webnovel

Haplos ng Hangin (Tagalog)

Sandi Hinolan is loved and adored by all. Will the man of her life be able to love and adore her?

_doravella · perkotaan
Peringkat tidak cukup
47 Chs

The One That Came Back

Bumangon ako't hinilot ang sentido ko nang maramdaman ko ang pananakit ng ulo ko. I didn't drink that much last night pero grabe 'yong throbbing pain na nararamdaman ko sa ulo ko. It isn't hangover anymore. It's the hangestover na talaga. But I can deal with it. Inom lang ng tubig later, mawawala rin 'to.

Nag-unat ako ng katawan at tiningnan ang side ng bed kung saan dapat nakahiga ang dalawa ko pang kapatid. Dahlia's still there, sleeping soundly. But Hannah isn't.

Naghilamos muna ako at nag-toothbrush bago lumabas ng kuwarto. I hear some sizzling from the kitchen habang pababa ako ng hagdan. And I can smell it too.

"Good morning, Ate!"

Napatingin ako sa may veranda ng rest house nang marinig ang boses ng bunso namin. Sliding window naman at glass almost ang dingding ng harapan kaya agad ko siyang nakita. He's holding some kind of newspaper yata at kumaway pa talaga sa akin. Kumaway din ako sa kaniya.

"Morning. Hannah?"

"Present!" Kasabay ng pagturo ni Hoover sa direction ng kusina ay ang pagsigaw ni Hannah from the kitchen.

Pinuntahan ko ang kitchen at agad akong namangha nang makitang may mga pagkain nang nakalatag sa dining table. Nakakatakam! Halatang bagong luto kasi nakikita ko pa ang usok! Nagutom tuloy ako.

Lumabas si Hannah from the dirty kitchen na may dalang isang plate ng bacons. Inilapag niya ito sa lamesa together with the other breakfast foods.

"You cook this all?"

"Of course! Paniguradong wala tayong kakainin kapag hindi. Hoov, gisingin mo na nga si Dahlia."

Wow! Hindi ko pinansin ang pagka-sarcastic na sagot ni Hannah dahil natuwa ako sa ginawa niya. Hindi ko alam na mahilig pala siyang magluto. Wala kasi sa personality niya.

Hindi ko na alam kung sinunod ba ni Hoover ang inutos ni Hannah sa kaniya kasi umupo na ako sa kabisera ng dining table habang nakatingin sa mga putaheng nakahain sa hapag-kainan. There's java fried rice, hotdog, eggs, both sunny-side up and scrambled, ham, and bacon. Breakfast foods nga! Pero may kulang?

"Oh, milk tea mo. Malamig 'yan with pearls. Grabe ka! Umagang-umaga, milk tea talaga pinapatos mo." I pouted to what she said, nagmukha siyang Ate sa ginagawa niya ngayon. "'Wag ka munang kakain. May niluluto pa ako sa kusina. Pancake, your fave."

Mas lalo akong napangiti dahil sa sinabi niya. And now, wala ng kulang. Everything's complete and perfect!

Nawala sa paningin ko si Hannah at mag-isa ako ngayon sa hapagkainan. Habang nakatingin sa baso ng milk tea na ibinigay ni Hannah, bigla kong naalala ang nangyari kagabi.

"Then why am I alone and still talking with you?"

"Oo, dati, no'ng sinubukan kong mag-move on sa 'yo. Pero it didn't work out. I was shitty because I can't move on with you. Matagal ko nang tinapos ang panliligaw ko sa kaniya. Friends na lang kami ngayon ni Thelaine."

Gusto kong ngumisi dahil sa sinabi niyang hindi pa siya nakaka-move on sa akin. Pero marami pa akong katanungan sa kaniya kaya pinigilan ko.

"Then why does Thelaine's still acting like you and her has a thing?"

"I don't know? Hindi naman ah?"

"Well, in case you didn't know, she blamed me for losing that pageant. Kasi akala niya bitter na bitter ako sa kaniya kaya hindi ko siya ipinanalo."

"Bakit? Hindi ba?"

