Chapter 13
Natapos ang sunod-sunod na klase namin sa umaga kaya, lunch break na. Aaminin ko naman na active ako sa ibang subjects pero nawawalan talaga ako ng gana pagdating sa Biology dahil wala ako'ng naiintindihan do'n kahit isa. Hindi pa rin namin alam ang results ng Quiz namin sa Biology, siguro mamaya'ng hapon na dahil mamaya ang Biology class namin. Although, kinakabahan ako sa result ng test ko, may parte rin sa'kin na nagtitiwala sa isinagot ni Raine sa test paper ko. Kahit nakakahiya talaga at nakakababa ng tingin para sa sarili ko. 'At naiinis pa rin ako sa dahilan niya kung bakit niya sinagutan ang test paper ko.' Tsk, naawa siya sa'kin, oo. Tanggap ko pa yung dahilan niya'ng 'yon eh. Pero, par? Sinabihan pa 'ko ng noob! Aaminin ko rin na may pagka-tanga talaga ako pero ang sakit pala kapag nanggaling sa bibig ng taong gusto mo. Parang binibiyak unti-unti yung puso mo. 'Huhu, Raine! Napakasama ng ugali mo!' Pero kahit gano'n, natutuwa pa rin ako hehe. May nasabihan kasi ako ng problema ko. Syempre, hindi ko naman sinasabi'ng wala ako'ng tiwala kay Ysa. Late kasi siya pumasok kanina at emosyonal ako no'ng oras na 'yon kaya napakwento ako. Pero nagtataka talaga ako kung bakit siya natutulog sa library eh. Madalas rin siyang matulog sa loob ng klase pero hinahayaan siya ng mga Lec namin dahil alam naman daw nila 'yong dahilan. 'Ano ba'ng ginagawa no'n sa gabi at laging puyat?'
"Bler!" napatingin ako kay Ysa nang bigla niya 'kong tawagin sa pangalan ko at sa tenga ko pa talaga.
"Tsk, ano?!" singhal ko sakan'ya at pinagpatuloy ang paga-ayos ko ng gamit sa bag ko.
"Lunch na!" sinamaan ko siya ng tingin.
"Alam ko!" inirapan niya lang ako. Isa rin sa pinagtatakahan ko kung bakit good mood na si Ysa ngayon at parang walang nangyari kahapon. 'Di kaya, trip ako nito? Pero hindi rin eh.' Nang natapos ako sa paga-ayos ng gamit ko, hindi ko na hinintay si Ysa na sumasayaw pa harapan ko. Umalis na 'ko kaagad at hinabol naman niya 'ko. 'Yan ba 'yong ni-reject?'
Pinasadahan ko ng tingin ang kabuuan ni Ysa. 'Okay naman siya. Bumalik siya sa dati.' Napatingin sa'kin siya sa'kin at kumunot pa 'yong noo niya. "Bakit mo 'ko tinitingnan?" umiling ako sakan'ya at binalik ko ang tingin ko sa nilalakaran naming papuntang canteen. Tatlong stairs ang binabaan namin dahil nasa third floor ang room namin'g mga juniors. Nang marinig 'kong bumu-bungisngis si Ysa sa tabi ko, nagtataka ko siya'ng tiningnan. "Ikaw ah!" nanunukso'ng tiningnan niya 'ko kaya mas lalo ako'ng nagtaka.
"Oh, napa'no ako?" ngingisi ngisi siya'ng tumingin sa'kin hanggang sa makapasok kami ng canteen. Hindi pa muna namin sinundan si Raine, dahil nab-badtrip pa rin ako sakan'ya kahit na may halong pagkatuwa dahil nakinig siya sa problema ko pero nangibabaw pa rin talaga 'yong inis ko dahil, NOOB daw ako. huhu saquette.. Um-order muna kami ni Ysa at tsaka kami naupo sa table namin. Nagpray muna kami at tsaka kami kumain pero naiilang ako sa tingin ni Ysa, kanina pa. Dahil nanunukso pa rin 'yong mga tingin niya sa'kin kaya inambaan ko siya ng tinidor habang ngumunguya pa 'ko. Inubos ko muna yung laman ng bibig ko at tsaka ko siya tiningnan ng masama at nagsalita. "Kanina ka pa, ah. 'Wag mo nga 'kong tingnan ng gan'yan!" ngumisi lang siya kaya ang sarap niya'ng ilampaso. "Tsk, tumigil ka nga sa kakangisi mo at baka matusok ko 'tong tinidor sa'yo, ulol ka." hindi pa rin siya natinag kaya pasiring ko'ng inalis ang tingin ko sakan'ya at nagpatuloy sa pagkain.
"Bakit kayo magkasama ni Raine, kanina?" she asked. Napa-angat ako ng tingin sakan'ya pero hindi ko siya sinagot. "Hoy!" hindi pa rin ako sumagot. "Ha! Bahala ka d'yan. Hindi ko ibibigay 'yong pasalubong ni Mommy sa'yo. Umuwi siya kaninang umaga." mabilis ko'ng ikinuwento sakan'ya ang nangyari kanina. Hindi naman siya natigil sa kakatawa nang masabi ko sa kan'yang sinabihan ako ni Raine ng 'noob'.
