webnovel

Her Gangster Attitude

Since her grandmother is in a coma, Maria Delaila Magtanggol is willing to do everything, give up her pride and enter a world so new to her. In her struggles and troubles, can she overcomes them using her charm and her gangster attitude? It's a story of friendship, brokenness, family and love.

Periwinkle0024 · Masa Muda
Peringkat tidak cukup
67 Chs

Chapter 37: You're The Only One

IYA

Teka nga bakit magro-roller coaster kami eh hindi ba dapat ay sa Anchor's away kami sasakay? Wala na akong nagawa ng hilahin n'ya ako doon. Naka-VIP card siguro ang lalaking 'to dahil hindi na kami pumila sa mahabang pilahan. Sa ibang pintuan din kami pinadaan. Nagagawa talaga ng pera ng mayaman eh.

Enjoy naman ang pagsakay sa Rollercoaster. Ang haba. Tawa lang ako ng tawa. Pansamatala kong nakalimutan lahat ng mga problema ko. Nang matapos kami sa rollercoaster ay saka kami nagtungo sa Anchor's away. Tatlong rides pa ang sinakyan namin.

"Next? "

Napatingin ako sa suot kong relo. Mag-a-alas diyes na. Nasaan na kaya si Sue? Saktong iniisip ko s'ya ay nag-ring ang phone ko. Si Sue.

[Iya, mauna na kami ni Gio ha. Mag-iingat ka pag-uwi. Salamat ha. Kita tayo bukas sa school]

Ni hindi pa ako naghe-hello pinatayan na ako kagaad. Napatingin ako sa gate ng amusement park. Nakita ko doon si Sue. Masaya s'ya habang kumakaway sa akin. Akala ko ba nahihiya s'ya sa fiancé n'ya? Eh bakit parang normal na normal lang sila kung mag-interact sa isa't isa?

"Gusto mo na bang umuwi? "

Tumango ako sa tanong ni Ivan bilang sagot. Gusto ko mang pahabain ang gabi na kasama ko pa s'ya, hindi pwede dahil inaantok na ako.

"Let's go. "

Magkahawak kamay pa rin kami ng lumabas. Suot-suot n'ya na ulit ang maskara habang hindi ko naman tinatanggal iyong sa akin. Dahil siguro sa napaka-weird at masyadong ordinaryo naming itsura, walang pumapansin sa amin. Nang makalabas kami sa malaking gate ng amusement park ay may gwapong kotse na kaagad huminto sa aming harapan.

Hindi ko mapigilan ang mapasipol. "Handsome, " kumikinang ang mga matang bulalas ko. Masisisi ba nila ako? Alam ko naman na mahirap lang akong nilalang pero wala namang nagbabawal sa mga taong dukha na humanga sa ganito kagara at kakisig na sasakyan diba?

"Huh? "

Lumingon ako kay Ivan. Nakakunot-noo s'ya. Ang benge nemen magkatabi na kami eh.

"Kotse mo? Gwapo. Sarap sigurong maging boyfriend n'yan." nakangisi kong turan at muling pinasadahan ng tingin ang sasakyan.

"Mas masarap akong maging boyfriend. "

Muntik na akong mabilaukan dahil sa narinig ko. Dahan-dahan akong lumingon sa kanya at saglit akong natulala dahil sa nakita kong pagdidilim ng gwapo n'yang mukha. As in mas madilim pa ata 'yun kesa sa madilim na kapaligiran. Ang sama pa ng tingin n'ya sa kotse n'ya.

"Ang kotse o ako? "

Huh?

Bakit biglang kailangan kong mamili sa kanya at sa kotse n'ya?

"Choose. Is it me or this good for nothing damned car? " nagtatangis ang bagang na tanong n'ya.

"Hala s'ya. Eh 'di syempre ikaw. Ikaw may-ari diba? Mas gwapo syempre ang may-ari. " wika ko saka ngumiti. Pero feeling ko hindi naman ako mapangiti. Mas lamang siguro na nakangiwi ako. Paano ba naman kase, dinaig pa ng lalaking 'to ang magme-menopause. Pambihira naman, don't tell me na pinagseselosan n'ya ang kotse n'ya? Seryoso ba s'ya?

Unti-unting kumalma ang mukha n'ya na para bang nakarinig ng magandang balita. Tsk. Napaka-childish naman. Nangingiti na lang ako ng sumakay sa sasakyan n'ya. S'ya ang nagbukas noon.

