webnovel

Her Gangster Attitude

Since her grandmother is in a coma, Maria Delaila Magtanggol is willing to do everything, give up her pride and enter a world so new to her. In her struggles and troubles, can she overcomes them using her charm and her gangster attitude? It's a story of friendship, brokenness, family and love.

Periwinkle0024 · Masa Muda
Peringkat tidak cukup
67 Chs

Chapter 12: Playing Innocent

IYA

"Delaila!"

Napahinto ako sa paglalakad ng wala sa oras. Aba't ang lakas ng loob ng kumag na 'to na tawagin ako sa buong pangalan ah. Delaila?! Lola ko lang ang may karapatang tawagin ako ng ganoon. At isa pa, dahil sa ginawa n'ya sa tempura ko, wala na s'yang karapatang tawagin akong 'Delaila'. Noon pinapayagan ko s'ya, pero magkaiba na ang sitwasyon ngayon. Nagising na ako. He tolerate us before because he need to. Kailangan n'yang gawin ang mga bagay na 'yun para maka-survive s'ya at makauwi ng maayos hindi nagugutom sa kung saang planeta man s'ya nanggaling.

"Stop or I'll dismember that girl's body behind you,"

Dismember? Eh kung yung balikong utak n'ya kaya ang pagputol-putulin ko. Muli akong humakbang para tuluyan ng makaalis. Halos paubos na ang mga estudyante sa school, karamihan sa mga natira ay pawang mga estudyante sa senior year na nakikiraan sa campus namin.

"One..."

Huh?

Para saan ang pagbibilang na ginagawa n'ya? Para ipaalala sa akin na ang kasunod ng one ay two? Baliw talaga.

"Two..."

"Three, four, five, six! Marunong din ako magbilang uy! Huwag mong ipangalandakan na kaya mo 'yan dahil kaya ko rin y---"

Napahinto ako sa pagsasalita dahil the moment na lumingon ako, kitang-kita ng mga mata ko kung paano n'ya iangat sa ere ang kamay ni Sue. Nanlaki ang mga mata ko nang unti-unti n'ya iyong ipilipit sa ibang direksyon.

"Subukan mong gawin 'yan, sisiguruhin kong magsisisi ka na nagkakilala pa tayo,"

I said coldly. Ewan ko, biglang nanlamig ang puso ko ng makita ko ang ginawa n'ya. Hindi ko alam kung paanong nakarating si Sue sa kanya, pero iisa lang ang natitiyak ko. May kinalaman ang magagaling n'yang mga alipores sa pagkakahuli sa kaklase ko dahil kani-kanina lang naman ay magkasama kami. Tss. Ganito ba talaga silang mayayaman? Gagawin ang lahat makuha lang ang gusto nila? Ni hindi n'ya inisip ang mararamdaman ng taong sinasaktan n'ya. Para bang balewala lang sa kanya kung mabalian nga si Sue.

Dahan-dahan n'yang pinakawalan si Sue habang hindi inaalis ang tingin sa akin. Nakipagsukatan ako ng tingin. Ako si Delaila Magtanggol. Matapang. Matatag. Hindi sumusuko. Kaya bakit ako magbababa ng paningin? Wala akong ginawang kahit na ano sa kanya at mas lalong wala akong utang na loob sa kanya.

"Let's go somewhere else,"

Hindi ko namalayan na nakalapit na pala ang kumag sa tabi ko. Halos hindi ko rin namalayan na iyong tawag kong 'Ivan' sa kanya dati ay naging 'kumag' na ngayon. Naramdaman ko na lang na hila-hila n'ya ako at hindi ko alam kung saan ako kakaladkarin ng nilalang na 'to.

Humantong kami sa harapan ng isang magarang kotse. Hindi na ako nakapalag ng pasakayin n'ya ako sa loob. Magkatabi kami sa back seat.

"To my house,"

Sinamahan ko s'ya ng tingin. At bakit n'ya naman ako dadalhin sa bahay n'ya aber?

"We'll eat dinner at my house."

