webnovel

I am a Rebound

Lahat ng desisyon na gagawin mo sa buhay mo, ikaw ang magbe-benipisyo. Tama man o mali ang gawin mo, ikaw pa rin magdadala nito. Sa mundo ay maraming choices. Iba-iba... Malaya kang pumili kung alin, saan, ano, at sino. Pero bago mo ariing iyo, kikilatisin mo. At pag nakita mong maganda nga, kukuhanin mo. Iingatan mo, at mamahalin mo. Subalit mapanlinlang ang mundo. Hindi lahat ng magandang nakikita mo ay tunay, matibay, at magtatagal. Nasisira din ito sa kalaunan. Pero dahil may importansiya ang lahat ng bagay, ay gagawin mo lahat ng paraan para yung nasira ay maayos at muling mapakinabangan. Hanggat naman naayos hindi ka maghahanap ng kapalit diba? Pag alam mo nang wala na, saka ka lang hahanap ng iba. Tama ba? Pero iba ang sitwasyon ni Yen. Isang lalaking bigo din sa pag ibig ang napili niyang mahalin. Papano niya ipaglalaban ang kanyang pagmamahal kung ang taong napili niya, ay alipin pa rin pala ng nakaraan? Papano niya aangkinin ang taong inakala niyang kanya ngunit ang puso nito ay pag aari pa rin pala ng iba? Papano niya haharapin ang katotohanan na siya ay hindi naman minahal kundi panakip butas lamang? Rebound. Maipapanalo mo ba ang laban kung rebound ka lang?

nicolycah · perkotaan
Peringkat tidak cukup
129 Chs

BATI NA TAYO

Napansin ni Jason ang pag iiba iba ng mood ni Yen. Nakita niya na masyado na itong sensitive at emosyonal. Siguro ay dahil ito sa kawalan niya ng oras. Totoong nawalan halos siya ng panahon dito dahil na din sa schedule ng kanyang trabaho. Dose oras araw-araw, idagdag ang dalawang oras na byahe niya balikan pwede pa sumobra dahil sa traffic kaya napapagod siya at hindi na halos siya nagpapahinga sa kaka-overtime.

Di hamak na mas malaki ang kinikita ni Yen kesa sa kanya. Kahit pa nga nasa bahay ito ay bayad ito ng kompanya nila. At mas malaki pa rin di hamak sa sweldo niya. Dahil doon ay nakakaramdam siya ng inferiority. Pagdating sa income ay wala siyang maipagmamalaki kay Yen. Kahit pa nga sa potential ng utak ay mas angat ito kaysa sa kanya. Subalit bilang lalaki ay obligasyon niyang kumayod at i-provide ang pangangailangan nito kahit pa mas malaki ang kinikita nito kaysa sa kanya.

Pag umuwi siya ng bahay ay hindi na niya ito malambing dahil sa tuwinang lalapat ang kayang likod sa kama ay agad siyang nakakatulog sa sobrang pagod. Gayunpaman ay hindi naman niya ito nakakalimutan.

Pinakiusapan niya ang kanyang kapatid na si Joseph na kung maari kapag siya ay night shift ay doon muna sa bahay niya umuwi. Nakiusap siya dito na alalayan si Yen habang siya ay wala at nasa trabaho.

Sumang ayon naman ito kaya pagka galing ni Joseph sa trabaho pag pang gabi si Jason ay sa bahay ni Jason umuuwi ito. Inaabisuhan din ito ni Jason tuwing araw ng check up ni Yen na pag nasa trabaho siya ay samahan niya at ipagdrive. Na sinusunod naman ng kapatid.

Pansin niya ang paghihinampo nito sa kanya. Pero hindi niya naman ito masisi.

Madalas na ring magsungit si Yen. Minsan ay malamig ang trato nito sa kanya. Sinasabi naman nito ang nararamdaman sa pamamagitan ng chats pero hindi niya sinasagot iyon. Dahil iniisip niya na baka magkamali siya ng sagot ay lalong magalit ito. Ayaw niya hanggat maari na mabigyan ito ng sama ng loob. Kaya kung anu-anong pasalubong ang ibinibigay niya dito para lang matuwa ito. May mga araw na ipinagluluto niya si Yen. Hindi siya marunong magluto. Nanonood lang siya sa youtube. Sa kabutihang palad ay nagugustuhan naman ni Yen ang niluluto niya. At wala naman siyang reklamo na narinig mula dito.

Maging sa labada ay siya din ang master. Hindi niya kailanman pinahawak ng labahin si Yen. Kapag hindi niya magawa ang labada ay nagpapalaba siya sa katulong ng kanyang ama. Pero bihira iyon mangyari. Dahil siya talaga ang gumagawa noon.

Nakita niya si Yen na nakahiga na kama. Pinapanood ang mga lights effect na ito din mismo ang gumawa. Pumapailanlang nanaman sa kwarto ang awiting madalas nitong pinapatugtog. Iniisip ni Jason na marahil iyon ang kanyang pampatulog.

Tinabihan niya ito at humalik siya sa pisngi nito.

Hindi naman kumibo si Yen.

Niyakap niya ito pumikit.

" pag ganyan ka, naiisip ko na siguro may kasalanan ka. " ani Yen kay Jason

" grabe ka naman saken...bakit ka ba nagagalit? " malambing ang tinig ni Jason

" si Jenny."

