webnovel

Her Gangster Attitude

Since her grandmother is in a coma, Maria Delaila Magtanggol is willing to do everything, give up her pride and enter a world so new to her. In her struggles and troubles, can she overcomes them using her charm and her gangster attitude? It's a story of friendship, brokenness, family and love.

Periwinkle0024 · Masa Muda
Peringkat tidak cukup
67 Chs

Chapter 43: Suddenly Calling Her

IYA

Everything seems so dull. Why do I have to punish myself this much? May batas ba na nagsasabing bawal magmahal? At anak ng kambing, I'm only fifteen to have this kind of feelings! Bakit naman kase ang lakas-lakas ng impact sa akin ng isang Ivan de Ayala?

Haist.

Hindi naman bawal magkagusto hindi ba? Wala naman 'yun sa edad. Kapag na-inlove ka, lalo na for the first time, I think it's the most genuine feeling in the world. Huminga ako ng malalim saka sinundan ng tingin ang mga kaibigan kong nauuna lang ng ilang hakbang sa akin.

Lucky me. If I don't have them beside me, ano na lang ang mangyayari sa buhay ko?

Nung unang beses akong tumuntong sa classroom, naisip ko nun na gagawin ko silang mga kapaki-pakinabang na nilalang. Lalo na pagdating sa pangngailangan ko. Pero kahit wala akong ibang ginawa, or inutos or kung anuman. They stay on my side and they make me feel I belong. That I am loved. That I am important to then. Truly, friends are your siblings from different wombs.

They're not just a friends now. They're my new family. Mas mabuti pa sila kesa sa nanay ko na nagbigay ng buhay sa akin. Yung totoo, pinanganak lang ba ako para maging blood donor ng bunso n'ya? Hindi man lang ba n'ya alam na ako ang panganay n'yang anak?

Tsk.

Ipinilig ko ang ulo ko. Kaagad kong inalis sa puso kong nasasaktan-NA NAMAN ang atensyon ko. Wala naman ng magbabago sa katotohanang 'yun. Bakit ba ako umasa?

Oo sinanay ko na ang sarili.

Oo, pinilit kong maging manhid.

Kaya lang bigo ako eh.

Dahil deep within me. Umaasa ako.

Na baka sakali, mahalin n'ya rin ako. Na baka sakali, magbago ang isip n'ya at tawagin n'ya rin akong 'anak'.

It's pointless.

'Yung matandang 'yun? Magbabago ng isip? Eh ni hindi n'ya nga ako maalalang bisitahin diba? Kung hindi pa magkakasakit ang anak n'ya, hindi naman s'ya maliligaw sa Baryo Katahimikan.

I bit my lower lip. Kahit na pulit-ulit ko ng sinesermunan ang sarili ko. Bakit ba ang kulit-kulit ko?

Wala ngang magbabago...

Dahil unang-una...hindi ko makita sa mga mata n'ya sa tuwing tumititig sa akin ang pagiging isang ina. Hindi ko makita ang concern at pagmamahal na dapat ay naroon. Wala akong makitang familiarity. I don't even feel a lukewarm gaze from her. She always looking coldly at me. May kasalanan ba akong nagawa sa kanya? Bakit pa n'ya ako isinilang kung hindi n'ya naman pala ako paninindigan?

I often think, how...how wonderful feeling it is to have a mother who will constantly tell you it's fine to fall in love. That falling in love is not that frightening. That it's okay to take a risk. That it's a normal thing.

Pero bukod sa mga kaibigan kong walang ibang ginawa kundi ang spoiled-in ako. Wala akong magulang na magpapayo, magpapaalala, magboboost ng confidence, magmamando o manenermon sa akin.

Sabi ng mga kaklase ko noong grade 7, nakakainis daw ang mga magulang nila. Panay sermon dito, sermon d'yan. Hindi ko lang masabi na mas mabuti na 'yung may nagsesermon sa bawat pagkakamaling nagagawa mo kesa naman nasa sa'yo nga ang lahat ng pagkakataong gawin ang mga bagay-bagay, wala ka namang kasamang tumimbang sa kung ano ang tama at kung ano ang mali.

"Hey Iya! Ano na?!"

"Naliligaw na naman 'yang isip mo!"

"Faster."

"Be careful."

Muli akong nagtaas ng paningin. Nag-iinit na naman ang sulok ng mga mata ko. Buti na lang andito ang apat na bruhang 'to.

"Anoo?! Bakit naiiyak ka na naman?!" Super duper mega-stress ng tanong ni Josefa.

