webnovel

Chapter One: Buhay Single

Elena Kaden

Nakapalumbaba ako sa office table ko nang pumasok ang sekretarya kong si Dana at inabutan ako ng dyaryo. Araw-araw ay lagi ko siyang pinapabili ng newspapers bago ako sumabak sa trabaho bilang CEO ng Kaden-Kudo, ang pinakapopular na clothing line na kinikilala sa Asia, Europe at Amerika.

"Thank you, Dana," I said without looking at her. Kinuha ko ang dyaryo sa kamay niya saka ko inalis sa pagkakatupi.

I could sense that Dana is still not leaving. Tumingala ako't tinpunan siya ng seryosong tingin. "I'll call you if I need you." Nanatili lang siya sa posisyon niya. "Ms. Perez, may problema ba?"

She's acting strange. Dana and I were very close like best friends. Hindi siya nahihiyang lapitan ako even office hours. But now it's different. She seems afraid to me like I'm gonna eat her alive.

Well, it can't be helped. I'm a serious type of person. Mukha akong mataray at hindi ko ugaling ngitian lahat ng taong nadaraanan ko sa loob at labas ng opisina. Pero 'di ako gano'n kay Dana. I can exchange smiles and laughs with her.

Anong kinakatakot niya? Is something wrong with her job?

"M-Ma'am, puwede ko po ba kayong makausap after ng trabaho ko sa hapon? Importante lang po," magalang nitong pakiusap sa akin.

"Have you check my schedule? Just make sure wala akong special appointments beyond five o'clock," paglilinaw ko.

"Yes, Miss Kaden. Mamaya pong alas-tres, may meeting po kayo with your competitors sa Sunshine Hotel. The agenda is to discuss the upcoming fashion show next month. Other than that, wala na po."

"Okay. Hintayin mo na lang ako rito."

"Sige po." Tumalikod ito saka naglakad lumabas.

Kung maaari lang na si Dana ang papuntahin ko roon as my representative, kaso hindi puwede. Ako ang designer ng mga damit na irarampa sa show. Required akong magpakita at isa pa, mga bigatin ang kalaban ko. Hindi ako papatalo sa kanila.

I spread the newspaper to cover my face. Napasinghap ako nang mabasa ko ang pangalan ng subject sa first article or should I say, the top headline.

THE RENOWNED DETECTIVE RICHARD MOORE HAS FALLEN

It says that Moore has finally quit on his service as private investigator. It is confirmed yesterday in an interview. Inaalam pa rin ng source ang ugat ng pagbitiw ng nag-iisang detective na kayang mag-solve ng malalaking kaso in a short period of time.

Aksidente kong nabitawan ang papel. Nagsimulang manginig ang mga kamay ko hindi dahil nagulat ako sa masamang balita, sapagkat kilala ko siya. Hindi lang kilala. Kilalang-kilala.

That person... I won't forgive him.

Kasalanan niya kung bakit mag-isa kong hinarap ang mga pagsubok ko sa buhay. Ang buong akala ko, siya na ang ibinigay ng Diyos sa akin upang makatuwang ko, subalit isang pagkakamali ang nagawa ko na nag-udyok para baguhin ang noo'y mabait, masunurin at mapagmahal na Elena Agatha Kaden.

I loved him. Yes, he's my first love. Ang taong inaasahan kong mamamanhikan sa mga magulang ko, ang naging inspirasyon ko at ang lalaking nangakong hindi ako ipagpapalit sa iba.

Dumating sa puntong tinalikuran ko ang parents ko at muntik na akong hindi makatapos ng pag-aaral. Nagtanan kami sa kadahilanang tutol sina Mama at Papa sa relasyon namin. I did that for him to stay. He told me not to runaway, I was the one who insist 'cause if not, there's no way for us to see each other again.

It's wasteful to spent so much time with that idiot. Nakakatawa, kasi ako 'tong nag-effort nang todo pero ako rin 'yong ginamit at nagmukhang tanga sa huli. Nagkaayos din kami ng parents ko matapos kong magrebelde. Nakabalik ako sa school at nakahabol sa mga na-miss kong exams and activities.

Hindi ko makakalimutan ang masasakit na salitang nanggaling sa bibig niya nang mahuli ko silang naglalandian ng buwisit kong karibal sa campus.

"Walang tayo, Elena. Si Chris ang syota ko't hindi ikaw. Ginamit lang kita dahil sa kasikatan mo. Sana hindi mo pa nalaman ang totoo, 'di ko pa nga nae-enjoy ang atensyong nakukuha ko, eh. Pero okay na rin, at least ngayon alam mo na-na wala tayong pag-asa. May patanan-tanan ka pa, tingin mo masaya ako kapag kasama kita? Nakakasuka! Matalino ka lang pero 'di kita type!"

