Chapter 2
"We go,we go high
We are SLC,
Hey,hey,SLC!"
Humikab ako habang pinapanood sila Lauren at Clarisse na nagpapractice para sa darating na school rally.
Si Chaos ang katabi ko na syempre,katulad ko,tahimik lang din palagi.
School rally happens every year as the opening remark of sports festival.Doon shinoshow off lahat ng athletes.Nagkakaroon din ng cheerdance competition.Ginaganap karaniwan ang school rally sa streets ng kung sinong school ang host para sa taon.
Magaganap na ito next month kaya nagsisimula na ang paghahanda ng mga athletes pati na rin ng cheering squad.This is the biggest event of each school every year.
Lahat ng kaibigan ko ay mga athletes at kasali sa cheer dance.Ako lang ang walang hilig sa aming samahan doon.
"Nov..."tawag sa akin bigla ni Reagan.Tiningala ko sya."Screening na daw.Kaylangan lahat ng journalist."he added kaya tamad na tumango ako saka kinuha na ang aking bag.
"Journ Room lang ako."tinapik ko si Chaos.He nodded slowly at inilapit sakanya ang gamit ng dalawa naming kaibigan."Text me when you're going."I added.Again,he just nodded.
Iniwan ko na si Chaos mag isa doon para sya ang magbantay sa aming mga kaibigan at sumunod na ako kay Reagan.
Habang magkasabay kami ni Reagan na naglalakad sa hallway ay nililibot ko ang aking paningin sa buong field kung saan nakalagay ang soccer field.Nandoon na rin ang ilang soccer player at nag uumpisa na mag practice.
"Ang daming sasali sa screening ngayon.Baka mahirapan tayo pumili."saad ni Reagan kaya sakanya ako bumaling at tumango.
"Pagbigyan dapat lahat ng may potensyal.Napag aaralan naman ang lahat."sagot ko at tumango sya saka tumingin sa soccer field kaya doon din ako napatingin.
"You know the guy in grey shirt?"he smirks kaya nangunot ang noo ko.Kinailangan ko pang ipaningkit ang aking mata para luminaw sa aking paningin ang kanyang tinuturo.
Holy shamoly!
Biglang lumingon sa gawi namin ang lalaking tinutukoy ni Reagan.Oo,si Titus iyon!Naka grey na tshirt ito at naka short na kagaya ng soccer players!Pati sapatos ay kagaya ng ibang players!
"Titus Abraham."salita uli ni Reagan nang hindi ako naka imik saka ito nagpatuloy sa paglalakad.Sumunod naman ako sakanya saka uli nilingon si Titus na nakaapak sa bola at nakangising nakatingin sa amin."The Journ team is still hoping for him to join the photography."ngumiwi ito.
"Sya?Sino ba yon?"habol ko sakanya.
Pumasok na kami sa building at nag umpisang akyatin ang hagdan papunta sa fifth floor.
"Transferred student.Hindi mo kilala?Mula first day ay nandito na yan ah?"taka nyang sagot.
"Eh?"
"Oo nga!Yan yata ang papalit kay Cliff pagdating sa chicks!Napakalakas ng hatak kaya pati ibang school ay excited na para sa debut nya sa soccer team."
"Bakit hindi ito nababanggit sa room?"
"Why so curious,Nov?Baka isa ka na din sa nabihag?"tanong nya at ngumisi saka binuksan ang pintuan ng aming room.
Mula sa labas ay mahaba na ang pila para sa screening.
"It's just that it slipped on my paper!"depensa ko kaya tumango ito at pumunta sa kanyang desk at may kinuhang folder doon.Ibinigay nya sa akin iyon.
"I forgot na inilipat ka na nga pala as one of the chief of staff."umiling ito."If you're curious enough and want to get some scoop on him,you can get the infos there."tinuro nya ang papel.
Naupo naman ako sa aking desk at tinanguhan ang ilang bati sa akin ng mga kasamahan ko na abala sa mga papel.
"Kung mas gusto mong makilala si Titus,pwede mo namang kausapin iyon.Kakaunti kasi ang info na nakalagay dyan.Masyado daw private."si Abel naman ang nagsalita kaya tinanguhan ko sya at inabala na ang sarili sa pagtingin sa folder ng malignong Titus na iyon.
Name: Titus Abraham
Sex: Male
Age: 20 years old
Interest: Book of mythology, playing soccer, photography
"Is this all?Bakit pati address ay wala?"taka kong tanong.Nagkibit balikat naman ang mga kasamahan ko.
"I told you,he's so private."si Reagan,saka tumingin sa orasan.
"Game na!Screening begin in three...two...one."umasta itong direktor at saktong bukas naman ni Pia ng pinto para sa mga mag sscreening.Reagan is the director of the club.Sya din ang tumatayong leader.
Nag umpisa naman na kami sa pag iinterview at pagpapagawa ng on act article sa iba't ibang category.
