Mairy Alois Hernandez
Binilisan ni Alois ang pagtakbo sa gitna ng madilim at masukal na kagubatan. Patuloy lamang siya sa pagtakbo kahit na nanankit na ang mga paa niya. Bakit ba kasi hinahanap pa siya ng napaka buti niyang ama? Ano ba ang gusto nito sa kaniya? Nananahimik na nga siya tapos guguluhin siya ulit? Kung hindi ba naman kasi siya nagpa-uto sa laman ng karwaheng 'yon ay hindi naman siya mahuhuli— kasalanan din niya.
Dire-diretso lamang siya katulad ng sabi ni Ismael sa kaniya. Ismael is her mother's servant. He was there when her father's troops attacked the whole Hernandez family. They accidentaly killed all of them--- no sinadya talaga nila. Alam niya na ang utos ng kaniyang ama ay patayin ang mga Hernadez ngunit itira silang dalawa— siya at ang kaniyang ina.
Itinapon na silang dalawa ng kanyang ina so why bother taking them back? Iyan ang katanungan na hanggang ngayon ay hindi maalis sa isip ni Alois.
Inalis niya ang hood na nakataklob sa kaniyang ulo. Kuminang naman ito ng tumama ang liwanag ng buwan sa kaniyang kulay pilak na buhok. She hates her hair and her green eyes dahil ito ang palatandaan na siya ang prinsesa— na siya ang anak ng walang kwentang hari. She is a replica of her father and she hates that.
Bumagal ang pag-takbo niya hanggang sa tuluyan na siyang huminto. Sumandal siya sa puno at hinilot ang kanyang ulo. Habol din niya ang paghinga.
"Mother, he's still looking for me. Please guide me, ilayo mo ako sa kaniya." She whispered.
Napayakap siya sa sarili nang lumakas ang ihip ng hangin. Bigla niyang naramdaman ang yakap ng kaniyang namayapang ina sa pamamagitan ng hangin na 'yon kaya napangiti siya.
Unti-unting ipinikit ni Alois ang kanyang mata at hinayaan na lamunin siya ng antok.
...
"Alois, anak. We're no longer part of this kingdom kaya kinakailangan na nating umalis." Aniya ng dating reyna
Nanatiling tahimik si Alois habang tinitingnan ang kaniyang ina na inaayos ang kanilang gamit. Ang dating reyna na palaging nakausot ng magara at magagandang damit ay isa ng simpleng babae ngayon. Ganoon rin si Alois.
"Anak, malalampasan din natin ito." Hinawakan nito ang kamay ni Alois. "Nakakapanibago pero kailangan nating tanggapin."
Alam niya ang rason kung bakit kinakailangan na nilang umalis sa kaharian. Her father, the King of the Kingdom doesn't love nor want her. Pinapili ng kaniyang ama ang kaniyang ina kung sino ang pipiliin nito, ang trono o ang anak nila. And no mother would abandon her child for the sake of a name. Of course, the Queen choose her rather than the throne.
Hindi tanggap ng kaniyang ama na prinsesa ang kaniyang anak. The Queen cannot conceive anymore kaya mas naging mahirap ang sitwasyon nila. Alois thought that everyone adores her, that they love her, that she will be the crowned princess— the next empress of the kingdom. In the end her father chose to adopt a young man. Everyone adored him. He became the center of attraction and Alois started living in the shadows. Ang akala niyang bisita lamang ay ang siya palang papalit sa kaniya. She didn't know their plan to replace her, huli niya na nalaman at nasira na ng tuluyan ang buhay niya nang dahil doon.
The Queen chose her daughter. Mas gugustuhin pa niya na magkaroon ng simple at mapayapang buhay kasama ang anak kaysa sa manatili sa kastilyo at alagaan ang hindi niya naman kadugo.
