webnovel

Just Be Friends

Maraming nagsasabi na kapag mag best friends the other one is in love secretly. At first I never believe that kase I never felt any form of affection for my super best friend Dylan. None at all. Until nagkagirlfriend siya, everything changed. I started noticing those smiles of him. Yung mata niya kapag nakikiusap siyang tulungan ko siya sa mga surpresa niya sa girlfriend niya. How can I resist those brown eyes? And every word sinks in. Why? Why now? Why him? Tsk. Sasabihin ko ba? O itatago ko nalang ba tong kung ano mang nararamdaman ko alang ala sa pagkakaibigan namin? O hahayaan ko ang sarili ko na maging masaya at maranasan ang ganito kahit minsan lang? I thought I'll never be one of them but, I hate to admit it.  Yeah, I'M SECRETLY IN LOVE WITH MY BEST FRIEND.

TheArcher19 · LGBT+
Peringkat tidak cukup
26 Chs

Chapter 19: Until Our Heartstrings Intertwine

Justin Klyde's POV

These past few days have been so stressful to the point that I almost want the time to move forward. Problems from the past haunted me while I'm still facing the present one. Hays. Maloloka na talaga ako sa totoo lang. 

I decided to take a walk para madivert naman yung utak ko sa mga nangyayari sa buhay ko. With me are my doggos and for some reason, etong si Kei aba hindi ko pa nailalagay yung harness nakalabas na ng bahay buti sarado pa yung gate dahil kundi baka atakihin ako sa puso.

"Hindi ka naman excited Kei lumabas no? Kaloka ka." tinahulan naman ako. Aba sumasagot ka na ha. "Cosmos don't eat that!" Paano ba naman kinain yung tanim na halaman ng kapitbahay namin! Tama ba tong desisyon kong isama tong dalawang to?

Naisipan ko naman silang dahil sa pinakamalapit na park sa amin. Remember yung lugar kung saan nagdate si Mira at Dylan? Dooners. Bago pa namin marating ang park si Cosmos pumiglas kaya nabitawan ko ang tali niya.

"Cosmos!!!!" sinundan naman agad namin ni Kei kung saan siya pupunta.

"Hey there buddy!"

"Kaya naman pala nagtatatakbo may nakitang kapwa aso."

"Tang ina ka." sagot ni Dylan. Tinawanan ko lang siya. "oh , ba't naligaw ka dito?"

"Baket bawal? Sayo tong lugar? Binili mo?" pambabara ko.

"Tindi mo talaga no? Tinanong ka tapos sagot mo tanong din. Lunurin kita dyan sa ilog eh."

"Sorry hindi mo ko malulunod."

"Sabagay, sirena ka nga pala." saka siya tumawa. Sinalpak ko nga yung buto ni Cosmos sa bibig niya.

"Good dog." agad naman niyang inalis sa bibig niya yung toy at tinuktok sa akin.

"Hayup ka talagang bansot ka."

"Same."

"So bakit nga andito ka?"

"Wala lang. Jikot jikot lang bakit ba?"

"Dapat pala sumama ka nalang sakin kanina. Inikot ko buong park kanina kakajogging."

"Pwede ba? Pinasyal ko tong dalawa dito para magrelax hindi para mag-alay lakad." sagot ko.

"OA naman. Tignan mo tong si Cosmos oh parang gusto magtatatakbo."

"Oh di isama mo. mag ikot muna kayong dalawa. Basta kame ni Kei magmamaganda muna dito habang nagtitingin ng boylets."

"Dinamay pa yung aso sa kalandian." bulong ni Dylan. Sinakal ko nga gamit ang tali ni Kei.

"A-Ack! T-tama na! D--ddi na ako ma-akahinga!" saka ko naman siya binitawan.

"Sabi ko naman sayo hindi tumatalab sa akin yang mga pagbulong mo. Kaya sa susunod wag mo ng gagawin yan ha?" sinamaan lang niya ako ng tingin.

"Halika na nga muna Cosmos lumayo layo muna tayo sa mga masasamang elemento dito!" saka sila tumakbo. 

"Akala mo naman hindi kayo babalik dito mamaya! Humanda handa ka na Dylan Rafael!" bwisit na yun. 

