webnovel

I LOVE YOU SEATMATE (Tagalog)

She is a good girl, who lives to impress and not to express. She is Miss no-lates-and-absences, 'yong tipong aakalain mong sipsip sa guro pero sadyang matalino lang talaga. Sinusunod niya ang lahat ng gusto ng Mama niya just to live up with her expectations, and all her life, she simply just want something: ang ma-maintain ang inaalagaang pagiging Rank 1 ---- at siyempre, ang mapansin ng kaisa-isa at kauna-unahang love of her life---- ang gwapo, mabait, at inosente niyang seatmate na si Jayvee Gamboa.

Ayradel · Umum
Peringkat tidak cukup
133 Chs

Date

Ayradel's Side

Nagitla ako nang bigla niya akong iikot na parang prinsesa, at pagkaharap ko ay saktong ngisi niya ang una kong nakita.

Muntik na nga akong matulala e.

"Wala, Baichi, ang bingi mo." sagot niya sa sinabi ko. Nanatili lang akong tahimik dahil narinig ko naman talaga e.

Hindi lang maprocess ng utak ko.

"But, would you say yes?"

"Ha?" Ayan na naman ang pagprocess ng utak ko.

"If I'm going to ask you a favor. Would you say yes?"

Lumunok ako at ginapangan ng kaba. "A-anong favor ba?"

Ngumisi lang siya at inikot na naman ako, isa, dalawa hanggang tatlong beses!!!!

"ANO BAAAAAA!?" tumigil ako sa pagikot at hinampas siya. "Nakakahilo ha!"

"Hahahahaha! You'll know soon."

Iyan ang pangyayaring buong araw kong inisip ngayong weekend. Tuwing weekend ay wala akong masiyadong ginagawa kundi ang magbasa at magkulong sa kwarto.

Halos mapatalon ako nang magvibrate ang cellphone ko.

Tumatawag si Jayvee.

Teka?

TUMATAWAG SI JAYVEE!!!!!

Oh my God! Bakit?!

Halos hindi ako magkandaugaga habang hawak ko yung phone. Nagtatatalon ako sa kama para magpakalma, nag-ahem ahem pa ako para iayos yung boses ko, saka ko ito sinagot.

"H-hello?"

Tahimik, pagkatapos ay sinundan ng malalim niyang boses.

"May gagawin ka ngayon?" aniya kaya napangiti naman ako ng lihim.

"W-wala naman. B-bakit?"

Woooooooo! Yung puso ko!

"Pwede ba kita yayaing maglunch sa labas?"

Naimpit ko ang boses ko at sinikap na huwag ipahalata ang excitement sa kanya. Kinalma ko muna ang sarili ko bago nagsalita.

"A-ah... Oo! Sige! W-wala naman akong gagawin e."

Napayakap ako sa unan ng hindi oras.

"Sige, nice. Magkita na lang tayo sa SM mismo?"

"Sige."

"See you, mga 12nn?"

"Sige sige."

"Bye, Ayra."

Saka ko na narinig ang end call.

Noong una ay dahan dahan ko pang ibinaba ang cellphone ko dahil sa sobrang hindi ako makapaniwala.

ITO NA BA IYON, LORD?!

AAAAAAAAAAHHHHH!!!!!

Agad-agad kong chinat si besty at Ella upang ipaalam ang balita. Ang mga bruha ay pumunta agad ng bahay sa sobrang supportive. Wala rin naman daw silang ginagawa, at ipagpapaalam nila kay Mama na magmo-mall lang ako kasama sila. Dahil tiyak na hindi papayag si Mama kapag nalamang lalaki ang kasama ko at gan'on pa kagwapo.

Ghad, ang sama ko ba? Minsan lang Mama! Huhu!

"Dalaga ka na besty!"

"Ayusan ka namin!" sabi naman ni Ella.

"A-anong aayusan?! Sa mall lang yun! Ayokong mahalata niyang nageeffort ako to be presentable no!"

"Ano ka ba! I mean kaonting lipstick lang sa labi at sa pisngi!"

"Hindi ako papayagan ni mama!"

Liptint lang kasi ang gamit ko no!

