webnovel

Chapter 18: Side to Side

Jennifer's Point Of View.

Pagkatapos namin mag-usapusap ay umuwi na rin si Edrian saglit lang siya sa bahay dahil may message siyang natanggap sa kanyang selpon, napaka importante raw.

"Sayang anak, at hindi siya tumagal rito," saad ni mama, mukhang ikaw yata magdadala sakin sa kapahamakan.

Edrian's Point Of View.

He called me, why? Alam niyang nasa bahay ako ni Jennifer, is he planning something? Then I won't let that happen. Nakapunta nako sa bahay, nakita ko si Dad na nakaupo sa sofa. I smirked, I knew.

"Sitting ha? How wise." wika ko.

"Thanks for ur complement, I am just a smart person."

"Ano ba gusto mo?!?! I will give u what u want? U can't dare me to do that, malaki na ako at kaya ko ng lumaban, tandaan mo 'yan. I'm not that little kid anymore, this is the new me."

"Oh yeah I can't force u, I'm just a guider and ur my boss? That's totally arrogant."

Hindi na ako sumagot at lumakad nako pero nag-iwan ito ng kataga.

"Remember, I'm ur father this is my last wish goodbye," tumayo ito at inunahan akong maka-alis.

I dare not to talk because it was true. Pupunta sana ako kina Jennifer pero pumunta na lang ako sa kwarto ko, and locked up my self alone. I'm so sick of my situation, hindi ko alam kung tama ba 'tong ginagawa ko, but this is for love so I must try. And accept the result by all my heart.

My father used to be loving and caring, but now he seems different because of that girl. Gusto ko siyang sumaya pero paano naman ako? I will be happy on..... nothing.

Hell as f*ck, my hearts says I should fight. Destined or not at least I tried, but someday I hope that the girl I want will loved me too. I'm not expecting too much from her I'm just by myself my feelings are safe, aware of what will happen soon.

Maaga akong nagising at pumunta sa school, ngayon kailangan ko maghanap ng masasakyan ganito naman palagi ang araw ko. Habang naghihintay ako may narinig akong busina ng kotse sa bandang gilid kaya tinignan ko ito, pamilyar sa akin 'yung sasakyan, kay Sir ba 'to?

Binuksan niya ang kanyang bintana, tama nga si Sir talaga.

"Ihahatid na kita,"

Parihas lang naman 'yung pupunta namin dapat makisabay kana sakin, diba? Sumakay nako ano pa ba magagawa ko kung may malasakit 'yung tao sakin. Tahimik akong nakaupo, habang si Sir ay tahimik na nagmamaniho.

"May sasabihin ka?" tanong ni Sir.

"Wala naman, baka ikaw." pinasa ko talaga sa kanya.

"Wala akong sasabihin," ani nito, edi wow.

"Okay, ako rin wala,"

Ayon balik kami sa katahimikan, nakarating na kami sa school at bumaba na rin ako. Buong biyahe tahimik, may inaasahan pa naman ako.

"Wait Jennifer,"

"Ano po 'yun?"

"L-

Naputol ang sasabihin ni Sir nang biglang sumapaw si Edrian, nakangiti ito sa akin at sinuklian ko rin siya ng ngiti.

"Tara na Jennifer,"

Feeling ko tuloy parang may nagmamasid ulit sa akin ngayon, sino na naman ang taong ito? Hindi ba 'to si Scott?

Jennifer's Point Of View.

"Tama na 'yan," Kailangan ko talaga sila ilayo sa isa't isa, hindi ko rin alam kay bakla kung bakit ganito asta niya kay Edrian dahil ba 'to sa rejection? Kaya kung ano² ang paandar na ginagawa niya? Napatigil kaming lahat dahil pumasok na si Sir.

"Good Morning Class,"

"Good Morning Sir,"

"Bukas wala tayong pasok because it's holiday right? Jennifer," tinawag niya ang pangalan ko kaya sinagot ko ito, "Ano po 'yun?" tanong ko, "Go with me tonight," saad nito, pwede naman niya sabihin sakin in private pero bakit kailangan pang marinig ng lahat?, "A-ahh, Sir bakit naman po?" tanong ko kahit maraming nakatingin sa amin. Kita ko rin ang mga tingin nila princess mukhang makikipag-away sa akin pagkatapos nito.

"Don't u remember?", oo nga pala may utang ako sa kanya bilang kapalit kailangan ko 'to gawin, nagpapasalamat naman ako sa malasakit niya kahit lang 'to maibigay ko lang sa kanya, "Okay Sir!" agad akong ngumiti biglang may binulong sakin si patrick ng inalis ni Sir ang tingin sa akin, "Ano 'yan may sekreto kayo sa isa't isa?" sabay tingin sa mga mata ko, "W-wala bakit mo naman nasabi?", syempre kailangan ko muna mag-pilosopo, "Jennifer...alam kung may tinatago ka may utang ka ba sa kanya na kailangan mong bayaran at ano naman 'yun??" ibang klase 'tong bakla na 'to parang imbestigador.

