webnovel

TP: 5

Now playing: Baliw sa'yo - Jroa

Skyler POV

Hindi ko mapigilan ang mapangiti sa aking sarili habang tinatanaw si Felicia mula rito sa sala ng bahay. Nasa labas kasi siya, malapit sa pool area kung saan kausap nito ang aking mga magulang na tuwang-tuwa sa mga kwento niya sa buhay niya mula sa Isla.

Hindi ko nga akalain na magiging ganoon lamang kabilis niyang makukuha ang loob ng mga magulang ko. Well, except sa katotohanang welcome na welcome naman talaga siya sa pamilya namin.

I just can't believe na may babae pa palang katulad ni Felicia sa mundo. Hindi lang masasabing inosente, kundi napaka-inosente.

Hindi ko rin alam kung inosente lang ba talaga siya o dahil nasanay lamang siya sa buhay na kinalakihan niya. Iyong buhay na salat sa lahat at walang-wala talaga.

Pero kahit na ganoon, hindi ako nakakaramdam ng anumang awa sa kanya. In fact, natutuwa pa nga ako dahil sa pagiging totoo niya.

Lalo na iyong simpleng pagpasok ko muli sa kwarto niya kagabi, para tignan kung natutulog na ba siya.

Hindi ko siya makita no'n. Akala ko nga lumabas siya nang hindi ko namamalayan eh. Sa sahig lang pala natulog.

Hindi kasi siguro siya sanay na malambot ang kanyang higaan kaya ganoon. Napapangiti at napapailing na lamang ako sa sarili ko habang binubuhat siya at maayos na inihiga sa kanyang kama.

Hindi ko rin alam sa sarili ko. Pero kasi ako 'yung tipo ng taong lumaki na nakukuha ang lahat ng gusto. Lumaki at nasanay na lahat ng bagay ay ibibigay na lang sakin.

But since last night, that was the first time I told myself that I would protect her no matter what. Especially her innocence.

Damn! Her innocence.

At sa'yo pa talaga nanggaling, huh? Napapailing na tuyo ng aking isipan.

Well, iba naman kasi talaga si Felicia sa ibang mga babae. Deserve niyang i-respeto at itrato ng tama. At sa tanang buhay ko, ngayon ko lamang naisipan ang mga bagay na ganito.

Deserve. Deserve. Talaga lang, huh?

"Ang ganda, 'no?" Biglang tanong ni Autumn na nakalimutan kong nandito nga pala siya sa tabi ko. Dahil hindi na naman siya pumasok sa kanyang klase.

Wala sa sarili na napatango na lamang ako bilang pag-sang ayon sa kanya. Naikwento ko na rin kasi sa kanya kung bakit nandito si Felicia ngayon sa pangangalaga namin.

"Halatang hindi mapapasa'yo." Dagdag pa niya kaya naman mabilis ko siyang binatukan. Isang malutong na pagtawa naman ang pinakawalan nito.

"Baliw!" Saway ko. "Hindi mapapasakin, means hindi rin mapapasa'yo." Dagdag ko pa bago siya inirapan.

Lahat naman kasi ng babaeng dumaan sakin, napupunta sa kanya. O yung babaeng nanggaling sa kanya, napupunta sa akin.

So, patas lang kami. Right?

Hindi na ito sumagot pa nung sabihin ko sa kanya iyon. Maya-maya lamang ay tumayo ito at sinagot ang tawag sa kanyang telepono. Habang ako naman ay napasulyap muli kung nasaan pa rin si Felicia habang kausap ang mga magulang ko.

Pero ngayon, nakatayo na ito na animo'y nagpapaalam na. Kasama nito ang dalawang maid na pinagkakatiwalaan ko na ngayon para sa kanya.

Dahil dun ay napatingin ako sa suot kong relo. Oo nga pala, may lakad kami para sa makeover niya. At wala akong ibang pupuntahan kundi si Tita Catherine.

Siya na kasi ang bahala mula sa hairstyle, makeup and clothes ni Felicia.

Pero para naman sa akin, hindi na niya kailangan ng makeup eh. She's naturally beautiful.

Pero iyon nga lang, ang sabi ng parents ko. Kailangan daw yun dahil kasama yun sa ite-train sa kanya. Kailangan niyang matutuhan ang mga simpleng bagay na iyon, paunti-unti.

Napahinga ako ng malalim. Hihintayin ko na lamang siguro siya rito. Sigurado akong yung dalawang maid na ang bahala sa kanya.

Hindi rin nagtagal ay muling naupo na si Autumn sa tabi ko habang pangisi-ngisi.

