webnovel

Her Gangster Attitude

Since her grandmother is in a coma, Maria Delaila Magtanggol is willing to do everything, give up her pride and enter a world so new to her. In her struggles and troubles, can she overcomes them using her charm and her gangster attitude? It's a story of friendship, brokenness, family and love.

Periwinkle0024 · Masa Muda
Peringkat tidak cukup
67 Chs

Chapter 2: Away From Home

IYA

"Ito ang magiging silid mo Ineng. Sabi ni Ma'am Wendy hindi ka raw sanay sa malaking silid kaya dito ka na lang. Napalinis ko na ito. Bago ang lahat ng mga gamit dito,"

Sinundan ko lang si Aling Loleng habang naglalakad s'ya palabas ng mansyon. So nasa labas pala ang maid's quarter? Wala namang kaso iyon, mas okay na rin ang ganitong set-up kesa nakikipag-plastikan ako sa nanay kong magaling. May isa pang bahay sa likod ng mansyon. Hindi iyon kalakihan. Hindi rin magara ang pagkakagawa pero desente. Nagtungo kami sa second floor ng bahay. May terrace ang kwartong inilaan para sa akin. Hindi iyon nakaharap sa mansion ng mga Del Rosario, sa mas malaking mansion ng kapitbahay iyon nakaharap.

Hindi naman maliit ang kwartong inilaan nila sa akin. Tama lang ang laki. May isang built in cabinet sa tabi. Sa tabi ng kama ay may maliit na study table. May maliit na book shelf. May maliit din na ref. Cute at malinis ang banyo. Maayos ang kabuuan ng silid. Hindi daw ito special treatment, so kung ganito din ang silid ng bawat katulong sa bahay na ito, napakibit-balikat na lang ako.

Ano namang pakialam ko.

It's only a house and it will never be my home.

"Kung ano lang ang nandito sa ref, ito lang ang pwede mong kainin. Pagdating ng breakfast, lunch at dinner, ihahatid na lang dito sa quarter ang pagkain mo. Medyo strikto kase si Sir, pero alam naman n'ya na darating ka," ngumiti ang ginang.

Medyo hindi ko na-gets ang sinabi n'ya. Parang ang naisip ko lang dahil sa strikto ang Sir n'ya, hindi dapat ako nagpapakita? Ganun ba iyon? O hindi naman kaya dahil alam n'yang anak ako ng asawa n'ya? Bahala sila. Basta regular nilang binibigay ang allowance ko, walang problema kahit ano pa ang tingin n'ya sa akin.

"Paano Iya, aalis na ako. Hindi mo kailangang magtrabaho dito dahil ang kailangan mong gawin ay magpahinga, magpalusog at kumain ng maayos. Kapag may naging problema ka, sabihin mo sa akin at ako ang bahala ha,"

Tumango lang ako sa tinuran ni Aleng Loleng.

"Sa kabila lang ang kwarto ko kaya kung kailangan mo ng tulong or kung may tanong ka. Katukin mo lang itong pintong 'to," itinuro pa ng ginang ang pintuan na katabi ng kwartong nakalaan para sa akin.

"Salamat po Aleng Loleng. Magpapahinga muna po siguro ako, medyo napagod po ako sa byahe," sabi ko saka ngumiti.

"Ay sige, maiwanan na muna kita ha. May gagawin pa ako sa mansyon eh. Darating kase ang pamangkin ni Sir Michael at kailangang maluto na ang mga paborito n'yang pagkain. Magkaseng-edad nga lang pala kayong dalawa ng batang iyon. Dito na rin s'ya mag-aaral sa City X,"

Ngumiti lang ako sa tinuran ng ginang pero hindi na ako nagkomento. Nagtungo ako sa kama saka ibinaba ang packback na dala-dala ko. Ilang damit lang naman ang dinala ko. Kung mag-aaral na ako dito, puro uniform naman ang isusuot ko kaya aanhin ko ang maraming damit?

Nang isarado na ni Aleng Loleng ang pintuan ay lumapit ako doon saka iyon ini-lock. Nagtungo ako sa maliit na ref. Puro prutas ang laman noon may ilang sandwich na may palamang gulay-gulay. May nakalagay kung hanggang kelan ko lang iyon pwedeng kainin. Talagang mahal na mahal nila ang anak nila ah. Pati ako na magdo-donate lang ng dugo kailangan nilang bantayan ang mga kinakain. Kumuha ako ng sandwich. Inilabas ko rin ang pitsel ng organic juice. May babasaging baso na nakalagay sa loob ng ref. Ano kayang iniisip nila at inilagay pa sa ref ang mga ito? Uubusin ba ang mga pagkaing 'to ng mga kasambahay nila na naririto sa quarter kaya ipinagbukod nila ako ng ref? Pero ang nakakapagtaka, paano naman nila nalaman na darating ako ngayon? O matagal na nilang ihinanda 'to? Matagal na siguro silang naghahanap ng blood donor at nakariserba lang ang silid na ito. O baka naman may nauna ng gumamit ng kwarto na 'to? Nagkibit balikat na lang ako. Bakit ko pa ba iniisip ang mga bagay na sapat naman hindi ko na kino-concern ang sarili ko.

