webnovel

Her Gangster Attitude

Since her grandmother is in a coma, Maria Delaila Magtanggol is willing to do everything, give up her pride and enter a world so new to her. In her struggles and troubles, can she overcomes them using her charm and her gangster attitude? It's a story of friendship, brokenness, family and love.

Periwinkle0024 · Masa Muda
Peringkat tidak cukup
67 Chs

Chapter 58: You're The One Who Suggest It

IYA

I look deeply into his eyes. Ilang beses akong kumurap-kurap. Seryoso ba 'tong si Boypren? Talagang iniisip n'ya na nag-i-exist ang ikawalong kontinente? Tapos gusto n'yang paniwalaan ko ang joke n'yang 'yun? Just how serious is he? The last Daire alive? The fudge. If he's one of those royal blood then I'm a freaking vampire. He's a Prince? Then I'm a witch. Parang nahihilo tuloy ako sa itinatakbo ng usapan namin. Tapos gusto pa akong gawing Reyna? Santisima. Dahan-dahan akong dumistansya sa kanya. Mas mabuti sigurong matulog muna ako. Sumasakit lang ang ulo ko eh.

"Where are you going?"

"To my room. Babalik na ako. May pasok pa ako bukas." seryoso kong wika. Hindi nya ako pwedeng pigilan. Kalalabas ko lang ng ospital kaya dapat hindi n'ya pinasasakit ng ganito ang ulo ko. Kaloka.

Nagkukumahog na tinungo ko ang malaking bintana sa kwarto ni Ivan. Kailangan ko ng makatakas bago pa n'ya ako ayaing magpunta sa sinasabi n'yang ika-walong kontinente.

"Wait."

Huwaaaah! Bakit ang bilis n'ya?! Kamuntik ng lumabas ang puso sa dibdib ko nang maramdaman ko ang pagyakap n'ya sa bewang ko.

"What's wrong? You look upset." Mahina n'yang tanong.

Hano daw? I look upset? Bakit hindi n'ya kaya ilapit pa ang mga mata n'ya o kaya gumamit s'ya ng magnifying glass para makita n'yang stress ako at hindi lang basta upset! I'm stressed and upset! Huwag n'yang isahin lang. Masyado naman n'yang pinapababa ang nararamdaman kong kapraningan sa katawan.

"Wrong? Naku, walang wrong," mabilis kong sabi saka pilit na ngumiti. Kaso, sa kapipilit ko, nakangiwi yata ako at hindi nakangiti.

"Are you upset because of what I've said just a while ago?" seryoso n'yang tanong habang nakapatong ang baba sa balikat ko. Nakaupo ako sa pasamano ng bintana--hindi dahil gusto kong maupo dun okay, wala lang akong choice dahil yakap-yakap n'ya ako sa bewang. At kailan pa naging clingy ang isang 'to?

My face went blank at hindi ko alam kung ano ang isasagot ko.

"I'm just kidding and you believe it right away," he said while chuckling.

Nakakunot-noong iniikot ko ang mukha ko paharap sa kanya. Kidding? Did he just say kidding? He looked at me with a mischievous smile. Is he really kidding?

Susme!

Hindi naman ako mapapagulong sa tawa dahil sa joke n'ya. Wala bang nagsasabi sa kanya na wala s'yang future maging joker? Ganito ba talaga ka-boring mag-joke ang matatalino at mayayaman?

"Please, don't you dare try to joke around next time. Sa halip na kabagin ako katatawa baka sa ospital lang ako dalhin dahil sa stress. O mas malala, dahil baka nagka-brain hemorrhage na ako." Naiiling kong sambit.

"Haha. Sorry."

Muli na namang nagblangko ang lahat ng marinig ko s'yang tumawa. Bakit parang ang hina-hina ng immune system ko sa tawa n'yang 'yan. May pakiramdam ako na narinig ko na dati ang malamig pero nagdudulot ng kilig sa akin na tawa n'ya, kaya lang...hindi ko na maalala kung kailan ko narinig 'yun.

"Again." utos ko habang nakapulupot ang mga braso sa leeg n'ya. Tuluyan ko ng iniikot ang katawan ko paharap sa kanya.

While I'm sitting on the window sill, he's standing facing me. With my arms hooked around his neck and his arms hugging my waist...I know our posture is a little intimate.

"Huh?"

"Laugh some more."

Pero sa halip na tumawa s'ya, napangisi na lang s'ya dahil siguro hindi rin n'ya inaasahan ang request ko.

"Hmp! Uwi na ako. Good mornight na." dali-dali ko ng ng inalis ang pagkakapulupot ng braso ko sa leeg n'ya.

Atubiling inalis n'ya rin ang mga braso n'ya sa bewang ko.

"Careful on your way."

"Umn! Papasok na ako bukas sa school. Okay?" dali-dali na akong naglambitin sa makapal na sanga.

"I said careful!" He hissed.

Natatawang tumayo ako sa sanga saka muling lumingon sa kanya. Siguro isa akong unggoy sa past life ko. Ang galing-galing kong maglambitin eh. Kahit na wala akong maalala, parang nakikiisa ang buong katawan ko sa puno na para bang lumaki ako na halos sila ang kasa-kasama.