Iyon ang huling pagkikita namin ni Richard. Since then, my parents never heard anything from me about that guy. Pinagtapat ko sa kanila ang totoo nang matiyak kong hindi na nila maha-hunting si Richard. It's just that I don't wanna get involved with his mess.

Nangako ako bago ko lisanin ang bansang 'to na pagbalik ko, ibang tao na ako. Malayo na sa dating Elena na pinaglaruan ng lalaking 'yon.

They sent me to New York to finish my studies. Nang maka-graduate ako ng college, nagpasiya akong bumalik sa Pilipinas at nag-ipon ng kapital para sa itatayo kong kumpanya.

At heto ang bunga ng aking pagsisikap. At the age of 37, I received the title of the most famous fashion designer who owns the biggest clothing company in the world. Nakamit ko ang lahat ng ito nang dahil sa kabiguan ko sa pag-ibig.

I won't regret the life I have right now. Ang pinagsisisihan ko ay 'yong kumagat ako sa plano ni Richard Moore na ngayon ay unti-unti nang bumabagsak.

Ngumiti ako nang pilya. Anong pakiramdam na ikaw naman ngayon ang nasa ibaba? How unfortunate.

***

Tila ako yata ay nahawaan ng kamalasan ni Richard. Kausap ko si Dana at hawak ko ang resignation letter niya. So ito pala ang paksa ng meeting namin? Why now? I'm a busy woman. I can't just sit here without a secretary!

Si Dana ang ika-tatlumpu't isang sekretaryang dumaan sa kamay ko. Sa tagal kong nagpapatakbo ng Kaden-Kudo (with help of my business partner who's my childhood friend), halos kada taon nagpapalit ako ng assistant. Why? Because they can't stand my bossy attitude.

But in her case, she can't say anything about me. Napagtataasan ko siya ng kilay noong una ngunit nang makita kong mahal na mahal niya ang kanyang trabaho, I started to be nice to her. Iyan ang gusto ko sa aking mga empleyado. They're must be devoted to their job and willing to do their task despite of my evilness.

"As a matter of fact, I never ask any favor to my employees. Pero kailangan kita, Ms. Dana Perez. Give me one and a half month to settle my problems. Sa isang buwan na ang fashion show. Marami akong dapat asikasuhin and there's no enough time to find your replacement. Dodoblehin ko ang sahod mo basta mag-stay ka pa ng isa't kalahating buwan. I promise," I begged like she's my only last hope. Literally.

Pikit-mata siyang tumugon sa aking pakiusap. "Salamat po sa lahat ng kabutihan niyo, Miss Kaden, but I already made a decision. Dad wants to see me for the last time. Besides, Mom encouraged me to live with my sister in province. As much as I wanted to stay and work for you, I can't choose my job over my family. I'm so sorry."

Doon ako walang nagawa. Dana is a loving and caring daughter. Two months ago, nag-open up siya sa akin tungkol sa kondisyon ng kanyang ama. Mr. Perez is suffering from Stage 4 lung cancer. Nagmagandang-loob akong tumulong sa pamilya niya by providing financial assistance. And now that I knew her father died, walang magbabago ano man ang kanyang piliin.

"I understand. I admire you, Dana. I see myself in you twenty years ago. I wish I could turn myself back to the old Elena Kaden I used to be."

"It's not too late, Ma'am. Puwede niyo pa pong ibalik ang dating Miss Kaden. Napakabait niyo pa rin po sa kabila ng maling interpretasyon sa inyo ng ibang tao. Sa totoo nga po, naiinggit po ako sa inyo, eh. You have everything. Madali niyong nakukuha ang mga gusto niyo. Samantalang ako..."

I laughed bitterly. "Huh, huwag mo akong kainggitan. Everyone starts at zero. Dumaan din ako sa sitwasyon mo. At first, you'll feel hard for yourself." I grabbed her hand. "Magpursigi ka lang at naniniwala akong pagdating ng araw, makakamit mo rin ang pinaka-aasam mong tagumpay."

Dana cried. "Maraming-maraming salamat po, Miss Kaden. Babaunin ko po sa pag-alis ko ang mga payong ibinigay niyo."

Pinirmahan ko na ang resignation ni Dana. Mabigat man sa part ko na kinakailangan niyang umalis sa kumpanya, mas maigi na ring unahin niya ang pamilya kaysa sa trabaho. Bata pa naman siya. She had lots of things to do.

