Unanimous Decision
June 3, 2019
JEA's POV
"Ilang beses ko pa bang sasabihin na layuan mo na siya? " sabi niya.
"Ilang beses ko rin ba sasabihin na hindi ko siya nilalapitan? " balik kong tanong.
"Ha! How dare you!? " pagak na tawa niya at akma akong sasampalin.
Nasalo ko ang kamay niya at hinigpitan ang pagkahawak sa palapulsuhan niya.
Gigil na gigil akong tumingin sa kanya.
"No! How dare you! " galit kong sigaw.
Siya naman talaga ang nauna. Pinagmukha niya akong masama.
"Abi naman! Ako na nga itong hindi minamahal eh! Ako narin tong limos ng limos ng atensyon mula sa kanya! Bakit ba ayaw mo naman akong pasayahin?! " na iyak na putak niya.
"Bakit?! Nung kinuha mo ba siya para lang maging masaya ka, sa tingin mo hindi ako nasaktan?! " garalgal na ang boses ko.
Hindi siya makasagot.
"Nung pinagmukha mo ba akong masama sa harap niya, nagreklamo ba ako ng ganito?! Hindi naman diba?! " na iyak ng ani ko.
Walang tao dito dahil nasa covered court ang lahat para sa Ceremony.
Ngongo na ako!
"H-hin-hindi. " kinakabahan na pag sagot niya. "Pe- pero ang akin lang naman sana– "
"Sana ano?! Sana maging masaya nalang ako para sa inyo?! Masaya naman ako ah! Sobrang saya ko! Pero alam mo ba kung ano yung masakit?! Yun yung kalimutan ka ng kaibigan mo!! Alam mo ba na halos mamatay ako kaka isip kung bakit siya nagalit sakin at na uwi sa ganun yung pagka kaibigan namin?! Halos mamatay ako ng dahil sa pagiging makasarili mo! Dahil napaka sinungaling mo! " tumingin ako sa mga mata niya at nakita ko ang gulat niya ng makitang lumuluha ako.
Aalis na sana ako para bumaba ng hawakan niya ang kamay ko.
"Please let us be happy. Sana maging masaya ka na rin. " nakikiusap ang tono ng pananalita niya ngayon. Batid ko ang sakit na nadarama niya pero dahil gusto niya ito, wala akong magagawa.
"Parehas naman tayong masaya ah. Ikaw sa kanya... " pinutol ko muna ang sasabihin ko dahil naubusan ako ng hangin sa sakit. "... ako para sa inyong dalawa. " pagpapatuloy ko.
Naramdaman ko ang dahan-dahang pag dausdos pababa ng palad niya sa mga daliri ko. Tanda na binitiwan niya na ako.
Bago ako umalis ay huminga muna ako para matigil ang paghikbi ko.
Nakita ko ring bumaba na siya. Doon nalang ako sa isang stairs bababa.
Nang makababa ako ay kapansin pansin na lahat sila ay nakatingin sa akin...
Where are you looking at?
Nakaka-agaw pansin rin ang iba na suot ng pang-sibilyan dahil wala pang uniform. School kasi ang nagbibigay nito.
"Dancers, you may go now. " sabi ni Sir Jayvee.
Pumila naman ang 5 sa kanila at nakakapagtaka na lahat sila ay nakatingin pa rin sa akin.
"Secretary JEA, we had our unanimous decision for you to dance with us. "
Unani- what?!
What the hell he is sayin'?!
"What the hell. " pabulong kong asik.
Nakita ko na ngumiti si Rydien.
I knew it! Siya ang may pakana nito.
"Jillian, you will go with them and lead the dance. " anunsyo ni Sir.
Oh, no, no, no, no.
Nalaman ko nalang na hatak hatak na nila ako.
"Break a leg... Secretary Jillian Eunice Abigail. " nakangiting sabi ni Ry.
"No. I'll break your leg later, Mr. Altejos. " nakangisi ring panggagaya ko sa kanya.
Nakita ko na lumulunok lunok na siya.
Unanimous Decision pala ah.
To be continued...