webnovel

5

Chapter 4

- Cade's POV -

"Hi, baby!" Sigaw ni Mommy. Pilit na ngiti lang ang iginanti ko. 

(ー_ー)

"Are you ok?" Tanong ni Dad.

Muhkang napansin nya agad.

"I just have a bad day, dad." Pilit na ngiti parin ang ngiting iginanti ko sa kanila.

"Bakit?" Tanong ni Mommy.

(ー_ー)

"Nag-away po kasi kami ni Scarlett." Malungkot kong sabi. Tinapik naman ni Dad ang balikat ko.

"Ok ka lang ba?" Tanong pa ulit ni Dad. Matagal muna akong natahimik bago ako umiiling. Narinig kong bumuntong-hininga din sila ni Mommy.

"What happened ba?" Tanong ni Mommy. Kahit na medyo may pag-aalala ay nandoon parin ang excitement nyang marinig si Scarlett.

Lagi ko naman kasi syang bukang-bibig.

"Nag-away po kami. Parang lumalabas po kasi yung ugali nyang paggalit sya, galit sya. At dapat wag kang kokontra sa kanya."

"Bakit naman ganon?" Tanong ni Dad.

"May ugali po kasi syang minsan hindi maganda tignan sa babae. Parang na-tu-turn off po ako sa kanya dahil sa ugali nyang yon."

"Ilang buwan mo na bang girlfriend si Scarlett?" Tanong ni Mommy.

"Anim po."

"Baby, anim na buwan na pala, ehh. So, I think dapat hindi mo muna sya tinanong na.... Girlfriend agad. Kasi, ayan! Na-tu-turn off ka sa kanya kasi hindi nya naman pinakita ang side na yan. Niligawan mo ba sya?" Tanong pa ni Mommy.

"Mga four months din po, mom. Four months po bago nya ako sinagot. Nasa second year palang po kami non." Sagot ko.

"Hindi pa naman ganon kahaba ang relasyon nyo. May chance ka pang ayawan sya kasi nga, girlfriend mo palang sya. Hindi mo pa sya asawa. At dapat, kung gusto ka talaga ni Scarlett, ipapakita nya yung side nya na ganyan sayo." Mahabang sabi pa ni Mommy.

(・___・)

Oo nga, ano? Thank you, mom.

Pilit akong ngumiti sa kanila at saka ako kumilos at naglakad paakyat ng kwarto ko.

"Gisingin nalang kita mamayang dinner, baby ko!" Pahabol ni Mommy.

(ಠ_ಠ)

"Sige po, Mom!" Sigaw ko din at tuluyan nang umakyat ng kwarto ko. Pag-akyat ko sa kwarto ko ay saktong tumunog ang phone ko. Nang tignan ko kung sino ang tumatawag ay si Rence lang pala iyon.

(ಠಿ_ಠ)

Ano kayang kailangan ng loko na to.

"Ano nanamang kailangan mo?" Tanong ko tapos nahiga sa kama ko.

"Alam mo bang magkasabay sila Jaylen kanina, p*ta pare! Yun ba ang walang gusto?"

"Abnormal ka talaga, Lawrence. Tigilan mo na kasi si Jaylen, alam mo namang ayaw nyang hinuhuli sya sa akto. Hayaan mo sya ang magsabi."

"Ok ka lang ba?"

Pati ikaw?

"Oo. Ikaw nga may gusto sa isang babaeng---"

"Ayan ang problema nyo ni Jaylen, ehh! Lagi nyong tinitira ang Miss Invisible ko!"

"Ul*l! Hindi mo sya pagmamay-ari! Wag mong angkinin! Hindi sya libro!" Balik ko ng sigaw sa kanya.

"Bye na nga!"

"Bye!" Sabi ko at binaba na ang tawag.

Loko talaga iyon, ahh?

Isinaksak ko ang phone ko at saka ako natulog dahil ninaaantok na talaga ako.

- Luna's POV -

"¿Cómo fue el primer día de nuestra hermosa nieta?" Tanong ng isa kong lolo.

(Translation: How was the first day of our beautiful granddaughter?)

Mga baliw talaga.

"Estoy bien. Todo está bajo control. Pero un hombre me apuñaló, así que antes estaba un poco avergonzado." Sagot ko.

(Translation: I'm Okay. Everything is under control. But a man stabbed me so I was a little embarrassed earlier.)

"¿Estás bien? ¿Hay algún hueso roto? ¡Dime, voy a meter a ese hombre en la cárcel!" Sigaw pa ng isa.

(Translation: You alright? Is there a broken bone? Just tell me, I'm going to put that man in jail!)

(─.─)

Tsk. Isip-bata talaga.

"No hay necesidad. Puedo cuidar de mí mismo." Sagot ko.

(Translation: No need. I can take care of my self.)

"Por cierto, mañana te tenemos una sorpresa, nuestra preciosa nieta." Biglang sabat ng isa kong lolo.

(ಠಿ_ಠ)

(Translation: By the way, we have a surprise to you tomorrow, our beautiful granddaughter.)

Muhkang hindi maganda to.