"Natural lang 'to besty! Hindi yan mapula sa labi! Product to na binebenta ni Mama! Bili ka!"

Natawa ako dahil may kasama pang marketing lol.

Hinayaan ko na lang sila sa trip nilang gawin hanggang sa makita ko na ang aking sarili sa salamin. Wala namang major na nagyari pero ayun nga, mas naging fresh ang look ko. Hindi nga siya sobrang halata kahit na ginawang pang-blush sa pisngi.

Pagkatapos ay nagsuot lang ako ng black sweater na may nakaprint na SATURDAY na itinerno ko sa shorts.

Noong ipinusod nina besty at Ella ang buhok ko ay doon mas lalong nag-iba ang pagkatao ko.

Woah.

"Besty!!! Bagay sa 'yo ang nakapusoooooood!!!" excited na sabi ni besty.

Napansin ko rin sa salamin.

Madalas kasing ladlad lang ang itim na itim kong buhok. Never akong nagpupusod, siguro sa bahay lang at pabara-bara pa.

Napangiti lang ako. Kiniilig tuloy ako sa magiging komento ni Jayvee. Eeeeehhhhh! Ayoko palang isipin!

Nagpaalam na nga kami kina Mama at Papa at pinayagan naman kami agad. Pero ang totoo ay hinatid lang ako ni Lui at Besty sa sakayan pa-SM pagkatapos ay ako na lang mag-isa ang pumunta doon.

Pagkababa ko pa lang ng jeep ay natanaw ko na agad si Jayvee mula sa malayo. Nginitian niya ako.

"Sorry. Kanina ka pa?" sabi ko.

"Hindi naman." aniya. Nakatingin lang siya sa akin. "Bagay sa 'yo nakapusod."

Halos magwala ang dibdib ko.

Ihhhhhhhhh!

"T-Thanks..." Hehe.

"Tara na?" aniya.

Tumango ako, at pinagmasdan ko siya kung pano siya tumalikod at naglakad na. Sumunod naman ako sa kanya hanggang sa makarating kami sa entrance.

Mas nauna pa rin siyang naglalakad habang nakalagay ang dalawang kamay sa bulsa. Ngumiti ako at medyo binilisan ang paglalakad para mapantayan siya sa paglalakad.

Tiningala ko siya kaya napansin niya ako ulit.

"Saan mo gustong kumain?"

Napaisip ako. Tsk, saan nga ba? Para sa akin ayan yung pinakamahirap na tanong e. Hays.

"K-Kahit saan..." nahihiyang sagot ko.

Tumango lang siya pagkatapos ay sinundan ko lang talaga siya kung saan siya pumupunta.

Hindi kami naguusap.

Napakagat ako sa labi para magisip ng paguusapan.

Ghad bakit ang awkward?!

Hanggang sa makarating kami sa isang sikat na fast food chain.

"Sa akin chicken rice na lang. Sa 'yo?" baling niya sa akin after niyang tignan yung menu ng restaurant.

"G-gan'on na lang rin. Saka fries at burger at waffle."

Tumawa siya. "Ang takaw mo pala?"

Uminit naman ang pisngi ko.

"H-ha? Hindi! Ano... Diretso meryenda na." palusot ko. Pero ang totoo talaga ay gutom na ako. Hindi na ako kumain sa bahay kanina para lang dito.

Umupo kami sa spot na kung saan natatanaw ang entrance nitong mall. Tumitingin-tingin lang ako sa entrance habang nasa counter pa si Jayvee para umorder... nang may makita akong pamilyar na taong papasok ngayon sa entrance ng Mall.

Noong oras rin na 'yon ay nagtama ang mata namin.

Nanlaki ang mata ko habang kunot naman ang noo niya. May minount siyang something na sa tingin ko ay "anong ginagawa mo diyan".

Agad ko siyang inilingan dahil mukhang pupuntahan niya pa ako, ngunit natigilan siya nang makita na si Jayvee na umupo sa harapan ko. Bale nakatalikod si Jayvee sa kanya kaya naman ako lang ang nakakakita sa kanya.