"Hindi ako nagugutom," malamig kong turan saka humalukipkip. Ano bang trip ng lalaking 'to? Akala ba n'ya nakalimutan ko na ang ginawa n'ya sa tempura ko? Hindi n'ya na nga 'yun kinain and worse itinapon pa. Tapos ngayon pakakainin n'ya ako sa bahay nila? Para ano? Para ipakita sa akin kung gaano kasusosyal ang mga pagkain nila compared sa mga ipinakain ko sa kanya noon? Sorry naman ha, puro kabute, nilagang saging at ginataang kamote lang ang kaya kong ipakain sa kanya dahil mahirap lang kase kami. Hindi kami kagaya n'yang rich kid.

"Doesn't matter. Gusto kang ma-meet ni mommy,"

Muntik ko nang makalimutang huminga ng dahil sa narinig ko. Nahihibang na ba s'ya? Seryoso ba s'ya sa pinagsasasabi n'ya? Bakit n'ya ako ipapakilala sa nanay n'ya?

"Bakit?!" Magkahalong inis, kaba at gulat ang nararamdaman ko sa mga sandaling 'to. Sino ba naman ang hindi magugulat at kakabahan?! Kaninang umaga lang kami nagkita ulit tapos meeting the parents na agad ang drama n'ya?

"Anong bakit?" Nakakunot-noong tanong n'ya.

"At nagtatanong ka pa kung bakit ako nagtatanong ng bakit? Hindi ba obvious na ayokong ma-meet ang mga magulang mo?!" Gigil na gigil kong tanong.

Totoo naman 'yun eh. Ayokong ma-meet ang parents n'ya dahil ayokong makita na kagaya lang sila ng magaling kong nanay. Na kagaya ng mga napapanuod ko sa t.v, mga matapobre din sila at tatanungin ako kung magkano ang kailangan ko kapalit nang pag-aalagang ginawa namin sa anak nila.

Alam ko na ang likaw ng bituka ng mga mayayaman na 'yan. Advance ako mag-isip kaya nakikini-kinita ko na ang senaryong mangyayari mamaya.

"Why?" Nagsasalubong ang kilay na tanong ni Kumag. At ang lakas ng loob english-in ng tanong ko. Nauna ako sa pagtatanong ah, bakit ibinabalik n'ya?!

"Anong why? Hindi ba nauna ang bakit ko?"

He took a deep breath and pinch the bridge of his nose. Frustration are written all over his handsome face.

Yah. That is correct, Iya. Wether you like to admit it or not, handsome naman talaga s'ya.

"Stop spouting nonsense,"

Inirapan ko lang ang kumag. Sino bang nagsasabi ng kung anu-anong nonsense? Sumiksik ako sa may gilid ng upuan. Sa lugar kung saan malayo sa kanya saka itinutok ang paningin ko sa labas ng sasakyan. Napakunot-noo ako ng mapansin kong pamilyar ang daan at mga bahay na dinadaanan namin. Madilim na ang palagid pero matalas ang photograpic memory ko. Ihahatid n'ya ba ako pauwi sa bahay ng magaling kong nanay?

"What? Why are you looking at me like that?"

May pa-dinner-dinner at my house pa s'yang nalalaman, eh ihahatid lang pala ako pauwi.

Inismiran ko lang s'ya at hindi sinagot ang tanong n'ya.

Ini-expect ko na ihihinto n'ya ang sasakyan sa tapat ng malawak na gate pero napakunot-noo ako nang pumasok ang sasakyan sa malaking bahay na katabi ng Villa ng mga del Rosario. Bigla ko tuloy naalala ang pangyayari noong bagong dating pa lang ako at si Flaire. Kinakalampag n'ya ang maliit na gate sa may gilid ng bahay at hinahanap si Iker...?

Iker...?

May hinahanap s'yang Iker.

W-wait, ang lalaking ito ang hinahanap n'ya?

"What?"

