webnovel

Fuentes Family

REINA JOY's POV

Halos dalawang linggo na ako dito sa bahay ni kuya. Ngayon ako lang mag-isa kasi pin-a-part-time ni Dad si Kuya sa company habang wala pang klase. Which is not a problem with dad.

Bago umalis si Kuya,Iniiwan niya sa akin ang cellphone niya kasi baka mabored daw ako dito kakaantay sa kanya kaya iniwan siya sa akin yung CP. Yung mga maid niya naman umalis para mag grocery kaya ngayon, ako nalang mag-isa dito.

While rummaging in his phone may nakita akong online game which is PUBG. Since may load naman ang aking beloved brodah, nilaro ko yung larong yon. I was concentrating on playing PUBG on his phone when someone interrupted it. A call from an unknown number. "Piste naman oh!" I cussed out.

"Hello?"

[Who is this? Are you Joseph? Ba't naging babae ang boses mo?] I frowned.

Sino tong babae 'to?

"Ano bang pake mo? Ikaw? Sino ka ba?" tanong ko.

Hinayaan ko lang ang call at ipinagpatuloy ang laro ko. Ayokong madisturbo! Malapit nang manalo ang team ko eh!

[I'm Elizabeth, Joseph's girlfriend. Who are you bitch? Are you a third party?!]

Napa-angat ang tingin ko dahil sa narinig ko. Ako, Bitch?? Third party? Aba! Shuta tong babaeng to ah!

"You don't deserve to know my information. Istorbo." Pinatay ko na ang tawag at napakunot-noo sa kawalan. May jowa pala si kuya? Kaya pala busy sya sa cellphone niya kahapon.

Sanaoil.

Pagkatapos kong maglaro at dahil 1% na lang ang battery ng cellphone ni kuya, chinarge ko na yun at umakyat sa taas para maligo. Kakaligo ko lang at maliligo ulit ako.

Ang init kasi! Jusko. May nag-sumpa ata sa pilipinas. Parang lungga ni satanas eh! Apaka init!

***

Hapon na ng nakauwi si kuya. Sinalubong naman siya ng mga maid namin at kinuha ang dala-dala niyang box. "Si Reina Joy?" he asked while taking off his working blazer,

"Here!" Itinaas ko ang kamay ko.

Sa loob ng dalawang linggo tuwing uuwi siya ako parati niya hinahanap. Minsan wala lang yun, minsan dahil may dala siyang pizza at minsan para chikahin ako kung anong meron sa kompanya. Yes! Mabilis niya akong ma miss :>

Kumagat ako sa manggang hilaw ko at tinaasan siya ng kilay. "Ano?" I asked again kasi tiningnan niya lang ako ng nandidiri.

"Ang dungis mo! Maligo ka nga!"

"Ayoko!" mabilis kong sagot sa kanya. Sinadya ko pa na taasan ang boses ko para asarin siya. Hehehehe

Tumabi si Kuya sakin sa loveseat pagkatapos niyang tanggalin sa charger yung cellphone niya. Narinig ko pa yung pag click ng dila niya at sabay iling.

Inubos ko muna yung manga ko at tumayo para itapon yon sa labas. When I came back, I sneak a peek on his phone and watch him scrolling into his call log and messages. "Are you waiting for a call from your 'girlfriend' ?" tanong ko. In emphasize ko pa talaga yung salitang 'girlfriend'

"Obviously," he answered.

Umupo ako sa tabi niya at inabot ang remote ng TV. Should I tell him what his girlfriend just called me earlier? Jusko 'wag nalang. Baka ako pa maging dahilan kung maghihiwalay sila.

Knowing kuya, ayaw niya na may magsasabi sa akin ng ganong salita maliban sa kanya. Siya lang ang may awtoridad na pangalanan ako ng ganon.

Moments later, his phone rang and he immediately answered it. "Hi, bae—" I turned my head to Kuya and blinked my eyes lazily. "What did you just say?!" Ayan na. Ito na nga bang sinasabi ko.

"I want you to take back what you said!" he groans angrily.

I swallowed the lump in my throat and moved away from the beast. Baka malapa ako ng de-oras.

