webnovel

I am a Rebound

Lahat ng desisyon na gagawin mo sa buhay mo, ikaw ang magbe-benipisyo. Tama man o mali ang gawin mo, ikaw pa rin magdadala nito. Sa mundo ay maraming choices. Iba-iba... Malaya kang pumili kung alin, saan, ano, at sino. Pero bago mo ariing iyo, kikilatisin mo. At pag nakita mong maganda nga, kukuhanin mo. Iingatan mo, at mamahalin mo. Subalit mapanlinlang ang mundo. Hindi lahat ng magandang nakikita mo ay tunay, matibay, at magtatagal. Nasisira din ito sa kalaunan. Pero dahil may importansiya ang lahat ng bagay, ay gagawin mo lahat ng paraan para yung nasira ay maayos at muling mapakinabangan. Hanggat naman naayos hindi ka maghahanap ng kapalit diba? Pag alam mo nang wala na, saka ka lang hahanap ng iba. Tama ba? Pero iba ang sitwasyon ni Yen. Isang lalaking bigo din sa pag ibig ang napili niyang mahalin. Papano niya ipaglalaban ang kanyang pagmamahal kung ang taong napili niya, ay alipin pa rin pala ng nakaraan? Papano niya aangkinin ang taong inakala niyang kanya ngunit ang puso nito ay pag aari pa rin pala ng iba? Papano niya haharapin ang katotohanan na siya ay hindi naman minahal kundi panakip butas lamang? Rebound. Maipapanalo mo ba ang laban kung rebound ka lang?

nicolycah · perkotaan
Peringkat tidak cukup
129 Chs

Sad Face

Hindi kaya burahin ni Yen ang mga pictures nila ni Jason. Nanghihinayang siya doon. Sa mga masasayang alala nila. Malabo nang maulit pa. At dahil ala-ala nalang, gumawa siya ng album sa FB niya. Nakaprivate ito at siya lang ang makakakita. Sa ganoong paraan ay maitatago niya ito. Bihira naman siya mag FB kaya naman hindi na niya ito madalas makikita. Isa pa, wala naman siyang internet at kuripot siya magload. Wala naman na kase siyang katext. Lahat ng pictures nila ni Jason ay inilagay niya sa isang album.. naka " only me" ito para hindi makita ng sinumang bibisita sa profile niya. Doon lang muna iyon. Balang araw ay mabubura niya rin iyon. Pagkatapos niya itong gawan ng album ay isa-isa na niya itong binura sa gallery niya. Maigi na yon at wala na siyang sisilipin at babalikang ala-ala.

Nagpatuloy siya kanyang buhay.

Itinuloy ang pangngarap.

Naghanap na siya ng ibang matutuluyan habang ang bahay niya ay on process pa at hindi pa pwedeng lipatan.

Nag offer ang kanyang tiyahin na doon nalang siya umuwi sa bahay nito. May bakante naman daw na kwarto doon at palagi din naman wala ang kanyang tiyo. Kaya naman agad punayag si Yen. Medyo malayo yon sa kanyang trabaho pero pabor sa kanya dahil hindi na siya makikisama sa ibang tao. Isa pa sanay na siya doon dahil noong hindi pa siya nag aaral ay doon siya nakatira.

Lumipat na pala ito ng Cavite.

Nademolished daw ang squatters area na kinatatayuan ng bahay nila. Mabuti naman daw at narelocate sila ng gobyerno at ngayon ay mayroon na din silang maayos na tirahan.

Minsan nang napunta doon si Yen.

May kalayuan nga ito. Ngunit dahil may shuttle service ang kanilang trabaho na designated sa iba'ibang lugar ay hindi din problema kay Yen ang pagpasok. Isa pa, doon ay madali siyang makakalimot.

Inaayos na niya ang kanyang mga gamit.

Abala siya sa pagliligpit. Nilinis na niya ang kanyang cabinet. Habang si Thalia naman ay lungkot na lungkot sa sulok at pinipigilan siyang umalis.

Hindi na siya magpapapigil.

Napamahal siya sa lugar na iyon. Subalit kahit saang sulok siya lumingon doon ay puro ala-ala lang ni Jason. Ayaw niya nang alalahanin pa iyon. Kailangan niyang mag move on. At hindi niya magagawa iyon kung mananatili siya doon.

Habang nasa byahe patungo sa bahay ng tiya niya ay nagmuni-muni si Yen. Iniisip ang mga nagdaang pangyayari. Bigla ay naalala niya ang petsa.

Sept. 9.

Birthday ni Jason.

