webnovel

Kakaibabe

Anong gagawin mo kung sa panahong kinabibilangan mo ay wala naring nagmamahal sayo ngunit sa panahon namang napuntahan mo ay wala namang internet? Babalik ka ba? Makita kaya ni Kimmy ang true love niya sa nakaraan? O nasa kasalukuyan?

Lukresya · Sejarah
Peringkat tidak cukup
39 Chs

10 Matandang Manggagamot

Nilapitan ni Ramses ang mga biktima. Ang iba ay napansin siya at kinakausap ng kung anu ano, ang iba ay hindi at ang Isa ay sumigaw ng "Nagagalit sa iyo ang Bathala!" Tinignan lang ito ni Ramses.

Maraming kamag anak nila ang nakakapanood sa nangyayari at naririnig nila ang sigaw ng lalaki. May mga nangangambang masaniban din sila dahil sa galit ng Bathala sa Pinuno. May ilang matatanda na sa baryo ang nag iisip ng magiging desisyon.

"Kailan pa ho silang ganito?" tanong ni Kimmy sa matandang manggagamot.

"Mag iisang buwan na noong pumalaot sila sa kagubatan. Inutusan ko ang aking pamangkin na hanapin sila. Subalit pati siya ay hindi nakatakas sa galit ng Bathala." sabi ng matandang manggagamot pagkaturo niya sa pamangkin. Ang lalaking nagsisisigaw.

"Hmn." napangiti si Kimmy sa sagot ng matandang manggagamot. Naghanap ito ng uling sa dirty kitchen at kawayan na tuyo para madrawingan. Nagdrawing ito ng isang halaman ng Cannabis. May kakaibang hugis ng dahon na parang may limang mga daliri.

"Kuya,pakitingin nga sa kagubatan kung mayroon nito sa pinuntuhan nila. Malamang ay naisama nila ito sa mga pagsisiga nila." bulong ni Kimmy sa kuya at ibinigay ni Kimmy ang drawing nito sa kanya. Gusto itong makita ng manggagamot at mga taong nanonood pero hindi niya ito pinakita.

"Anong ibig mong mangyari? Katarina hindi ito ang oras ng kalokohan mo." pag aalala ng kapatid.

"Kuya, magtiwala ka sa akin. Kahit ngayon lang" pakiusap ni Kimmy.

Tumingin si Salvador sa Pinuno,"Pinuno." pagpapaalam nito sa kanya.

"Sundin mo ang sinasabi niya." Pag sang-ayon ni Ramses sa utos ni Kimmy. Lumingon ito at tinignan si Kimmy na parang nagtatanong kung mapagkatiwalaan siya nito.

Nakuha ni Kimmy ang ibig sabihin ng titig ni Ramses kaya't tumango ito sa kanya.

Mabilis na umalis ang mga alipin para hanapin ang nasabing halaman. Dumating naman ang mga matatanda sa baryo para panoorin ang imbestigasyon dahil narinig nilang may maisasagot na mamaya ang kanilang Pinuno.

"Ano ang iyong nais? bakit mo ako tinutulungan?" tanong ni Ramses kay Kimmy na nambubuklat ng mga talukap ng mata sa mga iba pang lalaki na walang malay, tinitignan nito ang mga mapupula nilang mga mata.

"May gusto lang akong hilingin sa Pinuno." sagot nito sa kanya habang napansin ang lalagyan ng mga kagamitan sa pangangaso ng mga lalaki. May tuyong dahon ito ng Cannabis na naipit sa mga yantok at espada sa loob ng mga bag. Hinayaan nya na muna ang mga ito.

"Magsabi ka" pagpabor ni Ramses sa hiling ni Kimmy. 'Nais ba niya akong maging kabiyak? Siguro nga ay mahal na mahal nya ako at kaya nyang itaya ang kanyang buhay mahuli lang ang mga nag babalak kumuha sa posisyon ko. Masyado akong naging ignorante, pagbibigyan ko na siya.' sabi ni Ramses sa sarili na kampanteng kampante

"Nais ko po sana ng sariling residente, yung kahit bahay kubo pero may kahoy na ding ding, Gusto ko kasing makapagsarili at maging malaya habang hindi pa ako nag aasawa, Haayyy. Gusto ko pang makapunta sa iba't ibang lihim na paraiso ng Pilipinas." mahabang sagot ni Kimmy kay Ramses pero sa huling pahayag nito ay pabulong lamang.

Pagkarinig ni Ramses dito napapikit ito at napakunot ang noo.Halos kumikirot sa dismaya ang isang kilay nito. Sisigawan na sana siya nito nang bumalik na ang mga alipin na nanggaling sa kagubatan.

