webnovel

TP: 4

Now playing: All I need - Foster

Skyler POV

Noong makarating kami sa mansyon ay walang ibang bukang bibig si Felicia kundi ang 'wow' o kung hindi naman ay 'ang gandaaaaa' habang manghang-mangha na inililibot ang buong paningin sa paligid.

May kasama pang palakpak at pantalon. Grabe! Mukha siyang inosenteng bata na naligaw lamang dito o nadampot ko kanina mula sa may parke.

Habang ako naman ay hindi ko mapigilan ang hindi matulala palagi sa taglay nitong kagandahan. Lalo siyang nagiging maganda pa dahil sa malawak na mga ngiti niya at nagkikislapan niyang mga mata dahil sa sobrang na-a-amaze ito sa kanyang nakikita.

Napaka inosente niyang tignan, pero hindi ko maikakailang nakaka-turn on din dahil hindi lang siya mala-dyosa kundi sobrang ganda rin ng hubog ng kanyang katawan. Hayst!

Bakit naman kasi wala siyang bra?! Hindi ba uso sa kanila ang nagba-bra?! Umaalog-alog kaya 'yung dibdib niya tapos bumabakat pa 'yung nipples, sinong hindi mapapatitig at mang-iinit sa makakakita sa kanya?

Mabilis akong napailing noong sumagi iyon sa aking isipan. Sa lahat yata ng babae, siya 'yung flavor na malabo kong matikman. Dahil kay Dada Billy ako mananagot kapag nakataon.

Kailangan ko na lang bang tanggapin na hanggang tingin na lang ako sa kanya? Tanong ko sa aking sarili.

Hindi ko mapigilan ang magpakawala ng malalim na paghinga bago muling ibinalik kay Felicia ang aking mga mata. Napansin ko na wala pa rin siyang tsinelas gaya noong unang beses naming pagkikita noon.

Napasulyap ako sa suot kong relo. Mag-aalas dose na ng gabi. Panahon na para makapagpahinga siya dahil bukas na bukas ay ihaharap ko siya sa mga magulang ko para ipakilala.

Lumapit ako sa tatlong guard na nasa likuran ko na halos kulang na lamang din ay lumuwa ang mga mata sa kakatitig kay Felicia. Agad ko naman silang binatukan isa-isa.

"Sa susunod na makikita kong ganyan pa rin kalagkit ang tingin ninyo sa kanya, isa-isa kong dudukutin yang mga mata ninyo at ipapakain ko sa aso." May pagbabanta na sabi ko sa mga ito.

Agad naman silang napayuko.

"S-Sorry boss, Sky."

"Sorry, bosss!" Paghingi ng tawad ng mga ito.

Napailing lamang ako bago muling lumapit kay Felicia. Sandali ko ring hinubad ang suot kong jacket at ipinatong sa magkabilang balikat niya. Sumakto naman na nasakop at napaktan nito ang dalawang hinaharap niya.

Pero wala sa ginagawa ko ang atensyon niya, kundi sa paligid pa rin dahil hindi pa rin siya tapos sa kanyang pagmangha.

"Waaaaah! Grabe!" Hindi pa rin makapaniwalang komento nito habang nagkikislapan ang mga mata.

"Ang ganda ng bahay niyo, ma'am!" Dagdag pa niya. Awtomatiko naman na napahawak ako sa sintido ko.

"Ma'am ampotek!" Bulong ko sa aking sarili.

Mukha na ba akong matanda? Isa pa, hindi bagay sakin ang ma'am. Nawawala ang astig ko! Tss!

"Just call me, Skyler. Please!" Pakiusap ko sa kanya. Pero napatitig lang ito sa aking mukha.

Oo nga pala. Naalala ko. Simple english lang 'yun pero hindi pa rin niya maintindihan? Hays. Okay. Ako na mag-a-adjust.

