PAULO'S POV
"Bakit ka na naman ba umiiyak?" tanong ko kay Luna ng makapasok ako sa kwarto namin.
Hindi ko alam kung ano ang nangyayari dito kay Luna kasi naabutan ko na naman na umiiyak dito sa kwarto. Ayaw naman magsalita.
Ano kayang problema niya?
"Luna, tatawagan ko na si Tita Yvonne." Napailing lang siya.
"I-Iwanan mo na lang muna ako, Paulo. Gusto ko lang mapag-isa."
"Sure ka ba?"
"Oo."
"Sige, pero mangako ka na sasabihin mo sa'kin kung ano 'yang iniiyak mo, huh? Kung hindi isusumbong na kita sa mama mo." Tinanguan lang ako ni Luna. Iniwan ko na siya do'n na umiiyak pa din.
Ano na ba'ng nangyayari sa kaniya? Simula nang makakita siya ng mga multo nagkaganyan na siya. Ako ang naaawa sa best friend ko.
AZINE'S POV
Pagsulpot ko dito sa kwarto ni Luna naabutan ko siya na umiiyak na naman. Iniisip niya pa rin ba 'yong nangyari kanina do'n sa babaeng sinundo ng Grim Ripper?
Hindi na nga rin pala natuloy 'yong game dahil sa nangyari. Naupo ako sa tabi niya at pinagmasdan siya. Paano ko ba siya mapapatahan nito?
"Lift your head," napatingin siya sa'kin.
Wala naman siyang sinabi kaya pinagpatuloy ko na lang ang pagkanta ko.
"Baby, don't be scared. Of the things that could go wrong along the way."
Napatigil na siya sa pag-iyak at nakatingin pa rin sa'kin.
"You'll get by with a smile. You can't win at everything but you can try."
Wala siyang ibang reaksyon sa pagkanta ko. Ano ba 'yan galing ko pa naman kumanta eh.
"Baby, you don't have to worry. Cause there ain't no need to hurry. No one ever said that there's an easy way."
Napahinto na ako sa pagkanta. Hinarap ko si Luna na nakatingin pa rin sa'kin. Pinunasan ko ang luha sa pinsgi niya.
"Kumusta pakiramdam mo?"
Sandali siyang hindi nakasagot pero maya-maya ay bigla niya akong pinaghahampas.
"Aray! Luna, tama na ano ba? Aww! Luna!"
Tumigil naman na siya sa pagpalo sa'kin. Naupo ulit ako sa tabi niya.
"Bakit ka ba namamalo? Kinantahan lang naman kita eh," asik ko.
"Eh, ano ba kasi 'yong kinanta mo na 'yon?" walang ideya niyang tanong.
"Hindi ko rin alam eh narinig ko lang na theme song sa isang Thai series yata. Maganda naman, di ba? Hindi mo ba nagustuhan?"
Ganda nga ng pagkakanta ko, eh di manlang kinilig?
"Kung sana kanta pa ni Niel o ng BoybandPh ang kinanta mo eh di sana natuwa pa ako."
"Sino'ng Niel ba 'yan? 'Yang lalaki ba' ng 'yon."
Tinuro niya ang isang solo picture ni Niel na nakadikit sa dingding.
"Mas gwapo naman ako diyan eh." Napasimangot siya.
"Assuming ka talaga."
"Tsk! At least napatahan kita sa pag-iiyak mo diyan."
"Umalis ka na nga." Pagtataboy niya na naman.
"Ayoko."
"Azine."
"Luna." Tawag ko rin sa kaniya.
Namilog na lang ang mata niya sa'kin. Natahimik na lang siya.
"Hindi ka pa ba sanay?"
"Saan?"
"Na makakita ng mga namamatay at sinusundo ng Grim Ripper?"
"H-Hindi ko kaya." nagbaba siya ng tingin.