Naguguluhang tanong n'ya na naman dahil siguro ang sama-sama ng tingin ko sa kanya. Eh anak naman ng magaling, ipapahamak ba ako ng mokong na 'to? Siguradong malaking gulo kapag nalaman ng pamilya del Rosario na nanggaling ako sa bahay na pag-aari n'ya.

"Bababa na 'ko. Kailangan ko nang umuwi," walang emosyong saad ko.

"No, you're eating dinner with me,"

"Wow. Ang galing. Napakagaling! Pagkatapos mong itapon ang ipinabibigay kong shrimp tempura sa'yo kanina aayain mo 'kong kumain kasama ka ngayon? Sa palagay mo kagaya mo 'ko na kahit anong pagsasayang ang gawin sa pagkain, hindi ako manghihinayang?! Hindi mo ba alam na nagpakahirap akong lutuin 'yun? Kung ipinakain ko na lang sana sa mga kaklase ko 'yun di mas na-appreciate pa sana nila. Bakit nga ba sa dinami-dami ng tao sa paaralang 'yun ikaw pa ang naisip kong pagbigyan nun ha? Hindi, hindi ako kakain dahil hindi ako gutom at siguradong mawawalan lang ako ng gana dahil sa tuwing naaalala ko ang ginawa mo sa kaawa-awang hipon, umiinit ang ulo ko. Kumukulo ang dugo ko sayo kaya kuya," binalingan ko ang driver na pasulyap-sulyap sa aming dalawa. "Ihinto mo 'tong sasakyan ngayon din!"

Mahabang paglilitanya ko sa pagitan ng pagngingitngit at gigil. Muli kong binalingan ang driver na kaagad naapakan ang preno. Lumikha iyon ng malakas na ingay na pare-pareho naming hindi alintana. Dahil sa nag-uumapaw na ang sama ng loob at inis na nararamdaman ko, hindi ko na napigilan ang pagra-rant.

"Lock the door," maawtoridad na utos ni Iker.

Narinig ko ang pagtunog ng kung anuman sa may pintuan ng sasakyan.

"N-nakalock n-na po, Boss," nauutal na sambit ng driver na nagpalipat-lipat sa aming dalawa ang nananantyang tingin.

"What hipon or shirm tempura are you talking about?"

"Wow, maang-maangan? Ulyanin lang ganun? Wala akong paki kung maalala mo o hindi kung anong ginawa mo kaninang tanghali. Pababain mo ko't matutulog pa ako ng maaga,"

"Hey, I swear...I didn't know about that. Why would I throw it away?"

Pinagsingkitan ko s'ya ng mga mata. Akala ba ng kumag na 'to ay kahapon ako ipinanganak?

"Malamang dahil mayaman ka. Hindi mo naman talaga trip kumain ng mga ganoong pagkain diba? Napilitan ka lang para maka-survive ka sa gutom. Well, sorry ha. Sino bang may sabing pag-trip-an ka, ipatapon sa ilog, mapadpad sa bukid namin at lola ko ang makasagip sa'yo? Idinamay mo pa ang napakainosenteng tempura. Pwede mo naman sanang isoli ng maayos,"

Grrrr! Bakit ba ako nagsasalita at nagpapaliwanag ng ganito kahaba?! I'm like a child having a tantrums! Kainis. Bakit ba hindi ko mapigil ang inis ko. Tapos kung makaarte pa ang kolokoy na 'to parang napakainosente talaga, na para bang hindi n'ya talaga alam na may ipinabigay akong tempura. Hindi man lang ba n'ya naisip na sasama ang loob ko sa gagawin n'ya? Pwede naman sana n'yang tanggihan ng maayos diba? At least kung ganoon man ang gawin n'ya sasama lang ang loob ko pero never akong maiinis.

"Hey, what nonsense are you talking about? I eat those food because it's far more delicious than what we have here. And besides, wala naman talagang nagbigay sa akin ng tempura kanina," he said seriously.

Umangat pataas ang kanan kong kilay.

