Chapter 4
"Okay, Class Dismiss." tsaka lumabas ng pinto si Miss kasabay ng ilan sa mga kaklase ko.
"Haaaaayyyyy!" napatingin ako sa pinanggalingan ng ingay at nakita kong nag bend-bend pa si Ysa bago lumapit sa'kin.
"Lunch na tayo! Gutom na 'ko eh," hinimas niya pa niya yung tiyan niya na akala mo, gutom na gutom na talaga siya. Samantalang kanina pa siya kain ng kain ng patago habang nagd-discuss ng lesson yung Lec.
"Hindi ka pa ba nakuntento sa dami ng nakain mo kanina? May alaga ka bang anaconda diyan sa tiyan mo?"
"Kulang pa yun! Tara na nga!" naglakad na siya palabas ng classroom at sumunod naman ako sakanya pero, nakita ko si Raine na papalabas rin kaya dali-dali akong sumunod kay Ysa at sinabing sundan namin siya. Pumayag naman siya agad kaya e'to kami ngayon, sinusundan si Raine papuntang library at kung anong gagawin niya doon ay hindi ko alam. Basta nalang namin siya sinundan at nang nakarating na kami doon, ay agad kaming pumasok at humiwalay kay Raine para 'di na naman niya masabing sinusundan namin siya kahit na totoo naman talaga. Hahaha!
"Nasaan na siya?" halos pabulong na tanong ni Ysa habang luminga linga pa para hanapin si Raine.
"Lipat nga tayo doon," tahimik kong hinila si Ysa sa likuran ng isang shelf ng mga libro kung saan mas malapit kaming nakakasilip kay Raine. Pero sa kasamaang palad, na misplace yung kamay ko sa shelf kaya nahulog yung mga libro sa likod ni Raine. Narinig pa naming nag 'sshh' yung librarian pero buti nalang nasa bandang likuran kami kaya 'di niya nakita yung nangyari.
'Shocks! Bawas points ako, bwiset!'
Akala ko nahulog na lahat ng libro pero, may humabol pang isa pero 'di na sa likod niya nahulog. Kundi sa ulo niya at sapul na sapul sya.
"Ouch! Masakit yun, Blaire. Lagot ka." bulong ni Ysa sa'kin. Tiningnan ko yung likod ni Raine pero hindi siya gumagalaw. Lumabas ako sa kinalulugaran namin ni Ysa at lumapit sa pwesto ni Raine para kunin yung mga librong nahulog at para n rin makapag-sorry kay Raine. Kaso 'di pa man din ako nakakalapit, nakita ko na siyang nakatingin sa'kin habang ang sama sama ng tingin.
'Owshet na malagket! What did I dooooo?!'
"Ehehehe h-hello Raine. Sorry ha? Nasagi ko kasi yung shelf hehe." pero imbis na magsalita, gaya ng lagi niyang ginagawa, inirapan niya 'ko at padabog niyang kinuha yung mga gamit niya at lumabas ng library.
"Kailan ka pa naging clumsy, besh? Jusko! nas-stress ako sa'yo! Imbis na kumakain ako ngayon, nagaayos ako ng mga libro. Haaaaayyyyy!" sinamaan ko siya ng tingin at sinabing,
"Sinabi ko bang tumulong ka?"
"Sinong tutulong sa'yo? Tingnan mo nga 'yang mga librong nahulog! Halos lahat ata ng libro sa iisang shelf, nahulog eh!" tiningnan ko naman yung mga librong nakakalat sa sahig at tama nga si Ysa. Kaya sa huli, pumayag na rin akong tulungan niya 'ko.
***
Natapos ang klase namin ng nakakahaggard kaya pareho kami ni Ysa na mukhang patay pagkatapos magdismiss ng class.
"Gora tayo besh." ani Ysa. Tamad na tamad akong tumingin sakanya habang nagaayos ng mga gamit ko.
"Saan?"
"Pakilala kita kay Wendy. 'Diba isasali kita sa Music Band Club? Tara na!" feeling ko, nagising ako bigla sa diwa ko at mabilis na tumango kay Ysa at sumunod sakanya palabas ng classroom. Dumiretso kami sa Student Council's Office. Kumatok si Ysa at pinagbuksan naman siya ng isang estudyante doon at pinapasok kami. Sumunod lang ako kay Ysa hanggang sa makakita ako ng babaeng estudyante na nakaupo at nakaharap sa laaptop habang nagt-type.