"Of course not! I voted for her! Your brother is to blame to this! Sinabihan niya akong hindi niya raw gusto si Thelaine and he suggested na-"

"Hindi ka ba talaga bitter na bitter sa kaniya?"

Okay, what the hell?

"Hindi! Bakit naman ako magiging bitter sa kaniya?"

"Talaga? Bakit sinabi sa akin ni Mikan na para ka na raw maiiyak no'ng itanong mo sa kaniya kung kami na ba ni Thelaine?"

"Wow ha? Ikaw yata 'tong bitter! Superstar na nga itong lumapit sa audition mo, without talent fee, ikaw pa 'tong nag-inarte na hindi ako tanggapin. Sumbatan pala gusto mo ha?"

Binatukan ko ang ugok na tawa lang tawa sa harapan ko. Sinabi niya sa akin na trip lang daw niya 'yon. Nagulat lang daw siya sa pagsulpot ko at sa mismong paghihintay sa linya para lang makapag-audition.

We stayed their for awhile, until our heart's at peace, until our lips met. Marupok ako, girl, tinanggap ko naman. Miss ko na kaya siya! 'Nyeta!

Ang sabi usap lang, bakit may halik na?

It was a nice talk. Nagkaintindihan kami't nagkaliwanagan sa mga dapat bigyang liwanag. Matapos ang pag-uusap naming iyon, inihatid niya ako sa rest house ng mga Hinolan malapit lang sa maliit na burol na iyon. Ito pala ang ibinilin ni Hoover sa kaniya no'ng mag-usap sila before kaming umalis. Ibinilin daw ni Hoover na ihatid ako rito dahil dito raw kami matutulog na apat. Kailangan daw naming mag-siblings bonding. Ang sweet talaga ng bunso namin, paniguradong may hihingin 'to.

"Agay! Deputa, sakita jud sa akong ulo oy!"

Naputol ang pakikipagtitigan ko sa milk tea nang marinig ang malakas na boses ni Dahlia. Papasok siya sa dining area at kasunod niya si Hoover. Si Hannah din ay bumalik na ng dining area dala ang pancake na gustong-gusto ko. Pero lahat kami nakatingin lang sa nagrereklamong si Dahlia.

Padarag siyang umupo sa space to my right, hinihilot pa rin ang ulo niya. "Giatay, sakita jud lage oy! Putla na lang akong ulo!"

Pinasadahan ko ng tingin si Hannah habang nilalapag niya ang plate ng pancake. Nakangiwi siya habang nakatingin sa state ng kapatid namin. Dahlia's a mess. Suot niya pa rin ang suot niyang damit kagabi. Magulo ang buhok dahil sa pagkakasabunot niya rito at sinasambit ang lahat ng curses sa buong mundo, in any languages. May it in our vernacular or not.

"Oh, mainit na tubig. Para ka namang hindi doctor n'yan. Dapat alam mo kung anong gamot ng hangover." May pagdadabog na kasamang sabi ni Hannah nang ibigay niya ang mainit na tubig kay Dahlia.

"Ay, pasensiya na ano? Kaka-graduate ko lang kasi ng Med School, ano? Tapos may board exam pa ako tapos residency pa, ano? Pasensiya na."

"Nasa Med School 'yan. Nakinig ka ba talaga sa klase mo? Paano ka naka-graduate n'yan?"

"Do I look like a pharmacist? Dapat ba lahat ng gamot alam ko? Ob-Gyne ang magiging focus ko. Malay ko sa gamot sa mga sakit-sakit ng ulo."

"How can you call yourself a doctor kung gamot lang sa hangover ay hindi mo alam? Iinom-inom ka tapos ang gagawin mo lang pagkagising mo kinabukasan ay ang magreklamo sa sakit ng ulo. Alam mo naman pa lang iinom ka, dapat pr-in-epare mo na ang gamot mo for kinabukasan."

"Aba, malay ko! Malay kong mag-i-enjoy pala ako sa fiesta'ng iyon. Anong akala mo sa akin? Doctor na palaging may dalang first aid kit?"

Okay, what is going on? Is this for real? Seryoso 'tong away nila? Parang iba na ang tono ng boses ng bawat isa sa kanila, ah? Nag-aaway talaga silang dalawa?

