webnovel

New Friends!

ATHENA

Una na akong pumasok sa loob at ramdam ko naman ang presensiya niya sa likod ko. Marami na namang nakatingin sa akin pero hindi ko ipagkakailang marami ring nakatingin sa kaniya. Napapairap na lang ako pag may nakikita akong halos mangisay na dahil sa kaniya. May mga halos mahimatay na rin sa kakatili.

Sana sumakay ka sa motorbike niya, paniguradong mahihimatay ka talaga!

But on the second thought, wag na lang pala. Ano akala niya papayagan ko siyang sumakay doon? In her dreams! Kahit halos ikamatay ko na ang pagsakay doon ay ako lang ang pwedeng sumakay na babae sa motorbike niyang yun!

Ako ang fiancée kaya hanggang tingin lang sila.

Ng marating ko ang classroom ay nakita ko si  ang Prof. namin na nagtuturo na. Nalate pa ako!

Unang pumasok si Cyril. Naagaw naman niya ang atensiyon ng lahat. At ayan na naman ang mga mata ng mga kaklase ko na halos kuminang na. Nakakadiri sila!

"Excuse me Sir, he's new here. Siguro naligaw lang kaya late" biglang sabi ni Alexa kaya nilipat ni Prof. ang tingin sa kaniya. Agad na tumaas ang kilay ko sa sinabi niya. Aba!! Nagpapa impress! Bida bida! Tinignan ulit ni Prof. si Cyril saka tinanguan at sinenyasang pumasok na.

"Ms. Lee" banggit niya sa surname ko. Bored ko siyang tinignan.

"Yes?" bored ko ring sagot. Agad namang sumama ang timpla ng mukha niya sa sagot ko.

"Why are you late?" tanong niya. Bat siya nagtatanong!? Pag ba siya ang nalalate, tinatanong ko siya?

Nagkibit balikat lang ako at pumasok na. Napailing siya sa inasta ko. Malamang sanay na sila sa ugali ko. Sa tagal ko ba naman sa University na 'to.

"You're really savage!" sabi ni Lenia na nakaupo sa likuran ko.

"I know" sagot ko lang sa kaniya na ikinailing rin niya.

Tsk!

"Okay, class, four students will transfer here from different schools. I expect that all of you will treat them well. Please introduce yourselves" sabi ni Prof. Nacurios naman ako kung sino yung mga transferee.

Napatingin ako sa dalawang babae at dalawa ring lalaki na pumasok. Naka-uniform na sila and bagay sa kanila yun. They look fine and I don't hate there auras.

"Hi everyone, my name is Margarette Alvarez but you can call me Gary" sabi nung unang babae. Mukhang bubbly siya.

"Joana Hermosa but Joan is fine" sabi naman nung katabi niya. Mas mukhang seryoso siya kaysa doon sa nauna. I'm not gonna lie, they're beautiful.

"Michael Garcia" seryosong sabi nung lalaki. Gwapo siya at matangkad. Maputi rin siya pero ang cold ng aura niya. I remember Cyril at his expression when I first met him. Ganyan din ang expression niya.

"Hi girls! Christian Hyo here!" nakangiting sabi nung isa pang lalaki sabay kindat kaya napatili ang girls. Playboy? Positive.

"Please choose your seat and wait for your next teacher" sabi ni Sir at lumabas na.

Mayroong bakanteng upuan sa left and right ko kaya doon umupo yung dalawang babae.

"Hi" sabay nilang sabi pero mas bubbly yung pagkasabi nung isa.

"Joan nauna ako" sabi nung bubbly. I think Gary yung name niya.

"Anong nauna ka!? Sabay lang kaya tayo" sabi naman nung Joan.

"Hey" sabi ko sakanila. Baka kasi mag away pa sila sa harap ko.

"Can we be friends?" tanong nung Joan. Friends? Not sounds bad...

"Yeah, can we be friends, Jade?" sabi naman nung babaeng bubbly. Wait, how the hell did she know my name?

"How the hell did you know my name?" tanong ko sa kaniya. Natatawa niya naman akong tinignan.

"There oh! Sa nameplate mo" sabi niya at tinuro ang nameplate ko. Wooh! I like them. I think magkakasundo kami.

"Jade! I hate you!" biglang sulpot ni Lenia. Kumunot ang noo ko sa sinabi niya.

"Problema mo?" nakataas ang kilay na sabi ko.

"You're making friends without me!" pag iinarte niya. Inirapan ko naman siya.

"To formally introduce, I'm Jade and this is Lenia" sabi ko sa kanila. Agad namang kumaway si Lenia sa kaniya. I can already sense noisyness! Mukhang mag gugulo ang buhay ko.

"Hi!!" tuwang tuwa na sabi ni Lenia kaya napangiti yung dalawa.

"Hi! I'm Joan" banggit ni Joan at kumaway rin.

"And I'm Gary" again, bubbly na pagpapakilala ni Gary.

"So? Friends?"

"Frien-"

What the hell?!

"Nice to see you again bro!!" sigaw ng isang lalaki na nakapagpatigil sa amin. Tinignan naman namin yun at siya yung playboy na transeferre.

They are talking to Cyril. So, kilala pala niya si Cyril. Nakipag fist bump lang naman yung lalaking serious type kay Cyril. Sa kanilang tatlo? Yung playboy lang ang maingay at daldal ng daldal.