"Ganito kasi 'yun," lumapit muna ako sa tenga niya parang ibulong lahat ng hindi naririnig ng iba, sinabi ko sa kanya lahat imbes na magulat kinilig pa ang impakta.

"Totoo? Ano 'yan love story?? Kinikilig aketch eh," with hampas effect sa akin, binalik ko ang tingin ko kay Sir dahil baka pagalitan pa ako dahil sa hindi ako nakikinig sa discussion.

Lunch.

Kumain kami ni patrick sa canteen habang si Edrian ay nagpaiwan sa room namin dahil may gagawin raw siya, lumapit bigla ang kampon ni satan na si Princess galit itong tumingin sa akin matching kilay taas. "So nilalandi mo pala si Sir, ano 'yung don't u remember? Sabihin mo sa akin baka masuntok kita riyan," anong akala niya takot ako sa kanya? Lalaban ako, "And ano naman?" tanong ko at agad na tumayo, "Ang lakas ng loob mong sabihan ako niyan, baka gusto mo ulit ng away pagbibigyan kita," wika nito, maraming nakatingin sa amin na tao pero mas nakakahiya tignan ang sarili ni princess nakakahiya masdan, "Malakas talaga ang loob ko, alagang Sir Reymark kasi," biro kung saad sa kanya na mas ikinagalit niya pa.

Mas nagalit ito sa sinabi ko, agad siyang sumuntok pero hindi niya ako natamaan hindi ako mahina para magpatama sa kanya ng basta-basta.

"Ganito ka ba lumaki? Naging mahina? Kawawa ka naman ganyan kasi ang mga asta ng mga hindi inalagaan ng maayos," sabay lakad nilagpasan ko ito pero bigla niyang hinila ang buhok ko sa likod, agad kung hinawakan ang kanyang kama at binali ito,

"Ouch! Jennifer!?!?!?! A-ang...sakit!" saad niya, hindi ako naaawa.

"Tandaan mo ang araw na 'to kung uulit ka pa hindi lang 'to ang aabotin mo," tuluyan nakong lumakad hindi na ito pumalag dahil sa sakit na ginawa ko sa kanya, siya nag-umpisa kaya dapat ako ng tumapos. Biglang nagsalita si Patrick, kanina pa 'to hindi nagsasalita tiningnan niya lang ako habang may kaaway, "Hindi mo man lang ako tinulungan," parinig ko sa kanya, "Alam kung kaya mo 'yan beng, kaya nga hinayaan ko lang kayo," wika nito, talaga ba? Ganito kana pala mag-isip akala ko noon hindi ka marunong mag-isip, time changes talaga.

"Ganyan kana mag-isip ha,"

"Ayos ba? Parang matured diba?? Pumunta kana sa office ni Sir,"

"Bakit?"

"Pinapatawag ka, sige na go na."

"O-ok," ngayon ko lang nalaman ang ganitong ugali ni patrick.

Naglakad ako papunta sa office pero agad kung nakita si Scott sa hagdan na nakatayo kaya nagsalita ako.

"Sino hinihintay mo?" tanong ko.

"Si Martha,"

"Ahh, sweet niyo naman." sabi ko at agad na lumakad pero bigla itong nagsalita.

"Ikaw saan ka pupunta?"

"Sa Office," saad ko habang nakatingin sa kanya.

"Okay, pumunta kana."

"Sige bye muna," kumaway ako sa kanya at naglakad na talaga papunta sa office ni Sir. Papasok sana ako sa pintuan pero may narinig akong usapan, sinilip ko ito kung sino ito, nakita kung si Martha pala. Ano kaya pinag-uusapan nila? Teka naghihintay si Scott sa baba dahil ba sa narito si Martha. Bigla akong nagulat sa ingay mula sa office ni Sir mukhang may nabasag ng kung ano, nag-aaway ba 'tong dalawa na 'to? Nagsunod-sunod 'yung ingay, gusto kung pumasok sa loob pero bigla may yumakap sa akin ng patalikod, iba ang pakiramdam ko sa taong 'to, parang bumabalik 'yung dati.

Hindi parin ito bumitiw sa pagkakayakap sa akin, itutulak ko sana siya pero bigla itong nagsalita.

"Jennifer....." that voice, 'wag mong sabihin ang taong nakayakap sa akin ngayon ay si Scott? Bakit ba niya ako niyayakap? Kulang ba 'to sa aruga?, "Bakit mo'ko niyayakap? Sorry pero hindi ako si Martha," saad ko sa kanya, "Tinawag ko ang pangalan mo, kaya alam kung ikaw si Jennifer," Oo nga pala tinawag nga niya pala ang pangalan ko mukhang nabingi yata ako. "Tapos? Hindi ka bibitiw?"

"Hindi ka dapat pumasok sa kwarto na 'yan, u only get hurt if u try to enter." anong sinasabi ng lalaki na 'to? Masasaktan? No way.