"Bakit mo ba pinahihirapan ng ganyan ang sarili mo ha? Eh ano kung magkaiba kayo ng mundo ni de Ayala? You just have to work hard para makasabay ka. Eh ano kung mas mayaman s'ya? Kaya nga tayo nagpapayaman hindi ba? Gagawa tayo ng sarili nating empire at lahat ng hindi pwede, gagawin nating posible!"

Napatitig ako kay Yana.

Ang sarap naman sa pandinig ng sinabi n'ya. In this lifetime, posible ba talagang magawa namin ang ini-imagine n'ya?

Napangiti ako ng mapait. I've never

felt this hopeless and tired.

"Yanabelle's correct." Nakangiting wika ni Josefa na mas lalo lang gumanda dahil sa nakakasilaw n'yang ngiti. Ang desente pala n'yang tingnan kapag ganitong napaka-behave.

"Who the hell is Ya--ah, ah, ang sabi ko bilisan na natin. Baka hindi natin maabutan 'yung contact ni daddy sa subastahan. Nandoon na si kuya Yuan, sasamahan n'ya raw tayo."

"Hmmm?"

"What?" Pinagtaasan din ng kilay ni Yana si Josefa na kakaiba ang tinging ipinupukol sa kanya.

"Sa palagay mo ba makakapag-move on ng mas mabilis si Iya kung mababaling kay kuya Yuan mo ang atensyon n'ya? May I remind you na masasaktan lang ang kuya mo dahil head over heels itong si Iya girl kay Iker babes. Bakit hindi mo na lang kaya sa akin ireto?"

Hindi ko mapigilan ang mapangiti ng makita kong pinanlisikan ni Yana ng mga mata n'yang naka-eyeliner ang dyosang baklita.

"Bakit? Hindi ba kayang tapatan ng kuya ko ang de Ayala na 'yun?"

"Guy---," bago ko pa matapos ang sasabihin ko ay naramdaman ko ang malakas na pagba-vibrate ng cellphone ko sa loob ng bulsa ng suot kong palda.

Hindi ko mapigilan ang kabang bigla na lang gumulo sa dibdib ko.

Is it him?

Bakit s'ya tumawag? Bakit ngayon lang?

I gulp.

Ayokong kunin ang cellphone ko. Ayokong makarinig ng rejection o kung ano mang hindi maganda mula sa bibig n'ya mismo. Kaya nga ako na mismo ang lumayo para hindi ko na marinig sa kanya ang mga bagay na ayokong malaman or marinig eh. Hindi ko kakayanin kapag nangyari ang ganoong senaryo.

"Baka importante, Beshy." Naka-pout pa rin na wika ni Josefa. Hindi pa rin sila tapos magtalo ni Yana.

"Ahm..." sasabihin ko ba sa kanila ang nararamdaman ko? Hindi kaya isipin nila na masyado akong petty na tao?

"Tingnan ko kung sino ang tumatawag." hindi makatiis na wika ni Ces.

S'ya ang kumuha ng cellphone mula sa bulsa ko saka tiningnan ang caller.

"T'yangKongMagaling." mahinang basa ni Celeste.

Nang marinig ko kung sino ang tumatawag. Hindi pa rin napanatag ang kalooban ko. Bakit naman ngayon pa s'ya tumawag. Sa dinami-dami ng pwedeng tumawag of all people. Opps. Oo nga pala. Aside sa number ng apat na bruha. Number ni Tiya Daning at number ni Ivan na s'ya mismo ang naglagay sa phonebook ko...sino pa ba ang ibang pwedeng tumawag?

Tsk.

Huminga ako ng malalim saka kinuha ang cellphone kay Ces. Hindi pwedeng hindi ko ito sagutin. Napapayag ko na s'ya na pansamantala akong titira kila Yana basta uuwi ako kaagad kapag nagkaroon ng emergency. Na ipinagpapasalamat ko naman dahil sa lumipas na maraming linggo ay hindi inaatake si Wella ng sakit n'ya. Ang monthly check up n'ya naman ay sa katapusan ng buwan pa gagawin.

"Hello." Pilit kong itinago ang pait sa boses ko. Ang hinanakit. Ang sama ng loob. Ang galit. At marami pang sari-saring emosyon.

"May gagamitin ka na bang gown para sa darating na Acquaintance Party n'yo?" the voice on the other line is casual and cold. As always.

"Meron na. Why T'yang?" pinilit ko ring magpakakaswal. Pero hindi ko maitago ang pagtataka sa boses ko.

All of a sudden tatawag s'ya at magtatanong kung may gown na ba ako?