If I know, babae niya na naman yung kausap niya. Wika ko sa aking sarili.

"Bagay ba?" Sabay kaming napalingon ni Autumn kay Felicia noong marinig namin ang boses nito.

Parang slow motion pa akong napanganga at napatulala sa ganda nitong taglay. Lalo na dahil bumagay sa kanya ang kulay light pink na dress nitong suot na medyo hapit din sa kanya kaya lalong nakikita ang magandang hubog ng kanyang katawan.

Pero kitang-kita na may kulang sa suot niya.

Kaya naman mabilis na mapasulyap ako kay Autumn na halos kulang na lang ay lumuwa ang kanyang mga mata dahil sa kanyang nakita.

Pigil ang tawa na bumulong ito sa akin.

"Why isn't she wearing a bra?" Tanong nito na halata namang gustong-gusto niya ang nakikita.

Hayst! Sinasabi ko na nga ba eh.

Pagkatapos ay bigla na lamang itong natawa kaya tinignan ko siya ng masama.

Gusto ko rin namang matawa pero mas nananaig sa akin 'yung tulungan si Felicia sa pagka-inosente niya at matuto.

Mabilis na tumayo ako sa aking pag-upo at walang sabi na pabirong tinadyakan si Autumn dahilan para mahulog ito sa kanyang kinauupuan.

"Manners." Saway ko sa kanya bago tuluyang nilapitan si Felicia at hinigit pabalik sa kanyang kwarto.

"Wala kang suot na bra?!" Tanong ko sa kanya noong sandaling makapasok na kami sa kanyang kwarto.

Parang bata naman na napatango ito.

Asan na ba yung dalawang maid na yun at hindi man lang inasikaso ng maayos si Felicia? Hasyt.

"Eh ano kasi, Sky." Napakamot siya sa kanyang batok. "Hindi ako sanay. Parang mahihinatay 'yung magkabilaang dede ko. Hindi sila makahinga. Ang sikip!" Pagrereklamo naman niya habang hinimas-himas pa sa harap ko 'yung magkabilang hinaharap niya.

Napapikit na lamang ako ng mariin dahil sa sinabi at ginagawa niya habang nagpipigil sa aking pagtawa.

Juice colored talaga! Parang bawat sandali ay isang matinding parusa ang makasama ko siya. Nahihirapan akong magtimpi na hindi siya sunggaban.

'Yung pagka-cute niya ang sarap-sarap panggigilan at halikan.

Hays!

Pwede ba siyang kurutin sa pisngi? O kaya kahit isang kiss lang. Kahit sa pisngi lang!

Ang unfair naman kasi ni Dada. Hmp!

"Kulot," Mahinahon ngunit may gigil sa boses ko na sabi sa kanya. "Kailangan mong magsuot ng bra." Hindi ko mapigilan ang mapangiti sa aking sarili na tawagin siya sa nickname na yun.

Well, bagay naman sa kanya dahil kulot naman talaga siya.

"Hindi pwede na lalabas ka ng kwarto at walang suot na bra. 'Yung boobs mo parang bola na pa-bounce bounce habang naglalakad ka. Alam mo 'yung buko na nahulog? Parang gano'n." Pagbibigay ko ng halimbawa.

"Hindi marapat sa isang babae yun. Lalo na at karamihan ng kasamahan natin dito sa mansyon ay mga lalaki." Paliwanag ko sa kanya. "Naiintindihan mo ba?" Dagdag na tanong ko pa.

"At 'yung nipples mo! My God! Tayong-tayo palagi kaya pwede ba?! Magsuot ka ng bra." Pagpapatuloy ko habang napapakamot sa aking ulo.

Pakiramdam ko, irap na irap na ang sarili ko sa akin. Paano naman kasi hindi ako sanay na ganito sa isang babae. Dahil ako itong unang magtatanggal pa sa saplot ng isang babae.

Agad naman itong napatango at parang inosenteng bata na nakikinig lang sa sinasabi ng kanyang ina.

"Pero Sky...ano naman 'yung...'yung n-nipples? Boobs lang kasi 'yung alam ko eh."

Parang nanghihina ang mga tuhod ko bago napahilamos ng palad sa aking mukha, noong marinig ang katanungan niya.

Nangingiti na tinignan ko siya sa kanyang mukha. "Ut---U-Utong yun, kulot. Hehehehe." Utal na sagot ko sa kanya bago napaiwas ng tingin at napakamot na naman sa aking batok.

Anong pagsubok ba itong binigay sa akin?

