webnovel

Her Gangster Attitude

Since her grandmother is in a coma, Maria Delaila Magtanggol is willing to do everything, give up her pride and enter a world so new to her. In her struggles and troubles, can she overcomes them using her charm and her gangster attitude? It's a story of friendship, brokenness, family and love.

Periwinkle0024 · Masa Muda
Peringkat tidak cukup
67 Chs

Chapter 50: Not Unless

YANA

Nininerbiyos na kinagat ko ang kuko sa kanang hinlalaki ko. Madilim na ang paligid pero wala pa si Iya. Kanina pa ring ng ring ang phone n'ya pero ni isang tawag sa aming apat walang nakatanggap ng pagsagot mula sa kanya. Kanina ko pa kinukulit si kuya Yazu kung naihatid ba n'ya si Iya sa mismong bahay ng tiyahin nito na kaagad naman nitong sinagot ng 'oo'. Kung nakarating ito doon, bakit hanggang ngayon ay wala pa si Iya?

Magugulpi ko na yang tiyahin n'yang matapobre eh.

Alam ko naman na kahit hindi i-elaborate ni Iya ang pagkukwento, damang-dama ko naman na masama ang ugali ng tiyahin n'ya.

"Hindi kaya natatakot s'yang umattend dahil pinilit natin s'yang makipag-usap kay Iker? " Nininerbiyos ding tanong ni Josefa. Kitang-kita ko sa maganda n'yang mukha ang pag-aalalang nakasalamin din sa mukha ko sa mga oras na ito.

Nakabihis na kaming lahat. Si Iya na lang ang kulang. Ang ibang mga kaklase namin ay parating narin.

Oo nga pala! Baka naman may kinalaman si de Ayala sa pagkawala ni Iya? Hudas na 'yun. Hindi ba s'ya marunong trumabaho ng patas? Alam ba n'yang baliw na baliw si Iya sa kanya kaya dinadaan n'ya sa dahas? Gigil na dinampot ko ang walis tingting na nakita ko sa may gilid ng school gate.

"Anong gagawin mo d'yan? Lilipad ka? " nakakunot-noong tanong ni Josefa. Buset na 'to. Wala namang tamang lumalabas sa bibig hindi na lang manahimik.

"Hanapin natin sa loob si de Ayala. Baka alam n'ya kung nasaan si Iya. "

Hindi na nagdalawang-isip pa ang mga kaibigan ko. Yes I said it right. Mga ka-i-bi-gan. Nagtataka nga ang mga kuya ko kung bakit nagkaroon ako ng mga kaibigan. Kalimitan kase puro mga alagad lang ang nakukuha ko. Mga estudyanteng gustong sumali sa grupo ko o mga estudyante na gustong wasakin ang gang na binuo ko.

Ito ang kauna-unahang pagkakataon na nagkaroon ako ng mga kaibigan, thanks to Iya. She's like a glue that keep all of us intact. Matagal ko ng kaklkase sila Celeste, Sue at Josefa pero ngayon ko pa lang sila nakikilala ng personal.

Nang marinig nila ang pangalang 'de Ayala' ay nagkanya-kanya din sila ng bitbit ng dust pan, may nakuha pang kalaykay si Josefa at walis tambo naman ang nadampot ni Sue.

"Mga hija saan nyo dadalhin ang mga gamit ng hardinero? " nagtatakang tanong ni kuyang guard ng isa-isa kaming pumasok sa loob na may bitbit ng kung anu-ano.

"Hihiramin lang po namin. Kasama po talaga 'to sa costume. " maarteng wika ni Josefa. S'ya na ang nauuna sa paglakad ngayon.

Dinaig pa namin ang naka squad goals. At ang goal? Sirain ang party na 'to at hanapin si de Ayala. Kaasar 'yun, ngayon na nga lang kami ulit aatend sa walang kwentang Acquaintance Party na 'to, kung saan pa naisipang dalhin si Iya.

"Hayun, ang matchong manloloko. " nguso ni Josefa sa kung sino.

"Manloloko? " kunot-noong tanong ni Ces.

"Jaire Calvin Hanabishi. Kalahating hapones kalahating manloloko. Bawat university or academy, may jowa ang lalaking 'yan. Tsk. Siguro may STD na 'yan. " naniningkit ang mga matang wika ni Josefa habang tinititigan ang unggoy na isa sa mga kaibigan ni de Ayalang gorilya.