"Nako Kei mag enjoy na lang tayo di-- Kei??!" Hala paanong nakawala si Kei sa tali niya???? Agad ko namang nilibot ang tingin ko sa buong park. shet hindi ko siya makita!

"Kei baby asan ka? Kei!"

Kabadong kabado na ako. Jusko naman saan na nagpunta yun. Ang syunga syunga ko talaga!

"Hey."

Nilingon ko naman ang tumawag. Yung manliligaw ko pala.

"Here. Ikaw hindi mo iniingatan si Kei." 

"Sorry. May epal kase kanina kaya nalingat ako."

"Nakita ko nga sila kanina. Cosmos is kinda cute too."

"Syempre cute talaga mga babies ko. Ay nga pala, anong ginagawa mo dito? Saka paano mo nalamang andito ako?"

"Medyo boring sa bahay so naisipan kong bisitahin ka. I asked tita kung asan ka and she told me you're here."

"Hindi naman kailangan ng pagdalaw." sagot  ko.

"Kaya nga nanliligaw di ba?" Oo nga naman. "Saka baka may manulot mahirap na."

"Sino naman aber? Ikaw nga lang tong may lakas ng loob. HAHAHA."

"Ganun talaga. Hindi naman ako torpe tulad ng iba."

"Oh talaga ba? Kaya pala may nakwento sa akin si Benedicto." bigla namang nagbago ang facial expression niya.

"Siraulo talaga yun. Eh- aano, natural mahirap pa dumiskarte nun kase… speaking of the devil." 

"Ha? devil? " taka kong tanong sa kanya. Nginuso niya naman kung saan siya nakatingin. Si Dylan pala pabalik kasama si Cosmos.

"HAHA Demonyo talaga yan. Takot ka ba dyan?"

"Of course not! Ayoko lang ng gulo. I'm courting you in the nicest ways possible."

"Sus."

"Oh, si Cosmos. Ang bilis tumakbo pala niyan. Hiningal ako puta." saka niya inabot sa akin tali ni Cosmos bago tinignan si Paul at tinanguhan.

"Naligaw ka pre."

"You can say that pero I intentionally came here to visit Justin and Kei."

"I see. So bakit kailangang bisitahin pa? Wala naman na tayong pasok so wala kayong project na dapat asikasuhin. Wala din naman siyang sakit."

Nako nagtanong na! Yare parang gusto ko ng umuwi bigla. 

"I'm courting Justin. Hindi niya ba nasabi sayo?" saka ako tinignan ni Dylan.

"Wala siyang nababangit sa akin eh. Andami na ngang lihim sakin netong isang to." sagot ni Dylan habang titig na titig pa din sa akin. 

"Ngayon alam mo na."

"Kung ganon, imbitado ka sa bahay namin." parehas naman kameng napakunot noo ni Paul sa sinabi ni Dylan.

"Para saan naman?" tanong ko.

"Diba sabi ko noon sayo kapag dumating na yung lalakeng may lakas ng loob na manligaw sayo eh kailangan muna naming pag usapan ng masinsinan?"

"Huh? Wala akong natatandaang ganung usapan Dylan Rafael."

"Not my fault." Inirapan ko lang. "So, ano pre? Tara na." saka naunang naglakad. Ngumisi pa ang loko bago makalayo. Sumunod naman tong si Paul na cool na cool pa din.

"Huy, sasama ka talaga dyan?"

"He said so. Saka para matapos na ring kapraningan ng kaibigan mo."

"Oh sige. Sunod nalang ako dun iuwi ko muna tong dalawa." Tinanguhan niya naman ako. King ina iba kutob ko sa hayop na Dylan na to. Mga ganung ngisian may mga masasamang balak yun. Mamaya isalvage niya si Paul! 

"Ano ba tong iniisip ko!" saka ako nagmadaling umuwi sa amin.

After kong pakainin sina Kei at Cosmos ay nagmadali na akong pumunta kina Dylan.

Nagdoorbell naman ako agad sa kanila.

"Antagal naman magbukas ng lalaking to." kabado na ako dito. Maya maya pa lumabas si Dylan na nakangiti.

"Hoy kung ano man yang nasa utak mo ha wag mo ng ituloy!"

"Sinasabi mo na naman? Sabog ka ba?" saka niya ako pinagbuksan ng gate.

"Hoy wag mo akong gawing tanga!" saka ko siya sinuntok sa braso.