Hindi niya nakakalimutan. Pero hindi siya nag abalang bumati dito. Burado ang lahat ng contacts nito sa kanya. Sa tagal din ng panahon ay limot na din niya ang number nito. Dahil pinili niya na talagang kalimutan.

Sana ay masaya ito.

Sana ay ok na siya.

Naidalangin ni Yen.

Naalala niya ang kanyang panaginip noong nagdaang gabi.

Sa isang ilog ay may nakalutang na bahay. Sa loob ng bahay ay nandoon si Jason, may dala itong baby. Si trixie na nasa malayo at nakatanaw sa lang sa tubig. At si Yen. nasa malapit sa may pinto. Si Jason na may dalang baby ay nasa gitna nila ni Trixie. Ang tanawin na gayon ay nakakalito.

Ayon sa dream interpreter ang tubig ay sumisimbolo ng buhay.

Ang pinto ay bagong oppurtunity.

Ang baby ay new life.

Eh si Jason at Trixie??

Siguro ay dahil parte sila ng nakaraan ni Yen.

Wirdo ang panaginip na iyon. Hindi niya ito maintindihan. Hindi naman na niya iniisip si Jason. Tapos ay bigla muling papasok sa eksena.

Si Jason ay ala-ala nalang. Sabi ni Yen sa sarili niya.

Umilaw ang kanyang cellphone.

1 message received.

[hi...]

Kumunot ang kanyang noo. Dahil nasa byahe at para malibang sinagot niya ito.

[ sino sila? ]

[ :( ]

Sad face.

Lalong nagsalubong ang kanyang kilay.

[ kilala ba kita? pasensiya na, nagpalit kase ako ng phone. Yung ibang contacts ko di nasave.] palusot ni Yen. Pero totoong nagpalit na siya ng phone.

[ T.T ]

Eh? hindi na ito pinansin ni Yen ang kanyang rason kung importante ang sasabihin ay tatawag ito. Ibinalik niya ang kanyang cellphone sa kanyang bag bago pa man niya ito mabitawan ay muling nag vibrate ito.

[ kahit pala sa FB unfriend na ko. ]

Si Jason? Muling umusbong ang pamilyar na kaba sa kanyang dibdib. Mahal niya talaga ito. Kahit na matagal nang wala silang kumunikasyon ay iba pa rin ang epekto nito sa kanya. Kaya ba siya may ganoong panaginip? Dahil muli itong magbabalik??

Pinilit nalang ni Yen na wag nang sumagot. Ang nagpasakit nanaman ng ulo niya ay kung buburahin niya ba ang text nito o hindi?

Bakit ba sa tuwinang ok na siya ay biglang susulpot ang taong nagdulot sa kanya ng sakit?

Muling nanariwa ang araw na nakipag break ito. Text lang yon pero masakit ang impact non. Lalo siguro kung personal pa nitong sinabi.

Sa sarili niya alam niya kung gaano niya kagusto na makasama ito ulit. Kung gaano niya kagusto na si Jason nalang. Kung magkakaroon siya ng pagkakataong magmahal ay sana si Jason nalang. Siya ang gusto ni Yen na makasama habang buhay. Yong taong makikita niya bago siya matulog at ang makikita sa pagmulat ng kanyang mata. Subalit ang lahat ng iyon, ay pangarap na lamang.

Pangarap nalang ba talaga?

[ :( ] Yen

[ T.T ] Jason

Mag iisang taon na nang mawalan sila ng kumunikasyon sa isa't isa. Kung kailan ok na si Yen ay muli itong magpaparamdam?

Pagkatapos??

Pinilit ni Yen iwasang itext si Jason.

Marahil ay kinakain lang ito ng konsensiya niya. O baka nababagot na kaya naalala nanaman siya.

Subalit hindi iyon ang huling messages nito sa kanya.

Ilang araw lang ang lumipas ay muli itong nangumusta. Kahit sa messenger ay sinusubukan siya nitong ayain umattend ng seminar ukol sa stocks. Wala siyang alam tungkol doon. Tila nananadyang natapat ang araw ng pag aaya nito sa rest day niya. Siguro ay paraan yon para magkita silang muli. Pero tinanggihan ito ni Yen. Kahit na wala siyang gagawin ay minabuti nalang niya na sumama sa mga kaibigan para mamundok.

Hindi maunawaan ni Yen kung bakit bigla ay muling nagparamdam ito. Ayaw na niyang paasahin muli ang sarili. Ayaw na niyang masaktan ulit. Kaya pinilit niyang balewalain ito.

Hanggang sa muli ay tumigil ito sa pagtitext sa kanya.