"Saan po tayo, Boss? "

"House, "

Hindi na ako nagreklamo. Magkatabi lang naman ang villa n'ya at villa ng magaling kong nanay. Mas maganda na siguro kung sa puno ng mangga na lang ulit ako dadaan. At isa pa, kailangan ko rin makita si Ibang. Kamusta na kaya s'ya?

"Kamusta si Ibang? " binalingan ko si Ivan na noon ay nakahalukipkip at nakasandal sa sandalan ng upuan. Saglit na kumunot ang noo n'ya. Pero mabilis din iyong nawala.

"Fine. It eats a lot. "

"Sure ka? Hindi mo ba ginugutom? " pabirong tanong ko.

"I bought it five sacks of catfood. Paano pa s'ya magugutom nun? "

Muntik na naman akong matig-akan dahil sa narinig ko. Anong limang sako? Mukha bang leon sa paningin n'ya ang kuting na 'yun?!

"Hey,"

I turned into a stone when I felt his hand gently tapping my back.

"Why are you choking? "

"W-wala. N-nalunod yata ako sa limang sakong catfood. " umuubong saad ko.

Saglit na huminto si Ivan sa ginagawang pagtapik-tapik sa likod ko. Maya-maya pa ay inalis na n'ya ang kamay n'ya at naupo na naman ulit ng tuwid. Isinandal nya sa may bintana ng sasakyan ang braso n'ya saka ako tiningnan ng pa-side view.

I swallow hard.

His every move is perfect. He's always like that. Alam ko naman na likas na sa kanya ang gumalaw at kumilos with elegance and grace. And every time na sinusundan ko s'ya ng tingin, palagi pa rin akong tila naeengkanto. Hinding-hindi ko makakalimutan ang paraan ng pagsubong ginagawa n'ya noong unang beses na saluhan n'ya kaming kumain sa Baryo Katahimikan. That moment... it's the first time that I've noticed his gracefulness. Sa tuwing kakain kami noon, hindi ko mapigilan ang sarili kong palihim s'yang sulyapan habang kumakain.

"Bakit ganyan ka makatingin? "

And his voice. Nasabi ko na ba kung gaano yun kalamig sa pandinig? Although it sounds cold and distant, alam ko naman that deep within him. He's a good person. Iyon ang pangalawang nagustuhan ko sa kanya. He's voice. Ummn. Wait. Hindi pala ako sure kung yung paraan ba ng pagsubo at pagnguya n'ya ang una kong nagustuhan o yung dating at timbre ng boses n'ya. Doesn't matter. Alinman sa dalawa, hindi na mababago noon ang katotohanang I'm falling so deep with this emotionless guy.

"Gwapo mo. " biglang sabi ko sabay ngisi.

Tutal naman nag-enjoy ako sa ginawa namin ngayon, hindi na siguro masamang purihin ko s'ya ngayon.

"Alam ko na 'yan. "

"..." lakas.

"Ibig bang sabihin n'yan.. gusto mo na ko? "

"..." Ang lakas talaga.

Grabe. Liliparin ako sa sobrang lakas ng self confidence n'ya. Sana ako rin magkaroon ng ganyan kalaking confidence para sa sarili ko.

"Boss ibababa po ba natin sa gate ng mga del Rosario si Boss Mam o dideretcho tayo sa mansyon?"

"Syempre, diretcho tayo kuya. Sige na. Nam-miss ko na ang Ibang ko. " hindi ko hinayaan na makasingit si Ivan. Mamaya pauwiin na lang n'ya ako eh. Ayoko pa umuwi.

"Where on Earth did you get that name? "

Tumingin ako kay Ivan. Don't tell me kagaya din s'ya ni Josefa na halos isuka ang pangalan ng anak ko? I smiled widely at him. Uunahan ko na s'ya bago pa s'ya makapag-reklamo. "Dahil ikaw ang tatay n'ya, sinunod ko sa pangalan mo. "

Urkk...

Tama bang explanation 'yun?

Bigla tuloy akong nanliit dahil sa sinabi ko. Hindi kaya pasabugin na ng taong 'to ang bungo ko dahil sa kakapalan ng mukha ko? Pero teka lang...