"Oh, nak'wento ko na ha? Nasaan pala 'yong pasalubong ko? Pakisabi kay Tita, thank you, ah?" tumango siya. Nagt-trabaho kasi sa ibang bansa ang Mommy niya kaya mag-isa lang siya palagi sa bahay pero kaya naman daw niya ang sarili niya kaya gan'yan nalang ang ugali niya'ng independent. 'Yong Daddy niya naman, uh, maaga'ng nawala dahil sa sakit. Nakakalungkot lang na no'ng nawala ang Daddy niya, ay bata pa siya at wala pa'ng isip. Pero hindi niya ininda 'yon at dinukdok niya pa sa mukha ko 'yong quote na pinapaniwalaan niya, 'yong 'Life must go on.' .
"Daan ka sa bahay mamaya para makita mo si Mommy." tumango ako sakan'ya at nagpatuloy na kami sa pagkain hanggang sa matapos kami. Aakyat na sana kami ng stairs nang mahagip ng paningin ko si Mitch na kumakaway pa sa'kin kaya kinawayan ko siya pabalik. Napatingin si Ysa sa kinakawayan ko kaya natigil sa kakakaway si Mitch at nginitian ng pilit si Ysa pero hindi niya ito pinansin at binalik ni Ysa ang nagtataka niya'ng tingin sa'kin. Sinenyasan ko si Mitch na mauuna na kami kaya tumango siya. Ibinaling ko ang tingin ko kay Ysa na gano'n pa rin ang reaksyon. Umakyat na kami ng stairs nang bigla siya'ng magsalita.
"Kailan pa kayo naging close ni Mitch?"
"No'ng naging member ako ng MBC." nakita ko sa gilid ng mata ko na napangiwi siya habang tumango-tango.
"E'di hindi ka na naaasar sa kan'ya?" bahagya pa'ng kumunot ang noo ko at napatingin sa kan'ya. 'Ayoko'ng siraan si Mitch sa kan'ya. Kawawa naman si Mitch kapag nagkataon. huahua.'
"Hindi naman. Nakakaasar pa rin naman siya minsan, pero nice siya." hindi na siya tumugon hanggang sa makarating kami ng classroom. Kanina ko pa gusto'ng tanongin si Ysa tungkol do'n sa rejection, pero ayaw ko naman'g sirain 'yong mood niya'ng, para'ng walang nangyari'ng rejection kahapon. Nakita ko'ng nandoon na rin sa loob ng classroom sina Mitch at Raine nang makapasok kami. 'Kanina lang, kumakaway lang siya sa'kin tapos nandito na agad siya? Weird lang.' Nagngitian lang kami'ng dalawa, at syempre, bida na naman sa pagiging deadma at walang pakialam si Raine. Pero, ehehehe, aaminin ko naman'g hindi na 'ko naiinis sa kan'ya. Bwahahahahaha!
Well, si Xam at Alex ay hindi namin classmates dahil ahead sila sa'min ng year level. So, they are on their 4th level in secondary. Magiging seniors na sila pero sabi nila ay, kahit seniors sila, member pa rin sila ng MBC. Nakakatuwa lang, hehe.
Dumating na ang Lec namin sa History at puro pagd-discuss lang ang ginawa dahil gusto daw niya'ng relax lang kami t'wing weekends kaya hindi siya nagbigay ng homework. Dumating rin ang sumunod na Lec at gano'n lang rin ang ginawa. Ginanahan tuloy ako sa next subject namin.
"Good Afternoon, class!" nagtayuan kami'ng magkakaklase at binati rin namin siya.'Hindi pala ako ginanahan. Lalo ako'ng nanghina. Shet, Biology kasi 'to!' Nakita ko'ng may kinuha si Miss sa bag niya at batid ko'ng 'yon ang mga test paper namin. Ugali kasi niya'ng i-anounce isa-isa 'yong score namin kapag nagkakaro'n kami ng Quizzes kaya kinakabahan talaga ako. Sinimulan na ni Miss na i-anounce ang mga scores namin. Syempre, marami'ng nanghinayang, natuwa, nalungkot, may naglumpasay sa sahig.
"Kinakabahan ako sa score ko, besh." dinig ko'ng bulong ni Ysa sa'kin. Sang-ayon ako sakan'ya dahil hindi pa nai-aanounce ang score niya, gaya ko kaya mas lalo ako'ng kinabahan. Kasama na rin si Raine na hindi pa naa-anounce ang score niya. Si Mitch kasi ay, na-anounce na at pasok naman siya sa passing score.
"Sossaman,Rommel,Halverson," bahagya pa'ng naningkit ang mga mata ni Miss habang nakatingin sa tatlong test paper na natira sa kan'ya kaya napahigpit ang hawak ko sa kamay ni Ysa. "They've got the perfect score."