"Hoy wendy!" tawag ni Ysa dun sa babae na si Wendy pala. 'Pati ba naman president ng student council, 'di na niya sinasanto. Okay lang talaga 'no? Psh.'
"Hey Ysabelle! What brings you here?"
" 'Diba naghahanap ka pa ng isang vocalist sa club na naka-assigned sa'yo?" umupo ako sa sofa na nandoon at nakinig sa pinaguusapan nila.
"Yes, bakit?"
"Siya nga pala si Blaire," tinuro ako ni Ysa."Pwede siyang sumali?" tumingin sa'kin si Wendy habang nakangiti at ibinalik ang tingin niya kay Ysa.
"Pasok na siya. As long as marunong siyang kumanta, ha?" pareho kaming napanganga ni Ysa sa sinabi ni Wendy at nagkatinginan pa kami pero mabilis na nakarecover si Ysa kaya pinasalamatan niya si Wendy at pinupuri puri pa. 'Psh, langya talaga 'to.'
"Hindi ka talaga magsisisi sa pagtanggap mo kay Blaire kasi magaling talaga siyang kumanta! Hahaha!" humagalpak pa sa tawa si Ysa kaya napatingin sakanya lahat ng estudyante na nasa loob ng office. Natawa na rin si Wendy sa kanya at nagusap lang sila ng nagusap.
"Wait. I can introduce you to the other members of the club if you want, Ms. Blaire." nagulat ako nung tawagin ako ni Wendy pero mas kagulat gulat talaga yung sinabi niya. 'Shet! Ipapakilala niya 'ko?! Edi nandun si Raine?! OMG! Yes! YES!'
"Oo! Sige, please! Thank you!" ngiting ngiti kong sagot. Tumango naman siya at sinabing hintayin muna namin siya dahil may tatapusin muna daw siya kaya napagdesisyunan namin na sa labas nalang maghintay habang naguusap kami ni Ysa.
"OMG Ysa, sana pala dumaan muna tayo sa Music Room para narinig muna nating kumanta si Raine!" sigaw ko.
"Gaga! Makikita mo rin naman siya mamaya kasi ipapakilala ka ni Wendy sa kanila eh. OA nito. Batukan kita eh!" hindi ko nalang siya pinansin at naghintay nalang kay Wendy na matapos yung kung anumang ginagawa niya.
"Ang bagal naman nung Wendy na yun?! Jusko, 'di siya VIP ah!" sigaw ni Ysa kaya napatingin ako sakanya.
"Wag ka ngang magreklamo! At tsaka bakit ba 'di mo siya ginagalang?" tanong ko,
"Bakit ko gagalangin yun eh kaedad ko lang naman yun? Tsaka mas maganda ako sakanya 'no!"
"Anong connect?" magsasalita pa sana siya kaso biglang bumukas yung pinto ng office kaya napatingin kami doon.
"Sorry for keeping you waiting, guys." ani wendy.
Tumango lang ako sakanya at humirit pa si Ysa na pinaghintay pa niya kami, kesyo 'di naman siya maganda pero tinawanan lang siya ni Wendy. Sumunod na kami sa kanya sa Music Room at habang naglalakad kami patungo doon, 'di ko maiwasang kabahan kasi makikita ko si Raine at makikita niya rin ako. Eh samantalang, yung huling kita namin sakanya ay nung nasa library pa siya at nahulugan pa g mga libro dahil sa akin. At nang nakarating na kami doon, nakita namin yung 4 members ng club. Yung tatlo nakatingin sa'min except kay Raine na tahimik na may binabasa doon sa sulok.
'As usual,'
Pumalakpak ng tatlong beses si Wendy bago siya magsalita. "Guys! May ipapakilala ako sa inyo!" panimula ni Wendy. Nagsilapitan naman yung mga tatlong members pero parang wala pa ring naririnig si Raine kasi 'di siya umiimik doon sa lugar niya.
"Guys, this is Blaire Rommel. At siya na yung girl na vocalist ng club,"