"Who's the mother? "

"Syempre ako. Bakit may kerida ka ba? "

Anak ka ng pitumpo't pitong tupa, Delaila. Ano bang pinagsasasabi mo? Hindi ka ba natatakot na baka isako na ng taong 'yan ang malamig mong putol-putol na katawan bukas?

And to my greatest surprise. He just grin lopsidedly at me.

"Is that so? "

Lumunok na naman ako. Only this time, hinihiling ko na sana malunok ko na rin ang buong pagkatao ko. Bakit naman mali ang tanong mong lalaki ka. Bakit hindi mo kaya ako kutusan o kalbuhin. Ipaglalaban ko ang katwiran ko. Bakit ka ganyan? Maluluto talaga sa'yo ang mga braincells ko. I mentally wipe my tears na gawa na sa dugo. Kahit sino naman siguro mahihirapang sundan ang iniisip ng nilalang na kagaya nitong nasa harapan ko.

"Nandito na po tayo. " kaagad na nagtungo si kuyang driver sa may pintuan ni Ivan at binuksan iyon. Mabilis namang nakalapit si Ivan sa pintuan ng kotse na nasa tabi ko. He open the car door for me. Pero bago pa ako tuluyang makalabas ay may sinabi na naman s'ya na hindi ko inaasahan.

"You're the only one. Masakit na nga sa ulo ang isa magdadagdag pa ba ako? "

"Ouch! " muli akong napaupo pabalik dahil sa lakas ng impact ng pagkakauntog ko sa itaas na bahagi ng pintuan ng sasakyan.

"Tch. You don't know the word 'careful ', do you? " mabilis s'yang nakalapit and next thing I knew. Marahan na n'yang ini-inspeksyon ang nauntog kong noo. "Come out. And be careful for Pete's sake. " mainit ang ulong sabi n'ya habang inaalalayan ako palabas.

Tsk.

Bakit hindi n'ya kaya sisihin ang sarili n'ya? Hindi naman ako mauuntog kung hindi dahil sa malantod n'yang pananalita. Sino bang nagturo sa kanya ng mga ganyan? Hindi lang utak ko ang masisiraan sa kanya. Pati puso kong nananahimik gustong-gusto ng sumabog dahil sa anticipation.

Sapo-sapo n'ya ang ulo ko habang papalabas ako ng sasakyan. Nang tuluyan akong makalabas ay kaagad n'yang kinuha ang kamay ko saka ako iginiya papasok sa loob ng mala-palasyo n'yang bahay.

"Get ice for me. " utos n'ya pagpasok na pagpasok namin sa loob.

Sa kabila ng pananakit ng noo ko ay nagawa ko pa ring iikot ang paningin ko sa loob ng bahay. Kagaya ng may-ari the house is also cold and elegant looking. Mula sa basahan hanggang sa malaking chandelier na nakasabit sa malawak na living room, mukhang hindi lang basta-bastang salapi ang ginastos na pambili. Kung nanakawin ko nga siguro kahit isa sa mga tiles n'yang sahig baka hindi lang daang libo ang pagbentahan noon.

Mabilis na dumating ang hinihingi n'yang yelo. May kasama rin yung bimpo na sa itsura pa lang ay mukhang mas mahal pa kung susumahin ang mga damit na suot ko.

"What happened to your nose? "

Pinagtaasan ko s'ya ng kilay. Inalis ko na ang paningin ko sa mga mamahalin na gamit. Kahit naman anong tingin ang gawin ko sa mga yun. Hindi ko naman masasabi kung ano talaga ang market value ng mga yun.

"Nakalimutan mo na bang hahara-hara ka sa daan kaya nauntog sa'yo ang buong pagmumukha ko? "

Natigilan s'ya sa ginagawa n'yang paglalagay ng yelo sa bimpo.

"Is it really my fault o hindi ka na naman tumitingin sa dinadaanan mo? " nakapagtatakang hindi ko mabanaag sa boses n'ya ang paninisi. He sounds like a concern citizen pa nga eh.

I just pout my lips dahil wala akong maisip isagot sa tanong n'ya.

Tahimik akong umaray ng dumampi sa bukol na nasa noo ko ang malambot at malamig na bimpo. Tahimik lang s'ya habang ginagawa ang trabaho n'ya. Hindi ko naman mapigilan ang mapabuntong-hininga at mariing pumikit habang nakasandal sa head rest ng mamahalin n'yang sofa.

Halos hindi ko namalayan na unti-unti na pala akong nilalamon ng antok.