Dinampot ko ang baso, isiningit sa kili-kili ko saka ko kinuha ang pitsel ng juice at isang sandwich na naka-plastic wrap ng maayos. Dire-diretchong tinungo ko ang may kaliitang balkonahe. May malaking puno ng mangga sa tapat ng balkonahe, napangisi ako ng makita ko kung gaano katitibay at kagaganda ang mga sanga ng puno. Naupo ako sa bakal na upuan saka inilapag sa lemesitang gawa din sa bakal ang dala-dala kong sandwich at juice.

Kalahating araw pa lang akong nakakaalis sa bahay namin sa Katahimikan, nami-miss ko na agad si lola at Trii. Although hindi na kami kasing ingay ng dati, mas komportable pa rin syempre ang pakiramdam ko knowing na nasa tabi ko lang ang dalawang taong mahalaga sa buhay ko. Ngayong nag-iisa na lang ako dito si City X. Kailangan kong patibayin pa lalo ang loob ko.

Walang kagana-ganang dinampot ko ang sandwich na kinuha ko sa ref. Masarap. Kakaiba sa paborita o toasted bread o sa baston na palagi kong binibili sa Bayan ng Katahimikan. Nag-b-blend ang lasa ng lettuce at kamatis sa sandwich spread na nakapalaman sa loob ng wheat bread. Hindi ko lang masyadong type ang mismong tinapay. Para akong ngumunguya ng buhangin. Pero dahil gutom na ako, nakaubos ako ng tatlong balot ng sandwich.

Nang matapos akong kumain ay pinagmasdan ko ang paligid. Malawak ang Del Rosario Villa. Sa likod ng malaking mansion ay may nakapaikot na malaking swimming pool. Maganda ang landscape ng lugar. Sa isang bahagi ng Villa ay may green house at kitang-kita ko mula sa kinaroroonan ko ang iba't-ibang uri ng mga bulaklak. Sa bandang sulok pa ng villa ay magarang pavilion na napapalibutan ng magagandang halaman. May nakapaikot na makeshift river sa naturang pavilion. Parang lugar sa isang fairy tale ang mismong tanawin.

Maganda naman talaga ang paligid pero bakit parang hindi ko ma-appreciate ang kagandahan noon?

May mali ba sa taste ko o nasanay lang ako sa tanawing meron sa bukid namin? Huminga ako ng malalim nang maalala ko na naman ang pamilyang naiwanan ko sa bukid. Paniguradong nag-iiyak na naman si Trii dahil hindi s'ya sanay ng walang katabi sa pagtulong.

Paulit-ulit ko na lang s'yang sinabihan na binata na s'ya kaya naman dapat na s'yang masanay matulog mag-isa. Iyak pa rin s'ya ng iyak. Noong huling gabing natulog ako sa bahay, halos hindi s'ya bumitiw ng pagkakayakap sa akin. Kapag iniisip ko ang sandaling iyon, parang nararamdaman ko pa rin na nakayakap sa akin ang kapatid ko.

Huminga ako ng malalim saka mariing pumikit para pigilan ang nagbabadyang pagpatak ng luha ko. Ayokong maging mahina lalo na at nag-iisa lang ako sa lugar na ito. Pwede naman akong malungkot, pero bawal akong panghinaan ng loob. Kinuha ko ang pitsel na may natitira pang juice. Ibinalik ko iyon sa ref. Lumapit ako sa book shelf saka naghanap ng magandang babasahin.

Kumuha ako ng librong horror ang genre saka iyon dinala sa labas ng balkonahe. Naupo akong muli sa upuan at ipinatong sa isa pang upuan ang mga paa ko. Alas kwatro na ng hapon at wala akong balak matulog. Wala rin naman akong balak gumala sa lugar na hindi ko naman kabisado at mas lalong hindi ko teritoryo.

"Auntie, hindi n'yo ba ipinagiba ang maliit na gate dito?"

Sandaling nawala ang atensyon ko sa libro nang makarinig ako ng kakaibang boses. Pasimple akong sumilip sa ibaba at may nakita akong limang babae na nakaharap sa pader. Isa sa kanila si Wendy na tinawag na Auntie ng babaeng kaseng edad ko yata. Maganda s'ya at sexy. Kitang-kita ang makurba n'yang bewang sa crop top na suot n'ya. Maikling short at long cut rubber shoes. Para na rin s'yang naka-panty at bra lang.

"Hindi inaalis ni mommy at daddy ang maliit na gate d'yan ate Flaire. Kaso, naka-lock yata 'yan sa kabila,"

Hindi ko alam kung bakit pero biglang bumilis ang kabog ng dibdib ko ng marinig ko ang malambing na boses na iyon. Tinitigan ko ang babaeng nagsalita. Sa tantiya ko, mas matanda ako sa kanya ng tatlo o apat na taon.

"Naka-lock? Wella, sino ang nag-lock?" Malakas ang boses na tanong ng babaeng tinawag na Flaire.