"Sa ngayon, pero alam ko'ng sa pagdaan ng mga araw masasanay ka rin, Luna. Mabuti pa tumayo ka na diyan at kumain na. Kanina ka pa pinaghanda ni Paulo ng hapunan. Luna, maswerte ka dahil may mga kaibigan kang nag-aalala at nagmamahal sa'yo. Dapat matuwa ka kasi ako nga eh wala manlang kakilala dito maliban kay Max. I don't have friends at hindi ko alam kung nasa'n ang pamilya ko. But, I'm happy and that's because of you." Napatingin siya sa'kin.
"D-Dahil sa 'kin?" utal niyang tanong.
"Oo. Kung hindi dahil sa'yo baka tuluyan na akong nawalan ng pag-asa. Kung hindi mo ako nakikita at nakakausap baka hindi ko alam kung ano na ang gagawin ko. And because of your help I found Max." Napabaling siya sa ibang direksyon.
"A-Ahhh... si Maxine. 'Wag mo ng isipin 'yon. Ayos lang."
Napatayo na si Luna at papalabas na sana nang lingunin niya ako ulit.
"Hanggat nandito ako hindi ka mag-iisa."
Papalabas na sana si Luna nang tawagin ko siya.
"Thank you." Hindi niya na ako sinagot at tuluyan ng lumabas.
KINABUKASAN. Hindi ko naabutan si Luna sa kwarto niya nang sumulpot ako. Si Paulo lang ang nakita ko na narito at naglilinis. Tinanghali na kasi ako ng punta dito kasi kay na Max ako nagtigil.
Naglaho ako at sumulpot naman dito sa may salas nila pero hindi ko siya nakita. Iilan lang ang mga estudyante na narito. Naisip ko na baka nasa labas siya ng dorm at may binibili lang sa katapat na tindahan kaya lumabas din ako pero wala pa rin siya doon. Bumalik na lang ako sa kwarto ni Luna pero tanging si Paulo lang ang nakita ko ulit na naglilinis pa din.
"Saan ba nagpunta si Luna? Huy!" Syempre hindi niya ako maririnig.
Nalampasan niya lang ako dahil nakaharang ako sa daraanan niya. Lumabas siya ng kwarto dala ang mga basura kaya sinundan ko na lang siya.
"Tapos ka na maglinis, Pau?" Tanong sa kaniya nitong babae na hindi ko kilala.
"Hay, naku hindi pa nga eh. Maglinis-linis na rin kayo ng kwarto niyo, 'day."
"Tapos na po kami kahapon pa."
"Mabuti pa kayo." Sinundan ko ulit siya hanggang sa babà.
"Nasa'n ba kasi si Luna?"
Tanong ko ulit na wari ba ay maririnig niya ako.
"Kung sana katulong ko si Luna eh 'di sana tapos na din ako kanina pa. Hmm... okay lang at least makakapag-refresh naman siya kahit papaano. Nakakaawa na kasi ang friendie ko na 'yon."
Sabi nito sa sarili habang pababa ng hagdan. Umalis ako sa likod niya at sumulpot sa harap ni Paulo.
"Makapag-refresh? Sa'n ba siya pumunta? Sumama ba siya sa outing? Vacation?" Nalampasan niya ulit ako.
"Nag-out of town ba si Luna? PAULOOOO!"
Hindi ko na siya sinundan at bumalik na lang sa kwarto nila para do'n siya hintayin. Napaupo na lang ako sa kama.
"Saan ba siya pumunta, hindi manlang nagsabi sa'kin? Luna naman eh. Lunaaaa!" Napahiga na lang ako sa kama.
LUNA'S POV
"Lola."
Nilapitan ko si Lola Cora na nakaupo dito sa salas.
"Apo." Sinalubong ko siya ng yakap.
Kahit nasa 70s na ang edad ni Lola malakas pa rin naman ito at matalas ang memorya. Dito na siya nakatira sa 'min kasi matagal naman ng kinuha ni God si Lolo. Hindi ko nga pala nakilala si Lolo at hindi ko rin alam ang itsura niya kasi wala manlang pictures na na-isave sina Papa. Ewan ko ba kung bakit. Ang sabi lang sa'kin ako raw ang favorite na apo ni Lolo. Sayang nga lang at hindi ko siya naabutang buhay.