"Muy bien, apagaré la llamada, lo comprobaré para mañana." Pagpapaalam ko.

(Translation: Alright. I'll turn off the call, I'll check for tomorrow.)

"¡OK! ¡Chau!"

(Translation: Ok! Bye!)

Tsk! Bakit ba kasi nag-sa-spanish kami? Marunong naman kami magtagalog, ehh!

Nagpatuloy na ako sa pagkain ko at napaisip.

Ano kaya yung surprise na sinasabi nila Lolo. Baka kung ano nanaman ang gawin ng mga yon, hindi ako pwedeng makita nila Joshua dito.

Nagpatuloy nalang ako sa pagkain habang panay ang pagbuntong-hininga. Naiisip ko palang kung anong gagawin ng mga lolo ko ay kinikilabutan na ako. Masyado kasing isip bata ang mga iyon.

(─.─)

Kumusta na kaya ang mga pinsan ko? Tagal na din ng huling balik ko dito.

Habang nag-iisip ay isa-isa kong pinatayang mga ilaw at umakyat ng kwarto.

Bukas lilipat na ako malapit sa bahay nila Tita, nakakainis dito, ehh.

Nasa isang hotel lang kasi ako ngayon dahil hindi pala ako binilhan ng bahay ng mga lolo ko.

Ang gagaling. Papuntahin ba naman ako dito, ehh, wala naman pala akong pwedeng tirahan dito. Tsk!

- Cade's POV -

Naalimpungatan ako dahil may parang umuuga sa akin. Parang ginigising ako at parang may tumatawag din sa akin.

"Baby.... Baby... Wake up... Dinner is ready..." Mahinang sabi ni Mommy. Dahan-dahan akong umupo sa higaan at kusot-matang humarap kay Mommy.

"Sunod na po ako, Mom." Mahinang sabi ko. Tumango sya at nakangiting lumabas ng kwarto ko. Ako naman ay tumayo din at naghilamos muna ako bago ako bumaba. Pagbaba ko ay nandoon na sa hapag sila Mommy, kasama sila Jaylen at Rence.

"Anong ginagawa nyo dito?" Tanong ko nang makaupo ako sa tabi ni Mommy.

"Binisita ka lang namin." Sabi ni Jaylen.

"Sinabihan kasi kami ni Tita na nag-away daw kayo ni Scar." Sabat ni Lawrence.

"Ang daldal mo talaga, Rence." Sabi ni Mommy. Nag-peace sign naman si Rence.

"Sorry po, Tito." Sabi ni Rence.

"Kumain muna kayo bago kayo mag-kwentuhan." Sabi ni Dad. Agad naman kaming sumunod. Pagkatapos naming kumain ay pumunta kami sa garden. Lahat kami ay nakatingin sa bahy nila Angel.

"Ang ganda ba ng bahay nila?" Tanong ni Lawrence.

"Maganda." Sagot ni Jaylen.

"Edi pinakilala ka na nya sa parents nya?" Tanong ko.

"Shempre." Sagot ni Jaylen.

"Ang swerte mo naman." Sabi ni Lawrence. "Sana  ako din makahanap na ng girlfriend." Sabi pa nya.

"Wag kasi girlfriend. Ang hanapin mo ay yung makakasama mo na habang buhay." Sabi ko.

"Oo. Wag girlfriend lang." Sabat pa ni Jaylen.

"Porket na pupurmahan mo na si Angel ganyan ka na." Sabi pa ni Lawrence habang nakanguso.

"Si Angel, ohh." Turo ko kay Angel. Nasa terrace ito at parang may kinakausap sa phone.

"Sino naman kaya ang kausap nya sa phone?" Kunot noong tanong ni Jaylen sa sarili nya.

"Ok. Bye, Dad." Rinig naming sabi ni Angel.

"Daddy nya naman pala, ehh." Sabi ni Jaylen. Napangiwi ako dahil kanina seryoso ito at nakakunot ang noo. Ngayon ay nakangiti at parang baliw.

"Tatawag na ba tayo sa mental institution?" Bulong ni Lawrence sa akin.

"Baliw. Ikaw kaya dalhin ko don." Sabi ko at akmang babatukan nya.

"Parang nagjojoke lang, ehh." Natatawang sabi ni Rence.

"Nice joke." Sakrastikong sabi nya ni Jaylen at sakrastikong din nag thumbs-up.

"Nabalitaan nyo ba yung ginawa ni Luna doon kay April?" Biglang sabi ni Lawrence.

"Luna?" Tanong ko habang nakataas ang kilay.

"Yung pinatid mo. Yung tinatawag nilang beautiful blindy."

"What about her?" Sabat ni Jaylen.

"I heard na, sinabunutan nya daw si April. Imagine, that is April laban kay Luna na may disability pa? That's freaking weird but cool." Natatawang sabi ni Lawrence. Umirap naman ako sa hangin.

Maya-maya pa ay nagpaalam na silang uuwi dahil madilim na din. Ako naman ay dumiretso na lang sa kwarto ko at hinayaang makatulog nalang ako.

Z

  Z

    Z

      (─.─)

- To Be Continued -

(Wed, May 12, 2021)