"Pano mo naman nasabi? Nagbibiro na naman 'to 'wag mokong subukan hindi ako nagpapa-uto sige na," papasok nako sa loob pero niyakap niya ulit ako, anong ba nangyayari kay Scott umiba yata 'yung attitude.

"Ano ba Scotr may gagawin akong importante sa office, nasisiraan kana talaga 'wag kang mag-alala narito si Martha-

Hindi ko natuloy ang sinasabi ko dahil napaisip ako ng isang bagay.... Si Sir at si Martha? Sila ba 'yung nag-aaway!?!? Pwersahan kung inilayo si Scott sa pagkakayakap sakin at pumasok sa loob halos malaglag ang puso ko sa aking nakita.

"S-sir..."

Is this real? Nangyayari 'to sa akin bakit ako pa!!?!?! Hindi ko kinaya at agad akong lumabas gusto kung umiyak, humanap ng isang lugar o sulok para iyakan ko. I just can't accept the fact, parang nawawalan na ako ng trust issues dahil sa nakita ko.

"I told u, masasaktan ka lang pero hindi ka nakinig sa sinabi ko," wika ni Scott, "Mas maganda ang masaktan para mahismasan, this time natutunan kung hindi muna magtiwala sa kung sino man," this incident made me feel of not having a trust issues, I don't trusted everyone na! They hurting me or us, that's why I.....

Feel Sorry, that kiss is that really true? May relasyon ba silang dalawa na hindi ko nalalaman kung ganon nasasaktan rin ngayon si Scott why did he act like nothing happens?

"Thinking about earlier," sabi niya habang nakatalikod, "I don't love her, I do not care who she chooses, what's important for me is the contract," namilog ang mata ko sa narinig ko.

"Anong ibig mong sabihin arranged marriage? Diba sabi nila mahal niyo raw ang isa't isa," sa sandaling ito napatigil ako sa pagiyak dahil sa nalaman kung katotohanan mula sa kaibigan kung si Scott.

"That's a fake news, siguradong pinagplanohan ng mga parents namin ang rumor na 'yan,"

"Bakit hindi ka lumaban? Ganyan ka bang aso na nagpapasunod sa iba Scott, hindi 'yan ang pagkakakilala ko sayo, u seems indifferent of what I thought of u."

"Hindi sa lahat ng oras magpapakasarili tayo mayroon rin tayong resposibilidad bilang isang anak, 'yun ay ang sumunod sa utos nila,"

"Oo tama ka, pero iba naman 'yan they controlled ur future hahayaan mo lang ba silang mag desisyon na ikakasira ng buhay mo? Remember, sometimes we should know a limit,"

"Don't mind my own life just mind urs, don't ever think that he will come back i know that they have a past relationship they just get separated because of me,"

"E-ex?" parang iiyak ako dahil sa narinig.

"Yeah, 3 years of relationship, ang lakas diba? Kaya may possibilidad silang magkakabalikan, alam kung gusto mo siya pero ako na nagsasabi kailangan mo ng lumayo,"

Masakit pero 'yan ang totoo, ano pa ba magagawa ko isa lang akong estudyante na walang alam habang siya napaka responsableng babae kaysa sa akin hindi na ako magtataka kung bakit magkakabalikan sila, is it time para maghanap na nang iba?

"Better back off Jennifer," ani nito, "Kailangan ko na maghanap ng iba 'yung hindi ako sasaktan at mamahalin ako nang buong puso," sabay pahid sa mga luha ko, "Mahirap maghanap ng ganyang lalaki, unless kung ako ang lalaking sinasabi mo," What did he say? I was shocked, dahil sa sinabi niya. He's just my friend, walang ganyanan. "Crazy, we're just friends," napahalakhak ito, "Even we're just friends, can't we be a couple?" hindi ko alam anong isasagot sa kanya pero alam kung mali ito, ayaw kung mauwi ang mga kaibigan ko sa ibigan.

"Baliw, ayan ka na naman sa mga paandar mo hindi na nakakatuwa," reklamo sa kanya, kanina umiiyak ako ngayon parang naging normal napatawa lang ako ng kunti.

He immediately push me in a wall, then he stared at me like he is observing something in my face. Bakit niya ba 'to ginagawa alam naman niyang nakakailang ang gawin na 'to. At isa pa babae ako kaya normal na mamula ang mukha ko sa ginagawa niya ngayon.

"Do u really think that I'm just joking around, sh*t Jennifer! Believe me this time!"

"What do u mean? Wala akong ginagawang biro rito,"

"Can u be my girlfriend?"

"A-ano? Nasisiraan ka na ba. Alam mong may asawa kana," bago ko 'yun sinabi syempre gulat na gulat ako.

"She cheated, so I will do the same."

"Don't be childish Scott, kung may ginawa man siyang mali hindi ibig sabihin non gagayahin mo rin sila,"

"Just think about how they cheated wala ka bang nararamdamang inis sa nakita mo? Revenge? Wala ba?"

Kanina Oo naramdaman ko 'yun, kaya nga nasabi kung maghanap ng iba pero hindi ko sinabing gumamit ng tao.