webnovel

HFH Series: Alexander Kier Vincent Rios - The General's Son

Namamayagpag si 1st Lt. Remie Alexis Aritana sa career niya bilang isang Philippine Air Force Pilot sa edad na bente-otso. Naalarma siya nang marinig niya sa ama at sa isang Heneral na si Lucio Mondejar ang masinsinang usapan nito sa opisina tungkol sa arrange marriage sa anak nitong si Capt. Louis Mondejar. Hindi siya makakapayag na pati ang personal niyang buhay ay pakikialaman pa ng diktador na ama kahit sabihin pa na involve rito ang karangalan at kapangyarihan ng kanilang pamilya. Kaya kinuha niya ang serbisyo ng RnJ Dating Services.  Isang kompanyang magbibigay solusyon sa problema niya upang pansamantalang mag-hire ng asawa na ihaharap sa ama kahit limasin niya ang pera niya. At nakilala niya ang binatang si Kervin Fereira. Isang angkas rider na ipinadala ng ahensiya. Inaakala niya noong una ay pipitsugin lamang ang ipapadala ngunit napamaang siya nang magkita sila sa isang restaurant. Isang purong may lahing Amerikano. Matikas ang tindig ng binata, may matangos na ilong, matangkad at higit sa lahat ang magaganda nitong kulay asul na mga mata. Nagkasundo naman agad sila kahit alam niyang hindi madali ang pinasok niyang sitwasyon. Galit na galit naman ang ama ni Alexis pero nagawa itong mapaamo ng binata pati na rin siya. Pero paano kung gulo pala ang dala ni Kervin sa buhay niya at may iba itong pakay sa pakikipaglapit sa ama niya? Paano niya rin isasalba ang pusong unti-unting nahuhulog na para sa binata?

Magzz23 · Masa Muda
Peringkat tidak cukup
4 Chs

Chapter 3

RnJ Services is an underground business of Ricardo Milosa with the help of his friend, Johnny. The nature of business is to provide a husband for hire service for those financially capable women in need.  RnJ Services hides behind Ricardo's front businesses such as Hermes Hotel, Blue Marlin Restaurant, Hercules Sparadise, Strings of Faith Dating Agency, Viajero Travel, and Tours Café Viaje del Cielo, and La Diva Art Gallery. All front businesses have branches here and abroad. Each branch has a hidden office for RnJ Services.

There's also rules and regulations of being a husband. Nothing about RnJ shall be exposed to the client and the public as long as he lives. The husband shall not have sexual contact with the client; the husband shall not disclose his real identity to the client; he shall only use the identity provided by RnJ; the husband shall duly comply with what's specified in the contract. And there are also limitations. Kissing is allowed for display purposes only. The husband will only do the tasks specified in the contract Nothing more, Nothing less. These tasks depend on the needs of the clients specified in the contract. Public display of affection is just fine as long as it will not go farther than that. The dignity of husband and client shall be protected.

The client contract has do's and don'ts to RnJ services. The client shall not expose any information about RnJ Services to the public even after the contract ended. The client shall not make sexual contact with the husband; the client shall not dig the husband's private or real life; the client shall not be a threat to husband's life or shall not drag the husband into a life-risking situation.

And, if ever there's consequences in violating the contract, there are always sanctions. In the event that the client fails to comply on what's within the contract, the client shall pay penalty fees. In worst scenario, the client may be sued by RnJ and will be marked as Scarlet W in RnJ database making her an excommunicated person in all front businesses of RnJ. In the event that the husband for hire is proven guilty of breach, he may receive any of the following sanctions depend on the severity of violations. A designated task as part of punishment, penalty charges, cancellation of husband license and being excommunicated in RnJ and in any front businesses of RnJ. This is followed by revelation of his real identity to the client an in RnJ database. Lawsuit. Pull out of Ricardo's (RnJ's) investment to the husband's business if applicable. 

A council known as Council of Gigalo, will be a direct recipient of complaints and legal concerns and also the one responsible of monitoring the husbands to make sure that they all follow what's in the contract. They also impose task and penalties to those husbands and clients that commit breach of contract.