"Aray ha! Wala naman akong ginagawang masama!" 

"Siguraduhin mo lang." saka ako naunang maglakad papasok ng bahay nila.

"Wow. Nakakahiya sayo. Nauna ka pa. Bahay mo?" nilingon ko naman siya sa sinabi niya.

"Anong sabi mo? Eh ikaw? Pumapasok ka na nga lang ng walang paalam sa bahay namin. Sino mas makapal mukha?"

"Daming sinabi. Pumasok ka na. Baka di na makahinga yung manlilgaw mo." nanlaki naman ang mata ko sa sinabi niya saka pumasok agad sa bahay nila.

Dylan Rafael's POV

Nang makapasok ang bansot sa bahay ay agad naman niyang pinuntahan sa sala yung 'Manliligaw' niya. As if namang may gawin akong masama dyan.. Mabait akong tao no.

"Oh game na?" tanong ko sa manliligaw niya.

"Yeah."

"Anong game yan?"

"Nako bawal bading sa game na to." pangbabara ko sa kanya. Bahagya namang natawa si Paul. Siniko naman siya ni Justin.

"Anong bawal bawal ka dyan?!"

"Basta." Saka ako nagpunta sa kusina para kunin ang alak.

"Oh game na." Saka ko nilapag sa lamesa ang alak at pulutan.

"Hoy ang aga pa para mag inom!"

"You agreed Paul?" Nginitian lang siya bilang sagot.

"What's with these Dylan?" Inexplain ko naman sa kanya ang dahilan. 

"Sabi ko kase lahat ng manliligaw mo dadaan din sa akin. Kapag napatumba nila ako sa inuman, papayagan ko na silang manligaw sayo and he agreed."

 Napasampal naman sa noo si Justin.

"This is very childish Dylan."

"What? Bakit ko naman sila hahayaan na madalian lang? Ano sila sinuswerte? Mamaya loko loko pala isa sa kanila so dapat kilitasin muna bago payagan. Sabi ko naman sayo diba deserve mo ang matinong lalake." And with that, Justin shut upped. 

"Shall we begin?" Ang pambabasag ni Paul sa usapan. Tumango naman ako saka niya sinimulan ang unang tagay. 

"So pare baka pwede mo naman akong bigyan ng konting background sa kung sino ka."

Ininom niya muna ang unang tagay bago nagsalita.

"Paul Adrian Tan. 19. Fine Arts student. I live by myself. My Dad and Mom are in Batangas with my brother."

Tango tango naman ako sa sinabi niya.

"Girlfriend?"

"Then what's the point of sitting here just to win Justin's heart if I already have one?" 

Oo nga no. Ang bobo ko dun ah.

"Ang ibig kong sabihin ex girlfriend." depensa ko.

"Jusko Dylan ano ba namang mga tanong yan."

"Shut up ka lang dyan. Kumain ka muna tuloy may cake sa r--" Timawa. Ayun kumaripas na ng takbo papuntang kusina namin. Ng makakuha ng tatlo, oo tatlong slice ng cake ay naupo siya ulit sa tabi namin.

"You're so cute." Pagpuna ni Paul sa kanya.

"Kilig ka naman." bulong ko sa kanya.

"Tinidurin ko mata mo gusto mo?" nginitian ko lang siya saka tumagay.

"So mabalik tayo sa tanong ko. Nakakailang ex ka na?"

"One."

Napaubo naman si Justin sa narinig na sagot sa manliigaw niya.

"Ang hina mo pala pre. Ako nakaka sampu na."

"Does the number matters more than the relationship itself? Four years ding naging kame nung ex ko before we ended our relationship."

"Sabagay. Pero seryoso ka ba na wala talagang bago ngayon? Kase one time sa mall nakita kitang may kasama."

Tinignan ko naman si Justin na napatigil sa pagkain.

"That's my cousin. Mich. Justin already met her in case you don't  believe me." Tinignan ko naman si bansot kung totoo sinasabi netong isang to. Tumango tango naman siya.

"Mabuti na yung malinaw. Siya nga pala kailangan naalagaan tong mabuti kase kita mo naman kung gaano kasiba tong bespren ko. Kaya dapat-- awww. Joke lang." King ina parang napiga yung intestines ko sa pagkakasiko netong bansot na to. Bwisit. 

