webnovel

Just Hold Onto Destiny's Grasp

Damien Cadenza is a Landscape Photographer while, Caelian Joy Pangilinan is a Tragic Author. Two people who have the same passion to achieve their dreams. Two people who mourns to their painful past. When love arrives, when problem strikes, and when hurt is at the corner. Can they take the chance to hold onto destiny's grasp? (All rights reserved by Shay C.)

SHECULAR · perkotaan
Peringkat tidak cukup
60 Chs

Pure

Natuptop ako sa kinatatayuan ko.

Tumikhim ako at pasimpleng lumayo kaya natanggal niya ang kamay niyang nakahawak sa akin.

"Kukuha lang ako ng bimpo, yelo at maliit na planggana sa baba," At saka ako lumabas ng kwarto niya.

Pagkasira ko ng pintuan ay doon palang ako nakahinga ng maluwag.

Tinulungan ako ng isang kasambahay sa mga kailangan ko. Pagkatapos ay dinala ko na iyon sa kwarto ni Josiah.

Inilagay ko sa side table ang planggana na may yelo.

"Pupunasan na kita," pag-inform ko sa kanya at tumango naman siya habang nakapikit.

Halata na sobra siyang nahihirapan sa sakit niya. Umalingasaw ang init ng katawan niya pati namumula rin ang mukha niya. Nakakunot ang noo niya at lumulukot ang mukha niya kasabay ng pag-ungol kapag may bagay siyang nararamdaman na masakit sa katawan niya.

Pinunasan ko siya sa kamay at braso niya pagkatapos ay pinunasan ko naman ang mukha niya. Medyo naiilang ako ngunit nilakasan ko na lang ang loob ko. Minsan lang naman 'to kaya dapat panindigan ko na.

Itinigil ko na ang pagpunas pero mabilis nahuli ni Josiah ang kamay ko. Napalunok ako.

"I m-miss you. I'm missing the old us, Caelian." Sambit niya at natigilan ako. Unti-unti niyang iminulat ang mga mata niya at nagkasalubong ang mga mata namin.

He's missing the old us?

Naramdaman ko ang pag-iinit sa gilid ng dalawang mata ko. I don't know how I'll react to what he said. Basta alam ko lang ay sobra akong nagiging emosyonal. Parang gusto ko lang iiyak ang nararamdaman ko.

Ngunit pinigilan kong tumulo ang luha ko. Ayaw kong maging mahina sa harapan niya.

"Slut! Open the door!" Narinig namin ang boses ni Milena sa likod ng pinto habang kumakatok ng malakas.

"Kapag hindi pa rin bumaba ang lagnat mo, pumunta ka ng hospital. Magpagaling ka." Paalam ko sa kanya at tumayo na, dahil sa biglaang pag-alis ko ay naramdaman ko ang pagbitaw ng kamay niya sa akin. Kagaya ng pagbitaw niya sa akin noon.

Binuksan ko na ang pintuan at sumalubong sa akin ang inis at galit na galit na mukha ni Milena.

"How was it, slut? Did you enjoy it?" nakangisi at maanghang na tanong niya sa akin.

"Check your brother. I'll go now." Sagot ko sa kanya at dumiretso ng umalis.

Pinagbuksan ako ni Mang Berto ng gate. Hindi talaga nabubura ang ngiti sa labi niya.

"Naaamoy ko ng makikipag kwentuhan sa akin si sir Josiah mamaya!" Natatawang sambit niya sa akin at ngumiti ako pabalik.

"Uuwi na po ako, salamat po ulit," paalam ko sa kanya at naglakad na paalis.

Kailangan ko maglakad ng konti dahil walang dumadaan na sasakyan sa bahay nila Josiah. Madilim na ang paligid at ang tanging nagbibigay liwanag na lang ay dilaw na ilaw sa mga poste na dinadaanan ko.

Tiningnan ko ang oras at nakita kong 8:15 p.m na. Ang bilis ng oras, akala ko saglit lang ako sa bahay nila Josiah pero matagal din pala akong nag-stay do'n. Napahinga ako ng malalim at pinakiramdam ang malamig na hangin na pumapasok sa loob ko.

Napatigil ako sa paglakad nang may pumasok na ideya sa utak ko.

Si Damien!

May usapan nga pala kami na magkikita kami ngayon!

Nakagat ko ang labi ko at binilisan ang lakad ko.

Nandoon pa kaya siya?

Tiningnan ko ang cellphone ko at nakita ko ang limang text na galing kay Damien. Binuksan ko ang pinakabago.

From: Damien

I'll wait for you. Take care.

8:12 p.m

Huwag niyang sabihin na nandon pa siya?! Halos isang oras na akong late! At ibig sabihin non, isang oras na rin siyang naghihintay sa akin!

Binilisan ko pa ang lakad ko at nang makakita ng tricycle ay pinadiretso ko na ito sa lumang building kung saan kami magkikita ni Damien.

Binigay ko na ang pera sa tricycle pagkatapos ay patakbo akong pumasok sa loob ng lumang building.

I'm expecting that he already leave.

But he didn't.

He really wait for me.

Nakita ko siyang nakayuko at nakaupo sa pulang blanket. Nong maramdaman niya ang presensya ko ay dahan-dahan niyang iniangat ang tingin sa akin at nagkasalubong ang mga mata naming dalawa.

Ang lungkot ng mga mata niya.

At nong nagkatinginan kami ay pumatak ang sariwang luha niya.

"I'm right. You came for me." Naluluhang usal niya.

Pinagmasdan ko ang itsura niya.

"Dapat umuwi ka na. Hindi ka na dapat naghintay dito sa akin." Nangungusap na usal ko sa kanya.

Tumayo siya at naglakad palapit sa akin. Hindi siya nag abalang punasan ang ilang patak ng luha sa pisngi niya.

"Kapag sinabi kong maghihintay ako, maghihintay talaga ako." Sagot niya sa akin. "Kahit malabo…kahit walang kasiguraduhan, maghihintay ako."

Natigilan ako sa sinabi niya at mas lalo sa pinapakitang emosyon niya sa harap ko ngayon. Ayaw kong aminin pero kitang-kita ko ang sinseradad sa mga mata niya. Napaka puro nito at sobrang totoo. Nakaramdam ako ng paghaplos sa puso ko.

"Caelian, alam kong may nag mamay-ari na sa puso mo," usal niya sa akin at hindi ako nakapagsalita.

"Pero, paano naman ako?" sambit niya sa akin at mas bumuhos ang luha sa mga mata niya. Naging tuloy-tuloy ang pagpatak nito at maririnig mo na ang mahinang paghikbi niya.

O-Oh my gosh???

Thank you for reading!

Follow me on twitter and instagram.

Username:@shayyymacho

SHECULARcreators' thoughts