webnovel

Internal Sin (Tagalog)

Misteryosong nawawala ang mga piling tao na galing sa ibat ibang lahi at mga bansa. Sila ay napadpad sa isang tila pirpektong mundo kong saan naroon matatagpuan ang lahat ng pinaniniwalaang mga halimaw na syang sa mga lumang kwento lang maririnig. Sa mundong ito nabububay sa katawan ng tao ang kapangyarihan na nagmumula sa pitong charka. Sa kakaibang mundo ding iyon matatagpuan ang mga napakalalaking dungeon na syang binabantayan ng mga kahariang naglalaban laban para alamin ang paraan para makabalik ang tao sa totoong mundo na pinag mulan nito. Sa huli tangin ang kahariang makakakompleto lamang ng libro galing sa mga dungeon ang syang makakaalam ng katotohanan at paraan para makabalik ang mga tao sa orihinal nilang mundo.

namme · Fantasi
Peringkat tidak cukup
8 Chs

Ang Simula ni Casey

Nakaramdam ng gutom si casey at dito nakahanap si Casey ng mga prutas tulad ng saging, santol at buko na nakuha nya sa mga puno na malapit sa bangin dahilan para hindi na tuluyang pumasok si Casey sa kagubatan na napakadelikado para sakanya.

Ang mga prutas na nakuha ni casey ang naging pagkain nya sa umagahan at tanghalian, dahil naman sa sabaw ng buko ay ginamit ito ni Casey bilang pansamantalang tubig nya.

Pero alam ni Casey na hindi parin sya tatagal sa lugar na iyon, at sa tansya ni Casey ay tatlong araw lang ay mauubos na nya ang mga prutas na naroon malapit sakanya at di magtatagal ay kakaylanganin na ni Casey na pumasok sa gubat para lang makahanap ng makakain at kong hindi papalarin ay baka si Casey ang maging pagkain ng mga halimaw doon.

Alam ni Casey iyon dahil minsan ay nakakarinig sya ng mga tinig ng halimaw na galing mismo sa gubat na nasa likuran nya.

Hapon na noon at dito nawawalan na ng pag asa si Casey dahil malapit nanamang gumabi.

Naisip ni Casey na kong sinwerte sya kagabi at walang halimaw na nagawi sa bangin na iyon ay malamang mamayang gabi o di kaya ay sa mga gabi pang susunod araw ay makain na sya ng halimaw na makakapunta roon.

Walang mapagtataguan si Casey sa dulo ng bangin na iyon tanging ang magagawa lang ni Casey para makaiwas sa halimaw na makakita sakanya roon ay tumalon sa bangin at mahulog sa dagat pero kapag ginawa naman iyon ni Casey ay maaaring maubusan sya ng lakas kakalangoy at malunod o di kaya naman ay kainin din ng mga halimaw sa tubig lalo na at alam ni Casey na talagang malalim ang dagat.

Ito ay base sa kulay ng tubig ng dagat sa paanan ng bangin na iyon na napaka dilim kong tititigan mahahalata mong napaka lalim nito dahil sa dilim ng ilalim.

Dahil sa mga negatibong bagay na naiisip ni Casey ay nagpasya nalang si Casey na itali ang mga paa at tumalon sa bangin at magpatiwakal dito.

Nakapagdesisyon na si Casey dahil lumalakas lang lalo ang bugso ng damdamin nyang na magpatiwakal na lamang kapag naiisip na wala naring paraan para makabalik pa sa kaharian.

Tuluyan nang naligaw si Casey doon at hindi alam ang daan para makabalik, bukod pa roon ay naghahantay din sakanya ang mga gutom na halimaw sa gubat.

Dala narin ng pangungulita ni Casey sa mga mahal sa buhay tulad ng kanyang mga magulang at mga kaibigan ay talagang gagawin nanga ni casey ang magpatiwakal.

Sa ganoon bagay ay hindi na sya mahihirapan pa at inisip nalang ni Casey na baka makabalik sya sa totoong mundo kapag namatay sya doon.