"Okay lang ako. Huwag kang oa. Good night boyfriend. I love you!" isang pagkatamis-tamis na flying kiss pa ang iniwanan ko sa kanya bago ako tuluyang nanulay sa puno papunta sa kabilang bakuran.

Nang makarating ako sa balkonahe ay muli kong sinilip si Ivan only to see him staring blankly. Anong nangyari doon?

3RD PERSON's POV

Pakiramdam ni Iker, sasabog ang puso n'ya sa sobrang sayang nararamdaman. She said I love you! At long last narinig n'ya rin ang mga katagang iyon mula sa bibig ng dalaga.

Does that mean matagal na s'ya nitong gusto? All along she like him at pinipigilan lang nito ang sarili? Even though she forgot about everything... sabi nga nila 'ang tunay na pusong nagmamahal ay hindi nakakalimot'.

I love you.

Kahit ilang beses pang ulit-ulitin ni Iker ang mga katagang iyon sa isipan n'ya... parang panaginip pa rin sa kanya ang lahat. Dali-dali n'yang kinuha ang cellphone n'ya saka tinawagan si Iya na kasalukuyan ng nakahiga sa kama. Nang makita ng dalaga ang tumatawag ay kaagad na nawala ang antok na nararamdaman n'ya.

[Ivan! Bakit?]

"Say it again."

[Anong sasabihin ko?] Takang tanong ni Iya mula sa kabilang linya. May sinabi ba s'ya na hindi nito narinig?

"T-that y-you loved me." Kandautal na wika ni Iker. Nahihirapan s'yang huminga dahil sa sobrang anticipation at kaba.

[I love you.] walang pag-aalinlangang ulit pa ni Iya mula sa kabilang linya.

"Again."

[Ang kulit. Ano bang meron? Para namang hindi kita sinasabihan ng ganyan dati]

"Hindi naman talaga." Iker answered honestly. Although he lied about their relationship, his feelings for her is true. At wala s'yang balak manipulahin kung ano man ang mararamdaman ni Iya sa kanya. Ang gusto n'ya lang ay masigurong ligtas ito kaya n'ya ginawa ang kasinungalingang iyon. By telling her he's her boyfriend, wala itong ibang lalapitan at sasandalan kundi s'ya. Sa mundong iyon na ginagalawan n'ya at si Iya ay babagong salta...wala s'yang ibang gustong mangyari kundi ang makitang ligtas ito at palaging nasa maayos na kalagayan.

[Are you joking again? Hindi na nakakatawa okay? My head is full of you. My heart is occupied by you. My entire being wants you. And I don't think saying I love you is enough para mapaikli kung anuman ang mga nararamdaman ko para sa'yo. I felt safe kapag andyan ka. Mas masaya ako kapag masaya ka. Ayokong nagagalit or magagalit ka sa akin. You're important to me. Basta, hindi ko ma-express lahat-lahat. So to make it short, thank you and I love you...Ivan.]

Nag-c-confess ba si Iya?

Iker suddenly laugh. Iyong tawang walang inhebisyon. Tawang mula sa puso.

"Are you confessing now, Miss Magtanggol?" Para ng mahahaklit ang mga labi ni Iker sa sobrang lawak ng pagkakangiti.

[Bakit? Paano kita naging boyfriend kung hindi ako nag-confess noon?]

Sandaling natigilan si Iker.

"Well, ikaw lang naman ang nag-suggest na maging mag-boyfriend tayo. You never said I love you before." Nakakalokong wika ni Iker.

Gustong-gusto n'yang makita ang magiging reaksyon ni Iya kapag bumalik na ang ala-ala nito at maalala ang sandaling iyon.

[Ako ang nag-suggest? So pumayag ka lang na maging girlfriend ako dahil sinuggest ko? Hindi mo talaga ako mahal?]

Naghihinanakit na tanong ni Iya mula sa kabilang linya. Huminga ng malalim si Iker. This stupid Delaila. Bakit ba ang manhid n'ya? Humawak s'ya sa railing ng bintana at walang kahirap-hirap na sumampa doon.

He gracefully walk on the tree trunk, like a god walking handsomely under the moon. Walang kaingay-ingay na tumalon si Iker sa balkonahe ng kwarto ni Iya. Sunod-sunod na katok ang ginawa n'ya. Sa panlimang katok ay saka pa lang bumukas ang pintuan.

"I love you." Pagkabukas na pagkabukas ni Iya sa pintuan ay iyon kaagad ang sinabi n'ya. "Hey!" Kaagad na niyakap ni Iker si Iya ng mapansing tila maiiyak ito.

"Sinuggest ko lang ba talaga 'yun? " her eyes are watery and red. Her voice croaky and small. "Hindi mo na ba ako mahal?" she looked like an abandoned puppy right now.

Iker stiffened.

Hindi n'ya lubos-maisip na didibdibin ni Iya ang biro n'yang iyon.

Like seriously?!