webnovel

His Unordinary Stalker [MxM]

Ever since he was in sixth grade, Michael Jon Montemayor always felt like someone was watching him. One night, someone left a necklace in his room, and things became even weirder when his pet dog, Cacao, turned out to a shape-shifter vampire stalker that has fallen deeply in love with him. How about one day, he feels that slowly... He is falling in love with him. Are they think will be the same, or he will note to himself that he is straight.

Lunaaaaa_
Peringkat tidak cukup
15 Chs

Kabanata 03

"Mike, gising na! Handa na ang agahan!"

Nagising ako sa malakas na katok sa pinto. Humikab at kinamot ang ilong ko.

"Sige, Ma! Pupunta na ako d'yan!" sigaw ko. Yayakapin ko na sana yung unan ko nang may naramdaman akong kakaiba.

Bakit ang tigas ng unan ko?

Binuksan ko ang mga mata ko at biglang nagulat. Nakahiga ako sa dibdib ni Charleston, habang nakangiti siyang na nakatingin sa akin.

"Good morning, sleepy head," bati niya sa akin. Napasigaw ako at nalaglag sa kama dahil sa pagkagulat.

"B-bakit a-ako...." Pakiramdam ko ay nagbuhol-buhol ang dila ko. Tumawa lang nang mahina si Charleston.

"Ang cute mo tignan habang natutulog," ani niya. Naramdaman ko na biglang uminit ang mga pisngi ko.

Tangina, nakakahiya!

Hindi ko na siya pinansin at agad na tumakbo papunta sa banyo. Buti na lang talaga at may sariling banyo ang kuwarto ko.

Bakit ka naman mahihiya, Michael? Ilang beses ka na niyang nakitang natutulog. Ilang beses mo na rin siyang niyakap at ginawang unan, rinig kong sabi sa akin ng konsensiya ko.

Iba na 'to. Hindi na siya si Cacao! Parang baliw na kinakausap ang sarili ko habang naghihilamos. Nagsipilyo ako ng ngipin at lumabas ng banyo. Nandoon si Charleston, ngunit nasa anyo ni Cacao.

"Buhatin mo ako palabas, Michael! Yung palaging ginagawa mo dati, 'di ba?" rinig kong sabi niya.

Nilabas ko lang ang dila ko sa kanya at lumabas na ng kuwarto. Sinundan niya lang ako.

"Para kang nakakita ng multo, Michael. Bakit ka namumutla?" tanong ni Papa nang umupo ako sa dining table.

"Rod, nakalimutan mo na bang hindi naniniwala sa multo si Michael?" sabat ni Mama. Natawa lang ako.

Tama naman si mama. Hindi ako naniniwala sa multo, pero naniniwala ako sa mga kakaibang lalaking nakakapagpalit ng anyo.

"Hindi naniniwala sa multo, pero natutulog nang nakabukas ang ilaw," biglang ani ni Venice.

"May dahilan ako kung bakit ginagawa ko iyon, Venice," malamig na tugon ko.

Sumandok ako ng ulam at kanin at nagsimulang kumain. Pinapakain ni Venice si Charleston, habang sina Mama at Papa naman ay nag-uusap. Tahimik lang akong ngumunguya ng pritong itlog nang biglang magsalita si Mama.

"Kamusta na kaya yung guwapong binata na tumulong kay Mike sa Cagayan?" pagtatanong niya. Napalingon ang aso sa kanya at hindi ko naiwasang mag-face palm.

"Si Fafa Charles? Naku, ang yummy-yummy niya! Sana makita ko siya ulit." Halos maghugis-puso ang mga mata ni Venice. 'Tong batang 'to, 15 years old pa lang pero lumalandi na.

"Mag-aral ka kaya muna bago ka magka-crush d'yan," saway ko sa kanya.

"Ayoko nga, Kuya. Baka matulad ako sa iyo, tatandang binata." Humagikhik si Venice at pinigilan ko ang sarili kong ibato sa kanya yung natirang kanin sa plato ko.