"Miss you, Lola." Pinakawalan ko na si Lola at naupo sa tabi niya.
"Miss you too, apo. Sabi ng mama mo hindi ka uuwi eh."
"Anak." Speaking of mama. Lumapit sa 'min si mama at sinalubong ako ng yakap.
"Sabi mo hindi ka uuwi ngayong weekend?" tanong niya agad nang pakawalan niya ako.
Hindi ko siya sinagot sa halip niyakap ko na lang ulit si mama ng mahigpit.
"Ahhhh! May problema ba ang baby ko?" tanong niya habang magkayakap pa rin kami.
"What's wrong?"
Humiwalay na ako sa pagkakayakap.
"Wala po." Napasimangot si mama at pinisil ang ilong ko.
"I know you, Maria Luna Del Mundo. I am your mother, huh. What's wrong? Look, namamaga 'yang eyes mo oh. Umiyak ka ba? Sinong nagpa-iyak sa'yo?"
"Ma, wala po 'to, okay? Stressed lang ako sa school at kulang sa tulog." Palusot ko.
"Sure?"
"Yes, mama."
"Magsasabi naman 'yang anak mo Yvonne kung may problema siya," singit ni Lola.
"Tama po si Lola."
"Okay."
"Akyat po muna ako sa kwarto. Lola, mamaya na po tayo magkwentuhan, okay?"
"Sige, ija." Tinalikuran ko na sila.
"Nag-lunch ka na ba?" Habol-tanong ni mama.
"Opo."
"Okay." Nagtuloy na ako sa kwarto ko.
Napabagsak ako ng higa sa kama kasi na-miss ko 'tong kwarto ko. Every weekend lang kasi ako umuuwi dito sa bahay at minsan hindi pa nga kapag may mga projects or activities na gagawin.
Okay, I'll give you a little background about my family.
Si mama at si Lola lang ang naiiwan dito sa bahay pero madalas si Lola lang kasi wala si mama sa umaga dahil nagtatrabaho siya sa kapitolyo sa Boac. Madalas ang kasama lang ni Lola ay si Ate Flor, 'yong nag-aalaga sa kaniya. Nitong nakaraan nga ay masyado ding busy si mama kaya hindi kami nakapagkita. Kung tinatanong niyo kung nasa'n ang papa ko, wala siya dito kasi nakadestino siya. He's a Philippine Army at nakadestino siya ngayon sa Mindanao. Mas masaya ako kasi this month uuwi si papa dito sa province. Gusto ko lang malaman ng lahat na I'm proud kasi may papa akong kagaya niya.
Meron pa nga pala akong isang panganay na kapatid, ang Kuya Von Zyke ko. Super busy naman siya ngayon dahil isa siyang doctor. Sa Makati Med siya nagtatrabaho ngayon. Umuuwi lang si kuya kapag free siya o nami-miss niya kami, but it's only a day or two. Kaso plan na ni Kuya na mag-abroad this coming 2021. Miss ko na pala talaga si Kuya. No'ng nakaraang linggo kasi papauwi na sana siya dito kaso may nangyari daw na aksidente do'n sa nadaanan niyang highway. Eh, syempre doctor kaya tinulungan niya na raw at sinamahan pabalik ng Manila. Hindi ko alam kung ano na ang nangyari do'n. Nakakapunta lang naman ako sa Manila kapag bakasyon namin o kaya kapag walang pasok or weekend kapag sinama ako ni mama.