"Ang sabi ko, tawagin mo na lang ako sa pangalang Skyler or Sky." Hays! Kung alam ko lang na ganito, mas nilaliman ko pa sana ang pag-aaral ng mga makatang salita noon.

"S-Sky." Pag-ulit nito sa pangalan ko. Napatango naman ako.

"Its time for you to take a bath and---" Muli akong napapikit ng mariin habang palihim na kinakagat ang aking dila. Bago napabuga ng hangin sa ere.

"Kailangan mo nang maligo, para makapagpahinga." Pag-ulit ko sa aking sinabi sa paraang maiintindihan niya. "Ihahatid na kita sa magiging kwarto mo." Dagdag ko pa.

Isang malawak at matamis na ngiti naman ang pinakawalan nito dahilan para matulala na naman ako sa kanya.

Gosh! Skyler, go back to your senses. Kailangan mong masanay na sa mga ngiting 'yan dahil araw-araw mo siyang makakasama at makikita. Paalala ko sa aking sarili.

Kaya naman hinawakan ko siya sa kanyang braso at agad na iginaya patungo sa kanyang magiging kwarto which is sa second floor ng mansyon.

Agad naman na sinundan kami ng tatlong guard. Kapag kasi wala ako, silang tatlo ang magsisilbing mga mata ko para kay Felicia.

"So, tama ba ako? Magiging bahay ko na rin 'to?" Tanong nito bago pa man kami tuluyang makarating sa tapat ng pintuan ng kanyang magiging kwarto.

Napatango ako bilang sagot sa kanyang katanungan. Huminto ako sa tapat ng pintuan kaya napahinto na rin siya.

"Ibig sabihin tagapagmana talaga ako?" Tanong nito with matching palakpak pa at konting talon.

I pursed my lips para pigilan ang nagbabadya kong pagtawa. Gosh! She's so cute! Sobrang nakakagigil. Napasulyap naman ako sa tatlong guard na nagpipigil na lamang din ng kanilang pagtawa dahil sa mga tanong ni Felicia.

Agad naman na tinignan ko sila ng masama.

"Oo, tagapagmana ka." Pagsang-ayon ko kay Felicia sabay kamot sa aking batok.

"Ehem!" Napatikhim ako. "Ito nga pala ang magiging kwarto mo magmula ngayon." Wika ko bago tuluyang binuksan ang pintuan.

Agad naman na bumungad sa kanya ang kulay pink na interior design ng kanyang kwarto. Hindi ko alam na pinagawan na pala siya agad ng mga magulang ko at pinaayos ang kanyang magiging kwarto ng mabilisan sa loob ng dalawang buwan.

Usually naman kasi pink ang kulay na gusto ng mga babae kaya pink na lamang din ang napiling kulay ng mga magulang ko para sa kanya.

Mula sa interior design nito, sa kulay ng mga furniture, ng kanyang magiging kama, maging ang kulay ng kanyang banyo at walk in closet ay kulay pink. Well, bumagay naman sa kanya lahat eh.

Hindi ko tuloy mapigilan ang mapangiti ng palihim sa aking sarili.

Lalong-lalo na ang priceless na expression ng mukha ni Felicia. Wew!

"Waaaahhhh!! Ang gandaaaaaa!!!!" Naiiyak na komento nito. "Ang laki ng kamaaaa!" Pagkatapos ay patakbo siyang nagtungo rito at nagtatatalon.

"At ang lamboooot!" Kahit na marumi pa 'yung paa niya ay hinayaan ko na lamang na e-enjoy niya ang moment. Papapalitan ko na lang mamaya sa mga maids 'yung blanket at beddings.

Napapailing na lang ako habang nagpipigil ng pag ngiti. Hindi ako pwedeng ngumiti sa harap niya 'no? Especially sa harap ng tatlong ulupong na bodyguards dahil wala lang. Astig ako eh! masisira 'yung image ko.