 

 

PASADO ala-una ng hapon nang makarating siya sa opisinang ibinigay ng agent na nakausap niya kagabi. Pagbaba niya sa kotse ay dumiretso agad siya sa isang magarang establishment. Bumungad sa kaniya ang pangalan ng isang art gallery. Tama ba itong napuntahan ko? Nagtaka siya dahil may kakausap sa kaniya sa loob ng art gallery. It was La Diva art gallery.

Bago pa man siya pumasok sa loob ay tinanong na muna niya ang guard kung nasa loob ba ang hinahanap niya. Ipinakita pa niya ang kaniyang cell phone kung saan ite-next ng agent ang pangalan ng kikitain niya. Iginiya naman siya ng guard sa loob at kinausap ang receptionist. Naghintay muna siya ng ilang sandali at napuna niya ang iba't ibang mga painting na nakasabit sa dingding.

Maya-maya pa ay dinala siya ng guard sa isang pribadong opisina. Sa loob niyon ay nakilala niya ang isa sa mga trusted Gigalo na si Sir Xean. Nalaman niya ang impormasyon na iyon ayon na rin sa text ng agent sa kung sino ang taong makakatulong sa kaniya. He's the Legal duties and Punishment Head since the other two important Gigalo individuals in the company aren't available. And of course, a handsome young man and his remarkable blue mermaid hair. Pinaupo siya nito sa isang bakanteng upuan katapat ng table nito. Hindi siya naka-uniporme nang mga oras na iyon upang makaiwas na rin sa mga mata ng iba. Alam na ng kaharap niya ang kaunting inpormasyon tungkol sa kaniya dahil nag-email din siya bukod sa text na ibinigay ng agent.

"So, you're Lieutenant Remie Alexis Aritana. The daughter of General Alexander Aritana III," wika nito.

"Yes," tipid niyang tugon.

"By the way, I'm Xean and you are here as our agent told me to have an important meeting. Is it right?"

Tumango siya. "Yeah."

"Alright. Before we proceed, I will tell you a little bit information about our company since you are working in government as an air force official. Don't worry, we are legal. Sumusunod naman kami at sinisigurado rin naming wala kaming nilalabag na batas."

"I understand your legalities."

"Once you signed a waiver, may mga nakapaloob doon na hindi mo maaaring isiwalat sa hanay niyo. These contracts are both for the client and husband to make sure that they understand the rules and for breaching the contract penalties."

"I understand. In my part, ayoko rin naman na parehas tayong malagay sa alanganin lalo na at kailangan ko rin ng tulong niyo. Your company is safe with me."

"Well, that's good. So, let's talk about your wants."

"Okay." Humugot muna siya nang malalim na buntong-hininga. "I need a husband for one year. I can double your price if it is needed. Kailangan ko siya within the day or kahit kinabukasan. It is an urgent matter, Sir Xean."

"I want to know the reason of yours before we proceed to your ideal husband."

"Okay." Ikunuwento niya rito ang dahilan kung bakit niya kailangan ng asawa pansamantala. "And that's the reason why I came here. I have no choice."

"Now, I understand. But, we need to set a meeting with my boss because of confidentiality and the welfare of our company. As I said earlier, isa kang government official, Miss Aritana. Ayokong magkaproblema tayo sa susunod na araw nang dahil sa'yo at sa iyong ama. Sana naintindihan mong iniingatan ko lang ang lahat ng mga empleyado namin at mga sangay ng kompanya."

Napahilot siya sa noo. Hindi niya alam kung paano niya malulusutan ang ganitong sitwasyon. Ayaw naman niyang ma-kompromiso ang kompanya nang dahil sa kaniya. "Okay. I understand again. I think we need to settle this with your boss. May assurance ba akong makakakuha ako ng magpapanggap?"

Ngumiti ito. "Of course! Idadaan lang natin sa legal na proseso at sa uri ng kontratang pipirmahan mo."

"Whoa! Hindi ko alam na ganito pala ka kumplikado ang pinasok ko. When will be our meeting, Sir? I need my hired husband as soon as possible."

"I will call you, Miss Aritana. And for the hired husband, isa pa iyan sa problema namin ngayon dahil fully booked ang mga empleyado namin."

"Ho?" kunot-noong sambit niya.