They were exiled by the own King— her father. Mabuti na lamang at tinanggap dila kaagad ng pamilya ng kaniyang ina— ang mga Hernandez. Simula noon ay tahimik na lang silang namuhay. Alois even changed her surname, inalis niya ang pagiging Aeternam at mas lumamang ang pagkagusto niya na maging Hernandez.
Ngunit naging mas magulo ang buhay ni Alois nang dumating ang mga armadong tao. The once lovely Hernandez manor become bloody that night. Nilamon din ito ng apoy.
"Alois, Ismael! Bilisan ninyo! Dito tayo lalabas!" Sigaw nang kaniyang ina nang mabuksan ang pinto ng veranda nila.
Inalalayan ni Ismael si Alois. Nang makita nila kung nasaan sila, biglang nakaramdam ng lula si Alois. Nasa bangin na parte ang veranda ng mansyon at dagat ang babagsakan nila.
Malalaki ang alon nito at tila makikisabay sa galit ng dagat ang galit na nararamdaman ni Alois.
"Alois, anak. Kayo ni Ismael ang mauunang tumalon." Tumigil ito at kinuha ang isang bag kung nasaan ang mga ipapamana niya kay Alois. "Eto, huwag na huwag mong wawalain ang mga ito anak." Aniya ng dating reyna habang tinatali ng maigi sa likod ni Alois ang bag.
Nangingilid naman ang luha sa mga mata ni Alois.
Tinignan ng dating reyna si Ismael. "Ismael, sa'yo ko ipagkakatiwala ang kaligtasan ng anak ko."
Mariing kinagat ni ismael ang ibabang labi.
Nagulat si Alois at Ismael nang bigla silang itinulak ng dating reyna sa dulo ng veranda. Huli na nang mapagtanto ni Alois na nahuhulog na sila ni Ismael.
Ismael grabbed her, niyakap din siya nito ng mahigpit na tila ba poprotektahan siya nito sa pagbagsak.
Nakita niya kung paano lamunin ng apoy ang silid kung nasaaan ang kaniyang ina. Nakita niya pa ang pagdungaw nito sa fence ng veranda kung saan sila at kitang-kita niya rin ang huling ngiti nito bago sila bumagsak sa tubig.
"MOTHER!"
"Alois! Mama loves you! Always remember that my daughter." Ito ang huling sinabi ng kaniyang ina bago sila tuluyang bumagsak ni Ismael sa dagat.
...
Habol hininga si Alois nang magising siya. Pinagpapawisan siya ng malamig at ang buong katawan niya ay nanginginig. Kinakabahan na ignila ni Alois ang tingin niya. Natatakot siya't kinakabahan na baka nasundan na siya ng mga tauhan ng kanyang ama.
Nang masigurado niyang walang tao ay kaagad na siyang tumayo. Maliwanag na, kailangan niya ng ipagpatuloy ang paglalakbay papunta sa kabilang nayon bago pa siya maabutan ng mga tauhan ng hari. Inayos ni Alois ang mga gamit na dala niya bago magsimula sa paglalakad. Nakakaramdam na siya ng pagkauhaw at gutom. Sinong hindi magugutom? Ilang araw na siyang hindi kumakain ng maayos at ngayon ay naglalakbay pa siya. Hindi naman siya makahanap ng puno na may bunga. tsk!
Napako siya sa kinatatayuan niya nang makarinig ng kaluskos mula sa kanyang likuran. Palihim niyang inilabas ang patalim na nakatago sa gilid ng paldang suot niya. Kailangan niyang maging alerto.
Pinakiramdaman niya ang paligid niya. Tama siya, may tao nga sa kanIyang likuran. Nag bilang siya ng lima bago harapin ang taong ito. She pointed her dagger infront of that person ngunit kaagad din nanlaki ang kanyang mga mata nang makita kung sino 'to. It's Ismael, her mother's royal servant and her oh so called friend. Binundol siya ng kaba nang makita ang mga galos sa mukha nito.
Kaagad niya itong dinaluhan. "Ismael?! Anong nangyari sa'yo?" Nag-aalala niyang tanong.