Inilibot ko siya sa kanyang buong kwarto. Sa kanyang banyo hanggang sa loob ng kanyang magiging walk in closet kung saan nakahanda na rin lahat ng kanyang magiging mga kasuotan.

Ready na ang lahat para kay Felicia. At lahat ng iyon ay dahil sa mga magulang ko, lalong-lalo na dahil kay Dada Billy na siyang naghanda ng lahat at siniguradong magiging maayos ang buhay ni Felicia sa pangangalaga ng pamilya namin.

Hindi mababahiran ng anumang halaga ang kasiyahan na makikita ngayon sa mga mata ni Felicia. Hindi lamang siya namamangha sa kanyang mga nakikita at nangyayari sa kanya, kundi alam kong isang malaking pagbabago ito na kailangan niyang yakapin sa buhay niya.

Pagkatapos ng room tour ko sa kanya ay iniwan ko na muna siya sa loob ng kanyang kwarto at hinayaan na masulit niya ito. Para na rin makaligo na siya. Ang sabi ko tawagin lamang niya ako kapag may kailangan siya kaya nandito ako ngayon sa labas ng kanyang kwarto.

Antok na antok na ako. But what should I do? Sabi nga ni Dada Billy, she's my responsibility now. Hayst!

Paano naman akong anak niya? Hmp!

Pinagpahinga ko na rin 'yung tatlong guards dahil bukas na bukas kakailanganin nila ng energy.

Habang nag-i-scroll scroll ako sa instagram feed ko ay bigla ko na lamang narinig ang malakas na sigaw at pagtili ni Felicia mula sa loob ng kanyang kwarto. Kaya naman mabilis na napatakbo rin ako sa loob para tignan kung anong nangyari sa kanya.

Ngunit hindi inaasahan na sa pagkakataong iyon ko unang makikita ang kanyang hubad na katawan.

As in, hubad!

Dahil bigla na lamang itong tumakbo mula sa loob ng kanyang banyo at pasalubong na lumapit sa akin. Habang ako naman ay hindi alam ang gagawin dahil nakatitig lamang ang mga mata ko sa kanya dahil sa gulat nang makita siya sa kanyang itsura.

F*ck! Pagmura ko sa aking sarili at lakas loob na iniwas ko ang aking mga mata sa kanya. Dahil huminto pa talaga siya sa aking harapan. Knowing na wala siya kahit na isang saplot!

F*ck! F*ck! F*ck!

"Felicia naman!" Saway ko sa kanya habang nakapikit ng mariin!

Hindi ko rin mapigilan ang hindi magpakawala ng sunod-sunod na malalim na paghinga. Masyadong sinusubukan ngayon ang pasensya ko. Damn it!

Kalma, Sky. Kalma. Kaya mo 'yan. Pagpapakalma ko sa aking sarili.

"Pwede bang kumuha ka ng kahit na anong tela na panakip sa katawan mo?!" May pagkainis na saway ko sa kanya. Mabuti na lamang at mabilis na lumapit ito sa kanyang kama at itinakip ang kubot sa kanyang katawan.

Finally! Para akong nabunutan ng tinik sa dibdib.

"Ano bang nangyari?" Medyo mahinahon na ang boses ko ngayon.

"A-A-Ang lamig kasi ng tubig dito sa inyo. Nakakagulat!" Panimula niya. Napakunot ang noo ko pero nagpatuloy lamang siya.

"Tapos bigla ring iinit. Ang astig! Gano'n ba talaga 'yung shower? Biglang bubukas tapos parang umuulan sa loob." Dagdag at amazed pa na sabi niya. "Eh sayang 'yung tubig tuloy-tuloy lang kasi sa pag-agos. Ayaw kasing huminto kaya tumakbo ako, kukuha sana ako ng palanggana at balde para saluin 'yung tubig. Atsaka ng tasa na rin para magkape baka kasi lumamig ulit 'yung tubig sayang---"

"WHAAAAAT?!" Gulat na gulat na reaksyon ko dahilan para matigilan siya.

