webnovel

Kakaibabe

Anong gagawin mo kung sa panahong kinabibilangan mo ay wala naring nagmamahal sayo ngunit sa panahon namang napuntahan mo ay wala namang internet? Babalik ka ba? Makita kaya ni Kimmy ang true love niya sa nakaraan? O nasa kasalukuyan?

Lukresya · Sejarah
Peringkat tidak cukup
39 Chs

16 Alopesia

"Niloloko mo ba ako?" seryosong tanong ni Kimmy. Napipikon na ito sa kanya. Hindi pa ito nakakaganti sa unang atraso niya dito ay sinusundan na niya ng isa pa.

Tumingin si Enzo sa kanya na parang nakikiusap na umamin ito na siya si Kimmy.

Nakuha ni Kimmy ang kahulugan ng tingin niya kaya nagkalma ito para hindi siya nito mahalatang nagpapanggap. "Ginoo, Kung ikaw ay may kailangan sa akin ay makikita niyo lamang po ako sa bahay pagamutan." Tumayo ito at hinarap si Ramses. "Pinuno,mauna na po ako." yumuko ito at dali daling lumabas.

Tinanaw ni Enzo ang pag alis ni Kimmy. Nakaramdam siya ng pangungulila rito. Pagkatapos ng matagal na paghihintay, dininig siya ng Bathala at ibinalik niya ito sa kanya. Alam niyang si Kimmy ito ngunit bakit ayaw niyang aminin. Pagkatapos ba ng lahat ng pinagsamahan nila ay basta nalang niya ito kakalimutan.

Nananahimik lamang si Ramses sa kinauupuan at nagmamasid sa reaksyon nilang dalawa sa isa't isa habang iniinom ang Red Wine. Inabot nya ito at siya ang tumagay kay Enzo. Lingid sa mga mata ni Enzo, naglagay ng konting parang pulbos si Ramses sa bote ng Red Wine.

Hindi nagtagal ay nalasing si Enzo at hindi na nakuha pang lumabas ng bahay para bisitahin ang bahay pagamutang itinayo nila ni Ramses noon.

"lasing kana, tama na." pangiting saway ng Pinuno kay Enzo. Namangha si Ramses sa epekto ng ginawa niyang pulbos mula sa marijuana noon. Ang Lorenzong nakilala niya na hindi tinatamaan ng alak kahit ilang bote pa ang ubusin ay nalasing niya ngayon.

"Hindi pa pinuno." nakadukmo nyang sagot. "shot!" kinuha ang baso at tinungga pa nito.

"May problema ka ba Lorenzo? baka makatulong ako." tanong ni Ramses habang nagbubuhos pa ng laman ng alak sa baso nito.

"Problema, wala panginoon.. wala po kaming problema noon... kung hindi dahil sa kaibigan niya.. nagmamahalan parin sana kami ni Katarina ngayon..." sagot ni Enzo habang kinakapa ang mesa hinahanap kung nasaan ang baso.

Napatigil si Ramses sa pagbubuhos ng alak sa baso nito ngunit agad din niya ito binuhusan ulit pero pakonti nalang.

"Ilang taon na ba kayong may relasyon?" naging malamig ang paligid at nanginig na bigla si Enzo. Naging nakakatakot ang mukha ni Ramses sa nalaman nito. Ibig sabihin ba nito ay hinahabol lang siya noon ni Kimmy para maging espiya ni Enzo. Ngunit matagal na niyang nakasama si Enzo, sa hirap at saya, naging matapat niya itong tauhan, kaya paano at kailan siya ito naging kalaban niya?

"Pitong taon... Pitong taon ko siyang minahal.. Pitong taon na tinapon ng isang pagkakamali." sinakmal nito ang mga kamao niya at pinigil ang galit niya sa sarili.

Nagtaka si Ramses sa sagot nito. "Pitong taon?.. ilang taon na ba si Katarina ngayon? labing anim na taon palamang siya. Ibig sabihin ay Siyam na taon palang siya noong nagmahalan kayo ng seryoso?" Mukhang masama ang epekto ng alak at marijuana kapag pinagsama. Ngunit bakit noong sinubukan niya ito sa mga preso sa kulungan nila ay epektibo ito sa paglalabas ng saloobin ng taong nakainom nito.

