webnovel

Chapter Two

"Eto ang tandaan mo bakla na Bernie Santos, Kukunin ko sayo ang mga kapatid ko dahil pag-aari ko sila at wala kang karapatan sa kanila at sa mga ari-arian namin!" Ka Oa-han ko na naman habang kausap sa phone si Bernie.

"Ah, ganon ba? Bakit Helena Pamintuan, may maipagmamalaki ka na ba? Ano ang achievement mo bakla? Diba wala. Kaya ayokong ibigay sayo sina Owen, David at Aeron!" Nagulat ako kasi umarte din si Bakla. Kaya Bumanat na rin ako.

"No, May maipagmamalaki na ako dahil Nakalabas na ako ng kulungan dahil nagpiyansa na si Juan Enrico na may-ari ng Mall na ninakawan namin at gagawin niya akong Private labandera. Mai-aahon ko na ang mga kapatid ko sa kahirapan!"  Pamamaldita ko naman.

•••

"Huy, bakla tama na sa Drama! Gumising ka na. Pero Truelala ba? Si Enrico yung Hunk na nag piyansa sa'yo ang pagsisilbihan mo? Kapalit ng Kabuhayan products at Cash every labada mo?"

Na intriga si bakla after kong isiwalat lahat ng saloobin ko. Si Bernie ang Bestfriend ko simula high-school pa lang kami kaya Magkasama kami lagi sa Kung ano mang pagsubok. Trusted friend ko na si bakla.

"Yes, bakla at Binilhan niya rin daw kami ng mas malaking Apartment na matitirhan. Kaya now na nga kukunin ko na ang mga kapatid ko para maglipat na kami. Kaya bakla samahan mo kami sa New life and challenge para sa'min ha."

Nag iyak-iyakan si Bernie dahil sa nalaman. Kaya sa gigil ko sa mukha niyang namula na dahil sa rejuv sinapak ko na siya. Ay di ko pala masasapak nasa phone lang kami nag-uusap hehe.

"Bakla saan ka now. Punta na kami nina Owen dyan dala-dala mga kagamitan niyo. Jusko, ang dami pa namang mga gamit 'to." Reklamo ni bakla pero tumulong pa rin. Ganyan siya ka sweet sa akin.

Magkasama kaming haggard na naglalakad habang tirik na tirik ang araw at bitbit namin ang mga kaldero, kawali, mga cabinet at kung ano-anong kagamitan pa. Nasa lansangan kami ngayon at hanap ng hanap sa tinext na location ni Enrico kung saan daw kami maninirahan na.

"Bakla, Sure ka ba? Baka Inindian ka na Nung Boylet na 'yon" Pulang-pula na ang mukha ni Bernie habang kaliwa't kanan na bitbit ang kaldero at kawali. Ayan sis rejuv pa.

"Oo bakla legit daw. Na lost lang siguro tayo ng way" Ayan sige Helena push mo yan kahit feel mo din na scam ka na.

Matawagan ko nga yung Satanas na yun. I'll make sure lang if totoo ba mga pinangako niya. 

"Hello, Huy Sir Enrico. Ano na? Mamamatay na kami sa uhaw dito sa lansangan kakahanap ng binigay mong address, Yawa ka."

"SHUT THE F*CK UP!" Sigaw sa kabilang linya. Saka pinatay ang tawag.

"Aray ko potek. Ang sakit sa tenga" Reklamo ko pa. Bakit ba siya naninigaw putcha.

Maya-maya ay tumunog ang Phone ko. Nagtext na pala si Enrico.

From: My Boyfriend

Bubu ka ba? Why did you call me? Di ba sabi ko huwag kang tumawag basta-basta. Damn it! I'm on a meeting.

"Hala, Lagot ka Helena. Bakit ka kasi tumawag pa. Borikat ka rin eh no?" Naki usyoso pala si bakla bernie. "Ambisyosa pa, nilagyan ba namn ng 'My Boyfriend ' ang contact number ni guy sa Phonebook haha eww" Dugtong pa ni gaga.

Tumunog na namn ulit ang phone ko at may pahabol na text si Satanas at tinext ang exact address ng apartment. Hays salamat talaga at hindi ako nabigo. Lord, thank you po talaga. Blessings si Sir Enrico saamin kahit nagnakaw ako sa mall niya.

Sa wakas ay nakapag pahinga na kami ng maluwag ng tatlo kung kapatid sa isang malawak na silid at komportableng tirahan. After nang 500 years na paghihirap, char 500 years talaga?.

Kitang-kita ko ang saya sa mga mukha ng kapatid ko.

"Ate Helena, bakit biglang naging Hayahay ang buhay natin, Baka nagbenta ka na ng kidney mo ha? " Taong ni David kaya napatawa ako.

"Hindi ah, Blessed lang tayo ni Lord kasi mababait tayo at lumalaban ng patas" Pagsisinungaling ko pa. Kahit ang Truelala ay nakulong ako ng dalawang araw at nagnakaw sa mall na wala silang kaalam-alam.

