webnovel

KANAGAWA'S ACE PLAYER

So this is my first time na gagawa ng fanfic about my favorite Anime Slam Dunk. Isang player doon ang bumighani sa puso ko at winiwish ko na sana totoong tao na lang siya. Hahaha AKIRA SENDOH kilala bilang "Ang Henyo sa Basketball" or "Ang Player na mataas ang Kalibre". Siya ay naglalaro sa koponan ng Ryonan. Siya ang Ace Player. SOBRANG GWAPO NIYA AT NAPAKAGALING MAGLARO. Magaling din kaya siya bumighani ng puso? SABAY SABAY NATING ALAMIN! I do not own some of the Characters of this Fan Fic. Some are from the Manga itself. Credits to Takehiko Inoue. Anyway. I just wrote this to give joy to Slam Dunk Fans. Hope you enjoy Reading

IzzaAlvaro07 · Komik
Peringkat tidak cukup
10 Chs

CHAPTER THREE

Saturday....

"SA WAKAS! MAKAKALABAN NANAMAN NATIN ANG RYONAN! MATATALO NA KITA SENDOH!" Sigaw ni Sakuragi habang nasa Tren sila papuntang Ryonan.

"Wag kang maingay Hanamichi!" Pagbawal naman ni Miyagi sa kanya.

"Bakit ba napakapapansin mo? Gung gong" Pag irap naman ni Rukawa sa kanya.

"Anong sinabi mo? Palibhasa kase Panis ka kay Sendoh!" Pang-aasar ni Sakuragi sa kanya.

Nang hindi niya inaasahan kinotongan na siya ni Akagi.

"WAAAAAH! BUKOL AGAIN. GORI NAMAN!"

"Masyado kang mayabang! Hindi basta basta matatalo si Sendoh. Sa lahat ng Team, masasabi ko na siya ang Ace player ng lahat ng team." Pagpapaliwanag ni Akagi kay Sakuragi.

"Nung nakaraan, 47 points ang nagawa niya sa practice game. Freshmen pa lang si Sendoh non. Ibang klase siya maglaro. Siya ang player na may mataas ang kalibre." Dagdag naman ni Kogure.

Subalit hindi naman nagugustuhan ni Rukawa ang mga nariririnig niya. Dahil determinado siyang talunin si Sendoh at maging pinakamagaling na player sa buong Japan.

"Nga pala Sakuragi! Bat hindi natin kasama si Izza? Sayang naman gusto ko sana makita niya tayo maglaro at makipaglaban sa ibang team lalo na sa Ryonan." Sambit ni Mitsui.

"Bakit ba hinahanap mo yung kapatid ko? Baka nga nauna na siya doon. Hindi niyo alam, labag sa kalooban ko.. Pero doon siya gusto mag enroll ng mama namin" Paliwanag ni Sakuragi.

"Ano?? Mag-aaral siya? sa Ryonan?!" Sabay sabay na tanong nila.

"Nakoooo! Ang saklap naman non. Hindi niya tayo masusuportahan kung Ryonan ang school niya." Pag-aalalang sabi ni Mitsui.

"Paano kung pormahan siya ni Sendoh? Palagay niyo ba interesado sa babae si Sendoh?" Tanong ni Miyagi na nagpukaw ng atensyon ni Rukawa.

"Walang nakakaalam kung ano ang tipo ni Sendoh sa babae. Pero alam kong mabait siya sa lahat ng mga tagahanga niya. Pero balita, na kahit isa sa mga yon, wala siyang niyaya mag date." Kwento ni Kogure.

"HINDI NIYA PWEDENG PORMAHAN SI IZZA." Sabi ni Rukawa na may pang gigigil sa mga mata niya.

"Relax ka lang Rukawa. Gusto mo siya? Kapatid ni Sakuragi?" Tanong ni Ayako.

"Si Izza. She's my type." sagot na ikanagulat nilang lahat.

"ABA. DI AKO MAKAKAPAYAG DIYAN! IKAW? MAGIGING JOWA NG KAPATID KO? NEVAAAAAH! BAKA BUKULAN KITA DYAN RUKAWA!" Pasigaw na sabi ni Sakuragi.

"Nako. Wag naman kayo dito mag-asaran. Pinagtitinginan na tayo ng mga tao oh." Pag-aawat ni Kogure.

"Ano naman ngayon kung kapatid ka niya Sakuragi? wala akong pakelam sayo. Gunggong!" Sagot ni Rukawa habang nakatalikod kay Sakuragi.

"ULITIN MO NGA SINABI MO! LAYUAN NIYO KAPATID KO AA. KAYO NI MITCHI! SAMA MO NA YAN SI SENDOH KUNG SAKALI! KAKALBUHIN KO KAYO EH!" Gigil na sabi ni Sakuragi.