Anyway, kung bakit nakatira kami dito sa province instead na sa Manila? Eh, kasi 'yon ang gusto ni Papa. Dati sa Manila kami nakatira pero lumipat kami dito no'ng bata pa ako kaya dito ako nakapag-elementary. Naging kaibigan ko na din sina Paulo at Jedda. No'ng nadestino si papa sa Manila do'n kami ulit tumira at doon na ako nag-high school pero bumalik ulit kami dito nang madestino si papa sa Mindanao. Province 'to ng Papa ko kaya okay na rin kasi marami kaming kamag-anak dito sa side ni papa. No'ng una ayoko talagang tumira dito sa province. Pinilit ko pa nga si mama at papa noon na sa Manila ako mag-aral kaso hindi naman sila pumayag. I have no choice kundi dito na lang mag-aral.
"Huy!"
"Ay kabayo ka."
Nagulat ako sa biglang pagsulpot ni Azine sa kwarto ko. Napatayo ako at hinarap siya.
"Papatayin mo ba ako sa gulat? Ano'ng ginagawa mo dito?" naiinis kong tanong sa kaniya.
"Bakit hindi ka nagsabi na aalis ka pala? Alam mo bang para akong tanga kanina sa dorm niyo? Hindi ko alam kung paano ko itatanong kay Paulo kung nasa'n ka. Para akong sira do'n sa kakahintay sa'yo. Alam mo ba kung paano ko nalaman kung nasaan ka, huh? " Naiinis niya ring sabi.
FLASHBACK (Azine's POV)
Bumalik ulit si Paulo sa kwarto nila habang kakanta-kanta pa.
Bakla talaga.
May dala siyang mga damit at ipinatong sa kama malapit sa kinauupuan ko. Napasimangot ako.
Paano ko ba siya kakausapin?
"Nasa'n si Luna, Paulo?" ulit ko. Deadma ulit. Syempre hindi naman niya ako nakikita. Kumakanta pa rin siya habang nagtutupi ng damit.
"SI LUNA NASAANNNNN!" Wala pa ring effect. Shete! Naiinis na ako.
Napatayo ako at sa inis ko ay sinubukan kong pagalawin 'yong picture frame ni Luna na nakalagay sa may side table.
"Yes!"
Napagalaw ko!
Pagtingin ko kay Paulo nag-iba na ang expression niya at halatang takot na.
"'Wag mo akong takutin! Multoooo!" palahaw niya.
"Sabihin mo kung nasaan si Luna. Bilis! "
"Umalis ka na dito! Wala si Luna nasa bahay nila sa Gasan umuwi kanina. Ahhh!" saka siya lumabas ng kwarto.
Good.
"Gasan?"
END OF FLASHBACK
Tiningnan ko siya ng masama. "At bakit ko naman kailangang sabihin sa 'yo lahat? Tatay ba kita?"
"Ang point ko lang sana sinabi mo na aalis ka pala. Malay ko ba kasi kung saan ka hahanapin?"
Sobra na akong naiinis kay Azine. Napaka-over acting niya.
OA!
"Malay ko din ba kung nasa'n ka? Paano ko masasabi sa 'yo, aber? At saka bakit ba issue sa 'yo kung nagpaalam ako o hindi?"
"N-Nasa bahay lang ako nina Max."
"Saan pa nga ba? Ayan, nakita mo na nga ako kaya ano pa'ng nirereklamo mo diyan?"
"Eh, kasi naman-"
Napahinto si Azine sa pagsasalita nang may kumatok sa pintuan ng kwarto ko.
"Luna?"
Kumakatok pa rin si mama habang tinatawag ako.
"Sino 'yon?" usisa niya.
Hindi ko sinagot si Azine at sa halip pinagbuksan na lang si mama ng pinto.
"Ma."
"Luna."
Sinilip muna ni mama ang loob ng kwarto ko bago muling magsalita.
"May kausap ka ba diyan sa loob, anak?" nangungusisang tanong niya.
"W-Wala po, 'ma," tanggi ko.
"Talaga?"
Tuluyan ng pumasok si mama sa loob.
"Kasi kanina naririnig kita na parang may kaaway ka dito?"
"Ahh... Baka ang nanarinig niyo po eh 'yong pinapanood kong movie sa phone." Pagsisinungalin ko.