"Thank you ate Helen sa lahat" Saad pa ni Owen saka nag Group hug kaming apat.

Mamayang hapon Duty na ako Sa mansyon ni Sir Enrico. Forda laban na si sexy Helena para sa pamilya. Di ko expect na biglang hayahay na ang buhay namin ngayon, baka nga'y panaginip lang Ito. Ayoko nang magising if ever.

Tumawag na si Sir Enrico dahil tambak na raw ang mga Madudumi niyang damit. Kaya agad akong naligo at nagbihis na para maaga akong matapos sa labada. Tinext na ni Enrico ang address ng mansyon niya. Kaya agad akong umalis ng apartment. Hala, nakalimutan ko mga bakla! Si Aeron isasama ko siya, Alangan namang iwan ko mag-isa rito na walang kasama dahil pumasok ang dalawa niyang kuya sa school.

Nandito na kami sa Mansyon. Nakanganga ako as usual pati si Aeron sa sobrang lawak at laki ng Mansyon ni Sir Enrico. Napag-alaman ko rin na mga kasambahay lang ang namamalagi sa mansyon dahil babad si Sir Enrico sa Work. Actually dalawa sila di ko lang naitanong kay Aling Beesong na isa sa mga kasambahay kung sino ang Isang lalaki na nakatira rin sa mansyon. Basta daw ay Umuuwi lang ito upang mag bakasyon kasi nasa US daw ito. Cousin raw yata ito ni Sir Enrico.

Mamaya pa raw 6pm ang uwi ni Enrico at 5 pm pa lang ngayon kaya batak akong naglalaba para makauwi kami agad ni Aeron ng maaga. Si Aeron nga pala ay nasa salas lang binilin ko ang phone ko sa kanya para may libangan siya. Ang boring pala talaga kapag sobrang laki ng bahay tapos walang ingay at walang ka tao-tao. Ang dry.

"Taposin mo na yan, Iha. Parating na raw si Sir Enrico. Lagi pa namang badmood umuwi yon." Paalala ni Aling Beesong.

"Yes, po." Tanging sagot ko dahil nag-enjoy na ako kakalaba. Napatigil ako sa pagkukusot nang mapansin ko ang kulay Yellow na Brief na nakapatong sa tabo. Kinuha ko 'yun at biglang may bumulong sa isipan ko na singhutin ko daw. No! Pero Sininghot-singhot ko na talaga i can't help it. Yummy talaga ni Sir. Nakapikit ako habang yakap ko ang Brief. Ewan ko ba kahit di ko pa siya kilala ng lubos ay parang type ko na siya. Charot lang, Syempre gwapo eh. Yan tayo eh.

"What the hell! Bitawan mo yan Helena! F*ck" Nagulat ako nang may sumigaw at hinablot ang Brief na nakasalpak sa mukha ko. Si Sir Enrico na pala yun. Mygod help me. Ligwak na ba sa Job?

"Sir, Sorry po nadala lang" Hindi ako makaharap sa kaniya dahil sa kahihiyan. Pero nagulat ako nang magsalita siya.

"You're so weird, Helena" saka bigla siyang tumawa at umiling-iling. Yung totoo may sayad ba 'to? Kinakabahan na ako oh. "Tapusin mo na yang pagalaba mo nang makauwi ka nang maaga. Yung sahod mo today andon na sa Kama ko. Take it after mong dalhin ang mga dry clothes sa room ko." Ay taray mabait siya today. May katok siguro talaga tong tao na 'to, Legit.

Nang matapos na akong maglaba ay agad kong dinala sa room ni Sir Enrico ang mga Dry na na damit. Nakita ko pa siyang nakahiga sa kama habang naka phone at tanging boxer lamang ang suot.

Nataranta ako dahil baka bigla ko siya patungan dahil sa Sarap niyang tingnan kaya agad kung kinuha sa tabi niya ang Sahod ko. Dakslicious talaga si Enrico with his 50 packs abs (50 packs?)

"Bye, Sir Enrico. Maraming salamat" At agad kong sinarado ang pinto. Teka, Nasaan na si Aeron jusko nakalimutan ko na siya kakalandi ko.

Agad kong binilang ang Pera na Sahod ko daw as a private  labandera pagka dating namin ng apartment. Na shock ako na Twenty-thousand pala yun lahat. Sanaol, Gagalingan ko na next time maglaba. Nakaka-excite, Bigla ko tuloy naisip na what if? Limang beses lang ako maglalabada sa kaniya at may 100k na maiipon na ako saka ako lalayas with my siblings kasi mag start ako ng negosyo? Charot lang bubu pa naman ako sa Business baka ma knockout lang ako.

"Mga kuya, ang ganda ng bahay na pinagtatrabahuan ni Ate Helena" pagyayabang ni Aeron habang kumakain kami ng haponan.