"Oo nga pala, Michael. Simula nang mangyari yung–" Hindi ko na pinatapos ang sinasabi ni Papa dahil binagsak ko bigla ang kamao ko sa mesa.

"Ayaw ko na pinag-uusapan iyon, pa." Napataas ang boses ko habang sinasabi ko iyon. Ayaw ko nang maalala yung nangyaring. Ayaw ko nang maalala yung sakit na idinulot no'n sa 'kin.

Tumahimik silang lahat. "Pupunta lang ako sa kuwarto ko," mahina kong bulong at tumayo.

"Magkukulong ka roon?" pagtatanong ni Papa.

"Hindi. Magtatrabaho ako, pa. Illustrator ako, 'di ba? Tatapusin ko lang yung isang batch ng greeting cards na kailangan ng kumpanya. Sa katapusan na ang deadline no'n..." tugon ko.

"Alam mo naman na hindi mo na kailangan magtrabaho, 'di ba? Kaya na namin ng papa mo magtrabaho, Anak," sabi ni Mama.

"Gusto kong tumulong, Ma. Okay lang ako," tipid na sagot ko at tumakbo paakyat ng hagdanan, papunta sa kuwarto ko. Mabuti naman at hindi ako sinundan ni Charleston.

Humiga ako sa kama at niyakap ang unan ko. Nagsinungaling ako kay Papa. Hindi ako pumunta ng kuwarto para mag-sketch ng mga teddy bear o mga birthday cake para sa mga greeting cards. Sa katunayan, natapos ko na lahat ng mga 'yon at na-email ko na sa kumpanya bago pa kami pumunta ng Cagayan.

Pumunta lang ako rito para umiwas sa usapan. Alam kong gustong magkaapo nila Mama't Papa. Alam kong gusto na nila akong magka-girlfriend. Hangga't maaari, ayaw kong ma-attach kahit kanino, maliban sa pamilya ko.

Kaya lang naman magaan ang loob ko kay Charleston ay dahil siya si Cacao dati. Hindi ko rin alam kung bakit pero pakiramdam ko'y matagal ko na siyang kilala. Hindi bilang si Cacao, pero bilang siya.

Hindi ako pala-kaibigang tao. Puwede kitang kausapin, pero hanggang doon na lang 'yon.

Itinaas ko ang sleeve ng suot kong t-shirt at tiningnan ang malaking peklat doon. Naghilom na iyon, ngunit hindi ko makakalimutan yung sakit na naramdaman ko no'ng muntikan nang mahiwalay sa katawan ko ang braso ko noon.

"Michael?"

Napa-tsk na lang ako nang maalala kong nakalimutan kong isara ang pinto. Pumasok si Charleston na anyong aso. Agad kong binaba ang sleeve ng t-shirt ko at agad na tumayo.

"Alam kong 'di ka nagtatrabaho, Michael. 'Di mo ako maloloko," kalmadong sabi ni Charleston.

 Umupo ako sa harap ng computer ko at binuksan ito.

"'Wag kang maki-alam," mahinang ani ko.

"Okay." Naramdaman ko ang balahibo niya sa may paa ko.

Napabumuntong-hininga na lang ako at pinatay computer– wala rin naman akong gagawin do'n. Nakakatamad maglaro ng computer games, at wala rin naman akong interest sa social media sites. Kaya lang naman ako may computer at equipment ay para sa pagiging freelance graphic artist ko. Tiningnan ko si Charleston habang sinandal niya ang ulo niya sa hita ko.

Napangiti ako. Ganito rin ang ginagawa niya nang hindi ko pa alam na kaya niyang mag-anyong-tao.

Tuwing napapansin niyang malungkot ako, palagi siyang nandyan sa tabi ko.

"Bakit mo ako binabantayan?" pagtatanong ko.

"Bata ka pa lang nang nakita kita. Hindi ko alam kung bakit, pero naging interesado ako sa 'yo. Nababagot na rin ako sa buhay ko rito. I thought guarding a mortal would give me some excitement," ani niya.

