webnovel

Ang nabigong pag-iibigan

Upang masagot ang katanungan ng dalaga, niyaya siya ng kanyang lola na pumasok sa kwarto nito. Sa isang may kalumaang baul, may kinuha ang matanda at umupo sa tabi ng kanyang apo.

"Siya si Miguel" turo niya sa lumang litrato niya na may kasamang isang makisig na lalaki, kung susuriin ito ng mabuti ay halata ang pagkakaiba ng antas ng pamumuhay sa dalawa.

Bata palang sila ni Catalina (Lola Tanyang) ng magkakilala sila ni Miguel. Anak ito ng isa sa mga trabahador ng kanilang hacienda, sa kabila ng kanilang pagkakaiba ay naging maging matalik na magkaibigan ang dalawa. Sa tuwing pinapalayo ng magulang ni Catalina si Miguel sa kanilang anak,lagi siyang ipinagtatanggol ang kaibigan kaya wala narin nagawa ang mga magulang ni Catalina kundi hayaan siyang makipagkaibigan sa anak ng kanilang trabahador.

Dumaan ang mga taon at nagdalaga't nagbinata na ang magkaibigan. Hindi naiwasan ni Miguel na mabighani sa kaibigan alam niyang mali ito pero labis siyang namamangha sa kagandahang loob ni Catalina hanggang sa inamin na niya ito at ganon din ang naging tugon ng dalaga. Naging magkasintahan sila nang sila lang ang nakakaalam, wala namang nakakapansin dito dahil madalas makita ang dalawa na magkasama mula pagkabata nila.

Ngunit isang araw, sa mismong kaarawan ng kaniyang ama, ipinaalam na ipinagkasundo na pala si Catalina kay Hugo na bunsong anak ng gobernadorcillo. Marahil ipinagkasundo sila dahil sa pagpapatibay ng samahan o negosyo. Nasaktan ng grabe si Miguel dahilan upang sabihin niya ang totoong namamagitan sa kanila ni Catalina. Sa galit ng ama ni Catalina, ipinadala niya ang anyang anak sa ibang bansa na kung saan hindi na siya masusundan pa ni Miguel.

Dahil sa nabigong pag-iibigan ng dalawa, nagpakamatay mismo si Miguel sa harapan ng Hacienda bilang tanda ng labis nitong pagmamahal sa unica iha ng pamilya Montecillo. Sa araw ng kanyang kamatayan,nagsambit ang ina ni Miguel ng mga kataga na dala ng galit nito sa mga Montecillo.

"Nagawa niyo mang ilayo si Catalina sa anak ko. Tinitiyak ko na labis din ang sakit na mararamdaman niya sa pagkawala ng totoong minamahal niya! At magmula kay Catalina, mga anak at apo na pawang mga babae ang isisilang para danasin ang sakit na dinadanas ko!" kwento ni Lola Tanyang sa kanyang apo.