"Gano'n ba?" Nilibot ulit ng tingin ni mama ang kwarto na parang hindi naniniwala sa sinasabi ko.
"Siya ba ang mama mo, Luna? Ang ganda naman niya at mukhang mabait hindi kagaya mo'ng masungit," banat pa ni Azine.
Sinamaan ko ng tingin si Azine pero napangiti kaagad nang tumingin sa 'kin si mama.
"Bumaba ka muna ipinaghanda kita ng makakain."
"Okay po."
Tumalikod na si mommy. "Sumunod ka na."
Nauna na siyang lumabas. Hinarap ko naman muna si Azine.
"Tara na daw," hambog na aya niya.
"Saan ka pupunta?"
Napahinto siya sa paglabas at hinarap ako.
"Hindi mo ba narinig si mama? Naghanda raw siya ng makakain mo kaya bumaba na tayo."
Mama? Ang kapal!
"Maka-mama naman 'to ang kapal. 'Wag mo 'kong iinisin dito, huh?" Nauna na akong maglakad.
"Luna, ipakilala mo kaya ako kay mama---"
" 'Wag ka ring maingay, okay?"
"Eh-" sinamaan ko ng tingin.
"Ido-double dead kita."
Napahinto na siya sa pagsasalita at sumunod na lang sa 'kin sa baba. Natakot yatang ma-double dead. (Author: Ginawa mo kasing baboy si baby Azine eh. Ha-ha!😂 Shshsh🤫)
AZINE'S POV
Habang pababa mula sa kwarto ni Luna napansin ko na ang laki ng bahay nila. Ang yaman naman pala ng babaeng 'to eh. Pagdating namin sa may salas na yata napansin ko 'yong mga naka-display nilang malalaking mga pictures. Pinagmasdan ko 'yong family pictures nila. Mabuti pa si Luna kasama niya ang family niya.
"Sundalo ang papa niya? Tapos doctor ang Kuya niya. Nakakainggit naman si Luna. Ako kaya may mga kapatid din kaya ako? Ano kaya'ng trabaho ng papa ko? Sana sundalo din siya kagaya ng papa ni Luna, ang astig kaya."
Ang dami nilang mga pictures dito. Siguro every occasion kinukuhanan at nilalagay dito. Pinagmasdan ko ang buong salas at wala akong masabi kundi talagang maganda.
Hinanap ko si Luna at nakita ko naman siya dito sa may hapagkainan nila na talagang may kalakihan din. Kumakain na siya ngayon. Nakaupo sa tabi ni Luna ang mama niya at isa pang matanda sa kabilang side. Siguro Lola siya ni Luna. Maliban sa mga ito ay wala na akong nakitang iba pa.
"Magandang araw po sa inyo," bati ko kahit hindi ako naririnig.
Si Luna lang ang napatingin sa 'kin pero sandali lang at ibinaling na rin ang atensyon sa pagkain. Naupo na lang ako sa isang bangko katani ni Luna.
"Kumain ka lang ng kumain, Apo," sabi noong matandang babae.
Lola niya nga.
"Opo, 'La."
"Buong linggo akong hindi nakadalaw sa dorm mo, 'nak. Kumusta ba do'n?" tanong maya-maya nang mama niya.
Mukhang sweet ito at mabait talaga.
"Okay lang naman po."
"Sahihin mo kayang palagi kang umiiyak dahil sa mga multo. Sabihin mo na rin na nakakakita ka ng mga kaluluwa."
Hindi ako pinansin ni Luna. Kaya niya talaga akong snubb-bin?
Hmmm!
"Mabuti naman. Luna, kung nahihirapan kang mag-dorm pwede ka namang umuwi na dito, okay? May kotse naman tayo, sumabay ka na lang sa 'kin o kaya... no, 'wag ka lang magko-commute, 'nak. Masyadong delikado ngayon kahit nasa province lang tayo ang dami pa ring accident na nangyayari. Kinikilabutan ako kapag nai-imagine ko 'yong kinukwento sa'kin ng kuya Von mo." Mahabang litanya ng mama niya.