"Manahimik ka nga Hanamichi. Bakit ba napakalasubas mong magsalita?" Sambit ni Miyagi.

"TAMA NA YAN! NANDITO NA TAYO. ITUON NIYO ISIP NIYO SA LARO!" Pagbabawal naman ng Team Captain na si Akagi.

----

Meanwhile.. Ryonan's Gym.

"KOSHINO! ANO BA? DADATING BA YANG SI SENDOH?! DI BA NIYA ALAM NA IMPORTANTE ANG PRACTICE GAME NA ITO?!" Sigaw ni Coach Taoka.

"Hikoichi. Tawagan mo na si Sendoh. High blood na si Coach. Ayokong maparusahan na naman tayong gumawa ng isang daang free throws." Bulong ni Ikegami.

"Tinatawagan ko naman eh. Hindi lang nga sumasagot." Sagot ni Hikoichi.

Maya't maya pa ay dumating na sila Coach Anzai at ang team ng Shohoku.

"Magandang umaga po. Nandito na po kami!" Sabay sabay na bati ng Shohoku Team.

"Coach Anzai. Kinagagalak namin na pinagbigyan niyo ulit kami sa imbitasyon na ito." Sambit ni Coach Taoka.

"Sakuragi!" Pagbati naman ni Hikoichi.

"Hikoichi! Long time no see! Kamusta ka na aa?" Tanong ni Sakuragi. Nang biglang lumapit si Uozumi.

"ABA. NANDITO KA PA RIN PALA BAKULAW. AKALA KO NAG RETIRE KA NA EH!" Sabi ni Sakuragi.

"WALA TALAGANG PAG GALANG SA NAKAKATANDA ANG ISANG ITO!" Pagalit na sabi ni Uozumi.

"Wala akong panahon sayo Bakulaw. Hikoichi! Asan ba si Sendoh ha? bakit parang di ko siya nakikita ha? Natatatakot ba siya matalo ha?" Tanong ni Sakuragi.

"Ano? si Sendoh? Takot matalo?! Siraulo ka talaga!Wag mo ngang minamaliit ang Ace Player namin! Sumosobra ka na ah!" Sabi ni Koshino.

"Wag ka ngang sumali dito panget!" Panlalait naman ni Sakuragi kay Koshino.

"Nasaan nga ba kase yang si Sendoh?" Tanong ni Ikegami.

"Lagi namang late yun eh" Sambit ni Hikoichi.

"Di na nagbago." Dagdag pa ni Uozumi.

"Nandito na ako!Good morning!" Pagbati ni Sendoh.

Napatingin ang lahat sa kanya.

"DI KA NA NAGBAGO! LATE KA NANAMAN SENDOH! ILANG BESES BA DAPAT MANGYARI ITO AH! NAKAKAPIKON KA NG BATA KA!" Pagbati naman ni Coach Taoka sa kanya.

"Sa lahat ng Ace Player. Itong si Sendoh ang hindi natatakot sa sermon ng Coach nila." Sambit ni Miyagi.

Napapiling na lamang ang mga players ng Ryonan.

"At least. Kahit late siya, maaasahan pa din naman." Pagtatanggol ni Koshino.

"Sorry na Coach. Pasensya na" Pangiting sabi ni Sendoh.

"Sendoh. Wala ka nang oras mag warm-up, maglalaro ka the whole game." Sabi ni Uozumi habang sinusuot ni Sendoh ang Jersey niya.

"Okay lang captain. Nag jogging na din naman ako." Sagot ni Sendoh.

"Sige. Laro na." Ngiting pag aya ni Sendoh. Nang bigla siyang lapitan ni Sakuragi.

"May pa dramatic entrance ka pa! Tatalunin din naman kita!" Sabi niya.

"Hindi ka pa din nagbabago. Sige ha. Pagbutihin mo paglalaro Sakuragi." Sabi ni Sendoh at nakipagkamay siya dito.

"Makikita mo. Ako ang tatawaging Henyo. Hindi Ikaw." Paghahamon ni Sakuragi.

-------

Izza's POV:

Haaaaay. pinagsama nga kami ni Kuya. Na enroll naman ako sa ibang school. Guess What. Ryonan High School. Ibig sabihin ba nito makikita ko doon yung lalakeng nakasalubong ko? si Akira? Hmmmm. Kasama kaya siya sa basketball team?

Ayy Oo nga pala! Nakalimutan ko. May practice game ngayon sila Kuya kalaban ang team ng Ryonan. Gusto ko mapanood maglaro si Kuya kaya lang marami pa akong dapat asikasuhin. Haaaay. Sana makapanood din ako ng laro nila minsan.