Before she leaves my office, I give her a big hug.

I'm now completely alone and stressed. Tinawagan ko ang aking kaibigang si Vivian to invite her for a business talk.

"Hey! How's it going?" pangangamusta nito sa telepono.

"We need to discuss something important, Vi. I'll wait you till six-thirty."

***

"Nani?! Your 31st assistant got resigned?" gulat na tanong ni Vivian nang mabanggit ko ang pagre-resign ni Dana.

"Yes, at kaya kita pinatawag dito ay para tulungan ako na humanap ng kapalit. I-inform mo 'yong HR na magsagawa ng interview bukas. Accept one hundred applicants. Tutal wala na si Dana, paki-cancel na rin lahat ng appointments ko tomorrow," walang kaabog-abog kong utos sa kanya.

I'll be sitting here the whole day to entertain those people. Ewan ko lang kung paglabas ko rito, pagkamalan akong sabog sa droga.

She put her hands on her waist as she threw me a glare. "Excuse me, Miss Elena Kaden! I am the vice-president of Kaden-Kudo, not someone else!"

"Whatever, obasan," I teased which means old lady in English.

"Look who's talking! Magkasing-edad lang tayo, 'no! At saka, 'di hamak na mas maganda ako sa 'yo," pagmamalaki nito. "At cute pa!"

"You're still behaving like a teenager despite of your age. What would I expect from the queen of Vilton High I couldn't beat?"

"Oh? How about the quiz bee star who's been dumped by her knight and shining armor?"

Tumalim ang aking paningin kay Vivian. I hate it when she brings that man into our conversation.

"You win," sabi ko.

Normal na sa 'ming mag-asaran ni Vivian. As I said, we're friends since I attended the middle school. Sabay din kaming tumungtong ng high school at nakilala sa buong campus. Sumikat si Vivian dahil sa angking-ganda at galing niya sa theater arts. While me, I was known as the topnotcher in class.

We're in the same section - Class A. Nagkahiwalay lang kami nang mag-move in ako sa New York pero nando'n pa rin ang communication namin. Graduate siya ng business administration at minsang sumabak sa pag-aartista during her college days but she eventually retires when she got married to Booker Kudo, a mystery writer. May isa silang anak - si Conan, pitong taong gulang.

She build her own company, six years after my Kaden Clothing had established. Pangarap niyang maging kagaya ko subalit hindi sapat ang pondo niya upang palakihin ang kanyang negosyo. Sinuggest kong mag-merge kami, bagay na hindi niya tinanggihan. Pareho lang naman kasi ang goal namin noon.

That's the success story behind Kaden-Kudo. 'Buti pa ang kaibigan, hindi marunong mang-iwan. 'Di katulad ng iba diyan.

"Just because you win, doesn't mean you won't follow my orders. May I remind you that I'm the president. Ako ang masusunod."

"Fine!" irap niya. "But one hundred applicants for tomorrow? I don't think it's possible."

"It is. Kapag narinig ng tao ang pangalang Kaden-Kudo, for sure willing silang magkandarapa na kagatin ang kahit anong posisyon. Nga pala, as much as possible, gusto ko ng lalaking aplikante. Ayoko nang ma-stick sa mga babaeng empleyado. Mahirap mag-let go sa mga ka-close kong trabahador na biglang aalis."

Hindi ako interesado sa mga lalaki kaya mas okay na 'yon. Kung inaakala mo na kaya ko gustong mag-hire ng lalaking assistant ay upang kaladkarin ko pauwi sa bahay ko, nagkakamali ka. Umiiwas lang ako sa emotional stress.

"E-Eh? Are you sure?"

"Yes. Basta may bachelor's degree at wala rin akong pakialam sa edad."

"Okay! Huy, daan ako sa iyo, ha? Bibisitahin ko lang 'yong pamangkin ko! Tagal ko nang 'di nakikita, eh!"

I gave her a meh look. "Yeah. Come back here and let's have a toast in my place."

Si Vivian talaga. Sigurado akong may dala na namang tsokolate 'yon. Sinabihan nang bawal 'yon kay Hailey, eh. She's spoiling her to sweets.

Nahagip ng aking mga mata ang picture frame sa gilid mesa ko. It consists of me and my only daughter, Hailey Kaden. Again, yes. I'm a single mother. Anak ko siya sa kung sino mang gago ang bumuntis sa akin noong 30th birthday ko.

"Where on earth is your father, my little girl?"