webnovel

Reincarnation

'Reincarnation'

Genre: Love Story

Published Date: July 15 2020

Rica Eunice Garcia POV

"sa tingin ko talaga nakapunta na ko rito eh ang kaso nga lang medyo nag iba yung style nito" sabi ko kay Felix Park.

"sure ka ba jan?" tanong nito sakin.

"oo, familiar talaga tong place eh"sabi ko.

Agad niya kong niyakap, nakatingin lang kami pareho dito sa may labas ng bahay. Old style ang look ng bahay na ito malaki ito.

"punta tayo next week sa Magbubukas na Actual Arts Museum." sabi nito.

Mahilig talaga kaming dalawa sa paintings, mahilig kami mag collect ni Felix. Si Felix Park ang boyfriend ko ng 4 years and still counting pa din kaming dalawa.

----------------------------------------------------------

"bilisan mo na jan, opening na ng Museum, love" sigaw na sabi ni Felix sa kabilang kwarto. Naga ayos pa kasi ako ng sarili ko di pa ko masyadong okay sa itsura ko pero parang okay na rin ito. Ininvite kasi kaming dalawa, kasi we're actually a painter at writer tong si Felix. So we think na this is a good opportunity na din.

"please come in, have a nice day Mr. Park and Ms. Garcia." itotour daw kami ni Paulo. Siya ang may ari ng Museum na ito. Kami palang ang kauna unahang bibisita muna rito para maisigurado daw kung tama ang pagkakalagay at pagkakagawa sa mga iyon.

Nandito na kami ngayon sa tapat o sa harapan ng Actual Arts Museum, sa labas palang ay napakaganda punong puno ng kulay pero malinis tignan. Pagkapasok sa malaking pintuan ay bumungad ang chandelier na napakalaki sa itaas kulay puti na old style ang dating. At mayroong nakalagay na dalawang painting sa magkabilaang pader. Tinignan ko ang pagkakaguhit rito, napakaganda. Mayroong date na nakalagay.

"Hunyo Dos 1856" basa ko rito sa nakaukit rito sa litrato.

"Siya si Felix San Miguel, si Maria Eunice ang nagguhit ng larawang iyan, sila ay magkasintahan" pagkasabi ni Paulo nun ay tinuro niya ang isang larawan ng babae sa kabilang pader.

"napakaganda naman nito" sabi ko.

"Si Felix San Miguel ang nagguhit niyan, Rica. Isang pamamaalam na larawan iyan ni Felix bago pumanaw ito. Dahil sasabak daw sa isang away o gulo" sabi ni Paulo

"mukhang napakaganda ng istorya nilang dalawa" sabi ko

"mukha ngang maganda" sabi ni Felix

"tara sa loob mas marami din silang inukit rito na nakatabi" sabi ni Paulo kaya agad kaming sumunod rito.

"may isinulat din silang mga tula at mensahe para sa isat isa, nakakahanga ang pag-i ibigan nilang dalawa." sabi ni Paulo

"bakit wala sa history sila?" tanong ni Felix

"nasa history sila, sila ang pinakamaganda at gwapong tao noon. Magaling silang umukit, sumulat, magpinta. Napaka perpekto nilang dalawa pero sa kasamaang palad ay namatay si Felix San Miguel dahil sa gera na hindi alam ni Maria Eunice. Hindi ba kayo nagtataka na kamukha niyo ang dalawang iyan? at kapangalan pa? At tsaka may ginawang tula si Maria Eunice na unang sulat niyang poem para kay Felix, at pareho sila ni Felix na iisa lang ang mithiin sa kanilang tulang huling gawa" sabi ni Paulo

"talaga kamukha namin sila?" tanong ko

"oo nga, Mahal! Kahawig mo si Maria Eunice" sabi ni Felix sakin kaya napatingin ako sa isang litrato na nasa harapan namin napakalaki nito mikhang dalawang tao ang makakabuhat rito sa bigat at laki.

"Agusto tres 1861" basa ko sa litrato na nakaukit ruon.

"tama ipininta yan noong August 3 1861, isang hinding kilalang artist ang gumuhit at hanggang ngayon ay di pa din kilala kung sino ang gumuhit ng larawang iyan. Magkasama si Felix San Miguel at Maria Eunice Isabella St. Cruz. Nakangiti sila sa isat isa. Mukhang napakasaya." sabi ni Paulo

"ang haba ng pangalan ni Maria Eunice" sabi ko.