Inihanda na ni Casey ang sarili at itinali na ang mga paa at dito ay hihintayin nalang nyang lumubog ang araw at sasabayan nya ito ng pagtalon sa bangin.

Papatalon na si Casey nang biglang may nagsalitang boses ng lalake sa tabi nya.

Laki naman ng gulat ni Casey nang marinig ang boses na iyon, sa gulat ni Casey ay dito nawalan sya ng balanse dahil narin sa nakatali na ang mga paa nya.

Sa puntong iyon ay papahulog na si Casey sa bangin pero buti na lamang ay nahawakan ang kamay nya ng lalaking syang gumulat sakanya.

Hinila sya nito papaitaas samantalang labis naman ang kaba ni Casey dahil sa kamuntikan nyang kamatayan.

[Nagsalita muli ang lalake]

Lalake: ayos ka lang ba!?

Casey: Oo, pero bakit narito ka at sino ka?

Lalake: bakit ako narito? Hahaha teritoryo ko ang bangin na ito kaya ako naririto.

Casey: Huh! Eh halos mahigit isang araw na ako dito at hindi manlang kita nakita bukod paroon ay wala akong nakitang kahit anong bakas na may naninirahan sa bangin na ito tulad ng pinagsunugan ng apoy o mismong tirahan mo dito.

Lalake: hindi kaylangan ng kahit anong bagay para makapag iwan ako ng bakas dito at isa pa hindi mo talaga ako makikita dahil ginusto kong hindi magpakita sa iyo.

Casey: alam mo wala akong maintindihan sa mga sinasabi mo.

Lalake: huh! Hindi mo ba napapansin?

Casey: ang alin!?

Lalake: Oo nga pala gabi na kaya hindi na halata. Wag ka mabibigla ah pero isa kasi akong spirito, hindi mo na mahahala ngayon dahil gabi na at madilim na ang paligid pero sa umaga kapag nagpakita ako sa iyo ay makikita mo na kulang ang imahe ko.

Ibig kong sabihin ay makikita mo parin ang mga bagay na natatakpan ko o ang mga nasalikoran ko kapag tinitigan mo ito.

Casey: Hahaha tinatakot mo ba ako. Pano ako maniniwala sa mga sinasabi mo e nahawakan mo nga ako kanina kaya nga eto at nailigtas mo ako.

Lalake: totoo nagagawa kong hawakan ang mga bagay na gusto kong hawakan pero walang kahit na ano at sino man ang makakahawak sa akin at bukod pa roon ay tanging sa kamay ko lang nagagawa ang kamayahan kong iyon at sa ibang parte ng katawan tulad ng paa ay diko iyon magawa.

Isa pa nagagawa ko ding maglaho sa paningin ng iba kong gusto ko at magpakita dito tulad sayo.

Kaya nga nasabi ko kanina na kasa-kasama mo lang ako sa buong oras na naririto ka at katabi mo panga ako minsan.

Casey: alam mo hindi ko alam kong seryoso ka sa mga sinasabi mo pero kong isa kang spirito bakit ka ganyan.

Ang ibig kong sabihin dapat inaatake o tinatakot mo na ako ngayon pero tinulungan mo pa ako.

Isa pa ay hindi ko magawang maniwala sayo na spirito ka dahil di naman ako nakakaramdam ng takot sa iyo.

Lalake: wala namang nagbago sakin bukod sa wala na ang pisikal kong katawan.

Parang tao parin ako ang pagkakaiba lang bukod sa wala akong katawan ay hindi na ako nagugutom at napapagod.

Nagagawa ko rin takasan ang oras.

Nagagawa kong pabilisin ang nangyayare halimbawa kong umaga na ay papabilisin ko lang ang oras ko at gabi na uli, pero kapag ginawa ko iyon ay hindi na ako makakabalik sa oras na nagdaan.

Pero nang makapunta ka rito ay di ako gumamit ng paglaktaw ng oras at buong araw kitang sinundan at pinanuod.

Casey: sa totoo lang dama ko nga na may nakatingin sa akin kanina pa pero iniisip ko nalang na dala lang iyon ng takot ko dahil sa mag isa lang ako dito.

