webnovel

Killer's Requiem

This is the story of the bounty hunter and the serial killer. An extraordinary love story at the underground society.

Laarnikuroko18 · Masa Muda
Peringkat tidak cukup
19 Chs

Classroom of Truth

"Sino ang nagpatawag sa inyong lahat rito?" tanong ko habang sila naman ay parang nagtataka sa presensya ko.

"Ang adviser ng Supreme Student Council" the bespectacled guy answered. He is Aron Valdez from Grade 10-A, the president of SSC.

Kilala ko ang lahat ng nandito sa pangalan. Lahat ng mga estudyante na nandito ay infamous. Minsan na silang pina-imbistigahan ng BHA (Bounty Hunter Association).

"As I thought" I murmured to myself. Napatingin ulit ako sa mga estudyante at sinigurado kung lahat ba talaga ng nandito sa loob ay officers ng SSC maliban sa akin. At di nga ako nagkamali. Ako lang ang naligaw.

Napaisip ako bigla. Bakit dito pa naisipang makipagkita ni Litmus? May connection ba ang student council sa pagkikita namin?

Ilang segundong nakalipas ay biglang may eureka na nag pop sa utak ko. My theory might be the fact.

"This is a trap" wika ko na ikinataka naman ng lahat. "Talaga bang si Sir Liquit ang nagpatawag sa inyo dito personally o may ibang taong nagsabi sa inyo?"

Nagsitinginan naman ang lahat at parang nagtatanong sa isa't-isa gamit ang kanilang mga mata.

"Isang lalaki ang nagsabi sa akin na ipinapatawag kami ni Sir dito sa new building na 'to. Nagtaka nga ako kung bakit dito niya pa naisipang magmeeting kahit na may sarili namang office ang SSC" wika naman ng babaeng may hawak na panyo sa kaliwang kamay. Siya si Felice V. Concepcion from Grade 9-A, the business manager.

Mukhang ang lalaking tinutukoy niya ay si Echizen. Mukhang nahulog kaming lahat sa bitag ni Litmus. I should get out from this place immediately or else I'll become his new toy. Di na ako nagsayang pa ng oras at mabilis kong tinungo ang pinto at pinihit ang doorknob ngunit huli na ako. The devil locked the room from the outside. Napasipa ako sa pinto dahil sa pagkabadtrip. Kung naisip ko kaagad na trap lang pala ang lahat 'to e di sana...

"The door is lock from the outside" mahinahon kong wika. Nagsitakbuhan naman ang iba papunta malapit sa pinto at sinubukang buksan ngunit katulad ko ay di nila nagawa. Napaupo na lamang ako sa bakanteng upuan at sinubukang mag-isip ng paraan para makalabas. Habang nag-iisip ako ay sinusubukan naman ng mga lalaki na sirain ang pinto ngunit nahirapan sila dahil matibay ang pagkakagawa ng pinto. Ang iba naman ay wala ng magawa kundi umiyak at nagsisisigaw ng saklolo.

Natigilan naman ako sa pagiisip ng biglang may narinig akong kakaibang tunog. Ang tunog ay nagmumula sa isang speaker device. Mabilis kong hinanap ang pinangyarihan ng tunog at natagpuan ko ang isang maliit na puting teddybear na medyo nabahiran ng mansa na kulay pula which exactly like blood. Nakatago ito sa loob ng isa sa mga locker sa bandang likuran ng classroom.

Natuon naman ang atensyon ng mga officers sa kinaroroonan ko at biglang natahimik. Sabay namin pinakinggan ang nakakakilabot na tunog at sabay nun ang pagsasalita ng isang pamilyar na boses.

"Shall we begin the Death Game?" wika nito. Naiimagine ko ang pagngisi ng lalaki sa likod ng speaker. Ramdam ko naman ang takot ng mga taong nasa paligid ko. Medyo di na ako nagulat dahil sanay na akong mapadpad sa ganitong sitwasyon ngunit di ko parin maiwasang mairita dahil sa nararamdamang kaba sa loob ko because I am not sure what accident waiting to happen.

Nagsimula nang mag-ingay ang mga nasa tabi ko at kinukumbinsi ang isa't-isa na bluff lang ang lahat. Irita ko naman silang sinita dahil natatabunan na ng kanilang boses ang tunog mula sa speaker.

"I'm too tired for introduction so why don't you kill each other?" Wala sa amin nagtangkang magsalita. Seryoso ang lahat sa pakikinig ngunit kitang-kita ko ang takot na nakapinta sa mga mukha nila.

"Kidding. I just reminded by someone who impatient enough to finish my speech," wika ng lalaki sa likod ng speaker. Mukhang ako talaga ang pinaparinggan ng gago.

"Actually nagready ako para sa larong 'to. I collected many data that could be useful in this game. This game entitled "Classroom of Truth, Isn't it sounds exciting?" pasimleng wika nito.

"And for Motivation?" kalmado kong tanong habang may isang ugok naman na may lakas loob na nagtulak sakin mula sa likuran at sinabihan pa akong baliw dahil pinatulan ko pa raw kahit na nanginginig na sila sa takot. They must have forgotten what they have said earlier that this crappy game is just a bluff. Di ba sila marunong manindigan?