"We are in demand, Miss Aritana. Hindi talaga maiiwasan lalo na sa panahon ngayon. But don't worry. I will help you. I will call you right away for our meeting with Mr. Ricardo."

"Ricardo?"

"Ah, yeah. He's my boss."

"O-okay." Tumango lamang siya sabay tumayo na. "Thanks again, Sir."

Nagpakawala ito nang matamis na ngiti. "Okay. You're welcome."

Mabuti na lang at mabait ang council na nakausap niya ngunit bahagyang mabigat ang mga balikat niyang lumabas ng opisina nito hanggang sa parking ng kaniyang sasakyan. Hindi siya makapaniwalang hindi na naman umaayon sa kaniya ang pagkakataon at mukhang magtatagumpay ang kaniyang ama sa plano nito. Napahampas pa siya sa manibela niya pagkasampa niya sa kotse niya. Damn! Paano kong dumating na ang araw na iyon at wala pa akong naipakilala? Wala naman akong balak na idamay ang kompanya nila sa problema ko sa ngayon pero⸻God! Why is it that it was happening to me? Mabait naman akong anak at masunurin. Hindi na nga lang ngayon. Kung pwede lang sana akong humablot ng kahit sinong Poncio Pilato sa tabi-tabi, ginawa ko na. Sa kompanya lang talaga ako nito magkakaroon ng pag-asa.

Itinigil na niya ang mga isiping iyon at nilisan ang lugar. Masakit man tanggapin na bigo siyang makakuha ng kaniyang kailangan. Muli siyang bumalik ng kanilang bahay dahil naka-leave naman siya ng dalawang araw ngunit hindi nga lang siya nakapagpaalam sa kaniyang ama. Sadyang kaylupit ng kapalaran! Wala rin siyang mapagsabihan sa ngayon at ang mga kaibigan niyang malapit sa kaniya ay nasa ibang bansa na.

 

 

NAGHAPUNAN sina Alexis kasama ang ama niya sa hapag-kainan pasado alas-otso ng gabi. Maaaga itong umuwi dahil wala naman itong masyadong naging aktibidad sa base. Tulad pa rin ng dati, tahimik lang silang kumakain sa tuwing magkasama at minsan naman ay nagkukuwento ito tungkol sa trabaho nila.

"Wala ka kanina, Alexis. Bakit hindi mo sinabi sa akin na naka-leave ka?" seryosong tanong ng ama niya.

"At naka-leave rin po ako bukas," tugon niya.

Napatigil ito sa pagkain at nakatitig sa kaniya. "What?"

"Dad, you heard me." Sinulyapan niya ito. "Hanggang bukas lang naman at sa susunod na araw ay babalik na ako."

Mataman itong nakatitig sa kaniya. "Still, you need to tell it to me kahit nag-file ka na. Where did you go?"

"Namasyal lang." Pagsisinungaling niya sabay umayos siya ng pagkakaupo. "Dad, bente-otso na ako. Hanggang ngayon ba naman ay kailangan kong ipaalam sa inyo ang bawat kilos ko? I'm old enough."

Bahagyang tumaas ang boses nito. "I'm trying to protecting you, Alexis! Alam mo na nasa serbisyo tayo. Alam mo rin ang kalakaran ng mga katulad natin. Parehas tayong opisyal at ako na may mataas na posisyon ay nararapat lang na pangalagaan ko ang reputasyon ko at ang—"

"Dad—I know! Pero isipin niyo naman na babae ang anak niyo. Hanggang ngayon ba naman ay pagtatalunan pa natin iyan? Heto na ako at isa na akong nagseserbisyo sa bayan." Pinipigilan niyang mainis nang magsimula na naman ito sa giyera sa pagitan nila ng ama niya. Nangako na siya sa sariling ipaglalaban na niya ang kaniyang karapatan.

Pumagitna na sa usapan si Nana Caring sa kanila. "Tama na iyan, Alexis! Nasa harap kayo ng hapag-pagkainan. Hanggang dito ba naman ay magtatalo kayong dalawa?"

Tumayo na ang ama niya. "Nawalan na ako ng gana." Padabog nitong inilapag ang table napkin saka nilisan ang dining area.