Pero alam mo kahit ano kapa at dahil hindi ako nakakaramdam ng kahit ano sayo ay masaya ako at may makakasama at makakusap na ako.

Dahil sa pinapalakas nalang ni Casey ang kanyang loob ay hindi nag isip ng kahit na ano man si Casey at pinili na lang nito na makipag kaibigan sa Lalake upang mayroong makakwentuhan at makasama, gayong nakikita naman ni Casey na mabait ang lalaking iyon kahit na ano pa ito.

Nag pakilala na sa isat isa ang dalawa at ang lalaking spirito nga na iyon ay si Cedric.

Nagka-kwentuhan na ang mga ito tungkol sa mga sarili.

Hanggang sa mai-kwento narin ni Casey pati ang buhay nya sa totoong mundo at kong papaano sya napadpad sa mundong iyon.

[Kwento ni Casey]

Isa akong artist sa totoong mundo pero walang naniniwala sa taglay kong galing at walang may pake alam sa kahit ano mang nagagawa ko at mga naiguguhit ko.

Ilang beses na akong nawalan ng gana dahil sa ganoon kong sitwasyon.

Lagi kong naiisip na wala akong mararating dahil sa walang naniniwala at humahanga sa akin.

Pero nag bago ang pananaw ko at naging positibo ako sa lahat nang bagay matapos akong ma-adik sa mga kanta ng isang koreanang grupo.

Talagang naibigan ko ang mga kanta nila at maging sila, kaya naman sila ang ginawa kong inspirasyon.

May babaeng mahal na mahal din ako noon pero ni kahit na kaylan ay hindi ako inibig at binigyang pagkakataon nito kaya naman sumuko na ako kahit labis parin ang nararamdaman ko sakanya.

Para makalimutan ko ang babaeng iyon ay ibinaling ko nalang ang pagmamahal ko sa sinasabi kong koreanang grupo.

Tandang tanda kopa ang huling taon ko sa totoong mundo.

Taong 2027 noon at nalalapit na ang kaarawan ko sabik na sabik akong makauwi noon galing sa aking trabaho.

Nakapag desisyon na kasi akong buksan ang alkansiya ko para mabilang ang na-ipon ko.

Matagal kasi akong nag ipon para mapunan ang mga luho ko.

Totoo nag ipon ako para makabili ng mga album ng gustong gusto kong grupo.

Labis labis ang ibig ko sa mga koreanang artist na iyon at talagang sila ang naging inspirasyon ko sa lahat ng bagay.

Pauwi na ako at nadaanan ko ang isang bending machines na bago lamang sa lugar namin.

Sinusuportahan kasi noon ng bansang japan ang pilipinas matapos maganap ang alitan nito mula sa bansang tsina noong pang nakalipas na mga taon.

Sa pag pili ko ng maiinum sa bending machine na iyon ay naka-ramdam ako ng kilabot kaya naman napalingon ako sa aking likuran at doon nasilaw ako sa isang liwanag.

Matapos noon ay wala na akong iba pang maalala nagising nalang ako sa lamig ng tubig dahil sa tagal kong nakababad sa ilog kong saan ako nakatulog at hindi ko alam ang nangyayare.

Sa paglalakad lakad ko ay dito ko nakakita ng ibang tao at sinundan ko ang mga ito hanggang sa habulin kami ng iba ibang halimaw na syang dahilan para mahulog ako pababa dahil sa kakatakbo.

Sa binagsakan ko ay doon ko din natanaw ang dipa ganoon ka ayos na kaharian ng Stella.

Bago sa akin ang lahat at hindi pamilyar sa akin ang kahit anong parte ng mundong ito.

Kaya dala narin ng aking mga katanungan ay nagpasya akong pumunta sa kahariang iyon at doon ako magtatanong ng lahat.

Pero tila wala akong napala dahil lahat ng pinag tanungan ko ay wala ding alam at mga uhaw din sa kasagutan katulad ko.

