webnovel

Kung Maibabalik ko Lang

"Minsan na akong pinaglaruan ng isang lalake! Kaya bakit ba kinakailangan ko pa sila kung kaya ko naman ang mag isa" Kaya ko nga ba talaga? hanggang kelan ko ba ikukubli ang tunay Kong nadarama? Isinilang ako sa panahong hindi pantay ang tingin nila sa mga babae kesa sa mga lalaki. At ang mundo ay pinaghaharian ng kalalakihan. Walang kaming boses at wala karapatang ipagtanggol ang sarili lalo na at nabibilang ka sa mahihirap. Kaya nakuntento na lang ako nuon na tanggapin na hanggang dito na lang ako kasi babae lang ako! At kasi mahirap lang ako! Maraming tuloy mga bagay at pagkakataon na pinalagpas ko at pinanghinayangan sa buhay ko. Mga pagkakataon na pinanghihinayangan ko at ipinagdarasal, sana ..... Kung Maibabalik Ko Lang.

trimshake · Umum
Peringkat tidak cukup
213 Chs

Nasaan si Anthon

"Ha? Bakit may naiwan ba tayong hindi naka sakay?"

Tinitingnan ni Miguel ang bawat isa .... binibilang.

Napansin nyang wala naman.

Enzo: "Pre .... si Anthon! .... Nasaan si Anthon?!"

Miguel: "Ha? Malay ko sa bano na yun!"

Tiningnan sya ni Enzo ng may halong pagaalinlangan.

'Hindi kaya iniligaw nito si Anthon?'

Miguel: "Huwag mo akong tingnan ng ganyan! Wala akong alam kung nasaan sya! Hindi ako ang yaya nya!"

Enzo: "Kung ganun, nasaan si Anthon?"

******

Sa isang maliit na apartment na walang partisyon nagising si Anthon.

Dahan dahan nyang iminulat ang mga mata nya dahil hindi nya makayanan ang sakit ng ulo na nararamdaman.

Hindi sya pamilyar sa lugar na ito kaya unti unti nyang pilit na inaalala kung nasaan sya.

Anthon: "Oonga pala nasa Zurgau ako! Nasaan naman kaya yung dalawang yun? At paano ako napunta dito sa kama? Ang huling naalala ko nag iinuman kami sa isang restaurant!"

Pilit nyang inaalala ang nangyari kagabi pero wala syang naalala kaya tumayo na lang sya at nagtungo sa banyo.

Hindi nya napansin na pag tayo nya nadala nya ang kumot at doon lumantad ang isang hubad na babae na nakadapa at mahimbing na natutulog sa iniwang kama.

Nagtungo sya sa banyo para maligo upang mabawasan ang hangover nya.

Pagkatapos maligo, humarap sya sa salamin na naroon na puno ng moist. Napansin nyang tila may mapupulang pantal sa parte ng leeg nya na medyo mahapdi.

Pinuasan nya ang salamin upang makita ng maigi kung ano iyon at dito nya napansin na yung mga mapupulang pantal ay mga kagat at kalmot pala.

Anthon: "Pano ako nagkaroon nito?"

At nanlaki ang mga mata nya ng makita na hindi lang pala ang leeg nya ang mayroon kundi buong katawan nya.

"WAAAAH!!!!"

Sigaw ni Anthon.

Biglang bukas ng pinto.

"Bakit? Anong nangyari? Ba't ka sumisigaw?"

Tanong ng babaeng nakahubad sa kanya. Humihingal dahil bigla sya nagising at tumayo ng madinig ang sigaw ni Anthon.

"WAAAAAAAAHH!!!!"

Natatarantang sigaw ni Anthon.

"Anong problema mo Anthon?"

Tanong ng babae sa harapan nya.

Anthon: "Si..sino... ka? At bakit ako narito?!"

Nalilito ang babae sa kanya.

"Ako si Yasmin, asawa mo! Nakalimutan mo na ba?"

Sabay taas ng kamay na may singsing at itinuro pa ito.

Tiningnan din ni Anthon ang daliri nya at may nakasuot din doon na singsing. Ang singsing nila ni Issay.

Anthon: "Pero..... singsing ko ito at ng asawa ko!"

Yasmin: "Haaay naku bahala ka sa buhay mo!"