"Hannahleah Barbianna and Dahlia Barbara! Puwede ba? Tumahimik muna kayong dalawa? Kung nandito lang si Mommy, kanina pa kayo sinapok no'n. And can't you see, Ate Sandi's here?! Mahiya naman kayo."

Hala, teka, parang… totoo nga yatang nag-aaway sila.

Nabaling ang tingin ko kay Hoover nang bigla siyang padarag na tumayo at inisa-isang tiningnan ang dalawa. Magkalayo naman sila pero the tension between them is rising like the sea level's rising.

Natahimik din naman silang dalawa dahil sa sigaw ni Hoover sa kanila. Nanatili akong tahimik. Nagulat sa mga pangyayari. Teka, kakauwi ko lang tapos ganito bubungad sa akin? Ang sabi ni Hoover, bonding naming magkakapatid 'to, bakit sila nag-aaway?

Noong mga bata pa lang kami, ang madalas na nagkakasagutan ay kaming dalawa ni Hannah dahil hindi niya dati gusto ang pamamalakad ko bilang Ate at ewan, mukhang mainit lang siguro ang dugo ni Hannah sa akin noon. Never ko pa yatang nakitang nag-away silang dalawa ni Dahlia because Dahlia's the cheerful one among us, palaging chill lang at walang pino-problema. Kaya sobrang nagulat ako ngayon na bigla silang nagkasagutan na dalawa. Tapos bigla pang sumabat itong si Hoover. Ewan ko na lang talaga. I guess I was that away for too long that I cannot keep up with the changes inside our family anymore.

I want to mutter some words pero dahil sa nanlilisik na mga tingin nilang dalawa, biglang nabahag ang buntot ko't hindi agad nakapagsalita. Kung hindi lang umupo ulit si Hoover sa kinauupuan niya, hindi ako makakahugot ng isang malalim na hininga. That was… shocking.

Bumuntonghininga si Hoover at dahan-dahan na lumingon sa akin. Lumingon din ako sa kaniya, gulat pa rin sa nasaksihan kanina.

"It's a prank!"

What the hell?

"Ate! It's a prank!"

"I got her! Ang galing ko talagang um-acting. Dapat ako 'yong nag-artista sa ating apat, e."

"Ate Sandi, it's a prank! Kumurap ka naman."

"Sabi sa 'yo, Hannah, 'wag na nating i-prank 'yan. Kilala ko 'yan si Ate Sandi, loading 'yan. Kita mo mukha niya ngayon, naglo-loading pa 'yan. Aabutin talaga tayo ng kinabukasan kaka-explain sa kaniya sa ginawa nating prank."

Nag-loading nga ako. Naririnig ko ang mga boses nila pero iniintindi ko pa na prank lang ang ginawa nila kanina. Okay. Teka, naguguluhan ako.

"What the hell? Anong prank? That was a prank?" gulat na tanong ko sa kanilang tatlo na ngingisi-ngisi lang sa akin ngayon.

"Oo, Ate, at pakana ni Hannah 'yon. 'Wag mo 'kong sisisihin. Si Hannahleah nag-isip na i-prank ka," defensive na sabi ni Dahlia.

"Yep, Ate. Ate Daling and I are so fine. T-in-ry ko lang kung immune ka na ba talaga sa mga prank prank na 'yan. I guess not kasi based on your reaction awhile ago, mukhang benta nga sa iyo ang ginawa namin," natatawa pang sabi ni Hannah.

"And Ate Sand, that was for her vlog. You know naman na vlogger na itong si Ate Hannah," sabi naman ni Hoover sabay turo sa direksiyon ng camera kung saan ito nakatago.

No'ng una, hindi ko pa ma-gets pero nang makitang may camera nga, unti-unti akong natawa at imbes na mag-middle finger sa camera, nag-thumbs up na lang ako in a slow motion manner.

"Okay, okay, you got me there, ha? You really got me there."

Nagtawanan silang tatlo at muling pinag-usapan ang mabentang reaksiyon ko kanina. We continue with our breakfast that personally prepared by Hannah at saka namin pinanood ang clip na na-capture ng camera niya sa nangyaring away kuno kanina.