Maraming bago sa mundong ito ganun din ang mga nagbago sa aking katawan, nawala ang mga peklat ko sa katawan maging ang kulang kulang kong mga ngipin ay kompleto.

Bukod pa roon kahit gaano ka iba ang paraan ng pananalita ko sa totoong mundo ay ibang iba naman dito at kahit anong pilit ko ay hindi ko ito mabago.

Talagang makaluma ang istilo ng pananalita ko maging ang mga malalim na salita ng tagalog na hindi ko alam ay nabibigkas ko at naiintindihan ko iyon gayon din ang iba kahit pa tila iba iba at halo halo ang lahi ng mga tao dito.

Hindi ko alam bakit sa pandinig ko ay tagalog ang binibigkas nilang salita samantalang sila naman ginagamit ang salita nila at sa pandinig nila ay ganoon din ang binibigkas namin.

Talagang magulo at ako nalang ang nagsawa sa kakaisip ng mga katanungan.

[Hindi namalayan ni Casey na masyadong marami na pala syang nasasabi at natatawa nalang si Cedric sakanya.

Mula sa lahat ng nasabi ni Casey ay nagbigay din naman si Cedric ng kanyang tugon.]

Cedric: alam mo mabuti kapa nga at sariwa pa sayo ang lahat.

Nakagagawa ka ng mga katanungan sa isip mo dahil may mga na aalala ka.

Ako kasi nagising nalang ako sa isang saradong kastilyo at wala na ang lahat ng ala ala ko tangin ang bagay lang na alam ko ay isa akong spirito.

Lumabas ako sa kastilyong iyon para hanapin ang kasagutan sa isang tanong.

Ang tanong na iyon ay kong sino ako.

Sa paghahanap ko ng kasagutan ay namalayan ko nalang isang araw ay nasa gitna na ako ng karagatan sa isang napaka lawak na karagatan.

Sa lawak nito ay hindi na nasasaklaw ng aking paningin ang kahit anong pulo o dalampasigan.

Sinabi ko na lamang sa aking sarili na babalikan ko nalamang ang kastilyong iyon kapag nasagot na ang tanong at mga mamumuo palang na tanong sa isipan ko at ipinag ipinagpatuloy ko na lamang ang paglalakad hanggang sa marating ko ang bangin na ito.

Sa takot na muling maligaw ay nag pasya akong manatili na lamang dito habang nag hihintay ng tamang panahon.

Sa huling mga sinabi ni Cedric ay napatanong naman si Casey.

[Kanilang usapan]

Casey: tamang panahon? Para saan?

Cedric:huh! tamang panahon? Nasabi ko ba iyon!?

Casey: ano ka ba. Kakasabi mo lang noon ngayon ngayon lang.

Cedric: pasensya na may mga malilit na bagay kasi akong nakakalimutan pagtapos ay maaalala ko nalang sa ibang mga araw.

Casey: ganoon ba. Ang pangit naman ng ganoon.

Napangiti nalang si Cedric sa naging sagot ni Casey pero sa totoo lang ay hindi talaga iyon nakalimutan ni Cedric at sadyang aksidente lang niya itong nasabi kaya hinanapan na lang ni Cedric ito ng paraan para makapag palusot at nalimutan na lang ni Casey ang narinig.

May tinatago man si Cedric ay walang kahit na sino man ang nakaka-alam kong ano ito.

Nagpatuloy lang sa pag uusap ang dalawa na tila ba talagang magkaibigan na ito ng ganoon ka bilis.

Sino ba naman ang hindi kong nailigtas nga naman nito ang buhay mo ay ituturing mo na talaga itong kaibigan.

Samantala naalala naman ni Casey na kahit gayong may makakasama na siya ay hindi parin nito mababago ang katotohanang hindi siya tatagal mabuhay sa bangin na iyon kaya nakapag tanong ito ng mga bagay kay Cedric.

[Sa pag uusap pa ng dalawa]

Casey: matanong ko lang may paraan paba para makalabas di to?

