

Gene: "Uy! nagtatampo ang giliw ko! Sensya na kung hindi ako nakapagpaalam, giliw, sikreto kasi ang alis ko e!"

Belen: "Bat ka nagpapaliwanag hindi naman ako nagtatanong!"

'Hindi nga sya nagtatanong nagtatampo lang! Hehe! Ang kyut magtampo ng giliw ko!'

Gene: "Ikaw naman giliw ko! Oo na alam kong miss na miss mo na ako! Na miss din kita ng sobra!"

Belen: "Hmp! Maka giliw ka dyan, kala mo may something tayo!"

Pero wala na syang nagawa ng akapin sya ni Gene at bigyan ng halik.

Hindi ito tumigil sa pagahalik sa kanya hanggang pareho silang kinapos ng panghinga. Pero hindi pa rin inalis ni Gene ang pagkaka akap sa kanya.

Kinakabahan si Belen.

Belen: "Teka, teka! Andyan sila sa labas baka madinig tayo!"

Gene: "Hayaan mo sila, naka lock ang pinto!"

Saka muli syang hinalikan si Belen at binuhat saka inihiga sa sofa. Hindi na nya napigilan ang mga halik ni Gene na puno ng pagmamahal at pumupukaw sa buong pagkatao nya.

Nangyari muli ang pilit na iniiwasan ni Belen dahil kahit anong gawin nyang pigil kung sinusuway naman sya ng sarili nyang katawan na tila nanabik na muli syang mahawak at maangkin ni Gene.

****

Sa kabilang dako.

Nakapagpiyansa na si Roland pagkatapos ng ilang araw na pagkakakulong.

Hindi nito matanggap ang ginawa sa kanya ng mga kasamahan nya sa negosyo lalong lalo na si Ortiz.

Totoo na malaki ang naitulong nito para mapalago ang negosyo pero hindi nya akalain na tatraydurin sya nito.

Roland: "Humanda kayong lahat! Magbabayad kayo sa ginawa nyo sa akin!"

Maya maya may dumating syang bisita.

Kilala nya ito na isa sa mga staff nya pero hindi nya maalala ang pangalan.

Roland: "Bakit ka narito? Pinapunta ka ba nila para masiguro kung lugmok na ako?" Pwes nagkakamali sila!"

"Alam ko ang nangyari sa'yo! Pinagkaisahan ka nila na mawala sa pwesto at alam ko ang nararamdaman mo!

Gusto mong gumanti sa ginawa nila sayo at gusto kitang tulungan!"

Roland: Tulungan? Hahaha! Sinong pinagloloko mo! Isa ka rin sa kanila!"

"Hindi mo ba talaga ako nakikilala?"

Roland: "Bakit sino ka ba?"

Siya si Rowena Lopez, isa sa anak ni Roland na hindi nya alam.

Maraming kinasamang babae si Roland pero wala syang pinakasalan. At pag may nabubuntis hinihiwalayan nya agad.

Tatlo ang naging anak nya at puro babae ito. Lahat sila ay hindi dinadala ang apelyido nya dahil hindi nya kinikilala ang mga ito na anak nya kahit na ipa DNA test pa nila.

Si Rowena Lopez ang pangalawang anak ni Roland, matalino ito at ambisyosa kaya ginawa nya ang lahat para makapasok sa negosyo ng ama.

Rowena: "Alam kong hindi mo ako kinikilalang anak pero kahit anong gawin natin magkadugo tayo. At sa mga oras na ito ako lang ang makakatulong sa'yo!"