"Talaga ba Ate?" Tanong naman ni David. Tumango nalang ako at nag enjoy na kami sa pagkain. Hotdog at chicken na ang ulam namin ngayon. Unlike dati na asin at minsan naman ay toyo. May time pa nga na hangin lang laman ng tiyan namin. Kaya thankful ako kay Lord at Sir Enrico for this blessings. What if killer palabsi Enrico at ako ang target niya kaya pinapaamo niya ako? Charot lang. Bahala na basta naging estable na kami.

"Ate, May tao raw sa ibaba. Hinahanap ka" David habang nagsusulat ng notes sa mesa.

Kinabahan ako. Sure na? Ako ang hinahanap baka ka look alike ko lang.

Bumaba na ako at sinalubong kung sino daw ang tao sa labas ng gate.

"Si Ms. Helena ka talaga ? " Joke time din tong si kuya. "Hindi kuya, Si Mariane Rivera 'to." Parang tanga tong Rider na 'to.

May nilabas siyang dalawang malaking kahon.

"Ms. Helena, Eto raw po ang Pang kabuhayan Products galing kay Sir Enrico na owner ng Enrico Mall of the Universe at Guwapo pa." Nagulat ako kasi for sure ito yung mga ninakaw ko na ibibigay niya na raw saamin. Di ko ma imagine na nagkasya ang ganoon karaming bagay sa damit ko. Paano ko yun nagawa?

"Bye po Ms. Helena." Paalam ni gagong driver saka iniwan lang ang dalawang malalaking box.

"Huy kuya bakla ka umayos ka ha, Alangan namang ako ang magbuhat nito paakyat?" Bumalik ang Rider at ngumiti abot tenga. Luh, Creepy. Inakyat na ni kuyang daks ang dalawang kahon sa itaas at  pagkatapos ay nagpaalam na itong aalis na.

Syempre unboxing time ang mga batang hamog without the idea na nakaw pala yun ng ate nila kaya binigay nalang.

"Wow, Ate. Thank you sa Uniform. Kasyang-kasya saakin, San ba 'to galing? Gift mo ba 'to?" Kitang-kita ko ang Saya sa mukha ni David. Matagal na kasi siyang gustong magsuot ng Uniporme ngunit wala akong pambili kaya lagi nalang itong papasok na naka Dekolor.

"Salamat Ate Helena sa Pantalon. Ayos, di na kupas ang susuotin kong pants." Sabat naman ni Owen.

Nagpasalamat silang lahat sa biyayang natamasa nila ngayon. Pero Pina-alam ko talaga sa kanila na galing Kay Sir Enrico ang mga Blessings na yun. Groceries, School supplies at mga damit. Pakk! Bigay lang 'to mga bakla pero ang dami.

Tulog na ang lahat ng biglang tumunog ang Phone ko. Si Sir Enrico pala yung tumatawag. Mygash! Anong Oras na ba.

"Hello Sir, Napatawag ka. Anong Oras na bakit ka pa tumtawag?" Reklamo ko pa habang sinasagot ang Phone at humikab.

"I want to see the Condition of the Apartment. Ayos ba, Sakto lang ba 'yan sa mahirap na tulad niyo?"

Hala yawa. Nakadrugs jud siguro ning boanga ni. Legit, Adik nga.

"Sure ka? Tumawag ka lang para mang-insulto. Kung gusto mong makita ang condition ng bahay pumunta ka ng umaga wag dyes oras ng gabi, jusko" Na stress talaga ang kiffy ko sa lalaking 'to.

"Are you Crazy? Busy ako kanina kaya ngayon lang ako bakante" Inis na Banat naman nito sa kabilang linya.

"Bakante ka ngayon, Sir? Tara Sex on call tayo" pagbibiro ko pa. Kaya tumawa siya ng pagkalakas. Adik talaga tong si gago. Mahilig siguro sa kabastosan dahil tuwang-tuwa.

"You're so weird" Sambit pa nito habang tumatawa. Feel ko tuloy Gusto na ako ni Sir. Yun bang mga ganap sa Fiction stories na mabilis mahulog ang boss nila sa mga Alipin nila? Ganon yun mga bakla!

"Sir, Kung wala kang matinong intensyon. Bye, Inaantok na ako." Hindi ko na in-off ang Phone ko. Pumikit nalang ako ngunit nagsalita pa siya.

"Punta ka sa Mansyon bukas. May Dinner kasi Birthday ni Yaya Beesong, dalhin mo na mga kapatid mo"  Ay, Taray may pa handa si Aling Beesong. Chance na to nina Owen para pasalamatan si sir Enrico.

Mabait naman pala talaga tong Si Enrico kasi Tinatrato niya ng tama at pinapakisamahan ang mga katulong sa mansyon niya.

"Okay, Sabi mo eh. Mabait ka naman pala talaga Sir, Thank you so much mwua." Borikat mode, on.

"Oo mabait ako, huwag lang abusohin." Sagot nito saka in-off na ang tawag. Oh diba, inunahan pa akong patayan ng phone. Shet lang dapat ako ang unang mag-off.