webnovel

Kambal Tuko [TAGALOG]

Simula pa pagkabata ay makikita na ang malaking pagkakaiba ng magkakambal na sina Tina at Nana. Si Nana ay normal ang itsura samantalang si Tina ay may hindi pangkaraniwang kaanyuan na naging dahilan kung bakit naging tampulan ito ng tukso. Pero ng tumungtong si Tina sa legal na edad ay isang misteryo ang nangyari na nagbigay dito ng magandang kaanyuan. Dahil doon ay mas nadagdagan ang inggit ng kakambal nitong si Nana. At dahil din doon ay nalagay si Tina sa kapahamakan. Noong nawala si Tina ay nagsimula na rin ang misteryo na bumalot kay Nana at sa mga kaibigan nito. Gusto ni Nana na maitama ang lahat. Pero paano iyon gagawin ni Nana kung isa-isa nang namamatay ang mga taong nakapalibot dito at ito na ang isusunod? Book cover by: Shekina Grace Edited by: Elf King Publishing Editors

Jennyoniichan · Fantasi
Peringkat tidak cukup
23 Chs

CHAPTER 1

SA isang lugar sa Maynila naninirahan ang mag-asawang Andrea at Tony. Sila'y nakatira lang sa isang simpleng bahay, simpleng pamumuhay. Kabuwanan na ni Andrea ngayon. Ang sabi ng isang manghihilot ay isang babae ang anak nito. Unang anak ito ng mag-asawa kaya sabik na sabik ang mga ito.

Dumating na nga ang araw ng kapanganakan ni Andrea. Hindi maipagkakailang kinakabahan ang babae at ang asawa.

Sigaw ng sigaw si Andrea habang iniinda ang sakit na nararamdaman. Ang iniisip na lang nito ay ang magpakatatag para makita anak.

"Sige pa, Andrea, kaunting-kaunti na lang," pasigaw na sabi ng nagpapa-anak dito. Isang ire pa ay lumabas na ang anak ni Andrea. Pero... ang inaasahan ng mga itong isa ay dalawa pala!

"Ano 'yan?" pasigaw na tanong ni Andrea sabay kuha sa isang anak. Nakakapagtakang sabay lumabas ang mga batang ito. Kahit na kambal, may mauuna at mahuhuli dapat pero bakit sabay ang mga itong lumabas?

"Ilayo mo sa 'kin 'yan!" may bahid ng pagkadisgusto ang boses ni Andrea habang nakatingin sa walang kamuwang-muwang na isa pang sanggol.

"Andrea, anak mo rin 'yan, natin," sabi ng asawa nito, kinuha ang isa pang sanggol na panay ang iyak. Parang nararamdaman nito ang disgusto ng ina.

Nakatingin lang si Andrea sa batang karga-karga ngayon ng asawa. Hindi ito makapaniwalang anak iyon. Dahil ang batang iyon ay kabaliktaran ng batang karga ni Andrea—maputi at maganda ang hugis ng mukha. Samantalang ang nasa asawa ay maitim, kulot ang buhok, makapal ang mga labi at mabalahibo ang katawan. Hindi! Hindi ko anak 'yan! Iyon ang sinisigaw ng isipan ni Andrea.

"Tony, ang ipapangalan ko dito sa anak ko ay Nana," sambit ni Andrea habang inaalo ang sanggol na nasa tabi.

"Andrea, ano'ng gusto mong ipangalan dito sa isa?" nakangiting sambit ni Tony na bukal ang pagmamahal sa anak.

"Ikaw na ang bahala diyan," sagot ni Andrea na hindi man lang tinapunan ng tingin ang isang anak.

Napabuntong-hininga na lamang si Tony sa tinuran ng asawa at binalingan ng tingin ang sanggol na karga-karga. Nakikita nitong may malaking kaibahan talaga ito pero anak pa rin nito iyon. Dugo't laman nito ang batang nasa kanlungan.

Nilaro-laro ni Tony ang daliri ng sanggol. "Ikaw naman. Tina ang ipapangalan ko sa 'yo para magkasing-tunog kayo ng kakambal mo. Tina at Nana," masayang sambit ng lalaki.

LIMANG taon ang lumipas...

"Tina!" tawag ni Andrea sa anak.

"'Nay, bakit po?" may takot na sagot ni Tina habang nakayuko.

"'Di ba sinabi ko na sa 'yo na huwag kang lalabas ng kwarto? 'Di ba may ipinapagawa pa ako sa 'yo. Bakit nasa labas ka na?" singhal ng ginang sa anak na si Tina.