Kuya turned his head at me and shook his head. "No. I want you to take back what you said or else, we're over." And with that, he hangs up.

Napahilamos si kuya sa mukha niya at tumayo para uminom ng tubig. Sinundan ko siya ng tingin at hindi ko alam kong maaawa ba ako sa kanya or ano kasi I remember one time he break-up with his girlfriend too because of me.

Sumununod ako kay Kuya sa kusina at kinagat ang ibabang labi ko."Uhm..."

"Did she name you that?" he asked after he calmed down.

Napakamot ako sa on fleek kong kilay at ngumiti. "But it's okay kuya! Hindi mo naman kailangan makipag hiwalay dun!" I beamed.

He shook his head disappointed. "I'm disappointed with her. How can she name someone—" bulong ni Kuya. Nilagay niya ang kamay niya sa sentido at hinilot ito sabay buntong-hininga.

"But it's really okay! It's my fault din naman kasi I didn't introduce myself to her."

"You are not at fault okay? Maybe, I just chose the wrong girl," he answered. Tumingin siya sa akin at saka kinurot ang pisngi ko bago naglakad papunta sa kwarto niya.

Bago niya isara ang pinto ng kwarto niya, tumingin siya sa akin at may pahabol pang sinabi. "Btw, Stepmom wanted to see you tomorrow. She misses her daughter,"

***

The sunbeams were so bright that I ended up covering my whole face with my comfy and soft comforter. Tinapos ko kasi yung Chronicles of Narnia kaya ito, kulang-kulang ang tulog ko. Nakahanap kasi ako ng CD kagabi habang nag-aayos ako ng mga gamit sa divider ni Kuya at nakita ko yung Narnia kaya pinanood ko.

Nang tumunog ang alarm clock ko. Tsaka ko na naisipang umupo sa kama ko at tinakpan ang maputi kong mukha galing sa masakit na sikat ng araw. I yawned and rubbed my eyes before I headed to the bathroom to take a bath.

After my morning rituals, I wore my white whole dress. Under is my cycling. Marunong naman ako mag-ayos ng buhok kaya brinaid ko ito at ginawang crown. Stepmom taught me this kind of hairdo. Speaking of Stepmom, she wants to see me pala today. Hays sana bigyan niya na ako ng allowance after this meet up with her.

"Good morning, Ma'am, " bati nung mga maid ni Kuya. I smiled at them while I was walking down the stairs.

"Grabe, ang ganda niya talaga no? Lalo na ang hugis ng katawan niya," Some of the maids mumbled.

"Sinabi mo pa!"

"Si Sir Joseph nga eh! Ang gwapo."

Napairap ako sa kanila at dumiretso sa kusina para kumuha ng toast. "Where's kuya?" I asked while I'm eating the toast fresh from the toaster.

"Umalis po siya kanina ma'am. Sabi niya, babalik naman daw siya kaagad." Tumango ako.

"K."

After I ate my diet breakfast, I took my purse and applied my Mac Matte Lipstick before covering it with my Lip Gloss. That bastard named Joseph didn't show up and I've been waiting for him for almost an hour! Lagot sa akin yung lalaking yun pag nakita ko siya sa kompanya. Shuta siya. Kakalbuhin ko siya ng bonggang-bongga!

Wala akong ibang choice kundi ang lumabas ng bahay at maglakad papunta sa entrance ng subdivision. I'm wearing the same sneakers I wore last week since wala pa akong pera. Kaya dapat talaga bigyan na ako ng pera ni Stepmom mamaya kasi kung hindi susunugin ko yung kompanya niya. Charot!

When Kuya and I went to the mall last week, I don't know if he bought shoes for me but I'm sure he didn't. Picky kasi ako when it comes to shoes.

"Dumaan na naman si Ma'am."

"Papaturro nga ako sa kanya pano maglakad with confidence"

"Sige ah! Turuan mo rin kami!"

"Mukhang mataray ih! Nakakatakot lapitan."

"Sus! Baka pag niligawan ko yan. Mapapa-oo yan diretso eh," sagot ng isa. Dali-daling hinarap kong sino ang nagsabi nun.