"Nadapa ako. Tsk! Akala ko ay nakalayo ka na. Halika na, kailangan na nating maka-alis dito." Natatawang sabi ni Ismael.
Sinundan lamang ni Alois ng tingin si Ismael. May kakaiba siyang nararamdaman. Parang masama ang kanyang kutob. Iginala niya ang tingin niya at doon niya napagtanto na hindi lang pala sila ang tao sa gubat na ito.
Naiyukom niya ang kanyang kamay. Nangingilid na din ang mga luha sa kanyang mga mata.
Galit niyang tiningnan si Ismael. She can'y stop asking herself why, why did he do this to to her.
"Traydor ka, Ismael." Itinutok niya ulit ang patalim kay Ismael.
Dahan-dahan siyang nilingon ni Ismael at pilit itong ngumiti. "I'm sorry your highness."
Inihagis niya ang patalim para matuon dito ang atensyon ni Ismael. She took that chance to run away, away from everything. She kept on running, ni hindi niya pinansin ang mga sugat na natatamo niya.
Napasigaw si Alois nang may tumusok sa kanyang leeg na siyang naging dahilan para madapa siya.
"Fvck!" Alam niya kung ano ang tumusok sa kanyang leeg. Alam na alam niya.
Pinilit niyang tumayo kahit na nanlalabo na ang kanyang paningin at nanghihina na ang buo niyang katawan. May pampatulog ang karayom na tumusok sa kanya.
Hindi na kinaya ni Alois ang panghihina. Naramdaman niya na lang ang pag bagsak niya ulit sa lupa.
Hindi maaari, hindi siya pwedeng mawalan ng malay. Kailangan niyang lumaban!
"I'm sorry your highness, I cannot bear seeing you like this. Kailangan mo ng bumalik sa palasyo."
Tuluyan ng bumagsak ang luha sa kanyang mata. "I h-hate you Ismael! Y-youtl traito— " Hindi na natapos ni Alois ang kanyang sinasabi nang tuluyan na siyang lamunin ng dilim.
Sa kabilang dako. Mapait na ngumiti si Ismael habang nakatingin sa walang malay na si Alois.
"I'm sorry, Alois." Aniya bago ito buhatin.
Akmang aagawin sana sa kanya ng isa pang tagapagsilbi si Alois pero tiningnan niya ito ng masama.
"Don't you dare lay a finger on her." Mariin niyang sabi na siyang naging dahilan para mapa-atras ito.
Inilapag niya sa upuan ng karwahe si Alois at pinagmasdan ang mukha nito. Wala na siyang magagawa. Hindi na niya kayang makita na nagugutom at nahihirapan sa pamumuhay ang anak ng reyna.
Nangako ang hari sa kanya na kapag bumalik na si Alois sa palasyo ay magiging maayos na ulit ang buhay nito, that's why he chose to betray her.
"I'm sorry Queen Mary." He said before leaving Alois behind.
…
Pinagbabato lahat ni Alois ang mga gamit na nahawakan niya. Wala siyang pakialam kung mahal ang mga ito o may halaga ang mga gamit na hinahagis niya sa mga tagapagsilbi.
Galit siya, galit siya sa lahat! Kay Ismael na akala niya'y tapat sa kanyang namayapang ina. Sa mga gwardya na dumakip sa kanya at sa kanyang ama na puno't dulo ng lahat.
Pilit siyang pinagpaplit ng magandang damit ng mga tagapagsilbi. Kahit kailan ay hinding-hindi niya susuotin ang ganung klase ng damit.
"Leave me alone!" Umalingawngaw ang sigaw niya sa buong silid pati na a pasilyo.
Nanginig sa takot ang mga babaeng nag-aasikaso sa kanya.
"P-pero mahal na prinses—"
"Listen to me! I am not your princess and will never be." Dinuro niya ito bago ito lagpasan.