Tawanan lang kami nang tawanan. Ayon at ako na naman ang naging hot topic nila't napuno ng asar.

Halos buong araw ay nakipag-bonding lang ako sa mga kapatid ko. May maliit na pool dito sa rest house ng mga Hinolan kaya buong umaga ay nagtampisaw lang kami while talking some random things pero mas pinag-usapan lang namin ang mga achievements and changes ni Hoover. Napuno na rin ng asar since siya naman ang bunso and I believe that bunso should carry all the asar of their older siblings. Kawawang Hoover Bernand Roberts.

Nang maghapunan, hindi na nakayanan ni Hannah at pinatawag na niya ang caretaker ng rest house para tulungan siya sa pagluluto. Nasa malapit lang naman ang bahay nila kaya madali lang tawagin.

Si Hannah ang nakatoka sa pagkain, kaya kaming tatlo, nandito at nakaupo sa salas ng bahay, mga mukhang palamunin.

Habang nanonood ng movie sa Netflix, 'yong wala akong involvement, ay naaninag ko mula sa labas ng bahay na may mga papasok na kotse. Hindi ko mabilang kung ilan pero dahil sa headlights, parang nahihinuha ko nga na sobra sa isa iyon.

Napatayo ako sa kinauupuan ko, ganoon din ang ginawa ni Dahlia at Hoover. Pare-pareho kaming nakatingin ngayon sa mga papasok na kotse.

Pinagbuksan naman ito no'ng asawa ng care taker na siyang kasama ni Hannah ngayon sa kusina. Hindi niya inalam kung sino-sino 'yon, paniguradong kilala niya kung sino-sino sila.

"Oh, they're here!"

"Are we expecting some kind of visitors tonight?" Tanong ko sa dalawa pero imbes na sagutin ako, lumabas sila para salubungin ang pagdating ng mga kotse. "Who's here?" dagdag na tanong ko but still, no one's listening.

Masiyadong madilim ang paligid pero out of three cars, isa lang ang familiar sa akin: 'yong kotseng ginagamit ko habang nandito ako. Aside from that SUV, may dalawa pang pick up car na nakasunod sa kotseng iyon. One of the pick up cars na nakasunod ay may hunch din akong parang nakita ko ang kotseng iyon from somewhere. Forgot where exactly.

"Kapag kainan talaga, ang bilis nilang pumunta rito." Biglang sumulpot si Hannah na suot pa ang apron. Naka-cross arms at napapa-iling siyang nakatingin sa mga kotse na kaniya-kaniyang park kung saan-saan kasi wala naman talagang exact parking lot ang rest house na ito.

Hanggang sa isa-isa nang nagsilabasan ang mga taong sakay no'n.

"Ma'am Sandi!"

Kahit hindi ko siguro tingnan, talagang agad kong makikilala kung sino ang sakay ng kotseng pag-aari ko. Makasigaw naman kasi sa pangalan ko, parang hindi kami nagkita ng ilang taon.

"Mm-Hmm, nice rest house. Can't blame why Dr. Hinolan's been bragging about this. Maganda. Pero bakit nga ba may rest house kayo na nasa city n'yo lang naman?"

I look at Ms. Yang as she studied the whole landscape and architectural design of the rest house.

"Sa pamilya kasi namin, Ms. Yang, luxury na ang salitang pahinga. Kaya kahit saang sulok man itayo ang ganitong klaseng bahay, rest house pa rin ang itatawag nila rito." Sinagot ni Dahlia ang naging tanong ni Ms. Yang. Tapos bigla siyang na-distract nang bumaba na ang mga sakay no'ng dalawang kotse. Pinuntahan niya iyon pero pinagtoonan ko ng pansin si Ms. Yang.

"Good evening, Ms. Yang," nakangiting bati ko sa kaniya.

Nanatili ang dalawang kamay niya sa kaniyang likuran na parang isang principal na nagmamatyag sa estudyanteng nasasakupan niya.

"Good evening, Sandi. Have you rest well enough?"

"Yes po," malumanay na ngiting sagot ko.