"Sorry po, 'Nay. Gusto ko lang naman pong maglaro kagaya ni Nana," naluluhang sambit ni Tina sa ina. Palagi na lang nasa kwarto si Tina habang ginagawa ang takdang-aralin nito at ng kakambal. Kung wala namang takdang-aralin ay pinapag-aral itong mag-isa ng ina.

"Mag-aral ka muna bago maglaro nang magkalaman naman 'yang utak mo," sabi ni Andrea na hindi man lang nahabag sa itsura ng naluluhang anak, mas lalo pa itong nagalit.

"Andrea, ano ba 'yan?" tanong ni Tony na kararating lang mula sa trabaho, inilagay nito sa likuran si Tina.

"Eh kasi 'yang magaling mong anak, imbes na aral ang atupagin ay hayun naglaro sa labas," depensa ni Andrea.

"Andrea naman, minsan na nga lang ito lumalabas, eh. Pagbigyan mo na, siyempre bata pa itong anak natin," salo naman ni Tony sa anak na umiiyak sa likuran.

"Naku, Tony, ha? Kinukunsinti mo ang batang 'yan kaya walang laman ang utak eh," ani Andrea saka padabog na umalis.

Hinarap ni Tony ang anak na si Tina at niyakap. "Ssshhh, tahan na anak. Intindihin mo na lang ang nanay mo. Hayaan mo, maglalaro tayo ngayon sa kwarto mo. Ano? Gusto mo ba 'yon?" pampalubag-loob na sambit ni Tony.

Tumatango-tango naman si Tina at nagpakarga sa ama. "Salamat po, 'Tay. I love you. At saka si Nanay," nakangiting sambit ni Tina na nagpatunaw sa puso ni Tony. Sa lahat ng ipinapakitang pagkadisgusto ni Andrea ay iniintindi na lang iyon ni Tina at patuloy itong minamahal.

Sa isang sulok naman ay naroroon si Nana habang nakatingin sa kanyang Tatay at kay Tina na masayang nagkukulitan. Nakaramdam ito ng selos. Noon pa man ay si Tina na talaga ang pinagtutuunan ng pansin ng ama.

Hindi alam ni Nana kung bakit ganoon ang kaanyuan ng kakambal. Naiintindihan ni Nana ang identical twins dahil itinuro iyon dito. Pero iniisip ni Nana kung bakit walang pagkakahawig si Tina kahit sa mga magulang?

ISANG araw, naglalaro si Nana at ang mga kalaro sa labas ng bahay ng mga ito. Habang si Tina naman ay nasa loob ng bahay, nag-aaral. Pero napapatingin ito sa gawi nina Nana, gusto ding maglaro. Napansin ni Tony ang ginagawa nito kaya pinayagan itong lumabas.

Madalang lang kung lumabas si Tina. Dahil doon ay medyo hindi pa sanay ang mga kapitbahay na makita ito. Para itong hayop sa paningin ng mga kapitbahay sapagkat napakaitim, napakabalbon, sabog ang buhok at may makapal na kilay si Tina.

Lumapit si Tina sa kakambal at sinabing gusto nitong sumali sa laro.

Pero hindi ito pinansin ni Nana at nagpatuloy sa paglalaro.

"Oy, Nana, nandiyan ang kakambal mo, oh," sambit ng isang kalaro ni Nana, tumawa pa dahil sa kaanyuan ni Tina.

"Hindi ko 'yan kakambal, 'no? Aso namin 'yan. Kita mo naman ang mukha niyan," tugon ni Nana at binalingan si Tina na kita ang sakit sa mga mata. "Umalis ka nga dito. Shoo," pagtataboy dito ni Nana na parang isang hayop. Nakisali naman ang mga kalaro ni Nana at itinaboy din si Tina.

Walang nagawa si Tina kundi umuwing malungkot. Nakita ito ni Tony at tinanong kung bakit umuwi kaagad.

Ngumiti naman si Tina. "Mas gusto ko palang mag-aral, 'Tay," masayang sambit nito. Ayaw ni Tina na makitang malungkot ang ama kaya pilit na ngumingiti.

"Ganoon ba, anak? Ang bait mo talaga," sambit naman ni Tony at lumapit kay Tina para halikan sa tuktok ng ulo.

Bumalik na lang si Tina sa kwarto nito at ni Nana, nag-aral na lamang. Ngunit naglalaro sa isipan nito ang isang katanungan na matagal na nitong gustong masagot. Bakit nga ba ako naiiba?

This story will have its physical copy this month. Open na po siya for reservations. Just message me on my fb account. :)

FB: Alina Genesis

Jennyoniichancreators' thoughts