He clenched his fist. Mukhang nai-stress na s'ya. Aba, at s'ya pa ang nai-stress? Hindi ba dapat ako 'yun dahil ako naman ang nagluto nun?

"Believe me, I really didn't recieve anything,"

"Believe me your face. Buksan mo 'tong pinto, uuwi na 'ko,"

"Delai---!"

"Isang tawag pa sa pangalang 'yan at kakalbuhin na talaga kita!" putol ko sa gagawin sana n'yang pagtawag sa buong pangalan ko na naman. Ang lakas ng loob ah. Talagang sinasagad ng kumag na 'to ang pasensya ko.

"Pabubuksan mo 'to o hindi?" Umuusok na talaga ang bunbunan at ilong ko sa sobrang yamot.

"Open it," sumusukong wika ni Kumag na kaagad namang sinunod ng driver n'ya. Dali-dali akong lumabas ng kotse. Papunta na sana ako sa may gate kaso may tatlong guard na nakabantay doon. Siguradong hindi sila papayag na dumaan ako hangga't walang pahintulot mula sa amo nilang magaling.

Nagpalinga-linga ako sa paligid at napatitig sa malaking puno ng mangga na nakatanim sa tapat ng bintana ng kwarto ko. Sa sobrang haba ng mga sanga noon, umabot na ang isang malaking sanga sa bakod nila Kumag. Kinuha ko ang bakal na upuan na nakita ko sa isang tabi saka iyon inilagay sa tapat ng maliit na gate na kinakalampag ni Flaire ilang linggo na ang nakakaraan. Simple lang ang pagkakagawa ng gate. Walang live wire na nakarolyo sa dulo, o walang bakal na tusok-tusok ang itsura at wala ding mga bubog na nakalatag sa ibabaw ng pader.

Sumampa ako sa upuan saka sinubukang talunin ang mataas na pader. Luckily, naabot ko iyon. I climb the wall saka buong giting na humawak sa mataba at mahabang sanga ng kahoy. Sumampa ako doon at walang kahirap-hirap na tumawid papunta sa maliit na veranda ng kwarto ko.

After 5 minutes, ligtas naman akong nakalapag sa tiles na sahig. Tiningnan ko ang natigilang si Kumag na nanatiling nakatayo sa tapat ng kotse n'ya. Akala n'ya naman yata dadaan ako sa harapan ng mga maskulado n'yang guard. Mukha n'ya. Laking bukid 'to no. Kahit puno ng niyog kung kinakailangan kong akyatin, maaakyat ko.

Hindi ko na pinansin nang mag-iipon-ipon ang mga gwardya sa kabilang bahay. Hindi ko na rin lalo mapapapnsin ang panlalaki ng mga mata nila. Pumasok na ako sa kwarto ko at pabalibag na isinarado ang pintuan sa may veranda. Haist! Nasayang ang isang araw ko. Ni hindi ako nakapamili ng dapat kong pamilhin. Malilintikan ako sa nanay kong magaling.

Hindi bale, aagahan ko na lang ang gising bukas para hindi kami magkita. Sana naman bilhin ni baklita lahat ng mga pinabibili ko sa kanya. Sisimulan ko na ang pagnenegosyo at mag-iipon ako ng maraming-maraming pera. Kung mas maaga akong makakaipon, mas mabuti. Bukod sa matatakasan ko na ang nanay ko. Makakalayo din ako sa kumag na 'yun. Kung kinakailangang lumipat ako ng ibang paaralan gagawin ko. Kaya lang.

Hayyy.

Huminga ako ng malalim.

Ilang taon naman kaya ang bubunuin ko para lang makaipon? I guess kailangan ko na lang pag-aralan kung paano pahahabain ang pasensya ko. Patayin ang damdaming hindi ko inaasahang tumubo para sa taong iyon.

Huminga ako ng malalim. Suddenly, sadness filled my already lonely heart.

Ngayon ko lang talaga nakita kung gaano kalayo ang agwat namin sa isa't-isa. I must be mad having these kind of imaginations. And I must be sooo out of my wits wishing for the impossible to happen.