"Good. Pasok na ako sa loob. Hindi ko alam na masiyado pa lang malamig dito ngayon." Itinuro niya pa ang daan papasok ng rest house. Tumango ako kahit confuse pa rin ako.

"Hayeeee!"

I eyed Nissa and Alexa as they enthusiastically wave their hands to me. Malawak pa ang naging ngisi ni Nissa sa akin na parang may ibig sabihin pero dahil hindi na siya nagsalita bukod sa pagbati niya, hindi ko tuloy na-confirm kung may meaning ba 'yong ngiti niya.

"Good evening po, Ms. Sandi," sabay na bati ni Martin at Chivas na sinabayan pa nila ng pagyuko. Tumango ako sa kanila at hinayaan silang sundan si Ms. Yang sa pagpasok sa loob.

"What's going on? Is this another prank, Hannah?"

Ngumiti si Hannah sa akin at saka tinapik ang balikat ko. "I invited them and some of Ate Dahlia and mine's friends to have a small dinner tonight. Fiesta pa naman ng city natin kaya why not, right?" Tinapik niyang muli ang balikat ko at hinarap ang kung sinong bisita niya for tonight.

Oo nga pala, hanggang thirty-one nga pala ang celebration ng fiest sa city namin.

Hinayaan kong umalis si Hannah para si Hoover naman ang kausapin ko.

"What about you? You've invited your friends?"

Umiling siya. "Osmeñas has their own family affair."

Napataas ang isang kilay ko. "You're friends with the Osmeñas? Sino-sino sa kanila?"

Tumango siya. "Si May lang."

"May?" confuse ko pang tanong. May kilala ba akong May sa mga Osmeña?

"Mm-Hmm. Si Mayumi Osmena."

Ah! Yeah! I know that little girl!

"Oh, you're friends with Mayumi pala? She's Fiona's little sister, right? Bakit? Siya lang ba ang in-invite mo? Wala ka bang ibang friends?"

Umiwas siya sa akin ng tingin. "Ang sabi kasi sa akin ni Ate Dahlia na i-invite lang ang mga close ones para hindi ka raw pagkaguluhan ng iba."

"O, e, si Mayumi lang ba ang close mo?" Oh shit! "Hoover Bernand Roberts! Is Mayumi your-"

"Ate! Promise! Kaibigan lang. Magkaibigan lang kaming dalawa ni May." At bigla siyang pumasok ng rest house. Nagmamadali pa.

Ang defensive naman! Tatanong ko lang kung si Mayumi ba 'yong bestfriend niya.

Umiling na lang ako at humarap, tiningnan ang maingay na grupo ni Dahlia at Hannah.

Holy mother of monkey! Nawalang bigla ang ngiti ko nang makita kung sino-sino ang bisita ni Dahlia.

"Hi, superstar!" energetic na bati sa akin no'ng lalaking katabi ni Sonny Lizares.

"Uh… hi?" kumaway din ako sa kaniya kahit gulat na gulat pa rin ang sistema ko sa nakikita ko ngayon.

Sa right side, katabi ni Dahlia ang mga kaibigan niya na hindi ko talaga personally kilala but kind of familiar kahit na ilang taon na ang lumipas magmula no'ng una kong malaman na sila ang original friends ni Dahlia. Pero thanks to Dahlia's initiative, ipinakilala niya ang friends niyang iyon. There's Yulia Montero, Justine Saratobias, and Sonny Lizares. Dahil siguro sa pressure, naipakilala rin ni Hannah ang mga kasama niya. There's Sancia Nadal, Tasia Lopez, Amox Barcelona, and Darry Lizares.

Wow, nandito ang dalawang Lizares. And they're friends with my sisters! Wow!

"Sige, pasok na kayo sa loob," offer ko matapos silang ipakilala ng mga kapatid ko.

Nanatili akong nakatayo habang pumapasok sila sa loob. Iginala ko ang tingin sa kabuuan ng paligid. Wala ba siya? 'Di ba magkaibigan naman sila ni Dahlia? And as far as I remember, we're fine. Bakit hindi siya pumunta? Siguro naman in-invite siya ni Dahlia kahit short notice lang ito.