"Sabi po ni Señorito i-lock daw po namin ang gate na 'to. Gusto n'ya nga pong ipatanggal na at ipasemento kaso wala pa pong gagawa. Kaninang umaga lang po niya ito nakita. Baka bukas po ipa-alis na ang gate na 'to,"

Napatingin ako sa lalaking nagsasalita mula sa kabilang mansion.

"Sino ka? Hindi mo ba kilala kung sino ako?" Pagsusungit ng bagong dating. Nakapamewang pa s'ya habang tinatanong ang lalaki mula sa kabila.

"Hardinero po ako dito Ma'am. Kung sino man po kayo, wala na po iyong kinalaman sa kagustuhan ng amo ko na ipagiba ang gate na ito. Noong una pa man po nakiusap na kami na huwag lalagyan ng gate dito,"

Napangisi ako dahil sa narinig ko. Mukhang kakaiba at mas exciting pa kesa sa librong binabasa ko ang nagaganap na drama sa ibaba. Pakunyari akong nagbabasa pa pero ang totoo, nakikinig talaga ako. At paminsa-minsang sumusulyap sa kanilang sa baba.

"Puwes ako ang fiancee' ni Iker. May karapatan akong maglabas-masok dahil fiancee' n'ya ako," gigil na sambit pa ng babae.

"Ma'am, sa pagkakaalam po namin matagal ng umayaw sa kasunduan ang pamilya ninyo. At saka hindi po si Señorito Iker ang fiance' n'yo Ma'am. Si Señorito Iñigo po,"

Muntik na akong mapahagalpak ng tawa dahil sa narinig ko. Seryoso ba 'yun? Ang lakas-lakas pa man din ng loob n'yang magsisisigaw iyon naman pala maling fiance ang inaangkin n'ya. Mukhang mag-i-enjoy ako sa pamangkin na ito ng nanay kong magaling ah. Kakaiba rin ang mga trip sa buhay. At sobrang taas ng tingin sa sarili. Talaga namang nakakabilib.

"Umayaw? Ang pamilya ko? Kailan pa? Auntie, what's happening?" Baling ng babaeng maganda kay Wendy na kanina pa hindi mapalagay.

"Flaire, mas mabuti pa kung ang parents mo na mismo ang tatanungin mo ha. Sige na, pumasok na tayo sa loob para makapagpahinga ka na," malumanay ang pagsasalita ni Wendy na para bang takot na takot sa maaring gawin ng pamangkin n'ya.

Galit na tumalikod at nag-martsa ang babae papunta sa mansion, pero ng mapansin n'ya ako, kaagad s'yang huminto at lumingon kay Wendy.

"Tita, who is she?"

"Ah, pamangkin ko si Delaila,"

"Ohh, the blood donor. Delaila huh, ang bantot ng pangalan n'ya," sinabayan nito iyon ng tawang pang-asar. Para bang sa pamamagitan noon ay mawawala ang inis at kahihiyan n'ya kanina.

Napailing na lang ako. Abnormal yata ang babaeng 'yan. Pero sabagay nga, ang bantot naman talaga ng pangalan ko. But thinking and knowing na lola ko ang nagbigay ng pangalang iyon sa akin, it became a name as precious as my life. Ito lang ang masasabi kong meron ako na galing sa sariling pamilya ko. So it doesn't matter kung mabantot ba o masagwa sa pandinig.

"Since she is your niece, she's my cousin right, mommy?"

Muli na naman akong natigilan ng marinig ko ang boses na iyon. Mula sa sulok ng mga mata ko ay kitang-kita kong nakahinto sila sa ibaba at nakatingin sa kinaroroonan ko. Nagpanggap na lang ako na walang naririnig at nagpatuloy lang sa pakunwaring pagbabasa.

"Yes she's your cousin. Tara na sa loob,"

Halata namang ayaw ng palawakin pa ni Wendy ang exposure ko kaya naman pilit na n'yang pinapapasok sa loob ng bahay ang dalawa.

"Hello ate Delaila. It's so nice to meet you," malakas na sigaw ni Wella pero nagbingi-bingihan pa rin ako.

Ano namang mapapala ko sa pakikipag-plastikan sa kanya? Magkapatid lang kami sa nanay pero maliban pa doon, wala ng iba pang namamagitan sa amin.

"Busy s'ya anak, sa susunod na lang natin s'ya kausapin. Flaire, halika na. Tawagan mo na lang ang parents mo,"

Dahan-dahan kong ibinaba ang librong hawak ko ng maramdaman kong wala na sila sa ibaba. Hindi ako lumingon sa kanila. Huminga lang ako ng malalim at pilit na pinakakalma ang sarili ko. Hindi ko alam kung tama bang makaramdam ako ng galit nang marinig kong tinawag ni Wendy na anak si Wella habang parang patapong tao lang na nadampot n'ya sa tabi-tabi ang pakikitungong ginagawa n'ya sa'kin.

Hindi naman na ako umaasa. Hindi ko naman gustong magkaayos kaming mag-ina. As much as ayaw n'ya sa akin, ganoon din ako sa kanya. Pero bakit ganito?

Bakit ako nakakaramdam ng sakit na never ko namang naramdaman noon sa tanang buhay ko?!