She was about to leave the room when a palace guard blocked her way. Tiningnan niya ito ng masama.
"Umalis k—" hindi na niya natapos ang sinasabi ng bigla siyang hawakan ng dalawa pang palace guard.
Nagpupumitlag siya sa pagkakahawak nito sa kanya. Saan siya dadalhin ng mga ito?!
"Don't touch me!"
"Utos lang po ng hari." Aniya ng isa sa mga palace guard.
Nagpupumitlag siya ngunit mas malakas ang mga ito sa kanya. Sanay siyang makipaglaban dahil lumaki siya sa kalsada at lumaki siya na nakikipaglaban para makakain.
Ipinasok siya nito sa pamilyar na silid. She saw her father, the king sitting on it's throne. Magara at magarbo ang suot nito at kumikinang ang korona nito. Umigting ang panga ni Alois sa nakikita niya. He's looking at her right now ngunit wala kang makikita na kahit na anong emosyon sa kanyang mukha. Mas malamig pa ito sa yelo.
Binitawan siya ng mga gwardya at kaagad na tumayo sa gilid. Tanging ang mga gwardya, ang hari at siya lamang ang nasa malawak na silid.
"The fvck do you want?"
"Don't use that language on me, young lady." The King said.
She smirked. "Iyong ipagpaumanhin ngunit lumaki ako sa kalye at ito ang nakasanayan kong salita." Sarkastiko niyang sabi.
Hindi nagustuhan ng hari ang kanyang sinabi ngunit nanatili itong tahimik. Alam niya na pinagmamasdan siya nito.
"I told them to change your clothe---"
"And I told them not to touch my nice clothes that I'm wearing right now." Putol niya sa sinasabi nito.
Kumunot ang noo ng hari. "You call that trash a nice clothes?"
"Maganda na ito para sa aming mga nagpapalaboy sa kalye. Matuto ka namang maka-appreciate."
Napailing na lamang ang hari sa narinig.
The hell, ano ba kasi ang kailangan nito sa kanya at kailangan pa siyang ibalik dito sa impyernong 'to?
"Kung wala kang sasabihin ay aalis na ako. By the way, please don't bother me anymore. Nananahimik na ako and mother's dead kaya hayaan mo na aoong mabuhay ng mapayapa. I'm happy with my life now kahit na isang beses sa isang araw lang ako nakakakain. Sige alis na ak—" Hindi na niya natuloy ang sinasabi niya nang putulin ito ng kanyang ama.
"I want you to be my son's concubine."
Hindi makapaniwala niyang tiningnan ang hari— ang kanyang ama. What he said make her jaw dropped.
"You want me to what?"
Umayos ng upo ang hari. "I want you to bear the crowned princes heir."
Umigting ang panga niya. "I'm the princess and i'm your daughter! Bakit mo ito ginagawa?!"
"You are not a princess."
Pagak siyang tumawa. "Yes, I'm no longer a princess but i'm still your daughter! Paano mo ito nagawa sa akin?! You want me to become your adopted son's concubine?! You know what?! I'm out of here. Hindi ko kayang makipagusap sa haring walang laman ang utak." She said before turning her back.
Alam niyang isang napakalaking kasalanan ang ginawa niya. Ang pagtalikod sa hari pero mas malaki ang kasalanan nito sa kanya, sa kanilang dalawa ng kaniyang namayapang ina.
She was about to take another step when a palace guard blocked her way. Tiningnan niya ito ng masama ngunit hindi man lang ito natinig. Sino nga ba siya? She's just a piece of trash in their eyes. They don't recognize her as their queens daughter.
"Umalis kayo sa harap ko." Naiyukom niya lalo ang kanyang kamay.
Her hands are itching, gusto na niyang saktan ang mga ito.
"You're not going anywhere. You were born to bear his chil—"
Tiningnan niya ito ng masama. " I WILL NEVER BEAR YOUR ADOPTED SON'S CHILD. NEVER!"