webnovel

I am a Rebound

Lahat ng desisyon na gagawin mo sa buhay mo, ikaw ang magbe-benipisyo. Tama man o mali ang gawin mo, ikaw pa rin magdadala nito. Sa mundo ay maraming choices. Iba-iba... Malaya kang pumili kung alin, saan, ano, at sino. Pero bago mo ariing iyo, kikilatisin mo. At pag nakita mong maganda nga, kukuhanin mo. Iingatan mo, at mamahalin mo. Subalit mapanlinlang ang mundo. Hindi lahat ng magandang nakikita mo ay tunay, matibay, at magtatagal. Nasisira din ito sa kalaunan. Pero dahil may importansiya ang lahat ng bagay, ay gagawin mo lahat ng paraan para yung nasira ay maayos at muling mapakinabangan. Hanggat naman naayos hindi ka maghahanap ng kapalit diba? Pag alam mo nang wala na, saka ka lang hahanap ng iba. Tama ba? Pero iba ang sitwasyon ni Yen. Isang lalaking bigo din sa pag ibig ang napili niyang mahalin. Papano niya ipaglalaban ang kanyang pagmamahal kung ang taong napili niya, ay alipin pa rin pala ng nakaraan? Papano niya aangkinin ang taong inakala niyang kanya ngunit ang puso nito ay pag aari pa rin pala ng iba? Papano niya haharapin ang katotohanan na siya ay hindi naman minahal kundi panakip butas lamang? Rebound. Maipapanalo mo ba ang laban kung rebound ka lang?

nicolycah · perkotaan
Peringkat tidak cukup
129 Chs

PARANG KAILAN LANG

Ibinalita ni Llyne kay Yen ang ginawang pagbisita ni Angeline sa YMR. Nagkibit balikat lamang siya. Normal sa buhay ng tao na may dumarating na mga kontra bida. Natural talagang binabato ang puno pag hitik na sa bunga. Ang isang tulad ni Angeline ay isa lamang pang gulo sa buhay niya. Katulad ni Trixie noon.

Inakala siguro ni Angeline na nai-insecure siya. Ayos lang din na isipin nitong ganoon nga. Natural lang na magreact siya dahil asawa siya. Kahit hindi sila kasal ni Jason ay masasabing asawa siya nito. Nagsasama sila at may anak. Karapatan niyang protektahan ang kanyang pamilya. At ang kanyang damdamin. Ayaw niya mang tawaging feelingera si Angeline, pero yon ang kanyang naiisip.

Nabalitaan niyang natanggal si Angeline sa kanyang trabaho. At isinisisi nito kay Yen iyon. Pero sa totoo lang ay wala siyang kinalaman dito. Sa palagay niya ay karma siguro pero masama maghangad ng ikababagsak mg kapwa kaya di niya nalang pinag tuunan pa ng pansin iyon. Ang sa kanya lang ay hindi na niya hahayaan na magkalat pa ito sa bakuran niya. Hindi na niya papayagan na muli itong mampeste sa kanya kaya noong araw na iyon ay dineklara niya din na huwag itong papayagan na makatapak muli sa balwarte ng YMR at Villaflor.

Tama lamang iyon. Dahil maaari pa itong manuwag kapag nakalapit. Maaring magpanggap itong maamo pagkatapos ay biglang titira ng patalikod. Minsan na siya nitong ginawan ng hindi maganda at hindi na niya ito hahayaang maulit pa. May consequence ang lahat ng kasalanan. At bawat kasalanan ay may kaakibat na kaparusahan. Isa pa, si Angeline ay wala namang nai-ambag at mai-aambag sa kanyang buhay. Hindi niya ito kailangan.

Madalas siyang tumulong sa kahit na sino pero marunong siyang pumili ng tao. Dahil kay Rico ay nagagawa niyang kumilatis ng tao. Judgemental siya sa parteng iyon pero mas mabuti nang maging maingat. Wala siyang pananagutan kay Angeline. Ang dinadanas nito ngayon ay bunga lamang din ng kanyang gawain. Kaya ngayon palang ay tutuldukan na niya ang mga niluluto nitong plano kung meron man.

Hindi niya alam kung anong pakay nito. Pero dahil hindi na maganda amg tingin niya dito ay hindi na niya hahayaan pang mang gulo ito. Hindi talaga maganda ang pakiramdam niya sa babaeng iyon. Isipin na nito ang kahit ano, pero habang nagkakaroon ito ng pagkakataon na makalapit sa kanya o sa kanyang teritoryo ay maaari itong makagulo. Si Angeline na pasimpleng nag mamanipula kay Jason ang naging rason kung bakit malayo siya kay Jason ngayon. Ramdam niya ang maitim na balak nito noon kaya gayon nalang ang bigat ng loob niya dito. Ngayon lang siya nakadama ng gayon sa isang tao. Hindu niya din maintindihan kung bakit. Kung dahil ba tila inaagaw nito si Jason? Pero hindi naman siya nakaramdam mg ganon kay Trixie.