"You must expect hostages in a death game. There's no turning back dahil hawak ko ang buhay ng pamilya niyo. Just imagine that you're inside the Red Room." napahikab na lamang ako habang ang mga kasama ko sa loob ay nangingiyak na sa takot ngunit may ilan parin na hindi naniniwala dahil yun ang gusto nilang paniwalaan. Di ko na kailangan magparticipate dahil sa simula pa lang ay wala ng buhay ang pamilya ko. Bumalik ulit ako sa inuupuan ko at inilabas ang cellphone. Napangisi na lamang ako ng mapagtanto kong walang signal. Pinaghandaan pa talaga.

"Anong gagawin natin? Totoo ba ang sinasabi nung lalaki?"

"H-hindi ko rin alam"

"Wag kayong magpanic. He just was challenging us, we must cooperate!"

"HAHA. Don't be fooled. All he said was nonsense"

I glared at the guy who said nonsense. Tignan lang natin if nonsense parin sayo ang mangayayari sa'yo at sa pamilya mo. Gusto ko mang tulungan silang lahat ngunit di parin saklaw ng abilidad kong pigilan sila na gawin ang gustong mangyari ni Litmus. Wala silang magagawa dahil may mga hostage si Litmus mula sa labas. Naiintindihan ko na kung bakit ganun ka delikado si Litmus dahil ganito pala siya kung pumapatay ng tao. Dinadaan niya lang sa laro ang lahat at naiintindihan ko na rin kung bakit malinis pumatay si Litmus. Hindi siya ang pumapatay kundi ang ibang tao ang gumagawa para sa kanya. Katulad ngayon he is wise enough to pull something like mutual killing. Subalit may tanong parin na bumabagabag sakin. Bakit nasali ako dito na wala namang may mawawala sa akin? Subalit di parin garantiyado ang kaligtasan ko kung may isa man sa mga estudyante rito na desididong patayin ako pag nagkagipitan na.

"Still shocks aren't you? Haha. You must be tired of waiting then let's start to Mr.Uy" Napaatras naman ang lalaking nagsabi kanina lang ng 'nonsense' at mukhang nararamdaman niyang di niya magugustuhan ang susunod na maririnig. He is Richard Uy, the representative of Grade 10.

"Classroom of Truth starts, if you tell a lie to me then this child will die" napaluhod naman sa gulat ang lalaki. "P-Papa t-tulong. May malaking ahas s-sa harap *weep* k-ko. Natatakot n-na ako p-papa *weep*" Nakakapangilabot ang naririnig namin. Nagsusumamong bata para iligtas ng kanyang ama. Bigla naman napatakip ng bibig ang iba at pinipigilang maiyak at ang ilan naman ay nagsisigaw na sa takot. Sinubukan naman ng mga kalalakihan na sirain ang bintana ngunit gawa ito sa bakal.

"Mr.Uy, sagutin mo ng maayos ang tanong ko at siguraduhin mong gagawin mo ang pag-uutus ko kung ayaw mong ipapasok ko ang alaga kong sawa sa kulungan kasama ang pinakamamahal mong anak." Napasigaw at naiiyak naman si Uy tsaka nagmamakaawang wag idamay ang bata.

I tried to be composed but I couldn't forget the weep of an innocent child. It reminds me of my past but I choose to forget it. It must be hidden forever inside the Pandora box.

Medyo nararamdaman ko ang pagaalala ni Uy sa kanyang anak. Naiirita ako pag nakakakita ng mga ganitong sitwasyon, this is getting on my nerves. Mukhang mahihirapan talaga akong pigilan sila sa di dapat pwedeng mangyari. This is too much. Litmus really knows how to ripped people's emotion. This is bad. People who have been hurt emotionally could kill somebody without hesitation just to save what's important to them. Ayoko mang aminin ay makakaya ko ring pumatay para lang maprotektahan ang mga minamahal ko sa buhay.

"Here's the question Mr. Uy. Sino ang matagal mo ng mahal?"

Napamura naman ako sa tanong. Kaseryosong sitwasyon ngunit nagawa pang magbiro ang loko. Gago ba siya? Buhay ng bata ang nakasalalay dito hindi aso.

"Jaime" napalingon naman si Uy sa dereksyon ng babaeng nakabraid ang buhok. Napanganga naman ang babae sa gulat. Sino ba namang hindi magugulat na matagal na pala siyang mahal ng isang lalaking may sarili ng pamilya.

"Pingpong! Correct!" Napahinga naman ng maluwag si Uy "Then here's the command. Open the big box at your left side and check my gift to all of you"

Mabilis namang sinunod ni Uy ang utos sa kanya at kaagad na binuksan ang malaking kahon. After a minute ay nagawa niya na itong buksan at nakita ang iba't-ibang klaseng sandata. Mukhang alam ko na ang susunod na mangyayari.

"Get one weapon and kill Jaime with your own hands Mr. Uy"