Nang magsimula ako dito last year ay editorial at sports writer lang ako hanggang sa na promote na ako sa pagiging editor in chief.
Ilang oras ang itinagal namin at nang tapos na ang inilaan na oras doon ay narinig ko na ang pag angal ni Chris.Nilapag nya ang mga developed na pictures sa kanyang table.
"Nakakainis!These are all trash!"marahas nitong sabi kaya pati ako ay napabuntong hininga.I can feel his stress from his table up to here.
Nauunawaan ko ang stress nya dahil kung kailan nya kailangan ng katuang sa photography dahil graduating na nga sya ay saka pa kaunta at mga walang experience ang mga sumubok.
"Tyaga-tyaga nalang muna tayo, pare."tinapik ito ni Reagan.
"I don't have a choice,man!"pagod na tugon ni Chris sa kaibigan.
"Am I late?"
Pagod kaming lahat na bumaling sa pinto dahil may biglang nagbukas ng pinto.
"Oh God!Akala ko ay hindi ka talaga mag t-try!"relieved na sinalubong ni Reagan si Titus nang pumasok ito sa aming room.
Tinignan ko ang suot nito at suot nanaman nito ang kanyang leather jacket na may shirt na puti sa loob at pants na itim pati sapatos.
"Oh my!"rinig ko na bulungan ng mga kasama kong babae.Ako naman ay mataman na pinapanood si Titus.
Inakbayan ito ni Reagan saka pinalapit kay Chris.
"Hindi na nito kailangan ng screening!"Chris announced saka nakipag kamay kay Titus.Ako naman ay napatayo at kunot noo silang tinignan.
May mala demonyong ngiti si Titus nang tumingin ito sa akin kasabay ng iba.
"Anong walang screening? Isn't that unfair?!"
"Nov,he's our only ace!Makikita mo din ang skills nya pag sumalang na sya!"tumango pa si Reagan na mukhang nagamitan na ng kung anong kapangyarihan nitong Titus na ito!
'' I didn't used any." nagulat ako nang parang may bumulong sa akin pero isinawalang bahala ko iyon.
"At pag palpak?Ano saka tayo hahanap nanaman?!"masungit kong tanong at parang napaisip naman ang dalawa.
Kakamot kamot sa batok na binalingan ni Reagan si Titus kaya dito natuon ang atensyon ng demonyo matapos ngumisi sa akin.
"Ayos lang ba sayo?"
"Ayos lang."
"Sige.Anong subject kukunan mo?"tumayo si Chris at pinag assemble ng camera si Titus.Ako naman ay nakalma na at naupo na uli.
Inayos ko na ang mga folder na naipon ko mula sa mga nag screening na kailangan kong puntahan bukas para ipaalam sakanila na pasado sila.
Tumayo na ako at kinuha ang aking bag.
"Sya."
Natigil ako nang bumaling sa akin ang lahat at mga natahimik.Tila ang pagtibok naman ng puso ko ay saglit na natigil.
"Sasali ako sa team,if she's my subject today."dahan dahan itong ngumiti sa akin kaya kulang nalang ay batuhin ko sya ng mga folder na dala ko.
Gulat man sa nangyare,tinignan ako ni Chris nang may pag asa kaya wala akong nagawa kundi ang bumuntong hininga at dahan dahang binaba ang aking mga dala.
Napasinghap naman ang mga kasamahan ko nang pumayag ako.
Kung hindi lang kailangan ni Chris ay hindi talaga ako papayag!
"Saan ba?Dapat dito nalang din sa loob!"inis kong sabi.Ngumisi si Titus at kinuha sa kamay ni Chris ang camera.
"I want it out side the room.Sa hallway.Walang tao doon."nakangising sabi nito kaya gigil na gigil akong tumango dito.
"Dito lang kayo!Walang manonood!"banta ko sa aking mga kasamahan na nagtatawanan na.
Kakasara palang ni Titus ng pinto ay ang mga bintana naman ang bumukas at doon nagsilipan ang mga kasamahan ko.
Nakakainis!
"Quit hissing.Nakakarindi ang utak mo."bulong nya sa akin saka ako tinalikuran.Naglakad sya sa dulo ng tahimik na hallway.
"Seriously,bakit ka nandito?Bakit ngayon lang kita nakita dito?"bulong ko habang abala sya na inaayos ang camera.
Para syang professional habang kinakalikot ang camera bago sya nagbuntong hininga at nagulat ako nang iabot nya sa akin ang camera.
"What am I gonna do with this?"maang kong tanong.Sumimangot sya.
"I don't know how to use that.Which one should I click or something?"
"A-ano?!"gulat na gulat kong tanong kaya nangunot naman ang noo nya."Don't fool me!Kinuha ka dito kasi nakitaan ka ng potensyal!"asik ko pero hininaan ko ang aking boses.
Umirap sya saka dinilaan ang kanyang pang ibabang labi and leave half open.Napatitig ako doon.