Naiwan na lamang siya at ang Nana Caring niya sa mesa. Hindi na siya muling kumibo pa upang hindi na lumala ang tensiyon sa pagitan ng kaniyang ama.

Hindi rin nakapagpigil si Nana Caring kaya nagsalita rin ito. Umupo ito sa bakanteng upuan katabi niya. "Ano ka ba, Alexis? Sana hindi mo na lang pinatulan ang ama mo. Tingnan mo at nagtatalo na naman kayo. Intindihin mo na lang kasi at matanda na siya." May halong pag-aalala ang boses nito.

"Nana Caring, kapag habang-buhay na ganito kami ng tatay ko, paano ako magkakaroon ng sarili kong pamilya kung siya lang din naman ang masusunod? See? He's trying to control me again. Hindi naman ako prinsesa ng isang bansa para lang bantayan ng bente-kwatro oras. Unfair naman sa akin iyon!" inis niyang wika saka niya inilapag ang mga kubyertos.

"Nag-aalala lang siya dahil babae ka. Isa pa, nasa serbisyo kayo kaya ka niya gustong maging safe."

"Huwag niyo na ipagtanggol ang daddy. Tingnan niyo nga ako, mukha ba akong babae sa ayos kong ito? Kaya kong ipagtanggol ang sarili ko." Iniurong niya ang upuan at tumayo. Dinampot niya ang baso ng tubig at uminom.

"Kung buhay pa sana ang mommy mo, hindi sana ganito ang sasapitin mo." Tila may habag ang boses ni Nana Caring sa kaniya.

Muli niyang inilapag ang baso sa mesa. "If my mother's still alive, mangungunsumi lang siya. Aakyat na ako, Nana Caring."

"Sige at magpahinga ka na."

Mabibigat ang mga hakbang niyang umakyat sa kaniyang kwarto habang iniisip na naman niya ang tungkol sa narinig. Paano kung matagal pa bago ako kausapin ng may-ari ng dating services na iyon? Paano kung dumating na ang oras na e-announce na nila ang kasalan? Sumasakit na ang sentido niya sa kakaisip. Lalayas na lang siguro ako o kaya mamuhay sa probinsiya. Pero hindi⸻hindi ako dapat magpatalo sa problema kong ito. Hahanapin pa rin ako ng daddy kahit saang lupalop ng mundo.

Inayos niya ang kaniyang higaan at sumandal sa headboard ng kama. Tiningnan niya rin ang screen ng cell phone niya ngunit wala pa rin tawag o text man lang na nagmula sa ahensiya. Kung susuway man ako sa kagustuhan niya, e-todo ko na kaya. I can also migrate to America and start a new life there. Pero hindi kaya ng kunsensiya kong iiwan ko ang daddy dito. I was still thinking of him rather than thinking of my feelings. Sana naman may nakarinig sa mga hinaing ko at problema. Nakailang beses na siyang bumuntong-hininga. Habang nakatitig siya sa kisame, tumunog naman ang cell phone niya at dali-dali niyang dinampot ito sa tabi. Naka-rehistro ang pangalan ni Veronica.

"Hello?"

"Hi, Alexis! It's me, Veronica. Sinabi na sa akin ni Sir Xean about sa meeting niyo kanina. I called you to re-schedule your appointment with my boss on Friday morning," direkta nitong wika.

"Huh?" Hindi siya makapaniwalang dininig ng lumikha ang kaniyang mga hinaing. Kanina lang ay halos mawalan na siya ng pag-asa. "Uhm, yeah! Sure!"

"Please don't be late, Miss Aritana. I'll text you the other details."

"Thank you very much, Veronica. I owe you one."

"It's my job. Uhm, I need to drop this call. See you on Friday."

"Okay, see you!"

"Bye!"

Napabalikwas siya mula sa pagkakasandal sa headboard ng kama saka siya tumayo. Hindi siya mapakali matapos ibaba ang tawag ni Veronica sa kaniya at sa wakas ay magkakaroon siya ng appointment. Dali-dali niyang tinungo ang kaniyang drawer upang ihanda ang milyones niya. Ito lang ang magagawa ko, kung kailangan kong maglabas ng milyones, I will. Patnubayan na sana ako sa gagawin ko at sana lang ay hindi ako magkaproblema.