"I'm aware of that. Don't worry." 

"Ayaw niyan sa Okra."

" I knew it already."

"Mahilig yan sa sweets."

"Obviously."

"Antanga ng mga tanong mo no?" bulong sa akin ni Justin habang puno ng cake yung bunganga niya. Sinamaan ko lang ng tingin.

"Basta Pre, ang advice ko lang sayo kailangan mong maging pasensyoso dito. Kailangan mong maging matyaga kase may saltik to."

"Sinisiraan mo ba ako ha Dylan Rafael?" Saka niya binaliktad ang paghawak ng tinidor na parang mananaksak. Natawa naman kame ng manliligaw niya.

"Hindi ah. Ineexplain ko lang lahat ng consequences. Ayokong one day eh mapagod siya at iwan ka. Baka patayin ko siya eh."

"Hindi ko gagawin yun." sagot naman ni Paul.

"Siguraduhin mo lang. Ayoko pa makulong." 

Nagpatuloy pa ang inuman. Mukhang sanay na sanay ang kumag dahil nakakailang bote na kame ay parang wala lang sa kanya. O baka nagkukunwari-kunwarian lang na matibay.

"Kaya pa?" tanong ko.

"Yeah. How 'bout you?" 

"Sus. Warm up palang yang mga yan. Ni hindi pa nga ako tinatablan ng hilo."

"Yabang neto."

"Alam mo yan Justin. Inaabot na nga tayo dati ng umaga para mag inom."

"Natural andami mong drama sa buhay nun kase broken ka." bwisit na to talaga.

"Kahit broken ako nun malakas pa din ako." 

"Malakas kang magtawag ng uwak." binatukan ko nga. "Wag mo nga akong hinihiya." bulong ko sa kanya.

"Wag ka kaseng makwento at tapusin niyo nalang to ng makauwi na yan." bulong niya pabalik.

"Sabi ni Justin tapusin na daw natin to ng magkaalaman na. Ilang case nalang naman to."

"Walang problema sa akin." sagot ni Paul at saka tumagay.

Justin Klyde's POV

"Tin bitawan mo nga ako!!! De pa ako lasheng! T-tagay pa kame ni Paul!" 

"He! Ang ingay mo! Sinasabi ko na nga ba olats ka na naman!" 

"A-anong olats?!! Kaya ko pa mag enom!" binitawan ko nga. "A-aw."

"Oh akala ko ba kaya mo? Kulit mo din eh no."

"Here, let me help you. Di na niya kaya iakyat na natin siya sa kwarto niya." pag aalok ni Paul.

"Mabuti pa nga." 

Buti nalang talaga andito si Paul kunde dito ko talaga sa sala patutulugin tong hinayupak na to. Ambigat eh.

Nang mailapag na namin siya sa higaan ay bumaba na muna kame at nagtimpla nalang muna ako ng kape para kay Paul.

"Oh heto para medyo mawala yung pagkahilo mo."

"Sweet naman ng babe ko."

"Sira. sige na inumin mo na yan." tumango naman siya bilang sagot. "Eh ikaw okay ka lang ba?"

"Yeah. Just a bit tipsy pero kaya naman."

"Okay. Kase kung di mo kaya pwede ka naman muna magstay sa bahay." 

"Really? Uhm, medyo sumasakit nga bigla ulo ko. I think I need to stay in your house." saka niya hinihimas himas yung sintido niya.

"Nako, ba't parang bigla kong naramdamang may mali. Sure ka bang sumasakit talaga ulo mo eh kasasabi mo lang kanina na kaya mo naman?"

"Well, kanina yun. Right now medyo sumakit eh. Dun ba ako matutulog sa kwarto mo?"

"Wow naman. May guest room kame Paul. Dun ka."

Bigla namang nalungkot ang mukha niya. "Tss. Cute." bulong ko saka nagpunta sa kusina para hugasan ang pinag inuman nila.

"I heard that." 

"Sabi ko kaya panget mo."

"Gwapo gwapo ko eh." saka siya humigop sa kape niya. Tinawanan ko lang siya saka sinimulang sabunan ang mga plato.

""You need help babe?"

"Nope. relax ka lang dyan para mawala hilo mo."

"Makita lang kita nagiging okay na ako." nakooooo talaga naman. Kamuntikan ko tuloy mahulog yung plato.