Cedric: kong kakayanin mong labanan ang mga halimaw sa gubat na iyan ay possible kang makabalik sa kahariang sinasabi mo.

Casey: sa totoo lang iyon nga ang problema ko.

Kamatayan ang nag hihintay sa akin kapag tinangka akong bumalik.

Pero kong mananatili ako dito ay mamamatay naman ako sagutom sa lugar na ito.

Gayong hindi sasapat ang mga prutas na naririto sa bangin.

Cedric: iyon ba ang pinoproblema mo.

Natandaan mo naman na kaya kong hawakan ang mga bagay na gusto kong hawakan hindi ba.

Maaari akong kumukha ng mga gulay at prutas sa gubat para sayo.

Bukod pa roon para magkaroon ka ng tapang laban sa mga halimaw ay pupwedeng sabay tayong pumasok sa gubat ikaw ang mamili ng mga prutas na gusto mong kainin at ako naman ang mag mamatyag sa paligid ko mayroon bang halimaw.

Casey: huh! Talaga gagawin mo ang mga iyon para sa akin. Tila ba parang bubuhayin mo na rin ako sa lagay na iyan.

Cedric: wala namang problema sa akin ang mga iyon diba nga nasabi ko sayo na hindi ako nakakaramdam ng pagkagutom at hindi rin ako napapagod.

Kaya kong ano man ang pagkaing makukuha natin ay solo mo ang lahat na iyon.

Saka kahit isa akong spirito ay dama ko rin ang kalungkutan kapag magisa kaya naman malaking bagay narin sa akin ang manatili ka dito.

Hindi nakasagot si Casey sa mga huling sinabi ni Cedric at agad naman itong napansin ni Cedric.

Cedric: bakit!? Ay teka teka hindi kita ikukulong sa lugar na ito para samahan ako habang buhay ah.

Wag ka mag alala sa paglipas ng panahon mo dito ay hahanapan natin ng paraan para maka alis ka dito.

Sa mga sinabi ni Cedric ay dama parin nito ang pagdududa ni Casey.

Cedric: alam mo may dahilan kong bakit tayo naririto sa mundong ito, kong bakit tayo napadpad dito at bakit tayo ang napili para makipag sapalaran sa mundong ito.

Kaya naman alam kong hindi ka nararapat na manatili dito ng matagal.

Katulad mo ay pareho tayong bulag sa mga katotohanan ng mundong ito at uhaw din tayo sa mga kasagutan.

Hindi ka nararapat na mag tagal dito maniwala ka sakin Casey makakabalik ka sa kaharian at sa panahong iyon ibang iba kana.

Nagulat si Casey sa mga binitawang salita ni Cedric at sa gulat panga nito ay napatayo pa itong si Casey

at sa pagtayo ay kasabay nitong itinapon sa bangin ang taling syang itinali nya sa paa para sa pagtatangka sanang pagpapatiwakal.

Ang taling iyonnay piraso ng damit ni Casey napinunit lamang nya.

Matapos ng ginawang iyon ay napatanong na muli itong si Casey kay Cedric nang:

Casey: talaga ngunit paano?

Sa tanong ni Casey ay gusto nang sabihin ni Cedric ang tungkol sa pitong charka ngunit masyado pang maaga para malaman ito ni Casey at gustong makitaan ni Cedric si Casey ng senyales na si Casey ang dapat nyang turuan patungkol sa chakra kaya naman sumagot na lamang si Cedric nang:

Cedric: maraming paraan Casey.

Bakit kaya hindi tayo magkaroon ng kasunduan.

Casey: kasunduan, tulad nang?

Cedric: hindi ba at nailigtas ko narin ang buhay mo at tutulungan pa kitang maka balik sa kaharian.

Malaking bagay na ang mga nagawa kong iyon kong tutuosin.

Kaya naman ang naiisip kong kasunduan ay sasabihin mo sa akin ang lahat ng malalaman mong mga kasagutan sa mundong ito kapalit ng lahat ng gagawin ko para sayo.

Casey: ganoon ba! Pangako tutupad ako sa kasunduan kahit na anong mangyare.