Nagpahuli si Hannah sa kanila kaya nang tumapat na siya sa akin, huminto siya. Mabuti naramdaman ko ang paghinto niya kaya napalingon ulit ako sa kaniya. "Hindi ka ba papasok sa loob?" nagtatakang tanong niya.

Shit!

Hilaw akong napangiti sa kaniya and was about to answer when that Justine Saratobias look at me and smiled sheepishly. "Baka hihintayin 'yong manlili- aasdfghjkl - ano ba, Sonny!"

"'Tang ina ang ingay mo!"

Hindi ko na pinansin ang pagkaladkad na ginawa ni Sonny sa kaibigan niya. Tiningnan ko na lang si Hannah para hindi na magduda pa. "Susunod naman talaga ako. Magpapahuli lang to ensure your safety. Ako pa rin ang nakatatanda rito."

Ngumiwi siya sa naging sagot ko, parang hindi kumbinsido pero nagpatuloy pa rin naman siya sa paglalakad papasok.

Pero dahil nasa hulihan ako, hindi agad ako nakapasok dahil biglang tumigil si Dahlia at lumingon kay Hannah. At sa may pinto pa talaga niya naisipang tumigil ha.

"Pasok na tayo, Han, nand'yan na hinihintay niya." Nasa likuran ko nakatingin si Dahlia at kasabay no'n ang pagkarinig ko sa kotseng papalapit. Lumingon ako roon at inaninag kung anong ibig sabihin ni Dahlia.

I watch that car until it's parked on its own together with the other cars. Naghintay ako kahit alam ko na sa sarili ko kung sino ito. Grabe talaga ang puso, mas nauna nang nakakaalam kaysa sa mata.

I bit my lower lip, crossed my arms, and stop myself from smiling widely as he approach his steps towards me with a bouquet of red roses on his arms. Nararamdaman ko ang mga titig niya kahit hindi ko pa masiyadong makita ang kabuuan ng kaniyang mukha dahil sa madilim na paligid.

Few steps away from me, he halted. Dahil sa ilaw galing sa loob mismo ng rest house, nakita ko nang tuluyan ang mukha niya. He's serious. His dark eyes are directly looking at me.

"Can I still come in?"

"Of course-"

"To your life? Can I come back to your life, Sandi?"

Kurap. Kurap. Hingang malalim. Kinilig. Ano raw? Kinikilig ako rito pero lumilipad na pala utak ko. Nakatitig lang ako sa kaniya ng ilang segundo. Naghihintay ng himala.

But why wait for a miracle when you can make one for yourself?

"I should be the one asking you that question, Siggy. Can I… still come back to you?"

He shrug his shoulder. "Only if you still love me."

Pumatak ang luha ko dahil sa tuwa at agad na nilapitan siya para yakapin ng mahigpit. "I love you, pangga. For always."

"So do I, pangga."

Hindi ko napigilan ang sarili ko't pinaulanan ko siya ng halik. Grabe, na-miss ko 'to, Lord.

"Bwaaa! Puwede bang kumain na tayo? Nasusuka na ako sa gutom at sa ka-corny-han n'yong dalawa."

Epal. Bago ako lumingon sa likuran ko, napa-irap ako dahil sa ka-epal-an ni Hannah. But in the end, nakangiti akong pumasok sa rest house kasama siya.

Napuno kami ng kantiyaw pagpasok namin sa loob pero balewala na sa akin 'yon. As long as I'm in his arms again, other people's comments will be nothing. I promise.

"I have nothing against your relationship but I just want to remind you that we have a job waiting for us in Manila, Sandi, ha?"

"I got that, Ms. Yang. Babalik din naman 'to ng Manila." Lumingon ako kay Siggy at matamis na ngumiti. "Your movie's on a roll. Sagot ko na ang budget."

Nangunot ang noo ni Siggy dahil sa narinig pero hindi ako nagpatinag dahil firm na ang decision kong iyon.

"Tanggapin mo na, Sir Siggy. Care of po 'yan ng foundation niya, 'yong SMPH."

Nanatiling nakatitig si Siggy sa akin kahit na narinig naman naming kinausap siya ni Nissa.

