webnovel

Inevitable Affection

With a heart as hard as stone, as cold as ice and personality that is hard to handle. Would you rather stay and love her with all your heart..or choose to leave kahit alam mong hindi masisira ang pagmamahal mo sakanya?

primusxx · Masa Muda
Peringkat tidak cukup
1 Chs

Prologue

I don't even know what am I doing here. Bakit ba sa tuwing may ginagawang kasalanan ang kambal ko, ako ang napagbibintangan? We're not even that close for me to act like a hero for him, well, at least for me! Mabait naman kasi ang kambal kong ito kaya kapag nagkakamali, akala yata ng lahat, ako agad ang may sala. Hindi rin naman siya umaapela, ano! Ibig sabihin ay ginugusto niya rin! Bastard.

"Are you okay?"

I looked at him with disgust. How could he ask the obvious!

"You happy?"

Inirapan ko siya 'tsaka nag martsa palabas ng silid ni Daddy. Ang sarap sarap ng siesta ko sa kuwarto, pagkatapos ay gigisingin ako dahil lang sa may gasgas ang SUV namin sa garahe?! Dad freaked out so he called me. At first, I was confused but then I went there only to be accused? What the fucking fuck.

I went inside my room and sat at the edge of my bed. This is frustating. I feel betrayed. Daddy's always on my side but since my Mom cheated, he never tolerates our mistakes anymore. Lagi siyang galit pero iniintindi namin. Tumatanda na rin kasi.

"Eliana, are you still awake?" I did not reply. Bahala siya sa mag mukhang tanga sa labas ng kwarto ko.

Pa gamitin daw ba ng SUV ang tanga tangang girlfriend niya?! At ako pa ang sumalo! Great.

"I'll go inside."

Obviously, it wasn't a permission. Diretsa niyang pinihit ang door knob at ngingisi ngising pumasok sa loob ng kwarto ko na parang walang nangyari. Gago talaga.

"What now?" I asked.

"Be ready. We're going to Frilliana's."

I looked at him with curiosity but he looks serious. I don't know what's with him but I don't like the idea of going to Frilliana's mansion. At dahil kambal ko siya ay parang konektado ang pag iisip namin at pareho naming alam ang mangyayari.

Nagbihis lang ako ng formal dress dahil alam kong hapunan ang magaganap. Masyadong mayaman ang mga Frilliana kaya't dapat lang na ganito ang ayos ko. Hell, I'd rather wear comfy clothes than to impress them but it would only be an embarrassment to my father. They are childhood friends but I don't think na reason iyon para masunod ang gusto ko. They are both noble after all.

"Eliana, come on! You're spacing out," tawag sa'kin ni Caelum.

Kinuha ko ang kamay niya para maalalayan ako sa pagbaba. Naka-heels ako, 'no! Kung pwede lang mag sneakers sa formal dinner, gagawin ko talaga! Pinagmasdan ko ang malaking mansyon ng mga Frilliana. Ang elegante. Although hindi naman kami nahuhuli sa antas sa buhay, mas nakaaangat lang sila. Mayor si Daddy samantalang Governor iyong si Mr. Frilliana.

"Hoy, ang bagal?" bulong niya sa'kin at bahagya pa akong hinila kaya muntik pa akong matapilok. Punyeta.

"Stop walking so fast. May sadya ka ba rito at nagmamadali ka?" iritang bulong ko pabalik.

"Stupid. They're looking at us, probably waiting for us to come closer. Napakabagal mo."

Nagpatianod na ako sakanya dahil hindi na siya makapaghintay. Sa pagkakaalam ko, walang babaeng anak ang mga Frilliana kaya't sinong popormahan nitong kambal ko? Huling girlfriend niya ay si Vivienne pa pero that was 3 years ago. At take note: Hindi siya maka-move on do'n. Sino ba naman ang makakamove on agad kung 10 years ang relasyon niyo at ireject ka sa mismong proposal mo? I felt bad for Caelum but I guess, tama iyong ginawa ng ex niya. Kaysa naman tanggapin niya ang singsing at manatili sa kambal ko kahit may iba na siyang gusto?