Judging from his looks, "Mapapa-oo mo ako? Hindi nga kita type? Thank you, next." I turned my back before I flipped my hair in his face as I started marching on the side walk.

Nang makarating ako sa entrance ng subdivision, dumiretso ako sa waiting shed at hinintay si kuya while holding my Cassandra bag.

Ang tagal naman ng lalaki 'yun. Ano na ang oras! Ang init-init pa! Wala ba siyang balak na umuwi para kunin ako?! Shuta talaga yung lalaking yun. Kumukulot buhok ko dahil sa kanya. Grr!

I didn't bring my wallet with me, why? Kumikinang na Fifty Pesos na lang ang natira doon. Hindi naman yun kasya kasi triple ride ang gagawin ko. Malayo ang JM sa kompanya ni Dad. Isang ride lang yung Fifty Pesos na yon. Ano, mamalimos ako para lang makarating doon? Shuta never!

A black car stopped in front of the waiting shed and I rolled my eyes when he put down the tinted window of his car. "What are you doing here, Winston?" I asked.

"Hop in. Masasayang yang ayos mo," sabi niya. Wala na akong nagawa kundi ang sumakay sa kotse niya. Nagmumukha tuloy siyang driver ko kasi dito ako sa backseat naka-upo.

"Bakit ka lumipat?" I rolled my eyes with my Mac Mascara "Dahil ba sa stepmom mo? Or sa kuya mo?" dag-dag niyang tanong.

"Never ko knows na apakah chismoso mo no? Sa pagkakatanda ko, wala akong ibang sinabihan na lilipat ako ng school this year."

"Bakit?" tanong ulit ni Winston.

"Ewan ko, Okay? Bahala ka jan kung anong isipin mo. Ihatid mo nalang ako kay dad." Pinag-krus ko ang braso ko at tumingin sa labas ng bintana at sinabayan ng tingin ang galaw ng mga sasakyan.

Gustuhin ko mang sagutin ang tanong niya, nahihiya ako and at the same time I don't want to bother this man. Masaya na s'ya sa San Martin baka maisipan pa niyang lumipat dire noh!

Tahimik lang kami sa loob ng kotse hanggang sa makarating kami sa kompanya. I bid farewell to him before I hopped out and headed inside.

Binati ako ng mga guards and some of the employees too pero I don't waste my time to greet them back. I'm in a hurry plus I'm here for Dad and stepmom. Dumiretso ako sa elevator at pinindot ang top floor. When the door opens. I cross my arms and raise my brow to kuya who looks surprised at my arrival.

"Gulat ka no?"

"What—How did you get here?" he asked while he's holding bunches of paper and folders.

"Lakam pake. Pagkatapos mo kong iwan?"

Lumabas ako sa elevator at dumiretso sa office ni Dad. Naririnig ko ang mabibigat na yapak ng paa ni kuya at mga pag mamaktol kung paano ako nakapunta dito dahil alam niyang wala akong pera.

"Binenta ko katawan ko. Okay na?"

Napa-aray ako nang batukan ako ni Kuya. "Hindi magandang biro yan," he hissed.

"Sino naman nagsabi sayo na nagbibiro ako?" For a second, naging seryoso ang mukha ni kuya at inilapag ang dala-dala niya na papeles sa kalapit na mesa at lumakad palayo sa akin.

"Saan ka pupunta?!" I shouted. Pumunta kasi siyang elevator.

"I'm gonna find who the hell trade with your body and kill them in instant."

Lagot!

"HOY! NAGBIBIRO LANG AKO— KUYA!!"

***

"Now, answer me princess. Paano ka nakarating dito kung hindi ka naman pala sinundo ng kuya mo?" tanong ni stepmom habang inaayos ang maggulo kong crown braid hair.

Pagkatapos ko kasing pagtripan ulit si Kuya at pagkatapos ko siyang pag-aalahin. Ginulo niya ang buhok ko at piningot pa ang matangos ko na ilong tapos— Oo, tapos! Kinurot ang braso ko! Ang sakit. Mabuti na lang hindi nagkapasa ang ginawa niya kasi kung nagkapasa yun sisipain ko jingle bells niya

"Kay Winston po," bulong ko. Inisnab ako ni kuya at napa-iling bago tumungo kay stepmom at nilagay sa mesa niya ang mga papel at folder na dala-dala niya kanina.

