webnovel

Her Downfall (tagalog)

Ang buhay at ang mundo ay pantay ngunit ang mga tao ang hindi pantay. Ang mga ito ang gumagawa ng ikakakomplikado ng buhay ng mga taong nakapaligid sa kanila. Binigyan tayo ng Diyos ng buhay upang magawa natin ang bawat misyon na nakalaan sa atin. Sa buhay ng bawat tao kasama na ang mga pagsubok na magpatatag sa atin, buhay na parang roller coaster ride minsan masaya, minsan malungkot. Hinahayaan ng Diyos na maranasan natin ang lahat ng ito upang mabalanse ang ating emosyon at maging matatag at matibay. Darating yung point na iisipin natin ang pagsuko kasi hindi na natin kaya. May darating na tao para maramdaman mo yung worth mo pero bigla ka lang iiwan kasi parte lang talaga siya ng buhay hindi habang buhay. Nicole Louise Anne Cole Madrigal ang babaeng invisible sa paningin ng mga taong nakapaligid sa kanya ngunit may darating na tao ang magiging sandalan at karamay niya sa mga problema. Sasaksihan ang mga mapapait na karanasan na magkukulong sa kaniyang madilim na mundo. Paano kung isang araw yung taong parang hangin lamang sa iyo ay matuklasan mong may malubhang sakit? Anong gagawin mo?

invisible_18 · Masa Muda
Peringkat tidak cukup
20 Chs

Chapter 5

CHAPTER 5

DECISION

LOUISE

Pinag-isipan ko itong mabuti kaya hindi ako masyadong nakatulog kagabi kasi gusto ko yung magiging desisyon ko ay hindi ko pagsisihan sa huli. Kaya lamang it seems na tumanggi man ako, they will insist me to join. Habang papunta ako sa faculty department ay kinakabahan ako sa hindi ko malamang dahilan.

Nang makarating ako sa faculty department hindi pa rin matanggal ang kaba ko habang kumakatok ako sa pinto at ang una ko kaagad nakita ay si Miss Sanchez pakiramdam ko tuloy kanina pa niya ako hinihintay. Ngumiti siya at pinapasok agad ako pinagtitinginan kami ng ibang mga prof pakiramdam ko tuloy may nagawa akong kasalanan pagkatapos ngayon gagawin ang parusa ko. "Anong desisyon mo miss Madrigal?" anas niya at ngumiti kaya kahit kinakabahan ay ngumiti pa rin ako. "Tinatanggap ko po yung alok niyo sasali po ako sa pageant" anas ko na nakapagpangiti sa kanya ng malapad. "Nice decision akala ko pipilitin ka pa namin kasi hindi ka talaga sumasali sa ganitong contest. Okay, mamaya after class makikila mo kung sino ang partner at tutulong sa inyo para sa talent niyo kaya pumunta kayo ng partner mo mamaya dito. Is it clear, miss Madrigal?" anas niya at pagkatapos lumabas na ako.

Iniisip ko tuloy kung tama ba yung ginawa kong desisyon, kunsabagay it's not bad to try new things and explore for it. Maybe it's the time for me to try joining the contest that is not related to academics which I can enjoy more. Siguro naman matutuwa sina mom pagnalaman nila na sumali ako sa pageant kasi at least I try kasi si ate Loraine ay mahilig dun at proud na proud sila. Maybe it's the perfect time to be out on my comfort zone and do the things that out of my habit.

---

Pagkarating ko sa cafeteria puno na kasi late nagpalabas yung prof namin tatalikod na sana ako upang umalis at sa labas na lamang kumain nang tinawag ako ni Jennica kaya napalingon ako sa gawi nila. "Louise dito, may bakante pa kasi pinagreserve ka talaga namin ng seat" anas niya kaya napangiwi na lamang ako kasi tawag atensyon yung pagsigaw niya nakakahiya naman kaya lumapit na lamang ako. Pinagtitinginan pa rin sa gawi namin pero deadma lamang sila.