"Bato ko sayo tong plato puro ka kalokohan."

"Hays hirap niyo talaga kausap mga babae. Hirap niyo ispelengin."

"HAHAHA OA. Saka di ako babae."

"Kahit di ka babae mahal kita. Okay?" nilingon ko naman siya sa sinabi niya. Jusko tong puso ko sinasapian na naman. Pinagpatuloy ko nalang ang ginagawa ko.

Matapos kong hugasan ang lahat ng ginamit nila kanina sa inuman ay nagpaalam muna ako kay Paul na asikasuhin si Dylan sa taas at baka nagkalat na dun. 

"Wait mo nalang ako dito. Idlip ka muna dyan gisingin nalang kita." tumango lang siya.

Dala dala ang bimpo at maligamgam na tubig ay pumasok na ako sa kwarto ni Dylan.

"Ay nako bakit dyan ka sumuka?! Para kang bata." nasukahan niya na kase side ng bed niya pati damit niya.

"Eh hilo nga ako eh. Gagalet ka pa." 

"Ewan ko sayo. Oh maupo ka muna at pupunasan kita." saka ko siya inalalayan para makaupo ng mabuti. 

Kumuha nalang ako ng maaliwas na damit. Nilinis ko muna ang mga kalat niya saka ko siya hinilamusan.

"Wag Tin. Virgin pa ako." 

"Gago. Papalitan ko lang damit mo ang dumi ng utak mo." Saka ko hinubad ang t-shirt niya.

"Gusto mo bang ikaw na magpunas ng sarili mo?" tanong ko saka inabot yung bimpo. Umiling naman siya saka sinabing ako nalang daw. 

Sinimulan ko siyang punasan sa mukha. Sinunod ko naman sa bandang leeg at kasunod naman ay ang dibdib niya. Maya maya pa hinawakan niya kamay ko. Bahagya naman akong nagulat at nilingon siya.

"Palit ako shorts." 

"H-ha? Malinis naman short mo!"

"Hende. Naupuan ko kanina suka ko eh. Tignan mo oh." saka siya nagside view. May konti ngang suka sa bandang pwetan ng short niya.

"Ah eh saglit ikukuha kitang shorts mo." Jusko. Tawagin ko nalang kaya si Paul? Kaso mahihiya tong isang to. What to do????

"Oh. magpalit ka na. Kaya mo na yan." saka ko binato yung shorts niya.

"Hihilo nga ako tapos sakin mo utos? Palitan mo na. Magkaibigan naman tayo." Jusko naman. Magkaibigan kame oo pero babae ako! Duuuh. 

"Hay nako kahit kelan talaga kainis ka!" saka ko siya nilapitan. "Oh ayan ha pipikit ako. Huhubarin ko na tong shorts mo."

"Pikit pikit pa nakita mo na nga yan dati." 

"King ina ka wag ka ng nagpapaala ng mga bagay bagay hayup ka!" Saka ko binilisang hubaring ang shorts niya. Woooh. Isa nalang. Isusuot nalang. Maya maya hinanap ko yung paa niya kase nakapikit pa din talaga ako. Ayoko pa hong magkasala.

Natapos ko ding bihisang ang tukmol. Grabe pinagpawisan ako dun ah! Nilagay ko na lahat sa labahin ang mga madudumi niyang damit. Inayos ko na rin ang pagkakahiga niya para makapagpahinga na rin siya.

"Oh sige na. Uuwi na ako ha." pagpaalam ko.

"Dito ka na matulog oh. Luwag luwag ng higaan." saka niya tinapik yung kabilang side ng higaan. 

"Magpahinga ka na ang daldal mo pa. Sige na alis na ako ha." saka ko siya kinumutan. Maya maya pa hinawakan niya ang kamay ko.

"Dito ka na muna please? Wala akong kasama eh."

"Ano ka ba ang laki laki mo na." sagot ko. At parang bata bigla siyang bumaliktad ng higa.

"Sige umuwi ka na. Ganyan ka naman eh."

"Para kang bata. Aalis na ako anong oras na din. Grabe kayo mag inom inabot ng gabi." saka ako tumayo. Sa bilis ng pangyayari nahila niya na pala ako sa higaan.

"D-Dylan."

Nakadagan kase siya sa akin. Habang nakatitig sa akin.

A moment of silence.