"Trip mo lang akong bantayan?" 'Di makapaniwalang sabi ko. Akala ko parang nasa pelikula lang, na binabantayan niya ako dahil may misyon siyang dapat gawin o naparusahan siya.

"Siguro." Tumawa siya. Gusto ko siyang sapakin. Pero napaka-cute niya tingnan habang siya si Cacao, kaya hindi ko magawa.

"Pero, bakit ako?" mahinang tanong ko. Isa lang naman akong ordinaryong lalaki. Isang lalaking napasobra sa pagiging introverted.

"Kasi trip ko," sagot niya. Hindi ko napigilan ang sarili kong masipa ang aso.

Napaisip ako... Sabi niya, bata pa lamang ako nang nakita niya ako. Eh mukhang kasing-edad ko lang siya kapag nasa anyong-tao. May nabasa ako na may mga taong hindi tumatanda. Imortal kaya si Charleston?

"Charleston?" tawag ko sa kanya.

"Hmmm?"

"Ilang taon ka na?"

"I was born in 1933, but biologically... I'm twenty-three years old."

Nalaglag ang panga ko. 1933– gurang na pala 'tong si Charleston.

"Saan ka galing? Halata namang hindi ka Filipino." pagtatanong ko ulit.

"Germany," tipid niyang sagot. "I was born the same time with Adolf Hitler became chancellor of Germany. You know about him?"

"Siya yung umutos na patayin ang mga hudyo, 'di ba?" tanong ko.

"Yep, that's him."

Napatahimik kami. Kaswal kong nilaro-laro ang mga tenga niya, at nakaupo lang siya roon sa mga paa ko. Hindi naman nakakailang ang katahimikan, komportable ako kasama siya. Siya pa rin naman si Cacao.

"Hindi ka normal na tao," sabi ko habang nilalaro ang balahibo niya sa ulo.

"Oo. Isa akong imortal, Michael. I'm born with the unique ability to shape-shift, and to teleport as well," mahina niyang pahayag, na para bang natatakot siyang may makarinig bukod sa 'kin.

"Teleport?" sambit ko.

"Sa tingin mo, paano kita nasundan sa Cagayan? Paano ako nakabalik dito sa bahay ninyo as Cacao right before you guys came back?" Siguro kung nasa anyong tao 'tong si Charleston, suot na niya ang nakakainis niyang ngisi.

Napa-exhale ako nang malakas. Hindi ko akalaing makapangyarihan talaga ang asong nilalaro ko ngayon. Binitiwan ko ang ulo niya at tumayo.

"Saan ka pupunta?" pagtatanong niya.

"Maliligo."

"Kaya pala ang baho."

"Gago."

Tumawa lang siya. Inirapan ko ang aso na naiwang nakaupo sa sahig at kumuha ako ng tuwalya.

Nararamdaman ko naman ang titig niya sa 'kin habang naglalakad ako papunta sa banyo ko.

Pagkapasok ko'y agad akong naghubad at binuksan ang shower. Pumikit ako at hinayaan kong mabalot ng tubig ang buong katawan ko. Kukunin ko na sana yung bote ng shampoo nang may napansin akong lalaking nakaupo sa toilet bowl.

"Puwede akong sumali?" nakangising tanong ni Charleston sa 'kin. Napatili ako nang malakas at agad na hinablot ang towel at tinakpan ang dignidad ko.

"Mike! Okay ka lang ba diyan?" rinig kong sigaw ni Mama sa baba.

"O-okay lang ako ma,! M-may ipis lang na nanilip sa 'kin," nauutal na sigaw ko pabalik habang nakatitig nang masama kay Charleston.

"Hindi ko na kailangang manilip, Michael. Matagal ko ng nakikita 'yang hubad na katawan mo. You often undress in front of me when I was still Cacao," kaswal na pagkakasabi niya, na parang wala lang sa kanya na makita ang katawan ko.