Napatingin ako kay Jayvee at habang busy pa siyang ayusin yung table e, sinulyapan ko ulit si Lee-ntik. Pero nakatalikod na siya at naglalakad na palayo.

Hindi ko alam kung bakit lumundag ang dibdib ko.

"Kain na." sabi ni Jayvee.

"Sige."

Magdadasal pa lang sana ako para sa pagkain ngunit kumain na siya agad. Nahihiyang nagdasal na lang ako para sa sarili ko saka nagsimula na ring kumain.

Tahimik ang buong paligid, bukod sa ingay sa mall. Tahimik pero maingay. Gan'on kagulo.

Gan'on na 'yon hanggang sa matapos na lang kami kumain. Parang wala pang isang oras kaming magkasama pero parang tapos na agad.

"Sorry ah. Hindi tayo masiyadong nagusap. Hindi kasi talaga ako pala-kwento." sabi niya habang naglalakad na kami palabas ng Mall.

"H-Hahaha! A-ano ka ba sanay na ako sayo." pinilit kong ngumiti.

"Sige. Thanks for today, Ayra!" aniya saka humalik sa kanang pisngi ko.

!!!!!!!!!!!!!!!!!!!

Halos malaglag ang panga at mata ko sa sobrang pagkabigla.

Naiwan ako doong tulala, at hindi ko na namalayang tuluyan nang naglakad palayo si Jayvee. Samantalang nandoon pa rin ako sa harap ng SM.

Napatingin ako sa direksyon kung saan dumaan si Jayvee at wala na siya. Saka ulit ako napahawak sa kanang pisngi ko.

"Baichi!"

Wala pang ilang minuto ay may tumawag sa akin. Paglingon ko ay tumambad si Richard Lee na nasa gilid ng entrance at nakasandal sa railings. May dinidilaan siyang ice cream. Ngayon ay prente na siyang naglalakad papunta sa akin.

Hindi ko alam kung bakit ayan na naman ang tibok ng dibdib ko. Lalo na noong titigan niya ako mula ulo hanggang paa.

"Bakit parang habang tumatagal lalo kang pumapanget?"

Sinamaan ko siya ng tingin dahil panglalait agad pambungad niya.

"Saka bakit namumula yung pisngi mo?"

Napaatras ako nang hawakan niya ang kanang pisngi ko.

"H-hoy!"

"Aish! Hindi bagay!"

BIGLA BA NAMAN NIYANG PINUNASAN YUNG KANANG PISNGI KO!

Doon pa sa spot na hinalikan ni Jayvee!

"Ano ba!!!" hinawi ko yung kamay niya.

"Ayan. Bagay na."

Yung kanan lang talaga yung pinunasan niya huh? Pinunasan ko rin tuloy yung kaliwa dahil baka hindi magpantay yung blush ko na nilagay nila besty.

"TSK!" Asik ko sa kanya.

"Uuwi ka na?" tanong niya.

Inirapan ko siya pero sinagot ko na rin.

"Hindi pa. Mga 4pm pa pupunta sina besty rito e. Gan'ong oras pa ako pwedeng umuwi."

Dahil kailangan kung aalis akong kasama sila, uuwi rin akong kasama sila.

"Oh!" may inabot siya sa aking cornetto icecream. "Buy one take one e."

"Weh? Saan banda?"

"Dyan dyan lang." sabi niya habang naga-ice cream pa rin.

May pa-buy one take one pala sa cornetto?

Kinuha ko naman iyon at binuksan rin.

"Salamat. Ikaw lang nandito?"

"May nakikita ka bang kasama ko?"

Umikot ang eyeballs ko at tumawa naman siya. "Psh!"

Sinimulan ko nang lantakan 'yong ice cream nang hawakan niya ako sa pulso. Napatingin ako sa pagkakahawak niya dito.

"Tara sa loob!"

"Ha?"

"Hindi ka pa uuwi diba? Ano, dalawang oras kang maghihintay dito sa labas?"

Nagpatianod ako sa hila niya. Hindi ko alam kung bakit naalala ko ang sarili ko habang kasama si Jayvee. Sobrang tahimik? sobrang plain lang.

Gan'on lang naman talaga yung tipo ko.

Bakit parang mas masaya ako ngayon?