"Joan what is the name na nung lalaking cute?" tanong ni Gary kay Joan kaya naman napatingin kami sa kanya.

"Bat sakin mo tinatanong? Ako ba siya!?Itanong mo sa kanya ah" sagot sa kanya ni Joan. Wait! Bitchy? I like her! May class yung bitchiness niya!

"Ehhh kasi naman" pag mamaktol ni Gary. Kaya sinamaan siya ng tingin ni Joan.

"Itanong mo nga sa kaniya. Oh kung gusto mo kunin mo birth certificate niya para malaman mo" pambabara na naman ni Joan sa kanya. And that made me smile. 

"Hahaha! I like you na!!" natatawang sabi ni Lenia sa kanilang dalawa. Nakitawa rin naman ako sa kaniya. At ngiting ngiti naman si Gary.

"Your bitchy!" sabi ko at itinuro pa si Joan.

"Is that a compliment??" tanong ni Joan kaya nginitian ko siya.

"Of course! That is a compliment" sabi ko sa kaniya. Tinitignan naman ako ng mga kaklase ko. Maybe hindi sila sanay na nakikipagkaibigan kaagad ako.

Wala akong pinansin sa kanila pero may isang tao akong nilingon.

Guess who?

Si Alexa, who's glaring at me. Duh!? Inggit much!? Imbes na irapan o taasan ko siya ng kilay ay iba ang ginawa ko. I gave her my most bitchiest smile. At dahil doon ay halos patayin niya na ako ng tingin pero kinindatan ko pa siya. Mamatay ka sa galit sa akin.

Binalik ko ang tingin ko kila Lenia ng may ngisi sa labi. Nag usap usap lang kami ng dumating na si Ma'am kaya umayos na rin kami ng upo.

Ng matapos ang klase ay inayos ko na ang gamit ko at lumapit kila Gary na naghihintay na sa akin sa labas.

"Tara na sa cafeteria" sabi ni Lenia. Paalis na kami ng harangin kami nung transferre na lalaki. Yung playboy. Flirty allert!

"Hi girls" sabi niya at kumindat pa talaga. Tinaasan ko siya ng kilay. Kinagwapo niya ba yun? Hindi naman! Akala niya ba attractive yung pag ganyan ganyan niya?

"Hi I'm Gary, how about you? What's your name?" sabi ni Gary. Siguro ito yung sinabi niyang cute kanina. Well, not bad. But still mas gwapo parin si Cyr- Joke lang pala! Mas gwapo pa si Papa!!

"I'm Christian" sagot nung Christian raw at inilahad ang kamay kay Gary. Tinanggap naman yun ni Gary at nakipag shake hands.

"Okay, pwedeng mamaya na yang introduction niyo sa isa't isa" naiinis kung sabi at pinaghiwalay ang kamay nilang dalawa. Sumimangot naman si Gary.

"Jade naman eh!!" sabi niya na inirapan ko lang.

"Nagugutom na 'ko. Mas mahalaga yung pagkain ko kaysa sa inyo" sabi ko at maglalakad na sana ng may narinig akong ikina bwesit ko!

"Kailan ka ba hindi nagutom?" bulong ni Cyril. Grabe!! Bumulong pa siya eh narinig ko rin naman. Sana pinagsigawan niya na lang.

"May sinasabi ka Cyril?" sabi ko sa kanya habang nakapamewang at nakacrossed arm at nakataas ang kilay. Akala niya nakakalimutan ko yung halos pagpatay niya sakin kanina. Though he say sorry. Pero kahit na!

"Teka!!! What did you just called him?" tanong ni Christian. Oo nga pala. He hates it when someone called him that way.

"Why would I repeat? Masyadong mahalaga ang mga words ko so I'm not repeating it" pagtataray ko sa kaniya. Mukha namang nagulat siya.

"Wooohhhh! You're hot! I lik-" hindi niya natapos ang sasabihin niya ng magsalita si Cyril.

"Shut the fuck up!" malamig na sabi ni Cyril. Is he coming back? Bumabalik ba yung Cyril na una kung nakilala?

"Easy bro!!" natatawa niyang sabi at nakasurrender ang kamay. Tinignan siya ni Cyril ng masama pero mas lalo lang siyang natawa. Hindi man lang ba siya natakot kay Cyril? Maybe matagal na silang magkakilala.

"Would you mind if we join you?" tanong ni Christian sa amin.

"Ye-"

"No! Of course not! We don't mind" pagputol sa akin ni Gary. Anong we don't mind!? Siya lang naman ang may gustong makasama ang playboy na 'to.

"Okay then, let's go" sabi niya at inakbayan si Gary. Nauna na silang naglakad. Sige lang! Tignan natin kung alam niyo ang papuntang cafeteria.

Umalis naman sa pagkakaakbay si Gary at lumapit sa amin.

"Umm..Jade saan nga pala yung cafeteria?" napairap ako sa sinabi niya. Yan! Puro kasi landian!

"Puro kasi kayo harutan. Tara na nga, just follow me" sabi ko at nauna ng naglakad. Sumabay naman sa akin si Lenia. Sumunod naman yung iba. Si Christian at Gary naghaharutan. Si Joan naman at Michael ang tahimik. At si Cyril ay may kung anong kinakalikot sa cellphone niya.