I guess, time really changes. Hindi porket matagal na kayo ay ibig sabihin kayo na hanggang dulo. 'Yong iba nga 4 months pa lang, nagpakasal na? Kahit nga hindi mo pa gaanong kilala ay pwede mo nang pakasalan. Arranged Marriage, I guess? But who believes in that thing, though? Marriage is a sacred thing. Those who marry for convenience are probably no choice or... don't have a plan on their life. That's for me.

"Franko! These are my children, Caelum Ril Zalfranca and his twin Kalea Eliana Zalfranca."

Nakipagkamayan kami nang ipakilala kami ni Daddy. Trabaho lang. Chos. Nang igayak kami sa hapag ay nagsimula na kaming kumain. Ipinakilala rin ni Tito Franko ang mga anak niya. Tatlo silang puro lalake at si Tita Lorvey lang ang babae bukod sa girlfriend yata nung panganay nilang si Klint. Nanliliit ang mga mata kong sinusuri sila isa isa. Siniko pa nga ako kanina ni Caelum dahil sa asta ko pero talagang makulit ang mga mata ko at patuloy na sinuri ang magkakapatid.

Si Klint iyong panganay nila. Medyo seryoso pero halata sa mukha ang bait. Tipid niya akong nginitian kanina nang makipag kamay ako sakanya. Si Travis iyong pangalawa. Ito, talagang hindi mo makikitaan ng bait. Malamig ang tungo niya sa'kin at diretsa sa mata kung tumingin ang seryoso niyang mga mata. Ang bunso naman ay si Zeus. Kasing edad ko lang siya at nahihimigan ko ng pagkapilyo niya nang batiin niya ako. Pero kahit gano'n, si Klint lang talaga ang ayos para saakin.

Sayang lang at may girlfriend na. Just kidding.

Marami ang pinag usapan nila. Bilib nga ako sa kambal ko dahil nagagawa niyang makisabat kahit na puro business ang usapan. Sabagay, iyon ang kursong tinatahak niya. Culinary kasi ang gusto ko pero wala akong hilig mag luto. Sadyang iyon lang ang nakita kong may kaunting pila noong nag enroll kaya iyon ang pinili ko.

Pasaway ba? Hindi naman.

Hindi ko lang talaga alam ang passion ko. Noong una gusto kong maging Engineer pero ayaw ko sa Math kaya umayaw ako. Nang mag high school ay ginusto kong mag Arkitekto dahil sa galing kong gumuhit, pero hindi rin iyon nagtagal sa puso ko. Kalaunan, ginusto kong maging Doktor ngunit takot naman ako sa dugo at pasmado ang kamay ko. Sa huli, nag Culinary na lang ako tutal mahilig naman akong kumain.

"Right, Eliana?" halos mapatalon ako sa gulat nang tawagin ako ni Daddy.

What the hell are they talking about? I'm spacing out too much--

"Ask her first, Dad." napalingon ako sa kambal kong seryosong sumagot kay Daddy.

"What?" I asked with confused eyes.

Nilibot ko ang paningin ko sa mga tao sa hapag. Nakita kong nakangiti si Tita Lorvey at Tito Franko. Si Klint at ang girlfriend niya at tinatantya ang reaksyon ko samantalang si Travis ay diretsang nakatingin sa'kin habang walang reaksyon sa mukha, si Zeus naman ay nagkakamot ng batok habang pinapasadahan ng tingin ang lahat.

What's happening seriously?

Ibubuka ko na sana ang bibig ko para magsalita nang maunahan ako ni Daddy at nagsalita siya. Sa tonong iyon ay para akong nanlumo dahil mukhang wala na akong magagawa.

Nakaawang lang ang labi ko nang sabihin ni Daddy ang mga salitang makakapagpabago sa buhay ko.

"You're going to marry Travis, Eliana."