Palanggana at balde?

"BWAHAHAHAHAHA!"

Pagkatapos ay bigla na lamang akong napatawa. Iyong tawa na malutong at napapahawak pa sa aking tiyan.

"At magkakape ka pa? Hahahahahaha!" Hindi ko na mapigilan pa ang lalong matawa.

Habang si Felicia naman ay inosente pa rin ang mga matang nakatitig lamang sa akin at walang kaide-ideya bakit ako tawang-tawa.

"You're so--- hahahahaha! You're so cute, Felicia. Sorry! Pfft!" Komento ko habang pinipigilan na ang pagtawa.

Pumunta ako sandali sa loob ng kanyang banyo para kumuha ng towel. Pagkatapos ay iniabot ko iyon sa kanya. Agad naman na ginamit niya iyon panakip sa kanyang katawan. Noong matapos na siya ay marahan na iginaya ko siyang muli papasok sa banyo at isa-isang itinuro sa kanya paano ang tamang proseso sa paggamit ng shower.

Kung saan ang cold and hot shower. At sinabi ko na rin na automatic talaga iyong shower. Kusang nagbubukas kapag tumapat ka at kusa ring mamamatay kapag umalis ka na. Bagay na agad naman niyang naintindihan.

Pagkatapos noon ay hinayaan ko na siyang muli sa loob ng banyo. Hindi na rin ako lumabas muna ng kanyang kwarto at hinintay na lamang na matapos siya sa kanyang pagligo. Ako na rin mismo ang nag-ayos at naghanda ng masusuot nitong nighties para isusuot na lang niya.

Baka kasi hindi rin niya alam kung ano ang dapat na suotin pantulog at hindi. Mahirap na.

Kaya noong matapos siya sa kanyang pagligo, bago siya makapasok sa kanyang closet ay itinuro ko na rin muna sa kanya kung paano ang tamang paggamit ng hair blower. Para naman hindi basa ang buhok niya kapag matutulog na siya. Gayon din ang dapat na suotin pantulog.

Ngunit hindi ko pa rin siya tuluyang iniwan. I just want to make sure everything is settled before I leave her to rest.

Noong marinig ko ang mga hakbang nito palabas ng kanyang closet ay mabilis na lumingon ako sa kanya at magsasalita na sana, noong bigla akong matigilan at kusang napanganga nang makita kung gaano siya ka-hot tignan sa color maroon na nighties na sout niya.

Taas baba ko siyang sinipat sa kanyang kabuohan habang napapalunok ng mariin. Hindi ko rin maiwasan na hindi siya tignan ng malagkit sa kanyang katawan.

Gosh! Ang effortless ng hotness niya mga dude!

"M-May mali ba sa suot ko, Sky?" Biglang tanong nito dahilan para mapaiwas ako ng tingin mula sa kanya. "Sinunod ko lang 'yung sinabi mong damit pantulog na dapat kong suotin." Dagdag pa niya.

Ramdam na ramdam ko rin ang pang-iinit ng aking tenga at buong mukha.

"Wala." Tipid na sagot ko. "B-Bagay sa'yo." Dagdag ko pa bago siya tinalikuran na.

"Magpahinga ka na." Pahabol ko pa bago tuluyang lumabas na ng kanyang kwarto.

Paglabas na paglabas ko pa lamang ay panay na ang pagmura ko sa aking sarili dahil sa magkahalong dismaya at panghihinayang.

"Oh, Dada! Bakit naman gano'n?! Of all women, bakit naman siya pa ang hindi ko pwedeng makuha?" Napapahilamos sa mukha na bulong ko sa aking sarili.

A lovely innocent-looking girl but...damn! She's freaking hoooot!

Ikalma mo 'yan, Skyler! Hahahahaha! Kaya mo 'yan!

Jennexcreators' thoughts