"I know. I just don't want others to think na g-in-irlfriend ko lang siya dahil do'n."

Hinawakan ko ang pisnge niya at umiling. "I'll make sure no one knows." Isang huling ngiti at hinarap ulit ang ibang nandito sa hapag. "Well, except for you guys. Narinig n'yo, e."

Napuno ulit ng tawanan at kuwentuhan ang hapagkainan. It feels like we're a big family sharing the same bloodline that's having dinner tonight. Kahit na kanina, strangers lang ang iba sa akin. Minsan ko lang maranasan ang ganitong klaseng dinner noong nasa ibang bansa pa ako kaya tini-treasure ko talaga ang bawat moments na ganito. Lalo na ngayon na nasa tabi ko na siya.

This time, hindi ko na siya pakakawalan. Lalaban ako hanggang sa kahuli-hulihang patak ng dugo ko sa katawan.

"Oh, look what we have here. You're having a small party without inviting us, the owner of the house?"

Holy mother of monkey!

Sabay-sabay kaming napatayong magkakapatid nang biglang sumulpot ang Mommy namin sa rest house. Pare-pareho yata kaming nagulat sa presensiya niya dahil pare-pareho naming alam na wala siya rito dahil may scheduled operation siya the whole day at on-duty din siya sa provincial hospital.

Pero hindi lang 'yon ang concern ko. Naalala ko kasing ayaw niya sa mga Lizares. And oh, boy, we have three Lizares in the area. And one of them is the one she made false stories with a few years ago.

"Don't get me wrong. I'm not here to ruin your night. I'm here to talk to my daughter, Sandi. Sandi? A minute please?"

Tiningnan ko muna ang mga kapatid ko at saka si Siggy bago umalis sa kinatatayuan ko para puntahan si Mommy. They all encouraged me to talk to her kaya ako nakagalaw.

"Continue your dinner. Sorry for the little interruption. And enjoy your stay here. Especially you, Darry."

"I will, Ninang Cindy."

Dami kong iniisip, dumagdag pa 'to.

Malawak ang ngiti niya sa lahat na parang siya ang nicest mother in town. Pero nang makalapit ako sa kaniya, bigla niyang hinablot ang kamay ko't halos kaladkarin ako papunta sa likuran ng rest house, kung saan ang pool area and viewing area. Malayo ito sa kitchen kaya siguro rito pinili ni Mommy na makipag-usap.

"Mom, if you're here to ruin it… please, stop. I will not let you. Not this time. Never. I know what you did, Mom. I know that you lied and made up stories about him para lang kamuhian ko siya. I don't know what Mr. Gabriel Lizares did to you for them to hate them like that and I don't care. Whatever happened to you in the past, please spare us. Wala kaming kinalaman sa inyo. We shouldn't be the one paying the price."

Mom look at me with disbelief. She wants to say something but she's holding it back. Nakita ko ang paggalaw ng iilang ugat niya sa katawan at paghigpit ng hawak niya sa clutch bag na dala niya.

"I am your mother, Sandreanna, and it's my job to spare you from the future pain. Sasaktan ka lang ng Lizares na 'yan."

"Mom! You're the one causing me pain! Stop it. Please. Mom. Hanggang may natitira pa po akong respeto sa inyo, please, hayaan n'yo na kami ni Siggy."

Mommy grab my wrist with her free hand and mahigpit itong hinawakan habang mariin na nakatingin sa akin. I can see water in her eyes but she's still holding it back.

"Don't come running back to me like I didn't warn you, Sandreanna Millicent. Sasaktan ka lang n'yan. Gagawin niya sa 'yo ang ginawa niya sa akin noon."

Nilabanan ko ang mahigpit niyang hawak sa palapulsohan ko at marahas itong tinanggal. "Mom, please move on already. You have your own lives. He's happy with his family. You have your own family. Aren't you happy and contented with it?"

"Saka mo itanong sa akin 'yan kapag naranasan mo nang mawalan. Tingnan natin kung sasabihin mong masaya ka sa buhay na natanggap mo."

She turn her back away from me and never look back.

~