webnovel

I Accidentally Married A Dead Woman( Tagalog)

Paano kung napakasalan mo ang isang patay na? Nang dahil sa isang pagkakamali ay nagbago ang lahat. Nang dahil sa isang pagkakamali ay napakasalan niya ang isang patay na. Nang dahil sa pagkakamali ay naging mahirap para sa kanya ang lahat. Paano niya ipapaliwanag sa kanya na isang pagkakamali lang ang kasal nila? Nang dahil sa pagkakamali ay nagbago ang lahat pati ang nilalaman ng puso niya.

genhyun09 · Fantasi
Peringkat tidak cukup
23 Chs

03: The Living Husband

Gabi na at wala parin si Cedwarg. Akala ng mga magulang niya ay nauna na siya sa mansion ng mga Lim. Sabi kasi ng mga katulong nila ay umalis na daw ang kanilang Young Master sa kanilang mansion kaya ipinagtataka nila kung bakit wala ito dito.

"Nasaan na ang inyong anak, Mrs Lim?" Tanong ng ina ni Jemea. Ang babaeng mahal ni Lance Cedwarg at ang kaniyang fiancee.

"Akala namin ay nandito na siya. We're so sorry" sabi ng ina ni Lance

Samantala, si Jemea ay nakaupo lang sa kaniyang upuan na nakayuko. Iniisip nito kung bakit wala pa si Lance. Eh kanina nga, excited pa itong makita siya. Madaming katanungan na tumatakbo sa utak niya ngunit pinilit niya lang itong isantabi. Ayaw niyang mag-isip ng masama kay Lance. Kilala niya si Lance, ni minsan ay di pa siya binigo, kaya ngayon ay labis ang kaniyang pag-alala at mga katanungan sa kaniyang isipan. Baka may nangyari na sa kaniya o ano.

"Baka ayaw niyang pakasalan si Jemea?" Tanong ng ama ni Jemea

"Mahal ni Lance si Jemea ng sobrang-sobra at saksi tayo don. Kaya walang rason upang di siya sumipot" sagot ng ina ni Lance.

"Lumalamig na ang pagkain at gutom na ako. Unti-unti na ring lumalalim ang gabi." Seryosong sabi ng ama ni Jemea. Nakaguhit sa kaniyang mukha ang pagka-inis nito.

Ramdam na ramdam ang matinding pressure na nasa loob ng hapag-kainan.

"Baka ano ng nangyari. Hanapin niyo ang anak ko" sabi ng ama ni Lance sa kaniyang mga bodyguards. Tumayo naman ito at lumakad na.

"Dalawang araw mula ngayon ay kasal na nila. Dapat makita na si Lance." Sabi ng ama ni Jemea sabay baba sa kubyertos.

"A-akyat muna ako sa taas" biglang sabi ni Jemea at tumayo na ito sa kaniyang kinauupuan at umakyat sa taas na kung saan ang silid niya.

"Nasaan ka na, Mahal ko. Sana walang nangyari sayo ng masama"

Hindi alam ni Jemea kung bakit bigla nalang sumikip ang dibdib niya at labis ang kaba nito.

"Kung ayaw niyang pakasalan ang anak namin ay sabihin niya lang" may bahid na inis na sabi ng ama ni Jemea saka rin ito tumayo at umalis sa hapag-kainan.

Tumayo rin ang ina ni Jemea at naiwan sa mesa ang ama at ina ni Lance. Nagkatitigan ang dalawa, at kita sa mukha nila ang pag-alala sa mga mata nila.

"Tayo na Marcelina, baka bukas ay uuuwi na si Lance" sabi ng ama ni Lance.

Sa silid ni Jemea, nakaupo lang siya sa kaniyang kama, at labis ang pag-alala sa kaniyang dibdib. Bumuntong-hininga siya at lumapit sa veranda sa loob ng silid niya. Malamig ang hangin at kita ang buwan.

"Sana nasa maayos kang kalagayan mahal ko." Sabi niya.

"Hihintayin kita. Alam ko na bukas ay nandito ka na. Sana ay ligtas ka kung nasaan ka man"

"Mahal kita Lance. Sayo lang ako gustong magpakasal at wala ng iba pa."

***

Dama ko ang sakit ng ulo ko. Dahan-dahan kong minulat ang aking mga mata. May mga ilaw na nakadikit sa pader na nagsisilbing ilaw ng silid na ito. Puno ng bahay ng gagamba, sirang kurtina, at yung hinigaan ko ay kabaong na luma na.

Bigla akong napatayo at nabutas ko pa ang sahig at nabaon ang paa ko dahilan para matumba ako.

"A-aray! Yung mukha ko! Urgh!" Reklamo kong sabi at tinanggal ang paa ko sa pagkakabaon sa sahig na gawa sa kahoy na bulok na. Napaupo ako sa sahig at hinihimas-himas ang parte ng paa ko kung nasaan iyong masakit.