" mama..." napalingon si Yen sa kanyang likuran at napangiti sa anak na karga karga ni Manang Doray.

Direcho na nitong nabibigkas ang mama at tuwang tuwa siya pag naririnig iyon. Parang kailan lang ay napakaliit pa nito, Ngayong isang taon na siya ay biglang lobo at bumigat. Hindi na niya ito kayang kargahin mg matagal. Napakabilis lumaki ng bata. Napakabilis din lumipas ng araw.

Parang kailan lang..

Noon ay abala siya sa outdoor activities. Pagkanta at pagtugtog, pagpeperform. Bigla niyang naalala ang kanyang gitara. Kelan nga ba niya huling nahawakan ito? Napangiti siya at muling tinuon ang tingin sa anak. Balang araw ay si Jesrael na ang tuturuan niya ng guitar lesson. Tuturuan niya itong kumanta, at tumugtog. Balang araw ay ito na ang tatayo sa entablado para umawit.

Hinaplos haplos ni Yen ang ulo nito at hinalik halikan. Kinalong niya ito at niyakap. Nakaka-gigil talagang pisil pisilin ang pisngi nitong mala siopao. Mag uumpisa na din itong magsalita.Sayang at hindi ni Jason iyon nakita.

Kapag pinili ni Jason na abandonahin sila ni Jesrael, Hindi na niya talaga ito makikita. Aakuin niyang lahat ang responsibilidad dito at ilalayo niya ito. Madamot na kung madamot. Masaktan na siya kung masasaktan pero tama lang yon para naman maramdaman niya din naman ang sakit...hindi yong siya lang. Unfair na kung unfair.

Mapait siyang ngumiti.

Talagang masama ang loob niya kay Jason. Sobra ang hinampo niya dito. Pagkatapos niyang mahalin ito nang buong buo ay ganun na lang ang gagawin nito sa kanya? Parang hindi tama. Bitter na kung bitter pero nasaktan siya..tao lang din siya at may damdamin. Marupok. Hindi na niya maaatim na makita pa ito pagkatapos silang iwanan.

Tuwinang maiisip ni Yen na maghihiwalay sila nang tuluyan ay parang pinipiga na ang puso niya. Ayaw niya pero kung ganoon lang din ang magiging trato nito sa kanya mas maigi nang maghiwalay na nga para iisang sakit lang. Masasaktan siya ngayon, pero lilipas din ito. Kesa habang buhay siyang magdusa at magtiis.

Pero kaya niya nga kaya? Kaya niya kayang tiisin ang sakit ng pakikipaghiwalay kay Jason nang tuluyan? Napailing si Yen. Kaya may mga babaeng pinipiling magtiis dahil sa labis na pagmamahal. Sa labis na pag asam na sa dulo ay may happy ending sila. Sa dulo ng kwento ay happy ever after pero sa totoong buhay ay hindi naman lahat nagtatapos sa happy ever after. Hindi lahat ng pagmamamahalan ay nagtatagal nang panghabang buhay. Merong nagtatagal yon ay dahil pinili nilang magtiis siguro. Pero may ilan ding talagang masaya dahil sa tamang tao ang napili nila. Siya kaya? mali ba siya?

" hello amiga!!!"

Nagulat si Yen sa malanding tinig ni Gerald mula sa kanyang likuran. Natawa siya sa inasal nito. Hindi pa rin ito nagbabago. Malandi pa rin ito pag kasama siya.

" nagmumuni-muni ka nanaman, sinasaktan mo nanaman amg sarili mo. Anuba?? Look at you. Dapat magpaganda ka...para hindi naman halatang broken ka. Malapit nang matapos ang bakasyon mo pero talagang binuro mo ang sarili mo dito? My goodness Yen. Kelan ka ba huling nagsalamin? Lalo kang iiwan ni Jason niyan ee."

" wala ako sa mood gusto ko lang talaga ng payapang buhay."

" letse ang arte arte. Maliligo lang ako. Maligo ka din at magpaganda mag di-date tayo. hahaha"

" date? "

" hoy bruha ka, kelan ka ba huling lumabas? kelan ka ba huling nag relaks at nagsaya. Bago matapos ang bakasyon mo at least mag enjoy ka naman kahit konti noh"

Napanguso siya. Tinatamad siyang lumabas pero palagay niya ay hindi papa awat si Gerald

" Geraldine...🙄 "

" hahahahaha! I like that. Bilisan mo na... gagala tayo?"

" saan tayo pupunta? "

" kahit saan. "

Tumalima na lamang siya dito. Nagbilin siya kay Manang Doray ng mga bagay na kailangan ni Jesrael kahit memoryado naman ito ng huli. Naunawaan ni Manang Doray si Gerald at itinaboy din nito si Yen para lumabas. Para naman kahit papano ay mag enjoy ito. Kahit siya ay nabuburyong manood dito dahil halos isang buwan lang itong nasa loob ng bahay. Kaya naman ginatungan niya agad si Gerald ng ayain itong lumabas.