Nagising ako na parang pinupukpok ang ulo ko kaya napapikit ako ng mariin at muling dumilat para makita kung nasaan ako medyo masakit din ang likod ko dahil sa papag na hinihigaan ko. Wala akong maalala kahit pinipilit ko pa pero nagbibigay lang ito ng sakit sa ulo ko. Bumangon ako ng dahan-dahan parang may makirot saakin kaya kinapa ko ang tagiliran ko nasalat kona may benda ako may sugat pala ako. Pati narin ang ulo ko mayroon ding benda nakasuot ako ng puting t-shirt na bahagya lang lumuwag saakin at isang maong na pantalon.
Linibot ko ang paningin ko sa maliit na kwarto wala namang masyadong nakalagay maliban sa cabinet at sa tabi ng papag ay isang vanity na may salamin at ilang pambabing kagamitan kwarto ito ng isang babae.
Ang pinto ng kwarto ay manipis lamang na kurtina tumayo ako at humakbang papalabas nakita ko na mayroong tao sa maliit na sala at mayroong katandaan na babae at isang dalagita ang mahimbing paring natutulog marahil ito ang mga nakatira sa bahay na ito, napatingin ako sa batang babae na nakalihis ang bestida at kita ang kinis ng hita nito nakikita ko narin ang puti nitong pangloob napatingin ako sa ibang direksyon iba ang naramdaman ng katawan ko sa nakikita ko kaya lumakad ako sa may pintuan madali naman siyang buksan kaya dahan-dahan akong lumabas. Paglabas ko ay sariwang hangin agad ang tumambad saakin at karagatan nasa tabing dagat ang bahay na tinutuluyan ko.
Nasaan kaya ako bakit ako nandito pinipilit kong alalahanin kung sino ako pero sumasakit lang lalo ang ulo ko, linibot ko ang mga mata ko sa paligid nasa isang isla ako at napakagandang lugar nito lumakad ako ng hindi alam kung saan ako patungo parang gusto ko lang ilakad ang mga paa ko na marahil ay hindi ko nailakad nang mahabang panahon, nakarating ako sa bandang dulo ng isla may batuhan at dito ako naupo at sinubukan ko uling makaalaala pero tulad kanina ay sumakit lang ang ulo ko na parang binibiyak, sino kaya ako at ano ang ba ang ginagawa ko dito bakit may mga sugat ako? Mga katanungan na walang sagot at maghihintay na lang ako hangang sa mayroon na akong maalala.
Habang nakatingin lang ako sa karagatan ay may biglang tumawag saakin.
"Manong!" Kaya napatingin ako sa boses na tumawag saakin at nakita ko yung batang babae kanina na halatang pagod nakahawak sya sa tuhod nya. Tumayo ako at lumapit sa kanya.
"Akala po namin ni Nanay ay umalis kana nandito lang po pala kayo" napangiti ako ng bahagya napakaganda ng boses nya na nanunuot sa tenga ko.
"Pasensya kana kung pinag-alala ko kayo inilakad ko lang ang mga paa ko" napangiti lang siya at nakatingin saakin.
"Ok lang po halina na po kayo umuwi na po muna tayo para makakain kana ng agahan" lumapit sya saakin ay hinawakan ako sa kamay at nagsimulang maglakad kaya napasunod na lang ako.
Kakaibang init ang naramdaman ko sa pagdampi ng mga balat namin pero parang ako lang ang nakaramdam nun isang may katangkaran na dalagita ang hawak ang kamay ko habang nakasunod ako sa kanya mahigpit ang hawak nya. Dinuduyan ng mabining hangin ang mahaba nyang buhok na kakaiba ang kulay mamula-mula sya lalo lang tumitingkad ang kulay dahil sa araw sa pagmamasid ko sa kanya ay hindi ko na namalayan na tumigil na kami kaya binitiwan na nya ang kamay ko.
"Nandito na po tayo tara na po pumasok na po kayo" napatango ako sa kanya at sumunod sa loob ng bahay.
"Nay nandito na po kami" tawag nya sa ina nya.
"Naku buti naman, naku hijo buti na lang at nagising kana wala kana bang nararamdaman?" Napatingin lang ako sa babaeng nagsalita, ito marahil ang ina ng batang babae atsaka tumango iginiya nila ako sa kusina na may pabilog na lamesa at, apat na upuan na kahoy kakaiba ang bahay na ito dahil kahoy at kawayan ang buong bahay.
Isang typical na tirahan sa tabing dagat.
Pinaupo nila ako at may umuusok at mabangong amoy ng sabaw ang siyang nagpatakam saakin.
"Kain ka na muna para makapagusap tayo hijo" napatango ako tumunog pa ang tiyan ko na syang mahinang nagpahagikhik sa dalagita kaya napangiti ako sa kanya.
"Gutom na po talaga kayo kaya kumain po kayo ng marami para makabawi kayo ng lakas" muli akong napatango at nagsimula na akong kumain ganoon din sila napakasarap ng sabaw sinigang na karne at may berdeng gulay na sahog ang ibang pagkain naman ay piniritong itlog at piniritong isda na ang tawag daw ay daing na tuyo mayroon din piniritong kamatis na may patis para sa sawsawan. Isang masarap na agahan ang una kong kinain matapos kong magising sa palagay ko'y mahabang pagkakatulog ko.
"Hijo ano nga pala nangyari sayo at bakit ka napadpad dito sa aming isla?" Napatingin ako kay Aling Nely na nagpakilala saakin at si Heart naman ang pangalan ng anak nya. Silang dalawa lang pala ang magkasama dito at payapang naninirahan dito sa isla.
"Pasensya na ho kayo hindi ko ho masasagot ang tanong nyo,wala po akong maalaala kung sino ako pinipilit ko naman po kaya lang ay kumikirot lang ang ulo ko" nagkatinginan silang mag-ina atsaka sabay din akong tiningnan.
"Naku hijo nakakalungkot naman ang sinapit mo sana makaalala kana sigurado akong hinahanap kana ng pamilya mo" napatango ako kay Aling Nely sana nga maalala kona kung sino ako.
"Pero hijo hindi ko muna ipapaalam sa karatig isla dahil may bali-balita na mayroon daw isang grupo ng mga armadong mga lalaki ang naghahanap ng isang lalaki,noong una ay hindi ko pinansin iyon pero naalala kita baka ikaw ang hinahanap nila,baka nasa panganib ang buhay mo lalo na at may apat na tama ka ng baril ng matagpuan namin" nagulat ako sa mga sinabi ni Aling Nely,tumingin ako kay Heart na mayroong lungkot na mababakas sa kanyang magandang mukha.
"Diba dapat sinabi nyo na sa kanila baka kayo pa ang mapahamak kase tinulungan nyo ako" turan ko hindi ko alam pero nakaramdam ako ng takot para sa mag-ina.
"Hindi hijo hindi ako natatakot mapoprotektahan kita, atsaka kakambal na ng buhay natin ang panganib" parang may-ibig sabihin ang sinasabi ni Aling Nely. Kaya napaisip ako nasa panganib din kaya ang buhay ng mag-inang ito kaya hindi na sila takot sa maaring mangyari at ang pagkupkop nila saakin.