"Panginoon!" sabay sabay na bati ng mga alipin ng nakayuko.

Nagpigil ng galit si Ramses at Nagbuntong hininga. At kinalma ang sarili sa harapan ng mga alipin nito. "Magpatuloy."

"Katulad po ng sinabi ng Ginang, nakakita po kami ng halaman nito sa bawat pinagsigaan ng mga nangangaso ngunit walang sariwang halaman na nakatanim sa kahit saang malapit na bahaging yon ng kagubatan." sagot ng alipin.

"Ibig sabihin, may sadyang naglalagay nito sa sigaan nila." sabi ni Salvador. "Ngunit anong kinalaman ng halamang ito."

'Sinong Ginang!? gustong makutusan ng aliping ito!' asar na bulong ni Kimmy sa sarili.

'Maghintay ka mamaya!' Tatapusin ko muna ito. Sa lahat ng nireport ng alipin tanging ang 'Ginang' ang tumatak sa isipan ni Kimmy. Kinalma nya ang sarili.

"Itanong po natin sa manggagamot." ngiting sabi ni Kimmy.

"Kung iyong masolusyunan ang problemang ito, ibibigay ko sa iyo ang nais mo Katarina." pagbibigay ng pagkakataon ni Ramses. 'Marami pa namang paraan ang kaya kong gawin.'

"Maraming salamat Pinuno." sagot ni Kimmy na may sobrang galak na nadarama. Para itong nakatanggap ng bonus sa trabaho.

"Walang anuman" ngumiti ito sa kanya na sobrang ganda at dahil sobrang ganda ng ngiti niya na hindi naman niya ito karakter, biglang kinabahan si Kimmy. 'Masyado pang maaga para magpasalamat' sabi ni Ramses sa sarili.

"Parang may mali." tinignan muli ni Kimmy si Ramses pero hindi na ito nakangiti. Umiling iling nalamang ito. "Guni guni ko lang yon."

Naghanda na si Kimmy sa gagawing imbestigasyon sa harapan ng maraming tao.

Ipinatawag na nila ang lahat. Pagdating ng lahat ng bawat representasyon ng bawat pamilya. Nagsimula na si Kimmy.

"Dakilang MATANDANG Manggagamot," paunang sabi ni Kimmy na ikinainis ng manggagamot.

'Kailangan mo bang ipagdiiinan ang salitang matanda! pangahas ka!' nanggigil na bulong ng manggagamot sa sarili.

"Alam po naming lahat na ikaw ang pinakaMATANDANG manggagamot sa baryo at walang makatatalo sa iyo sa pagkilala sa mga herbal na gamot dito. Tama po ba?" pang aasar ni Kimmy ng makita niya ang kunot ng kilay nito habang nakangiti ng kaplastikan.

"Masyadong mabigat ang iyong papuri GINANG! hindi ko ito matatanggap." pagpapakumbaba ng may halong pang aasar ng matandang manggagamot kay Kimmy.

'Oh so You wanted War?Then I'll give you War!' pangdedeklara ni Kimmy dahil sa emphasis ng matandang manggagamot sa pagiging Ginang niya, kahit na alam naman ng lahat ng tao na hindi pa niya ito asawa ay nakikialam na ito. "Napakamapagkumbaba ng Matandang ito. Alam kong alam po ninyo kung anung klaseng halamang gamot ito." nilabas ni Kimmy ang mga tuyong dahon ng Cannabis o Marijuana na nakuha ng mga alipin kanina.

Nang ilabas ito ni Kimmy marami ang tumingin dito at nagtataka kung anong klaseng halaman yaon.

Nagulat ang matandang manggagamot kung pano natuklasan ng babae ang halamang yaon. Nag panic ito ngunit naikalma din kaagad ang sarili nito sa mabilis niyang pag iisip ng palusot.

"Hindi ko iyan nalalaman. Maaari mo bang sabihin kung ano yan at kung pano mo yan nalaman dito sa matandang manggagamot na ito?" pagtatanggi ng manggagamot at paglalagay ng malisya sa tanong nito na kapag sinagot ni Kimmy ay tsaka niya ibibintang sa kanya ang nangyari.

'Alam kong sasabihin mo yan matanda, hahaha' sabi ni Kimmy sa isip nito. "Ito ay isang gamot para sa matandang manggagamot na tulad mo. Magkakaroon ka ng katalinuhan sa panggagamot kapag sininghot mo ang usok na manggagaling dito. Dahil sa angkin mong kabutihan ay bibigyan ka ng pagkakataon ng pinuno na maranasan ang himala ng dahong ito." Nag hand signal si Kimmy at dinala ng isang alipin ang isang parang pipa na ipinahanda nito sa kanila.