Tumayo na ako at dahan-dahang naglakad at baka mabaon at mabutas ko na naman ang sahig. Binuksan ko ang pintuan ngunit pagbukas ko ay bumungad sa akin ang isang babae na nag-iilaw asul, kalansay ang kanang kamay at kaliwang paa, sirang-sira na rin ang dulo ng gown niya, pero yung mukha niya, maayos pa.

"Waah!" Gulat kong sabi at dahan-dahang umatras. Lapit naman siya ng lapit sa akin na may ngiti sa mukha.

"Lu-lumayo ka nga sa akin.! Bakit ba ako nandito?"  Inis kong tanong sa kaniya na may bahid ng konting takot.

Ito na ba ang katapusan ko. Katulad ng napapanood kong horror movie na pinapatay ng mapanghiganting kaluluwa.

Pero wala naman akong ginawa sa kaniya.

"Nandito ka sa bahay natin" ngiti niyang sabi.

"Ano?!" Nabingi ako sa sinabi niya. Ni ayaw e-proseso ng utak ko ang sinabi niya.

"Oo. Bahay natin. Pagpasensyahan mo na kung di ako nakapaglinis."Sabi niya na may malapad na ngiti.

"Sino ka ba!"

"Asawa mo ko. Kinasal tayo kanina. Pinakasalan mo ako." Sabi nito na ikinagulat at ikinalaki ng singkit kong mata.

Lasing ba ako o nananaginip lang. Sana nga panaginip lang ito.

Biglang pumasok sa utak ko ang nangyari sa gubat at ang mga pinagsasabi ko don.

"T-teka. Nagkakamali k--" putol kong sabi ng may itim na ibon ang pumatong sa balikat niya. Ang mas nakakagulat pa ay bigla itong nagsalita.

"Gising na pala ang asawa mo, Feira" sabi nito

"Waaahh!" Sigaw ko sabay turo sa ibon na nagsasalita. Tinuka naman nito ang hintuturo ko dahilan para mapa-aray ako.

"Aray! Kainis"

"Lucio!" Saway ni Feira ba to.

Feira pala pangalan ng babaeng patay na ito.

"Pasensya na sa kaniya." Paghingi ng paumanhin ni Feira.

"Sinigawan ako eh. Tinuro pa talaga ako" sabi ng ibon.

"Anong gusto mo!? Na magsisitalon ako sa tuwa dahil nakakasalita?" Sarkastik kong tanong.

"Ang sama ng ugali ng asawa mo, Feira" sabi nito at tumawa lang ang babaeng patay na ito.

"Pwede ba iwanan mo muna kami ng asawa ko, Lucio" sabi nito sa ibon na nakangiti. Parang ang saya talaga ng mukha niya.

"Sige. Pero kailangan niyong pumunta sa sentro dahil may celebration para sa inyo." Sabi ng ibon na panget na iyon at lumipad na.

"Ayos na ba ang pakiramdam mo?" Ngiting tanong nito

Sa totoo lang parang nawawala na ang kaba at takot ko sa kaniya. Pero paano ko ipapaliwanag na aksidenti lang ang lahat. Na isa lang iyong pagkakamali.

"Ayos lang ako." sungit kong sagot.

"Mabuti naman kung ganon. Natutuwa talaga ako. Feel ko titibok ulit ang puso ko"

"Di na iyan titibok! Patay ka na!"

"Alam ko, pero kahit tumigil na ang pagtibok nito, nakakaramdam parin ito. " sabi niya sabay turo sa puso niya.

"Salamat dahil pinakasalan mo ako.*ngiti* Ano pala ang pangalan mo.? Asawa kita tapos di ko alam ang pangalan mo*tawa*"

"Cedwarg Lance Lim" walang gana kong sagot.

Gusto ko ng umalis rito. Paano na si Jemea? Dapat magkikita kami. Malapit na rin ang araw ng kasal namin. Paano ko ipapaliwanag sa babaeng laging nakangiti sa akin at halata talaga ang saya sa mukha niya.? Paano?

Kahit ganito ako, ayaw kong makasira ng saya ng ibang tao. Masaya siya. Isang saya na isang pagkakamali lang.

"Ako si Feira" sabi niya sabay lahad ng kamay niya. Nakatitig lang ako sa kalansay niyang kamay, sa kaliwa non ay ang gintong singsing na suot niya.

Sa kaniya ko pala isinuot? Diba sa sanga ng halaman iyon? O baka kinuha niya.

Waaaaahhh!! Nakakabakla na ang pagsisigaw ko ah. Kanina pa ako.! Sa isang patay na babae na nakasuot na wedding gown ko ito isinuot habang sinasabi ang vow ko at ayun! Kasal na kami para sa kaniya. Pero isang pagkakamali lang kasi ang lahat.

"Ang tahimik mo naman. Tara na nga, punta na tayo don. Halika na mahal kong asawa" ngiting sabi nito at nauna ng lumabas. Bumalik ako sa huwestiyo ko ng hinawakan niya ang kamay ko at inalalayan ako palabas.

Ang lamig ng kamay niya. Gusto ko sana siyang amuyin, kung amoy patay ba siya, iyong bang nalalatang amoy.

Ngunit ang amoy niya ay parang bulaklak sa malawak na bukid.