At tuloy tuloy na itong pumasok sa banyo para magbawas na ikinagulat naman ni Anthon.

Marami syang tanong sa babaeng ito pero natatakot sya sa mga sagot.

Iniwan na nya ito sa banyo para hanapin ang cellphone pero hindi nya makita maging ang mga gamit nya.

Kailangan syang makaalis dito bago lumabas ng banyo ang babaeng iyon!

Anthon: "Nasaan ang maleta ko? Pati damit na suot ko kahapon?"

At naalala nyang nasa sasakyan ni Enzo na ipinarada nila sa ospital.

'Pero nasaan ang mga bwisit na iyon at bakit ako nahiwalay sa kanila? Iniwan na naman ba nila ako?'

Kinakabahan na sya. Bakit wala syang maalala?

'At kaninong apartment ito?'

Narinig nyang lumabas si Yasmin galing sa banyo tapos na itong maligo at nakasuot ng bathrobe. Iika ika!

'Anong problema ng lalaking ito?'

Yasmin: "Ano bang hinahanap mo?"

Dahan dahan naupo si Yasmin sa kama dahil sa sakit ng katawan na nararamdaman.

Hindi alam ni Anthon kung magsasalita ba sya o mananahimik na lang.

Bandang huli naisipan na nyang magsalita para malaman nya ang buong kwento.

Anthon: "Uhm... hindi ko makita ang mga damit ko?"

Yasmin: "???"

"Sinukahan mo ako at ang sarili mo sa dami ng nainom mo kaya tinapon ko ang mga iyon!"

Anthon: "Huh?"

At bumalik sa memorya nya ang ginawa nyang iyon at ang boses ng babaeng ito na kaboses ni Issay.

Kumirot ang ulo nya.

Yasmin: "Wala akong planong labhan ang mga iyon pero kinuha ko naman lahat ang laman ng damit mo!"

Nagpunta sya sa drawer at inilabas ang wallet at ibang mga papel, candy at barya pero wala ang cellphone.

Anthon: "Nasaan ang cellphone ko?"

Tanong nya habang tinitingnan ang laman ng wallet.

Yasmin: "Binigay mo sa Kuya ko!"

At muling bumalik sa alaala nya ang ginawa at kung bakit nya ito binigay.

Yasmin: "Buti pa magkape muna tayo at para mahimasmasan ka! Baka sakaling mawala ang hangover mo!"

Lumakad na ito patungong kusina na hawak ang balakang habang nagtatalo ang kalooban ni Anthon kung itatanong ba nya ang bagay na iyon.

Pero kailangan nyang malaman ang sagot sa nangyari sa kanya.

Anthon: "Uhm... Yasmin, may.... nangyari ba sa atin?"

Napapikit sya pagkatapos. Natatakot sya sa obvious na sagot dahil sa kilos ni Yasmin ngayon pero umaasa pa rin sya na sana wala.

Hindi sya mapapatawad ni Issay kapag nagkataon.

Nagulat si Yasmin sa tanong ni Anthon.

'Anong ibig sabihin ng lalaking ito, hindi nya alam ang ginawa nya sa akin kahapon?'

Hinubad ni Yasmin ang suot na bathrobe.

Yasmin: "Hindi pa ba halata?! Tingnan mo ang ginawa mo sa akin? Pati buong kalamnan ko masakit pa hanggang ngayon! Sino sa palagay mo ang gagawa sa akin nito?"

Umiiyak na si Yasmin.

Kung meron lang syang paraan para makaalis sa hayup na ito pero wala! Tyak na papatayin sya sa gulpi ng mga Kuya nya pag ginawa nya iyon.

Nahihiya si Anthon ng makita ang buong katawan ni Yasmin na puno ng bakas ng labi nya.

Anthon: "Pa... sensya ka na pero .... hindi ko talaga maalala!"

Hindi makapaniwala si Yasmin.

'Sira ba ang ulo nito? Pagkatapos nya akong pagsamantalahan hindi nya alam kung ANONG NANGYARI?!!!'

Me: O ayan Anthon, nahanap na kita! Masaya ka na ba?

Anthon: Waaahhh!!!! (Takbo ng mabilis)

*****

Happy Sunday!

trimshakecreators' thoughts