"Hahahahaha! Siya si Katarina, ang Katarina na minahal ko sa aming panahon, ang Katarina mula sa kasalukuyan... ay hindi nga pala... ang Katarina sa hinaharap. Galing kami sa hinaharap at napadpad dito. Sa panahon ninyo. Ang nakaraan...." Paulit ulit na sabi ni Enzo kay Ramses at inilahad nya ang lahat ng nararamdaman niyang sakit at kung paano niya balak na ligawan ulit ito.

"Ughhhhmnnn. Bagong umaga!" Nag unat ng katawan si Kimmy at minasdan ang paligid ng bago niyang mansyon. May dalawa itong yaya at sila ang inatasan niya sa mga gawaing bahay.

"Binibini, nasa salas po si Ginang Alopesia." paalala ng isa sa kanyang yaya.

"Ginang Alopesia?" nagtataka si Kimmy kung bakit wala siyang alaala tungkol dito.

"Siya po ang pinakapaboritong babae ng Pinuno." sagot ng isa pa

"Ano kailangan niya?"Tanong nito sa sarili habang lumabas ito sa pintuan ng kwarto niya at bumaba papuntang salas.

"Magandang umaga binibining manggagamot." bati ni Alopesia na may pagkadismaya habang minamasdam ang makinis na balat at malambot na mahabang buhok ni Kimmy.

"Anong maipaglilingkod ko Ginang Alopesia?" diretsong tanong ni Kimmy. Wala siyang panahon makipagplastikan sa kahit sinong babae ni Ramses. Balak na niyang lumuwas papuntang bayan para ibenta ang mga homemade niyang shampoo, lotion at sabon na gawa sa puno ng Narra,Beeswax, Coconut oil at iba pa sa pagsikat ng araw ngunit sa hindi inaasahang panahon. Ngayon pa naisipang mang asar ng babaeng to.

"Hihingin ko po sana ang tulong ninyo manggagamot, Ang aking kapatid ay nagkasakit at hindi namin alam kung pano sya gagamutin. Sa oras na ito ay hindi ko alam kung maaabutan pa natin siyang buhay." malungkot na ekspresyon nito. Kahit ayaw niyang lumapit sa kanya ay wala siyang magagawa, mas mahalaga parin sa kanya ang buhay ng kaptid niya kasya sa makipag agawan sa babaeng pinagpipilitan ang sarili sa Pinuno.

Tinignan ni Kimmy si Alopesia mula paa hanggang ulo.

"Ma ma may problema ba?" tanong ni Alopesia dahil sa kakaibang pagtingin ni Kimmy sa kanya.

"Nalalagas ba ang mga buhok mo?" tanong ni Kimmy. Nagtatakang tanong ni Kimmy. Bakit Alopesia ang ipinangalan sakanya. Alam ba nila ang ibig sabihin ng Alopesia o Alopecia?.

"Ah.. eh.." hindi alam ni Alopesia ang isasagot. Sa dami ng pwedeng itanong ni Kimmy sa kanya bakit naging interesado ito sa buhok niya. "May sakit po ba ako binibini?"

"Ah.Wala naman. Ang pangalan mo ay isang sakit." sagot ni Kimmy. Hindi na nito hinintay pang sumagot sa kanya at pumasok ulit ito sa silid para magbihis.

"Hmp!" mahinang gigil ni Alopesia. "Napakasama niya para laitin ang pangalan ko. Ito ang pangalang pinupuri ng Pinuno at ng Nanay at Tatay ko." reklamo nito kahit hindi naririnig ni Kimmy.

"Tara na!" pagmamadali ni Kimmy. Parang walang tatlong segundo ay nakabihis na agad ito at may nakahanda ng lalagyan. Hindi napansin ni Alopesia na nasa tabi na agad ng pintuan si Kimmy.

"Marami pong gamot ang nakahanda na sa bahay binibining manggagamot, kahit hindi niyo na po dalhin ang mga gamit ninyo ay kumpleto po sa bahay." pagyayabang ni Alopesia at para hindi narin magbuhat si Kimmy habang naglalakad papunta sa bahay nila.

"Ayos lang." pagpaypay ni Kimmy gamit ang mga palad niya. "Atsaka hindi ito mga gamot. Mga pampaganda ito. Susubukan kong ibenta mamaya." Sabay punas na parang isang ginto sa dinadalang di kalakihang baul na naglalaman ng iilang shampoo at lotion.

Medyo gumaan ang pakiramdaman ni Alopesia kay Kimmy. Mukhang hindi ito kasingsama ng inaakala niya at mukhang may sarili itong nais at hindi sila kasali dito.