webnovel

I am a Rebound

Lahat ng desisyon na gagawin mo sa buhay mo, ikaw ang magbe-benipisyo. Tama man o mali ang gawin mo, ikaw pa rin magdadala nito. Sa mundo ay maraming choices. Iba-iba... Malaya kang pumili kung alin, saan, ano, at sino. Pero bago mo ariing iyo, kikilatisin mo. At pag nakita mong maganda nga, kukuhanin mo. Iingatan mo, at mamahalin mo. Subalit mapanlinlang ang mundo. Hindi lahat ng magandang nakikita mo ay tunay, matibay, at magtatagal. Nasisira din ito sa kalaunan. Pero dahil may importansiya ang lahat ng bagay, ay gagawin mo lahat ng paraan para yung nasira ay maayos at muling mapakinabangan. Hanggat naman naayos hindi ka maghahanap ng kapalit diba? Pag alam mo nang wala na, saka ka lang hahanap ng iba. Tama ba? Pero iba ang sitwasyon ni Yen. Isang lalaking bigo din sa pag ibig ang napili niyang mahalin. Papano niya ipaglalaban ang kanyang pagmamahal kung ang taong napili niya, ay alipin pa rin pala ng nakaraan? Papano niya aangkinin ang taong inakala niyang kanya ngunit ang puso nito ay pag aari pa rin pala ng iba? Papano niya haharapin ang katotohanan na siya ay hindi naman minahal kundi panakip butas lamang? Rebound. Maipapanalo mo ba ang laban kung rebound ka lang?

nicolycah · perkotaan
Peringkat tidak cukup
129 Chs

KUNG PARA SAYO, PARA SAYO...

Pagdating na pagdating sa bahay ay agad kinalkal ni Jason ang kanyang cellphone.

Hinanap niya ang mga huling text ni Yen. Maari ngang trinabaho ito ni Trixie dahil alam nito ang password niya at hindi niya pa ito napapalitan. Madalas nito gamitin ang kanyang phone noon. Pag magkasama sila noon ay lagi niya itong kinukuha para mag imbestiga. Hindi niya maintindihan ang kawalan nito ng tiwala, napakaselosa nito. Kahit nga kababata at bestfriend niya ay iniwasan niya dahil dito. Gayunpaman ay hinahayaan niya ito kung yon lang naman ang makakapagpa-panatag ng isip nito.

Alam din ni Trixie gayahin ang text niya. Noon, pag may babaeng nau-ugnay sa kanya ay nagpapanggap itong siya. Tinitext nito at inaaway kalaunan kaya naman wala siyang friends na babae noon. May mga pagkakataon pa nga na nagpapalit sila ng phone. Para lang masiguro nito na wala siyang nilalanding iba.

Nakita niya ang convo nito kay Yen at binasa iyon. Naiiling siya sa tindi magmanipula ni Trixie saglit niya lang naiwan ang cellphone niya ay nakagawa na agad ito ng eksena.

[ may problema ba tayo? ]

Unang text ni Yen. Dahil yon sa ilang araw siyang busy at hindi niya na nagawang mag text o tumawag dito. :( Hindi nito ugaling kulitin siya kapag di siya sumasagot. Kung si Trixie iyon, ay katakot takot nang away ang ilang minutong hindi siya magrereply. Iniisip nito kaagad na may kalandian siyang iba.

[ wala naman ] sagot niya

Habang nagbabasa ay halos magsalubong ang noo niya. Nagiisip na si Yen. Siguro ay naisip nito na balewala na siya dahil di na siya nagpaparamdam. Baka nga nabuo na sa isip nito na nagka-ayos na sila ni Trixie.

Binasa niya ang mga sumunod na text nito.

[ sabi ko naman sayo, pag ayaw mo na magsabi ka. wag mo akong gagawing tanga.]

[ ano kase....parang hinahanap ko lang ang sarili ko. ] sagot ni Jason

Napalatak si Jason at napailing sa nabasa. Malaki ang tiwala ni Yen sa kanya. Kaya hindi ito magdududa na hindi siya ang katext nito. Maging ang text style ay malabo nitong mapagdudahang hindi siya yon at ibang tao. Saktong sakto din ang timing ni Trixie. Marahil ay nabasa nito ang mga text ni Yen na hindi niya naman binubura. Pag nami-miss niya kase ito ay binabalikan niya ang mga convo nila.

Noon pa man ay nakatatak na sa isip nito na maaring magbago siya sa katagalan. Dahil pinaniniwalaan din nito na siya ay rebound lang. Hindi ito kumbinsido na si Trixie ay agad niyang makakalimutan. At totoo yon. Lalo pa't alam nito ang buong kwento nila. Sinabi niya ito kay Yen mula sa umpisa, hanggang sa maghiwalay sila Trixie.

Totong sinabi ni Yen sa kanya na kung sakaling marealize niya na mahal niya pa din si Trixie ay hindi daw siya pipigilan na balikan ito. Malaki pa daw kase ang chance na magkaayos pa sila ni Trixie. Kung magagawa daw niya itong tanggapin at patawarin sa kabila ng mga nagawa nitong pagkakamali, ay maaring maging ok pa daw sila. At magiging mas matibay daw ang relasyon nila. Dahil sa bawat pagsubok daw na napagtatagumpayan ay tumatatag daw ang pundasyon ng samahan. Yon daw ang tunay na pagmamahal. Kung kaya mo daw magpatawad sa kabila ng mabigat na nagawang kasalanan. Andami niya talagang alam. Natawa si Jason sa isiping iyon.