"Paano mo naman nasabing may STD na 'yan? " hindi ko mapigilang itanong. Ang dami talagang alam ng baklang 'to.

"Syempre, 'yang mukhang 'yan ba naman eh hindi papayag na hindi maka-score?"

Naiiling na inunahan ko na sila sa paglapit sa lalaking kay STD daw. Ano bang malay ko kung may ganun nga s'ya o wala, basta ang importante hindi ko 'yun makukuha sa simpleng pakikipag-usap lang sa kanya.

"Electric fan. "

Walang patumanggang tinusok ko s'ya sa puwet ng hawak kong walis tingting.

"F^ck!" napatalon sa gulat ang hudyo.

"What the heck are you doing? " galit na lumingon s'ya sa akin. Kulang na lang ay dambahin n'ya ako at sakalin ng makilala n'ya ako. "And I'm not a freaking electric fan. "

"Eh bat hanabishi ang apelido mo? "

"What?! "

Okay. I know I'm such a loser when joking.

"May itatanong ako. " nagseryoso na ako. Mag-aalasais na ng hapon wala pa si Iya. Hindi ko pinansin ang yamot at inis na nakikita ko sa pagkumukha nitong lalaking kaharap ko. Mas naiinis ako sa Boss n'yang baliw.

"What? " he asked coldly.

Bago pa ako makapgtanong ay may nagtanong na kaagad sa likuran ko.

"May STD ka ba? Safe ka bang tikman? Nakailan ka na? " tanong ng may pinakamalantod na boses na nakilala ko.

"Yeah. May std ka ba... Hey! What the heck Joseph-fa?! " asar na sinipa ko sa tuhod si Josefa na kaagad namang nakalayo.

"What the hell? " si Josefa naman ang tinitigan ni Hanabishi ng masama ngayon.

"The f^ck, the heck, ngayon naman the hell. Wala bang ibang lumalabas d'yan sa bunganga mo na maganda? Asan si Iya? Ilabas n'yo ang kaibigan namin! " hindi na ako nakatiis. Huwag s'yang magkakamali ng sagot dahil tatamaan talaga s'ya sa akin.

"Am I your friend's keeper now? " Pataray na pagbabalik tanong nito.

Aba't--!

Gigil na kinuwelyuhan ko s'ya. Hindi yata alam ng hudyong 'to na black belter ako sa taekwando ah. Balian ko kaya 'to ng mga braso?

"Sasagot ka ng maayos o maayos kang sasagot?! "

"Hindi ko alam okay? Imposibleng alam namin kung nasaan s'ya dahil dalawang araw ng wala sa loob ng bansa si Iker. Sa ibang lugar n'yo s'ya dapat hinahanap. " naka-poker face na sagot ni Hanabishi.

Huh?

Nasa ibang bansan si de Ayala? Kung ganoon nasaan si Iya?

Nagmumuni-muni pa ako ng biglang tumunog ang cellphone ni Hanabishi. On the spot ay sinagot n'ya iyon.

"J, nasaan ka na ba? " mainit na talaga ang ulong tanong n'ya sa nilalang na tinawag n'yang J.

"What? Anong nangyari? Sampung milyon? Bakit? Kinidnap s'ya at si Iker ang pinapapagbayad ng sampung milyon? Ano ba talagang relasyon meron silang dalawa? O-okay. Okay! I'm on my way. " muling ibinalik ng hudyo ang cellphone sa loob ng bulsa n'ya.

Hindi muna s'ya umalis.

Tinitigan n'ya muna kami isa-isa. At dahil sa ginawa n'ya na masyadong obvious. Bigla na lang akong ninerbiyos.

"Ang kaibigan n'yo... " sandali syang huminto sa pagsasalita. "Ay nakidnap. " Mabilis n'yang dugtong.

Come again?

"Sinong nakidnap? "

"Friend namin? "

"Umayos ka sa sinasabi mo Jaire Hanabishi. Gusto mo bang reypin kita d'yan?! "

Huminga s'ya ng malalim saka ulit seryosong nagsalita.

"Nakidnap ang kaibigan n'yong si Iya at si Iker ang hinihingan ng ransom money. Sampung milyon. "

Natulala kaming apat dahil sa aming narinig. Si Iya, kinidnap? Paano nangyari 'yun eh hindi naman s'ya anak mayaman.

Not unless...

May relasyon talaga sila ni de Ayala at pilit lang n'yang pinagtatakpan.