"Okay. Dito ka na sa mansyon mag-ayos. Dahil kasama sa top 3 si Wella, isa rin s'ya sa mga aattend sa gabing 'yun. Magpaayos ka na lang din sa mag-aayos sa kanya."

Hmm. Bakit sa halip na matuwa ang kalooban ko ay lihim akong kinabahan? Anong meron at biglang-bigla naman yata ang pagtubo ng pakpak n'ya. Bakit ang bait n'ya yata?

Wala naman akong makitang mali sa sinabi n'ya. Totoo naman na ang top 3 students mula grade 7 ng pilot at A section ay mandatory na umattend ng Acquaintance Party.

Pero anong meron at papaayusan n'ya rin ako sa stylist at make up artist na mag-aayos kay Wella?

"May mag-aayos na po---,"

"I don't need your excuses. Be here as early as possible. Ayokong ma-late ang anak ko para sa gabing 'yun."

"Pe---,"

Tot. Tot. Tot...

Pinatayan na ako ng bruha ay mali, ginagamit ko nga palang endearment iyon sa mga kaibigan ko. Aswang pala dapat ang itawag ko sa kanya. Ang aswang kong nanay. Wala na akong ibang magawa kundi ang panlisikan ng mga mata ang cellphone na hawak ko na para bang sa paraan na iyon ay maiibsan ang asar at inis na nararamdaman ko.

"Anong nangyari? Bakit daw?" Nag -aalalang tanong ni Josefa.

"Ayun. Mukhang hindi ako makakasabay sa inyo sa Acquaintance. Tumawag ang aswang kong tiyahin. Sa bahay daw nila ako magpapaayos. Bawal daw tumanggi. Hah! Sorry guys. Kita na lang tayo sa gate."

Nagkatinginan ang apat. Pagkuwan ay sabay-sabay na napasimangot. Kitang-kita ko ang lungkot at inis sa magaganda nilang mukha.

"Sayang naman. May naisip pa naman akong theme para sa ating lahat. " nalulungkot na wika ni Josefa.

"Anong theme?" Curious na tanong naming lahat.

"Well, naisip ko lang kung makukuha talaga natin ang mga listahan ng costumes na ibinigay ko kay Yanabelle, magagawa ko ang obrang naiisip ko. "

Pinagtaasan namin ng kilay si Josefa.

"Iya's going to be Belle, the gangster Beauty who's always against the Beast. I'm going to be Maleficent. No question needed. I just like her character. Yanabelle is going to be Elizabeth Swann from the Pirates of Carribean----,"

"Who told you I want to be her?!"

"Huwag ka ngang magreklamo d'yan. Mukha ka namang barbarian. Baka nga hindi pumayag ang character ni Elizabeth Swann na gayahin mo,"

"WHAT. THE. EFF?!"

"Sue will be our Aurora. The mute Sleeping Beauty---"

"I-i'm not a m-mute!"

"And Celeste will be our Fiona--,"

"WHAT. THE. HELL?!"

"I'm thinking about Daenerys Targaryen as well. Babagay sa'yo ang character n'ya. Classy. Sophisticated. Fierce."

Nagkatinginan kaming apat. Palihim akong nangingiti dahil sa ingay nilang lahat. Kakaiba talaga si Josefa. Napapagaan n'ya ang mabigat na atmosphere.

"Pero bagay din naman si Princess Fiona sa'yo 'no. Puro Sherk naman kase ang lalaking pupunta dun sa party." Hindi ko alam kung nagbibiro lang ba si Josefa o humithit lang ng isang kahong katol kagabi.

"Sherk? Sherk pero silang lahat titikman mo?" Nakataas ang kilay na tanong ni Yana.

"Why not? Ogre lang si Sherk pero malaman din naman ah. "

"You're so..."

"I hate you...!

Napailing na lang ako habang nauna ng maglakad sa kanila. Dahil sa apat na 'to, gumagaan kahit papaano ang bigat sa dibdib ko. Hindi siguro nila alam, pero sobra-sobrang nagpapasalamat ako sa kanila. Paano kaya ako makaka-survive sa lugar na 'to kung hindi ko sila nakilala?

"You're spacing out, Iya."

"Halika na. Daliii!!!"

"Bilis na! Baka andun na si Sir Kyle."

"Excited na ako kanina. Pero sinisira nitong si Josefa ang araw ko." Nakasimangot na sambit ni Ces.

Napahagikhik na lang kami dahil ang ganda-ganda n'ya pa rin kahit na nakamangot pa s'ya.