"I faked it."he shrugged kaya inis na sinuntok ko sya sa dibdib.Tumawa sya."Dali na.Sabihin mo lang kung ano ba ang dapat kong pindutin at ako na ang bahala."bulong nya kaya inis na hinablot ko sakanya ang camera saka sya hinigit patalikod sa mga kasamahan na nakikiusisa.
"Just click this one,Moron!"asik ko pero humalakhak sya saka tumango.
"Alright.Go there."tumango sya saka nakangiti na kinagat ang pang ibabang labi at itinapat sa mata ang camera.He bend down.
"Paanong pose?What type of photography ba—"
"Just be you.Keep moving.Look at the lense."simple nyang utos kaya bumuntong hininga ako saka inayos ang suot ko na peach na polo shirt at skirt na itim.
Lumapit ako sa railings at ipinatong doon ang aking braso saka tumingin sa camera.
Hindi ako naalis sa aking pwesto habang sya ay parang expert na paiba iba ng anggulo.
"Yan! Perfect!"he announced habang nakatingin sa camera kaya lumapit ako doon.
Bumalik din kami sa loob ng room at mga nakangisi ang mga kasama namin doon.
Kinuha ni Chris ang camera at masayang dinevelope ang mga ito.Saglit syang nawala bago bumalik at ipinakita ang mga pictures.
"Nice!"papuri ng mga kasama ko.
Ako naman ay umiling saka bumalik na sa aking table at kinuha na ang mga gamit ko.
"I'm going."paalam ko saka tuluyan nang lumabas habang sila naman ay abala sa katitingin sa mga litrato na kinuhanan ni Titus.
I admit,napabilib nya ako doon.Hindi nya alam kung ano iyon pero nagawan nya ng paraan.Sabagay,hindi naman sya normal.I mean, it's not that I really believed that he's from hades or what.It's just that his presence is different.Very different.
"Nagugutom na ako."
"Holy sh—ano bang kaylangan mo nanaman?!"inis ko nang tanong na may halong kaba nang bigla syang sumulpot sa aking tabi.
Nasa first floor na ako!
"Are you deaf?I said I'm hungry!"umiling ito.
Sinilip ko ang aking orasan at nakitang alas singko na ng hapon kaya wala nang estudyante sa paligid.Plus,parang magbabadya nanaman ang ulan.Umirap ako nang may maisip saka sya nilingon.
"Seriously,kasalan mo kaya laging makulimlim ano?"namewang ako at napaatras naman sya.
"I'm the god of storm and peace,what will you expect.Duh?"maarte nyang sabi kaya natigil naman ako.
"I'm just kidding and I hope you too."di makapaniwala kong sabi.He then shrugged again saka nauna nang maglakad.
Sinundan ko naman sya.
"Hoy,nag jojoke kalang din naman diba?"tanong ko uli.
"What's joke?"tumigil sya at inosente akong tinignan.
"Ha?Y-you... don't know that word?Ganoon ka kabobo?"lito kong tanong.Nangunot naman bigla ang noo nya.
"Ganoon ka kabobo para sabihin iyan sa taong hindi nyo naman kauri?"deretsahan nyang sagot.
"Whatever.Bumili ka ng sarili mong pagkain!"pagsuko ko dito saka sya tuluyang iniwan doon para pumunta sa dorm ng mga kaibigan ko.
Laking pasalamat ko nang makarating ako sa labas ng dorm ay wala sya sa aking tabi or likuran kaya papasok na sana ako sa pintuan nang may mapansin akong gumalaw sa may malaking puno malapit sa bahay.
Kunot noo ko iyong nilapitan dahil sigurado akong may nahagip ang mata ko kanina na parang itim na katulad ng kay Titus.
Mas lumalakas ang kabog ng dibdib ko habang palapit ako sa puno.
Three steps to go nang mapalingon uli ako sa dorm dahil lumabas na mula doon si Cliff.
"Ang tagal mo.Ano pa bang ginagawa mo dyan?"kunot noo nyang tanong saka lumapit at sisilipin sana ang tinitignan ko kaya agad ko syang hinigit sa braso.
"Huwag!"pigil ko at natigil naman sya.He smirks saka marahan na inalis ang pagkaka kapit ko sakanyang braso at hinawi ang ilang dahon sa puno.
Walang kahit ano doon kundi puro dahon.
"Seriously, what's happening to you lately?"natatawang binalingan ako ni Cliff.
Gusto ko sanang sabihin sakanya na may Titus na gumagambala sa akin kaso ay nakita ko malayo sakanyang likuran si Titus at seryosong pinapanood kami.
Dahan dahang lumingon doon si Cliff kaya mas kinabahan ako.Laking pasasalamat ko nang humarap uli sya sa akin at tila walang nakita.
I don't know what creature that Titus is,but I'm thankful that he didn't let Cliff to see him.