Pagkakataon na ito para tumakas. Pero paano? Nasaan ako.?

Isang lugar na madilim at may kaunting hamog. Isang malawak na patay na gubat ang dinaanan namin. Nagsitayo tuloy ang mga balahibo ko.

Sa di kalayuan, kita ko ang isang masayang parang bayan at may ilaw, yung ibang bahay wala. Siguro tinirikan sila ng kandila ng mga mahal nila sa buhay. Pero kay Feira, isang kahoy na may apoy ang nag-iisang ilaw sa bahay niya. Di katulad ng ibang bahay ay lampara talaga at maliwanag pa.

Puno ng bahay na nagkadikit-dikit ang ilan ay medyo malayo. May mga katulad niya na naglalakad. Ang iba putol ang ulo, may butas sa dibdib, pero maayos pa ang itsura, may iba okay lang pero kalansay ang ibang parte ng katawan, siguro yung katawan niya talaga sa lupa ay kinakain na ng u-uod.

"Nasa sentro na tayo" ngiting sabi niya sa akin.

"Nasaan ba talaga ako?"

"Sa mundo ng mga patay, mga katulad naming kaluluwa, mga patay na" ngiti niyang sabi.

"Paano ako napunta rito?"

"Syempre, asawa kita kaya dinala kita rito" ngiting saad niya.

"Ano?! Hindi pa ako patay!" Naiinis kong sabi. Kinalma ko ang sarili ko at tinanong siya.

"Paano ako makakabalik?" mahinahon kong tanong. Nakita ko naman na biglang lumungkot ang mukha niya.

"G-gusto mo na iwan ako? Aalis ka?" Biglang lungkot niyang sabi.

"Tss. Nagtatanong lang" inis kong sabi.

Nasa sinasabi na kami na sentro ng lugar na ito. Isang lugar na may apoy sa gitna. Madami ring katulad niya, yung iba kalansay na talaga. Halata na matagal na itong patay.

Pumasok kami sa malaking bahay, pero ang luma na niya. Sobra. Parang kapag aapak ako sa sahig ay babaon na naman ang paa ko at mabubutas ko ang sahig.

"Ang bahay na ito ay pagmamay-ari ng isang Lim na katulad mo. Mayaman sila kaya malaki talaga ang bahay nila."

"Bakit tayo nandito?"

"Dito gaganapin ang kasiyahan." Masigla niyang sabi.

"Huwag kang mag-alala. Wala na sila dito dahil nasa taas na sila. Ginawa nalang itong lugar ng kasiyahan. Akala niyo kayo lang mga nabubuhay na may kasiyahan.? Kami rin. Kahit patay na kami nagsasaya kami rito. Halos pumupunta sa sentro ang mga katulad ko, na kung saan ang malaking bahay na ito..."

"...ngayon, dito gaganapin ang pagdiriwang para sa atin" masayang sabi niya at pagbukas ng pinto ay may sumaboy sa amin ng mga bulaklak.

Bulaklak para sa mga patay. -_-

Si Feira naman hawak niya ang bulaklak niya at nakakapit sa aking braso

"Nandito na ang bagong kasal!" Sigaw ng mga patay na nandito sa loob. May bata, medyo matanda, matanda na talaga. Iba't-iba ang rason ng pagkamatay at wala na akong oras na sabihin iyon.

"Sumayaw naman kayo!"

"Oo nga. Woo~."

"Masaya kami para sayo Feira"

"Kinasal ka na."

"Salamat po" nakangiting pasasalamat niya.

"Ang gwapo ng asawa mo"

"Pero buhay iyan diba?"

"Oo" sagot niya

"Alam mo naman na bawal iyan, Feira." Sabi ng matandang babae

"Alam ko po, pero asawa ko siya." Sabi ni Feira at lumapit sa akin. Hinila niya ako palabas don.

"Hindi kayo pwede, buhay siya at patay ka na. Maliban na lang kung papatayin siya para maging bagay na kayo. Para pwede na kayo sa isat-isa"

Hinila niya ako at lumabas na kami sa bahay na yun.

Narinig ko ang bulungan ng mga patay habang nalalagpasan namin.

"Buhay siya?"

"Siya ba ang asawa ni Feira. Isang buhay"

"Oo nga."

"Ano ba yan!. Totoo pala ang sabi-sabi"

Mabilis ang lakad niya at nakasunod lang ako. Rinig ko rin ang paghikbi nito. Maya-maya ay nasa isang patay na puno kami at may malaking bato ito rito, doon siya umupo. Kita namin ang bayan ng mga patay. Yung bahay niya malayo-layo pa rito.

"Pasensya na. Hindi ko nasabi sa kanila na buhay ka pa. Nakalimutan ko kasi. Nawala rin sa isip ko. Siguro dahil sa tuwa." Sabi niya sabay pahid ng mga luha niya na patuloy sa pagdaloy.

"Hays! Ewan ko sayo" tanging nasambit ko. Hindi ko rin kasi alam kung ano ang gagawin ko. Kaya hinayaan ko nalang siya na umiyak ng umiyak.

Nakakakilabot talaga rito.