" wala yon. Nag yaya kase ang boss namen kumain sa labas. Tapos kasama siya. Group kame marami kameng kasama. "

" pero yung post niya sa social media kayong dalawa lang."

" kase naiwan kameng dalawa sa mesa. Bantay ng gamit. Tapos nagselfie siya. Di ko naawat kase ung lingon ko yon naman din ung click ng cam niya. pero maniwala ka, wala akong ibang babae. Hindi ko alam kung bakit niya yon pinost."

Si Jenny ay kaibigan ni Trixie. Si Jenny ang mata ni Trixie kay Jason sa trabaho noon. Ilang araw nang napapansin ni Jason ang pagpapansin nito. Pero hindi niya inintindi iyon. Sila pa ni Trixie ay madalas na silang magkachat. Tahasan itong umamin sa kanya na gusto siya nito. Tinawanan niya lang ito at sinabing taken na siya. Alam naman nito na taken na siya. Nong nalaman lang nito na nagkasira sila ni Trixie ay muli itong umaligid sa kanya. Laging nakasunod. Nong gabi ngang iyon ay don pa ito umupo malapit sa kanya. At nag selfie pa. Napailing si Jason sa ginagawi nito pero hindi naman niya magawang patulan. Nong gabing iyon ay hinatid niya si Jenny sa bahay nila. Walang tao doon. Para makaiwas, pagbaba nito sa kanyang motor ay nagpaalam na siya kaagad. Kahit nag insist pa itong pumasok siya ay hindi na siya nagpaunlak.

Ilang sandali ay nakita na niya ang post nito. Tinawagan niya ito at kinompronta. Maliit na bagay ang ginawa nito pero maaring malaki ang epekto nito sa Yen-Yen niya. Pagdating sa bahay ay lumabas siya tinawagan si Jenny at gigil niyang inutusan ito na tanggalin ang post na iyon. Tinawanan lamang siya nito. At siya naman ay hindi mapakali sa pag aalalang baka kung ano ang isipin ni Yen. Si Yen ay buntis ang sensitive sa mga nangyayari.

Sinendan niya ng text si Jenny. Sinabihan niya ito na pag hindi siya tumigil ay siya din naman ang mapapahiya sa huli.

[ hahaha! talaga ba? ] sagot ni Jenny sa kanya.

Sinabihan niya itong muli na may asawa na siya at mag kakaanak na. Kaya kung pwede ay tigilan na niya ang pagkakalat at pagtatangkang sirain ang binubuo niyang pamilya.

Hindi na ito sumagot pa. Si Jenny ang nasa isip niya buong araw. Gusto niya itong kastiguhin at saktan sa sobrang inis. Hindi niya alam kung anong pumasok sa utak ng babae. Marahil ay talagang sinasadya nitong sirain siya kay Yen. Hindi siya magtatagumpay.

" Tandaan mo baby, ikaw lang at ikaw. walang iba. Hanggat katabi mo ako, hanggat dito ako umuuwi sayo, sayo ako."

" Anong ibig mong sabihin.? " ramdam ni Yen na may malalim itong iniisip. Hindi kaya si Trixie? hindi kaya yung Jenny na yon? Nagtataksil nga kaya si Jason? Tiim bagang si Yen habang tahimik na nakikinig sa kanyang Jason. Lalabas din ang totoo.

Itong lalaking ito porket mahal na mahal niya umaabuso. Sige lang...malalaman ko din ang katotohanan. Maghintay ka lang.

" magtiwala ka lang sa akin Yen." muli ay sambit ni Jason.

" mahal kita. kayo ng anak natin." dugtong pa nito.

" wala naman akong ibang magagawa, kundi magtiwala. Mabubuntis mo ba ako kung wala akong tiwala sayo? Wag mo lang sisirain yon dahil sisiguraduhin ko na pagsisisihan mong nakilala mo ako." banta ni Yen kay Jason.

" ok na? bati na tayo? "

Tahimik lang na nakatingin si Yen kay Jason.

Nakayakap pa rin si Jason sa kanya. Hanggang sa makatulog sila.

SA ISANG RESTO.....

" nagawa mo bang kahinahinala? "

" oo. nag post pa nga ako ng picture na kame lang dalawa. hahaha tingnan mo. " kilig na sabi ni Jenny

" magdududa kaya si Yen?"

" palagay ko dahil madaling araw nang umuwi si Jason." sagot ni Jenny.

" hmmmmm.... akala niya siguro papatalo ako nang ganun ganun nalang. Magdusa siya! hindi ko siya papayagang maging masaya."

" anu kaya kung mambwisit ako. Bisitahin ko siya sa bahay ni Jason? "

" its up to you...." sagot ni Jenny habang sumisimsim ng wine.

" susuportahan kita. para lang maging masaya ka." dugtong pa nito.

" thank you sa pag ii-spoil mo saken. Akin si Jason. Akin lang. At gagawin ko ang lahat kahit pa mapatay ang batang iyon. "

Napamulagat si Jenny sa narinig.

" hoy! sobra yon. walang kasalanan ang bata. May konsensiya ka pa ba?"

"eh di si Yen nalang bubuysitin ko siya hanggang mapaanak ng maaga tapos pag namatay siya at buhay ang bata ako ang tatayong ina at magiging witch step mom. hahahahahaha"

" too bad."