Pumikit lang ako at kinuyom ang mga kamao ko. Panigurado, namumula na ang mga pisngi ko sa magkahalong hiya at inis. Makapangyarihan nga, manyak naman.

"Labas," mahinahong utos ko. Binuksan ko ang mga mata ko at nakita siyang naka-pout lang sa 'kin.

"But, I wanna take a shower, Michael–"

"Labas!"

"Fine, fine!"

Ngumiti nang mapang-asar si Charleston at bigla na lang siyang naglaho. Kinuha ko ang boxers ko at naligo habang suot-suot ito. Mabuti nang sigurado.

***

Umuulan at kakaunti lang ang mga dyip na dumadaan. Napatingin ako sa relo ko– 6:43 p.m. Gusto ko ng umuwi. Mapapagalitan ako nila kung hating-gabi na akong makakarating sa bahay.

Nakakainis, bakit ko ba kasi nakalimutan ang payong ko?

"Bata, kailangan mo ba ng masasakyan pauwi?"

Tumingin ako sa likuran ko. Isang lalaki– siguro nasa kuwarenta anyos na. Nakangiti siya sa 'kin. Tumango lang ako at tumalikod sa kanya. Bakit ba kasi walang dumadaan na dyip?

Nakaramdam ako ng isang kamay sa balikat ko. Nandoon pa rin ang lalaki.

"May sasakyan ako, bata. Ah iyon, oh." Tinuro ng lalaki ang isang itim na SUV.

"Gusto mong sumabay?"

Tumingin ako sa langit. Parang wala na 'atang balak na tumigil ang ulan.

"Sige po," pagpayag ako. Wala na akong magagawa. Naglakad ang lalaki at sinundan ko siya. Binuksan niya ang pinto ng sasakyan at pumasok na siya.

Hindi ko pa nakakabit ang seatbelt ko nang biglang may tumakip sa bibig ko.

Agad akong nagpumiglas. Ang baho.

May kung anong kemikal sa panyo na ginamit na pangtakip sa ilong at bibig ko.

Hindi ako makahinga...

"Michael..."

"Michael...."

"Michael, please wake up!"

Nagising ako at napaupo nang makaramdam ako na may yumuyugyog sa mga balikat ko.

Napahawak ako sa ulo ko at tumingin sa paligid. Nasa kuwarto ako, nakabukas ang ilaw, at madilim na sa labas. Gabi na.

"Are you okay?" ani ni Charleston. Nakatingin siya sa 'kin, halatang nag-aalala.

"K-kukunin nila ako, Charleston...." bulong ko habang nanginginig. Ayoko. Kukunin n-naman nila ako. Sasaktan nila ako. "Papatayin nila ako....."

"You're okay. You're at home, everything's fine. Walang kukuha sa 'yo," mahinahong ani ni Charleston sa akin.

"B-baka bumalik sila...." bulong ko ulit. Napapikit ako. Sila 'yung dahilan kung bakit takot ako sa dilim. Kung bakit ayaw kong mapalapit sa mga tao.

Naramdaman ko ang mga bisig niya na biglang bumalot sa nanginginig na katawan ko. Niyakap niya ako.

Niyakap ako ni Cacao– ni Charleston.

Kasing-lamig ng yelo ang katawan niya pero naramdaman kong ligtas ako, na walang makakasakit sa 'kin habang nandiyan siya.

"You were just dreaming, Michael.

You're safe," bulong niya. Parang natunaw ako sa mga bisig niya. Sumandal ako patungo sa kanya, at muli akong nakaramdam ng antok.

He might be my weird, unordinary stalker, pero siya rin ang nagbantay sa akin at naging kaibigan ko habang pinipilit ko kalimutan ang nangyari sa 'kin. Siya pa rin si Cacao.

"Saka ka na magkuwento kung anong napanaginipan mo. You need to take a rest," bulong niya. Tumango lang ako at humiga muli. Kinumutan niya ako at humiga sa tabi ko.

Hinawakan ko ang kuwintas na binigay niya sa 'kin at pinikit ang mga mata ko.