"hahaha, oo wag ka na magtataka pa dahil mas mahaba ang pangalan noon kesa ngayong taon" sabi ni Paulo

"ipinabebenta mo ba ito?" tanong ni Felix

"ah actually hindi pero kung kayo ang bibili pwede naman pero siguro matatagalan bago niyo makuha mas maganda kasing tignan kung kompleto ang laman ng museum na ito, o kaya may kapalit yang litrato" sabi ni Paulo

"kung ganon ay ibibilhin namin ito" sabi ni Felix kaya napatingin ako rito.

"oh sege no probelm" sabi ni Paulo, agad naman itong tumayo papunta duon sa may mga naka display na damit na sinauna at may mantiya na

"Felix San Miguel, Ito ang kaniyang suot na damit noong nakipag gera siya." basa ko sa nakasulat

"napakatagal na niyan, buti ay nahanap mo" tanong ko

"hirap hanapin niyan, naghanap hanap ako sa mga museum para bilhin iyan inabot ako ng 150,000,000 para sa damit na yan" sabi ni Paulo

"napakamahal naman" sabi ko

"gusto ko lang kompletuhin ang ala-ala nina Maria Eunice at Felix San Miguel. Naikwento kasi sakin noong bata pa ko ang kwento nilang dalawa. Wala na ngang nakakakilala sakanila kaya gusto ko buksan ang kaalaman ng mga tao dito sa mundo tungkol sa pagi ibigan nilang dalawa." sabi ni Paulo

•••Dreaming•••

             'ina! kailangan kong balikan si Ginoong San Miguel. mahal ko siya walang makakapigil saakin!'

Naririnig ko ang boses ng isang babae, na nagsisipumilit na makatakas sakaniyang ina para makapunta kay Felix San Miguel.

                'hindi maaari! inilayo na namin siya saiyo! hindi na kayo pwede pang magkita muli! wawakasan ko ang pagi ibigan niyong dalawa ng salot sa lipunan na iyon! alam mo ba ang ginawa ng kaniyang pamilya saatin? nawalan tayo ng mana dahil sakanila, mga taksil! mga ignorante! mga pahamak sila salot sila satin tandaan mo yon anak kong Maria Eunice Isabella St. Cruz.'

                   'bakit?! bakit dinadamay niyo kami sa nangyare sainyong dahas!'

         ' wala pa talagang alam sa mundo, napakabata mo pa para intindihin ang hinagpis ng inyong pamilya! kaya dapat ay makulong ka!'

               'gusto ko lang makita si Felix San Miguel, ina!'

         'hindi pwede! sa ngayon ay nakikipag digmaan na iyon sa kalaban ng ating bayan sa kanilang bayan. Mamamatay siya! at iibig ka ng iba'

                'ina!! ina!!! pakawalan mo ko rito!!!'

"love? love? are you okay?" Felix ask me, agad akong bumangon at tumingin sa paligid. Isa lang ba iyon panaginip o totoong nangyare? Baka kami ay reincarnation nina Felix And Eunice.

"oh tignan mo na, kahawig kasi nila kayo. At inyong mga talento halatang galing sakanila. Kayo nga ang reincarnation nila" sabi ni Paulo

ikinwento ko sakanila ang nasa panaginip ko. Alam ko na kung ano nangyare sakanilang dalawa, ipinaglayo silang dalawa ng ina ni Maria Eunice. Dahil sa pamilya ni Felix. Nag away ang kanilang tribo dahil sa mana na hindi natanggap ng pamilya ni Maria Eunice. Niloko sila ng pamilya ni Felix San Miguel. At nadamaya silang dalawa. Nagpakamatay si Maria Eunice, at ang huling sulat niya ay...

   'ikaw lamang ang aking hahamaking iibigin. Ikaw lang ang mamahalin. Ginoong Felix San Miguel. Sana'y magkita muli tayo sa panibagong buhay nating dalawa at sana ay tayo muli ang magkatagpo. Iyong minamahal na Binibining Maria Eunice Isabella St. Crus.'

   -Maria Eunice Isabella St. Crus

      'patawarin mo ko aking iniibig na Binibining Maria Eunice Isabella St. Crus. Magkita sana tayong muli sa ating panibagong buhay. Magkikita pa tayo at magmamahalan uli aking minamahal na binibini.'

    -Felix Don San Miguel

END OF STORY