"Mahal na mahal kita." 

Antagal pa bago naproseso ang sinabi ni Dylan bago ako nakasagot.

"A-ano?" Wala na akong nakuhang sagot mula kay Dylan. All I know, his lips pressed onto mine.

Hindi ko alam kung anong dapat kong maramdaman ngayon. Gustong matuwa ng puso ko pero sa isang banda parang may mali. I did not respond to his kiss. Ganun lang. Steady lang habang siya hinahaplos ang buhok ko. In shock pa din ako. Maya maya pa kumalas na siya saka ako nginititan.

"Dito ka lang sa tabi ko ha?" tumango tango lang ako dahil hindi ko alam ang mga dapat kong sabihin.

"Mahal na mahal kita…

.

.

.

.

.

Mira." saka siya napahiga sa dibdib ko. 

Ngayon alam ko na ang dapat kong maramdaman. Pain. Endless pain. Bakit nga ba ako umaasa? Bakit ko ba hinahayaan ang sarili kong umasa sa bagay na malabo? Sa bagay na walang kasiguraduhan? Sa bagay na kailan man hindi mabibigyan ng sagot. Ang bobo ko lang talaga. I deserve this.

What is hurting the most right now is seeing that person standing in front of Dylan's room.

"P-Paul?"

"M-magpapaalam lang ako. Kaya ko naman pala umuwi. U-una na ako Tin." saka siya bumaba. Dun ko na di napigilan ang pagpatak ng mga luha ko. 

Agad ko namang inalis sa pagkakahiga sa akin si Dylan at sinubukang habulin si Paul.

"P-Paul saglit lang. It's not what you think."

Huminto naman siya bago marating ang gate ng bahay nila Dylan.

"Ang tanga ko lang talaga Tin. Sana naging masaya nalang ako na magkaibigan tayo." sagot niya ng di lumilingon sa akin. 

"P-Paul."

"Well that's love has to be. Gagawin mo naman lahat. Even sacrificing your friendship. Eh anong magagawa ko? I wanted to be with you. I want you by my side. I want you to be mine." then I heard him sob.

"Alam ko naman talagang wala akong laban sa bestfriend mo. You love him. Eh ako? I'm just a nobody. Someone who is hoping for nothing." Oh God. I am hurting this guy. This guy who sees and appreciates the best of me. I'm so cruel.

I ran towards him and hugged him. I felt his arms on mine.

"I'm sorry Paul. I don't deserve you." saka ako lalong naiyak.

"Remember, yung sa rooftop? When we're supposed to meet?" I nodded. " I was there. I heard everything. Kaya nga di na ako tumuloy nun kase I know that time I already lost you." lalo pang humigpit ang yakap ko sa kanya habang patuloy pa ding ang pag agos ng mga luha ko.

"Kaso makulit si Benedicto. He wanted me to fight for you kahit alam kong dehado na ako. I agreed because I don't want to regret this for the rest of my life that's why here, I am, giving my best just to win you." Saka niya kinalas ang pagkakayakap ko at humarap sa akin.

"You know I love you right?" tumingala naman ako sa kanya saka tumango. He smiled before holding my face. "I love you so much Justin more than my life. Truly. You made me the happiest guy when you agreed to open your heart to me. Kaso baka hindi talaga pwede. Maybe it's the end of the line for us. Baka pag pinilit ko pa to… baka di ko na kayanin yung sakit." saka siya nagsimulang maglakad palayo. Nang makalabas na siya ng gate ay muli siyang lumingon.

"Thank you for making my days happy. I will cherish every bit of it." napayuko nalang ako while my tears kept on falling.

"A friendly advice Tin." Tinitigan ko naman siyang muli. "I know you love him, but Dylan loves Mira. You need to save your heart also, same as what I did to mine. Even though you broke mine,

.

.

.

.

.

.

I still want your heart to be whole. Goodnight babe." then he left. I stared at him until he got into his car and drove off. 

Hindi ko na alintana pa kung napapalakas ang pag iyak ko. Naisip ko kase na baka sakaling sa pag iyak kong to maibsan man lang lahat ng sakit. Kung kelan naman nabigyan ko na ng space sa puso ko si Paul ay saka ko naman to sinayang.

I'm such a terrible and heartless person. I don't deserve his love.

I don't deserve to be loved.