5
4
3
2
1
...
"WAAAAAAAAAAAA—" pareho kami'ng natigilan sa pagtili nang tingnan kami nang masama ni Miss.
"OMG, besh. OMG talaga. May regalo ako kay Mommy, pag-uwi. Hihihi." kung wala lang si Miss ay sigurado'ng mas malakas pa ang tili niya sa'kin. Tiningnan ko si Raine, pero nakatingin lang siya sa harapan at parang walang pakialam. Binalik ko ang tingin ko sa harapan at nakinig sa dinidiscuss ni Miss. May naiintindihan naman ako pero hindi mawala ang isip ko kung ano ba'ng laman ng isip ni Raine.
'Nainis kaya siya kasi naka-perfect ako? Natuwa? Nalungkot? Nagulat? Nagluksa? Aish, bakit ko pa ba iniisip 'yong mga reaksyon na imposible naman niya'ng magawa?' Hindi ko alam pero bigla ako'ng nawalan ng gana.
"Class Dismiss." mabilis na nagsipagtayuan ang mga kaklase ko at dumiretso palabas kaya tinatamad ako'ng nag-ayos ng gamit at agad na ipinasok 'yon sa bag ko. Nakita ko sa gilid ng mata ko na lumapit si Mitch kay Raine at parang may sinasabi siya rito dahil tango lang ang sinagot ni Raine sa kan'ya.
"Hoy, okay ka lang?" napatingin ako kay Ysa nang kalabitin niya 'ko. Tumango ako sa kan'ya. "Hintayin kita sa labas ng classroom, ha? Kanina pa 'ko naiirita sa tingin ni Mitch eh. Nakakaleche." dagdag niya pa pero hindi ko siya tinugon kaya lumabas na siya ng classroom. Binigyan ko pa ng isa'ng sulyap si Raine at nakita ko pa'ng nakatingin rin sa gawi ko si Mitch kaya nginitian ko siya.
"Wala'ng rehearsal ngayon. Sa Monday nalang daw ulit." tumango-tango ako sa kan'ya at sumenyas na mauuna na 'ko kaya tumango siya. Hindi na 'ko nag-abala pa'ng tingnan si Raine dahil alam ko naman'g hindi niya 'ko susulyapan kahit isa'ng tingin lang.
"Wala daw rehearsal." agad na sambit ko kay Ysa nang makalabas ako nang classroom.
"Okay." bumuntong hininga ako at laking pasasalamat ko nang hindi niya napansin 'yon dahil magtatanong na magtatanong 'yan. "Excited na 'ko umuwi, hihi. Biruin mo, nakatsamba ako do'n sa question no. 36? Hindi ko nga makuha 'yong sagot do'n eh. Hahaha! Nanghula nalang ako." wala sa sarili'ng napatingin ako kay Ysa. Natutuwa ako'ng masaya siya dahil naka-perfect siya. Matalino siya kaya hindi, kataka-taka'ng na-perfect niya 'yong test. Simula kasi primary, siya ang rank one namin, samantala'ng ako, nasa rank nine or ten lang. Ni minsan ay hindi ako nainggit sa katalinuhan niya dahil kapag naman wala ako'ng naiintindihan sa isang subject ay tinutulungan niya 'ko. Active ako sa ibang subjects lalo na sa Math pero ayoko talaga ng Biology. Pareho naman'g matalino sila Mama at Papa. Valedictorian pa nga si Mama at Third Honorable Mention naman si Papa pero ang hindi nila maintindihan kung bakit hindi ko namana 'yon. Oo, hindi ko talaga namana 'yon. "Tsk, kanina pa 'ko nagsasalita dito, Blaire. Nakikinig ka ba? Nako, ha? Stressed na 'ko." nagitla ako nang mapatigil sa paglalakad si Ysa kaya napatigil na rin ako. Tumingin ako sa paligid at nakita ko'ng nandito na kami sa village namin. Pareho kami ng village at magkatabi lang kami ng street.
"Sorry, hindi ako nakikinig. Ano ba'ng sinasabi mo?" taka ko'ng tanong. Nakangiwi siya'ng pinasadahan ng tingin ang kabuuan ko.
"Halata nga." sarkastiko'ng sabi niya. Nagpatuloy kami sa paglalakad. "Ano ba'ng nangyayari sa'yo? Okay ka lang?" hindi ko inaasahan ang pagtanong ni Ysa nang gano'n kaya napatingin ulit ako sa kan'ya.
"Oo naman." hindi na siya tumugon kaya napabuntong hininga nalang siya. Nakarating kami sa bahay nila at gaya nga ng inaasahan ko, nandoon si Tita at masaya kami'ng sinalubong. Marami kami'ng napagkwentuhan at nabanggit rin ni Ysa na naka-perfect kami sa test sa Biology kaya walang humpay sa pagpuri sa'min si Tita na siya'ng ikinalungkot ko. 'Napupuri kasi ako sa isang bagay na hindi naman ako ang gumawa at hindi ko naman pinaghirapan.'