Cedric: pareho tayong kinakapa ang kwento sa likod ng mundong ito kaya sana gusto kong sabay nating tuklasin iyon Casey.

Isa lang akong spirito na kulang kulang ang kakayahan para kumilos sa mundong ito kaya naman inaasahan kita Casey na maging katawan ko sa mundong ito.

Casey: pangako ko.

Pero teka!

Nagtitiwala ka bang talaga sa akin.

Hindi mo ba naiisip na baka pagkatapos mo akong tulungan ay kakalimutan ko na ang kasunduan at hindi na muli pa kitang babalikan dito.

Cedric: alam mo Casey, pagkatapos kitang matulungan ay malalaman mo na kakaylanganin mo pala ako.

Maraming akong bagay na alam na hindi mo pa alam at hindi mo pa dapat malaman.

Kong nagtitiwala ka sa akin ngayon na matutulungan kitang makabalik at nagtitiwala din ako sayo na hindi ka sisira sa kasunduan.

Isa pa, tagalang may tiwala na ako sayo ngayon dail hindi yan itatanong ng taong may balak sumira ng kasunduan.

Casey: ah eh.. Hehe wala masasabi kong masaya lang talaga ako at nakilala kita Cedric.

Napangiti na lamang si Cedric at iniisip ang isang bagay na kong nakatadhana ba ang lahat na mangyari mula sa pagpadpad roon ni Casey, pagsagip ni Cedric sa buhay nito hanggang sa punto ng sitwasyon nilang iyon.

Samantala dahil gabi na sa mga oras na iyon ay dito nakakarinig na sila ng kong ano anong nakakakilabot na tunog mula sa gubat.

Dito sinabi ni Cedric na mas mainam kong magtatago na si Casey sa ilalim ng mga bato dahil kadalasan ay makikita mula sa himpapawid ang mga halimaw na nakakalipad at pupwedeng dagitin si Casey ng mga ito.

Sa mga sinabi ni Cedric ay agad namang natakot si Casey kaya naman nag tungo na ito sa dalawang malaking magkapatong na bato kong saan sya naka-tulog noong gabi.

Patungkol naman sa mga halimaw ay naitanong din ni Casey kong madalas bang may nakakapuntang halimaw sa bangin na iyon.

Ang sagot namang ni Cedric dito ay:

Cedric:(itinuro ni Cedric ang isang puno sabay sabing) walang kahit anong halimaw ang nagagawi dito dahil para sa mga halimaw ang dalawang puno ng Sumac doon ay silbing harang.

Hindi naiibigang mapagawi ng mga halimaw dito dahil hindi kinakaya ng mga ito ang amoy ng Sumac Tree dahil napaka baho ng punong ito para sa mga halimaw na talagang dahilan bakit kahit pag lapit palang sa puno ay inaayawan na nila.

Sa totoo lang ay na aapektuhan din ako sa amoy nito kahit pa isa akong spirito pero dahil sa tagal ko dito ay nasanay na ako.

Casey: ganoon pala ang dahilan.

Kong ganoon ay talagang ligtas pala ako dito pwera nalang sa mga halimaw sa himpapawid, sila talaga ang dapat ko iwasan.

Pero alam mo mabaho din sa pang amoy ko ang mga puno iyon kapag inamoy ko ng matagal, sadya lang atang mas mabaho ang mga ito para sa pang amoy ng tulad ninyong hindi mga tao.

Cedric: maaaring tama ka.

Dahil gabi na ay hindi na nagawa ni Casey na makakuha ng prutas para makain dahil narin sa nagtatago sya sa ilalim ng mga bato.

Sa paanong paraan kaya matutulunga ni Cedric is Casey para makabalik sa kaharian?

Abangan sa susunod na kabanata ng Internal|Sin.

.

Follow us on IG to get notified on every updates and post of Character Design and Concept Art of this Story.

.

You may see the characters of Internal Sin on Instagram.

IG:@nammemmy

.

Two chapters per week, publishing time is on every Saturday and Sunday 12:00 am (PHT).

nammecreators' thoughts