"Hinatid ka niya dito?"

"Hindi, ma. Naglakad kami para pumunta dito—Aray kuya!" sigaw ko pagkatapos niyang tapakan ang sapatos ko. Pinakain niya sa akin yung papel na hawak-hawak niya habang naka nga-nga ako. Napakasalbahi talaga!

"Joseph. Kayo talagang dalawa!" Si stepmom ang kumuha ng papel na nasa baba ko kaya tiningnan ko ng masama si Kuya.

"Hindi sumasagot ng maayos eh."

"Para namang hindi ka nasanay sa kapatid mo. Tawagin mo na ang daddy mo sabihin mo nandito na si Reina Joy," sabi ni stepmom. Pinandiinan ako ng mata ni kuya kaya binilatan ko siya at tumalikod sa kanya.

Tumayo si stepmom para kumuha ng maiinom ko. Pagkatapos ba naman ako sabunutan at pakainin ng papel ni kuya. Nako! Nanggigigil bulbol ko sa kanya!

"Oh. Uminom ka muna habang hinihintay natin ang papa mo," ika ni Stepmom. Umupo ulit siya sa upuan kung nasaan nakaukit ang pangalan niya.

Maria Elena Fuentes.

Umupo ako ng maayos sa couch ni stepmom habang busy siya sa pagbabasa ng mga papeles na binigay ni kuya sa kanya. "Oh! Btw ma! Pwede ko na ba kunin allowance ko? Igaya niyo nalang kay kuya hehehe. Yung naka credit card—"

"No."

Napakunot-noo ako sa sinagot niya at lumapit sa kanya. "No? Bakit?"

"Kung hindi mo mababawi ang grades mo sa Class Zero and show improvements. I won't allow you to have your own credit card," she said. Wala na. Finish na.

Pag ginamit na niya yang authoritative niyang boses. Finish ka na.

"Mag-aaral naman ako ng maayos...baka" Mahinang bulong ko at padabog na bumalik sa upuan ko at nag halukipkip. Nakakainis!

Pagkalipas ng ilang minuto. Pumasok na si Dad kasama si Kuya. Kaagad akong lumapit kay dad at niyakap siya then bumalik sa upuan ko. Kuya sat beside me and wrapped his arm around my shoulder.

"Nandito na pala ang sweetheart namin. Kamusta naman ang mga ilang linggo mo sa pader ng kuya mo?" tanong ni dad at tumabi kay stepmom.

"Lumayo ka nga sa akin, Jose. Ang lagkit mo!" I pressed my lips to suppress my laughter.

Tumingin ako kay Kuya at tinulak siya palayo sa akin. "Lumayo ka nga din kuya! Ang baho mo"

"Aba!" Napa-aray ako pagkatapos niyang hilahin ang buhok ko sa batok.

Hinalikan lang ni Dad ang pisngi ni stepmom at may kinuha sa drawer ng mesa ni stepmom. "Oh. Allowance mo since magsisimula na ang klase mo sa susunod na linggo," sabi ni Dad. Nag ningning ang mga mata ko at kaagad na kinuha ang envelope na bigay ni dad.

"Akala ko ba hindi ako bibigyan ng allowance? Yun ang sabi ni stepmom eh. Hehehe" Tiningnan ako ng masama ni Mama kaya napanguso ako.

"50 thousand 'yan. Huwag mo kaagad ubusin yan," said Dad. I nodded my brows.

"At pwede ba, princess? Stop calling me 'stepmom' kung ayaw mong e disown talaga kita. Punyeta!"

Napanguso ako, "Ako lang ba? S'ya din kaya!" sabi ko at tinuro si Kuya.

"Hehehehe. We're just kidding mom! No need to take those words seriously." Inirapan lang kami ni Mom at bumalik sa ginagawa niya.

Nagkatinginan kami ni Kuya. "Halaka!"