"Louise anong gusto mong kainin? Ako na lamang ang bibili ng kakainin mo" anas ni Archer at ngumiti kaya ngumiti rin ako. "Kahit ano lamang, ikaw na bahala" anas ko sa kanya. Pagkalipas ng ilang sandali dumating na din siya dala yung pagkain kaya nagpasalamat ako at kumain na rin. Nang dumating kasi ako nag-uumpisa na silang kumain natigil lamang ng dumating ako para sabayan sila kaya nahihiya man ay sinasanay ko yung sarili ko na kasama sila. Ayoko kasi maawkwardan sila kaya pinilit ko yung sarili kong makisabay sa hilig at kuwentuhan nila.

Pinipilit nila akong sumama sa hangout nila kaya lamang I refused kasi kapag umuwi ako ng late ay paparusahan ako nina mom. Hindi ko masabi sa kanila yung totoong dahilan kasi ayokong isipin nila masyadong mahigpit sina mom baka kasi makaapekto pa sa image nila. Kahit naman ganun sina mom ay ayoko pa rin na maging masama yung image nila sa mga kaibigan ko. I feel bad kasi nagsisinungaling ako sa kanila kaya lamang ito lamang yung way para hindi sila madamay sa galit sa akin nina mom. Kapag nalaman kasi nina mom na may mga kaibigan na ako palalayuin niya ako sa kanila at kapag hindi ako sumunod idadamay niya sina Jennica. How wish I had a normal life which I can enjoy and do I everything I want without hesitation. A family that treat you right and make you feel that you are part of them and that they will support and understand you no matter what happen.

---

Pagkalabas ko ng room sa last class ko ay mayroong nag-iintay na lalaki na nakasandal sa pader nang napansin niya mayroong nakatingin sa kaniya ay lumingon siya sa gawi ko. "Hi, are you miss Madrigal?" anas niya at ngumiti. "yes" anas ko pagkatapos naglahad siya ng kamay. "I'm Michael Jared De Guzman yung partner mo sa pageant it's nice to meet you" anas niya kaya ngumiti kaya nagpakilala rin ako ng pormal. Magkasabay kaming pumunta ng faculty habang nagkukuwentuhan para na rin hindi kami mailang at masanay na para maging maganda ang performance namin sa pageant.

Nang makarating kami sa faculty may kasama si miss Sanchez na babaeng maganda at nakangiti siya sa aming dalawa. "it seems na magkilala na kayo and you two get along well kaya kayo nagtagal sa pagpunta dito" anas ni prof ng nakangiti kaya napatawa yung kasama niya hiyang hiya naman tuloy kami ni Michael kasi naman yung pagkakasabi ni miss ay may pagkasarcastic.

"ano ka ba naman miss Sanchez makakatulong din yun para hindi na sila mailang sa isa't-isa. By the way I'm Angelica Padua you can call me ate Angel" anas niya at ngumiti kaya nagpakilala rin kami. Tinanong niya kung anong hilig naming dalawa at kung anong talent namin hanggang sa napagkasunduan namin na kakanta na lamang kami habang maggigitara si Michael at tutogtog naman ako ng piano.

Sinabi rin sa amin ni ate Angel na siya ang bahala na mag-ayos sa amin kasi natutuwa raw siya sa aming dalawa may chemistry daw kami. Binigyan niya rin kami ng tips sa pageant atsaka ng mga do's and don'ts. Masarap siyang kasama walang segundo na natahimik kami kasi mahilig siyang magpatawa at magkuwento. Bukas na yung umpisa ng practice kasama yung ibang kasali sa pageant then after that practice naman para sa talent namin.

Unti-unti na gugustuhan ko yung ginagawa ko at proud ako sa sarili kasi ngayon sinubukan kong gumawa ng mga bagay na hindi ko akalaing gagawin ko. Expect the unexpected and I want to change myself for the better to have a better version of myself. A part of me want to do it for my parents to be proud of me, I hope so. Haist, good luck self!

---