Over protective din pala 'to at halatang mahal na mahal si Luna. Out of a sudden bigla akong nainggit. Ganito din kaya ka-over protective ang parents ko? Sana. Sana kasama ko sila. Napatingin ako kay Luna at agad siyang nagbaling ng tingin.
Kanina pa ba niya ako tinitingnan? Hmm...
"'Ma, hindi na raw ba ulit uuwi si Kuya? Hindi siya natuloy no'ng nakaraan, di ba?"
"Nakausap ko ang Kuya mo kahapon at ang sabi saka na raw muna siya uuwi dito." Nadismaya ako.
"Busy na naman po siya."
"Palagi naman. Saka may tinututukan daw siya ngayong pasyente na gusto niyang gumaling. Alam mo naman ang Kuya Von mo masyadong dedicated sa work niya. Super workaholic kaya wala ng panahon sa love life niya." Kaya pala wala ang Kuya niya dito.
"Sabihin mo sa apo ko 'yong sinabi ni Zacharias kanina," singit ng Lola ni Luna.
Napahinto sa pagkain si Luna at tiningnan ang mama niya.
"Ano'ng sabi ni Papa, 'ma?" usisa ko.
"Eh, di ba uuwi ang papa mo ngayong buwan." si mama.
Mama pala ni Luna.
"Opo."
"Hindi na daw siya matutuloy, nak."
"Bakit po?"
Halatang na-disappoint si Luna.
"Hindi daw pwede ngayong month. Siguro next month or next next month."
"Baka po next next year na naman."
Nawalan na ng gana si Luna. Babaeng 'to talaga.
Tampuhin.
LUNA'S POV
Umakyat na ulit ako sa kwarto. Ang totoo niyan nagtatampo talaga ako kay Papa kasi nangako siya sa akin na uuwi siya tapos hindi na naman matutuloy.
Napasalampak ako ng upo sa kama.
Si Liezel nga pala. Simula kahapon hindi ko na siya nakausap. Kinuha ko ang cellphone ko at humingi ng number ni Liezel sa mga kaklase ko. Dinial ko naman kaagad no'ng mahingi ko kay Glydel. Sinagot niya kaagad sa pangalawang ring.
"Si Luna 'to."
"Oh, Luna, ikaw pala 'yan."
"Kumusta ka na? Kumusta na paa mo?"
" Nasa hospital ako ngayon eh. Makulit kasi sina Papa at Mama sinabi ko na nga'ng okay na ako."
"Mas mabuti na 'yan kasi sinabi rin naman ng doctor na magpa-hospital ka."
" Oo nga eh." Medyo napatahimik kaming dalawa sandali.
Siya na ang unang nagsalita. "Nabalitaan ko 'yong nangyari kahapon, Luna. Okay ka lang ba?"
Ayoko na sana'ng mapag-usapan.
"Oo naman okay lang ako."
"Ikaw agad ang una ko'ng naisip no'ng sinabi sa 'kin ni Glydel ang nangyari. For sure nakita mo na naman 'yong kaluluwa no'ng namatay na estudyante." Napabuntong-hininga ako.
"Salamat, Liezel."
"Welcome. Siya nga pala sayang at hindi natuloy 'yong game. Ano kayang balak ni Sir Andrew?"
"Wala pa siya'ng sinasabi baka sa monday na 'yon mag-announce."
"Siguro nga."
"Sige na, Liezel, pagaling ka agad, okay?"
" Oo, salamat, Luna."
"Sige."
"See you."
"Hmm." Binabaan ko na siya ng tawag. Naalala ko na naman ang nangyari. Bumaba na lang ako ulit.
__________________________________________________
Thank you so much, guys. Love ya'll 💙💙💙
Anyways,' wag ninyong kalimutan na mag-FAN sa' kin, VOTE, and SPREAD THE STORY.
Please, mahalaga po ang VOTE niyong lahat.
MARAMING SALAMAT! ☺️