webnovel

KANAGAWA'S ACE PLAYER

So this is my first time na gagawa ng fanfic about my favorite Anime Slam Dunk. Isang player doon ang bumighani sa puso ko at winiwish ko na sana totoong tao na lang siya. Hahaha AKIRA SENDOH kilala bilang "Ang Henyo sa Basketball" or "Ang Player na mataas ang Kalibre". Siya ay naglalaro sa koponan ng Ryonan. Siya ang Ace Player. SOBRANG GWAPO NIYA AT NAPAKAGALING MAGLARO. Magaling din kaya siya bumighani ng puso? SABAY SABAY NATING ALAMIN! I do not own some of the Characters of this Fan Fic. Some are from the Manga itself. Credits to Takehiko Inoue. Anyway. I just wrote this to give joy to Slam Dunk Fans. Hope you enjoy Reading

IzzaAlvaro07 · Komik
Peringkat tidak cukup
10 Chs

CHAPTER FIVE

Wednesday - Ryonan High School

Naglalakad si Izza papuntang locker niya. Nang biglang may lumapit sa kanyang lalake.

"Good morning!" Pagbati sa kanya ni Akira na hindi niya alam ay si Sendoh pala.

"Akira, ikaw pala" Ngiting sabi naman ni Izza. 

"Transferee ka hindi ba? Anong year ka na?" Tanong ni Akira.

"Freshman. Ikaw?" Tanong ni Izza.

"Sophomore. Welcome to Ryonan High School"  Ngiting pagbati ni Sendoh.

"Balita ko, Freaky Genius Girl ka daw? Totoo ba?" Tanong ni Sendoh. Tila nabigla naman ang dalaga na may alam sa kanya si Sendoh.

"Wag mo akong tawagin ganon, at isa pa.. ayoko na maging ganon pa ulit. Gusto ko maenjoy ang high school. No pressures." Sagot naman ni Izza. Napangiti naman si Sendoh.

"Kung ganon, tama pala na nakilala mo ako. Kapag kasama mo ako, mag-eenjoy ka talaga!" Pagtawa naman ni Sendoh at napatinigin sa kanya ang dalaga.

"Anyway, since brainy ka, I can't wait for you to sign up for that." Dagdag ni Sendoh habang tinuturo yung bulletin board to sign up for Scholastic Decathlon.

"Wala pa akong panahon diyan, mag cacatch up muna ako sa curriculum dito." Sagot ni Izza. 

"Sino yung babaeng yon? Bakit kasama niya si Sendoh?" Narinig naman ni Izza na bulung bulungan ng mga babaeng nadadaanan nila. Dahil doon, niyaya siya ni Sendoh sa library kung saan wala masyadong tao.

"Mahilig ka sa libro di ba? so ito pala ang Libary." Sabi ni Sendoh. Nagsmile naman sa kanya ang dalaga na mas lalo nag udyok kay Sendoh para samahan ito.

"Akira, may tatanong ako." Sabi ni Izza habang naghahanap ng librong babasahin.

"Kilala mo ba si Sendoh?" Nabigla siya sa naging tanong ni Izza, hindi niya inaasahan na bigla niyang itatanong ito. 

Sendoh's POV:

"Kilala mo ba si Sendoh?" Oo, kilala ko. Kilalang-kilala. Ako yun eh.

"uh, eh bakit mo naman siya biglang natanong sa akin?" Pagkukunwari ko. Gusto ko malaman kung bakit bigla niyang natanong si Sendoh. Isa na rin ba siya sa mga fan girls ko? Huwag naman sana.

"Wala lang, naririnig ko lang na usap-usapan siya. Naiirita ako eh. Noong nasa bookstore tayo, hinahanap siya. Tapos kapag naman nasa klase usapan siya ng mga babae. Hindi pwedeng hindi sila kikiligin or titii kapag pinag-uusapan siya. Gwapo ba yun? Ganun ba siya kagaling maglaro ha Akira?" Inis na tanong ni Izza. Nakakatawa naman. Kung alam niya lang na ako si Sendoh, masabi niya pa kaya ito sa harapan ko? Gusto ko ito. Mas lalo akong gustong makasama siya. 

"Kung gusto mong makilala si Sendoh, mahahanap mo siya sa basketball gym. Madalas siya doon." Sagot ko sa kanya.

"Wag na, hindi ako interesado." Hindi in-interesado? Ganun ba siya kainis sa akin?

"Bakit? kaya ba ayaw mo siya makita dahil baka mabighani ka din niya katulad ng ibang babae dyan?" Tanong ko at sa palagay ko nakuha ko ang kiliti niya.

"AKO? MABIBIGHANI NIYA? IBAHIN MO AKO NOH!" Inis na sabi niya. Nakalimutan niya ata na nasa library kami. Napatingin sa amin ang ilang students na naroroon. Humingi naman siya ng paumanhin sa ingay na nagawa niya. Ang cute niya talaga.

"Haaaaay. Hindi ko pa nga siya nakikita, may nararamdaman na akong hindi maganda, paano pa pag nagkita kami? Isa pa. Kung mabaet yun, hindi niya hahayaan maparusahan teammates niya dahil lang nale-late siya? Hindi porket magaling siyang player, eh paimportante na siya." Sabi ni Izza.

Ako? Paimportante? Masakit ang mga binitawan niyang salita ha. Gusto ko ito. Prangka. Haaay, pero Izza, kung alam mo lang, hindi ko naman sinasadya na malate talaga.

"Bakit hindi mo sabihin sa kanya yan pag nakilala mo siya. Hmmm. Natatakot ka ba?" Tanong ko.

"Hindi noh. Haaay, hindi lang talaga ako interesado sa kanya. Isa pa, mag-aaral na lang ako kaysa pa intindihin ko siya." Haaay Izza, ganito ka ba kahirap kumbinsihin?

"Siguro, iniiwasan mo talaga. Dahil baka kapag nakita mo siya, ma-love at first sight ka? " Sana naman pumayag na siya. Gusto ko na rin malaman niya na ako si Sendoh. Gusto ko na makilala niya ako, at mali lahat ang mga nalalaman niya sa akin.

"Ako? Mala-love at first sight sa kanya? Alam mo Akira! OO NA! OO NA! Sige na, panoorin na naten si Sendoh okay na?" Yes! Sa wakas! Nakumbinsi na din!

"Ayan ang gusto ko. Palaban." Pangiti kong sabi sa kanya.

"Okay. Ano oras ba? sasamahan mo naman ako hindi ba?" Tanong niya. Oo, syempre sasamahan kita dahil doon mo ako makilala ng lubusan.

"After afternoon class. 4PM. Kita tayo aa, dito sa library."  Pangiti kong sagot sa kanya. Sa wakas, makakapagpakilala na din ako sa kanya. Sana, hindi siya magalit sa akin.

"Okay. Deal. See you later, Akira." Sagot niya habang tumatayo. "Pasok na ako, baka ma late ako. Bye." Dagdag niya at lumakad na siya papalabas ng library.

Izza. You're driving me crazy. ..