Sabi pa niya, kapag daw nakapagdesisyon siya na balikan ito at kapag naramdaman niya daw na ayaw niya na, ay magsabi lang siya. Kung hindi daw niya kaya sabihin ng personal dahil nag-aalangan siyang masasaktan si Yen, ay pwede niya daw itext nalang. Mahirap daw kase makipag break. There's no easy way to break somebody heart. Hindi daw iyon madali. Pero maiitindihan niya daw iyon.

Hindi talaga madali. Lalo pa' t wala namang sayong ginawang mali. Hindi madali dahil kahit papano mo dahan dahanin masasaktan at masasaktan ka sa huli. Kaya nga siguro inilihim ni Trixie sa kanya ang affair nito sa kinakasama ngayon ay dahil nahirapan di siguro itong makipag break.

Alam ni Yen ang nararamdaman niya. Nauunawaan nito ang lahat sa kanya. Kahit tuwing papasok sa isip niya si Trixie habang magkasama sila ay nababasa nito. Hindi niya alam kung bakit tila ba nakakabasa ito ng isip. Kahit na hindi siya magsalita ay ramdam agad nito pag masaya siya, malungkot o inis... gayunpaman mahusay itong magpagaan ng damdamin. Kaya nga siguro nahulog ang loob niya kay Yen. Naiintindihan nito ang lahat sa kanya. Minahal siya nito ng sobra wala itong ginawa kundi unawain siya at ibigay ang lahat ng alam niyang makapagpapasaya sa kanya. Parang siya kay Trixie noon... at kahit pa yata kalayaan niya dito ang hingiin niya ay buong puso nitong ibibigay para lang siya sumaya. Ganoon siya nito kamahal. Pambihira.

[ ok lang siguro kung cool off muna tayo? ]

[ cool off? anu yon? anung pinagkaiba non sa break? ]

[ narealize ko lang lately na hindi ko pala kailangan ng girlfriend para maging masaya.]

[ ok got it. ] tanging sagot ni Yen.

[ yun lang? ]

[ wala ka bang ibang sasabihin? ]

[ wala kang reaksiyon? ]

[ hindi ka ba magagalit? ]

Nangunot ang noo ni Jason sa mga nabasa. Bumakas ang galit sa kanyang mga mata. Naikuyom niya ang kanyang mga palad. Nasasaktan si Yen. Pero hindi niya yon ginawa.

Dahil talagang inaasahan na ni Yen na darating ang araw na ito. Kaya ganon lang kadali para maniwala ito.

[ kung magwawala ba ako, kung sasabihin ko bang ayaw ko, magbabago ba isip mo? ] reply ni Yen dito.

[ kung mumurahin ba kita o magagalit ako sayo mababawasan ba non yong sakit sa dibdib ko? ]

[ may magbabago ba? ] tanong pa ni Yen.

[ sorry...]

Break na nga sila.

Pakiramdam niya ay ninakawan siya.

Hindi niya gustong saktan ito.

Pero si Trixie ang may gawa ng lahat ng ito.

Papano niya ito aayusin ngayon?

Naibato ni Jason ang cellphone niya sa sobrang inis. Sa tindi ng pwersa ng pagbato niya ay tumama ito sa pader. Nagkabasag basag ito at naghiwa-hiwalay.

Natigilan si Jason.

Hindi niya alam na aabot ito sa ganoon.

Hindi niya nakontrol ang mga pangyayari.

Ayaw niyang saktan si Yen.

Wala itong ginawa sa kanya kundi mahalin siya ng sobra.

Naisip niyang puntahan si Yen ngunit alam niya na nasa trabaho pa ito. Kung bukas niya pupuntahan ay may trabaho na din siya. Naisip niyang tawagan ito. Ngunit huli na, naibato na niya ang cellphone niya at naghiwa-hiwalay na ito.

Napamura si Jason at nagsindi ng sigarilyo.

Pinapanood niya ang usok na lumalabas sa kanyang bibig na animo'y meron doong sagot. Kailangan niya itong makausap sa lalong madaling panahon.

Sa kasamaang palad, bago pa man siya pumasok sa trabaho ay tinawagan siya ng kanyang ama sa radyo. Oo may radyo sila parang walky talky. Doon sila tinatawagan ng ama kapag may kailangan ito sa kanila.

Isinugod daw sa ospital ang kanyang ina. Imbes papasok sa trabaho ay tumakbo siya ng ospital para bantayan ito. Nadiagnose itong may tumor ito sa ulo at kailangan din daw ng agarang operasyon para hindi na ito lumaki pa. Dahil sa hindi sila makapaniwala ay kumonsulta pa sila sa ibang espesyalista. Ngunit iisa ang sinsabi nito. Kailangan daw ng agarang operasyon. Wala silang ibang pagpipilian kaya naman pumayag na lamang para makasam pa nila ang ina nang mas matagal.

Sa nangyaring iyon ay pansamantala niyang naisantabi ang isipin tungkol kay Yen. Sa sitwasyon niya ngayon, mabuti na rin siguro ang ganon muna. Kahit gusto niyang kontakin ito ay hindi niya magawa dahil ang cellphone niya ay basag na at di pa siya makakabili ng pamalit dito.

Naidalangin niya nalang na sana ay ok lang ito.

" may rason kung bakit nangyayari ang mga bagay bagay. may nawawala, may dumarating na mas maganda."

Naalala niya ang mga sinabi ni Yen.

" pag para saiyo, para saiyo. minsan, wala kang kailangang gawin kundi maghintay."

Nagbalik sa isip ni Jason ang mga sinabi ni Yen sa kanya. Naisip niya na baka tama nga ito. Kung para sayo, para sayo. Sa sitwasyon niya ngayon ay wala siyang ibang magagawa kundi maghintay. At umasa nalang muna sa tadhana.