"Hayyyy! Bakit ba ang inosente mo masyado?" Pagmamaktol ko bago ako na mismo ang nagkuha ng bra mula sa walk in closet niya at inabot ito sa kanya.

"Isuot mo 'to. Bago ka lumabas ng kwarto." Utos ko sa kanya.

Ngunit tinitigan lamang niya ang kamay ko, kung saan hawak ko pa rin ang kanyang bra.

"Ano pang hinihintay mo?"

Napakamot siya muli sa kanyang batok.

"Eh...S-Sky kasi hindi ko alam paano isuot yan." Parang nahihiya na pag-amin naman nito bago napayuko. "Pwede bang turuan mo'ko? Nakikita ko lang naman 'yan dati sa mga pelikula pero hindi ko alam kung paano gamitin eh." Awtomatiko na namang namilog ang mga mata ko bago napaturo sa sarili ko.

"A-Ako ba? Gusto mong ituro ko sa'yo kung paano?" Napapalunok na tanong ko sa kanya.

Tumango ito bilang sagot.

"Hindi pwede dahil---"

"Oh sige. Isuot mo na lang sakin---"

"Sandali!" Biglang pigil ko sa kanya noong biglang huhubarin na sana nito ang dress na suot niya.

Juice colored naman! Bakit ang hirap naman makisama sa ganito kainosenteng babae? Ako ang nahihirapan!

Ang hirap magpigil ng katawang lupa ko. Kung hindi lang talaga...hay naku!

Hindi ko mapigilan ang hindi pagpawisan ng malamig dahil sa nangyayari. Mabuti na lang at napigilan ko siya dahil kung hindi, ubot hubad na namang babalandra sa harap ko ang katawan niya.

Muli akong napalunok ng mariin bago muling nagsalita.

"Ganito na lang. Tatawagin ko yung mga maid tapos sila ang magtuturo sa'yo. Okay?" Napatango ito.

Hayyyy. Mabuti na lang! Para akong naisalba sa matinding panganib noong tuluyang makalabas ng kwarto niya para tumawag ng maid.

Habang naghihintay na matapos si Felicia sa kanyang pagbihis ay muli kong nakita si Autumn na papalapit sa akin.

Walangya! Akala ko pa naman nakaalis na 'tong baliw na ito. Nandito pa rin pala?

"What's up, dude!" Pang-aasar nito bago tatawa-tawang naupo sa tabi ko.

"Alam mo may naisip ako. What if turuan mo na lang kaya si Felicia? I mean, i-one on one lesson mo siya sa kwarto mo mismo." Pagkatapos ay mas lumapit pa siya sa akin para makabulong. "Better kapag gabi, 'yung tulog na sina Tita Billy para kahit umungol siya, ayos lang---"

"Siraulo ka talaga!" Sabay hila ko sa hubok siya. Sakto nakalugay naman.

Agad itong napangiwi sa sakit.

"Aray ko naman! Nakakarami ka na ha!" Inis na saway nito sa akin bago napahinga ng malalim.

"Hindi ko alam kung paano mo nagagawang magpigil. Ang ganda na ng nasa harap mo, ang sexy, ang hot tapos---"

"Ikaw ang nakaisip niyan. Hindi ako. Kaya 'yang kamanyakan mo pwede ba ilugar mo?" Napapairap na saway ko sa kanya.

"Hey, I was just kidding! Ang seryoso mo naman!" Wika nito.

Paano naman kasi hindi iinit ang ulo ko eh ang sakit na nga sa puson ng binabantayan ko, tapos aasarin pa ako nitong kaibigan ko.

Siya kaya pumalit sa posisyon ko? 'Yung tipo na araw-araw magiging isang malaking pagsubok ang makasama si Felicia.

Araw-araw kailangan mong ikontrol ang sarili mo kahit na maghubad pa siya sa harap mo bawal mong hawakan o kahit na ano.

Hayst!

Badtrip na muling tumayo ako at padabog na iniwanan si Autumn.

"Hey, where are you going?" Tanong nito sa akin pero hindi ko na siya sinagot pa at dire-diretsong nagtungo sa kwarto ko.

Kailangan kong iligo ulit itong init na nararamdaman ko. Bago pa man kami tuluyang makaalis.

Kailangan ko ng malamig na malamig na tubig. Hanggang sa tuluyang mawala sa imahe ko ang hubad na katawan ni Felicia na hindi na yata mabura-bura pa sa aking isipan magmula pa kagabi.

Hahahahaha! Kung iba yun Sky, hindi ka gaganyanin.

Jennexcreators' thoughts