webnovel

Haplos ng Hangin (Tagalog)

Sandi Hinolan is loved and adored by all. Will the man of her life be able to love and adore her?

_doravella · perkotaan
Peringkat tidak cukup
47 Chs

The Cement Mixing

Naging magulo man ang araw kahapon, hindi ko akalain na isa ito sa pinakamahimbing na tulog na nangyari sa buong buhay ko.

Matapos kong makapag-pasalamat kay Siggy, agad akong nahiga sa kama para matulog. Siya naman ay lumabas muna ng kuwarto. Magpapahangin daw. Sa sobrang pagod siguro, hindi ko nalaman kung anong sunod na nangyari.

Maaga akong nagising kaya nang bumangon ako, nakita ko siyang natutulog sa sahig ng room. May nakalatag na parang airbed. Nakasalampak ang kaniyang katawan patalikod at sa kabilang side nakatingin ang kaniyang ulo. Isa lang kasi ang kama rito sa kuwartong ito at iyon ay ang hinihigaan ko.

Isang tipid na ngiti na lang ang nagawa ko habang nakatingin sa posisyon niya. Itatanong ko kaya mamaya kung hindi ba siya nahirapan?

Gaga, Sandreanna, ano na naman 'yang pinag-iisip mo?

Maingat akong gumalaw papunta sa CR to freshen up. Nabigyan na rin ako ng tootbrush ni Siggy kagabi, kasama sa toiletries na ibinigay niya sa akin. Nag-toothbrush lang ako at naghilamos ng mukha since wala akong dala no'ng mga usual creams and facial foams na ginagamit ko to start my day.

Mukhang kailangan mo ng masanay sa ganitong klaseng mundo, Sandreanna. Hindi mo na basta-bastang makukuha ang mga basic wants mo.

Mahimbing pa rin na natutulog si Siggy nang lumabas ako ng CR. Gutom na ako pero nakakahiya namang gisingin siya para makahingi ng pagkain. May conscience din naman ako, 'no. Siguro mamaya na lang kapag nagising siya.

Napagpasiyahan kong lumabas muna sa room na ito at lumanghap man lang ng kahit kaonting sariwang hangin na galing sa dagat. Since I'm here near the sea, might as well grab the scenery to help me with my chaotic decisions in life. Siguro, kakausapin ko na lang mamaya 'yong mga staff na makakakilala sa akin. Kung may pagsasabihan man sila na nakita nila ako rito, bahala na. Edi magkahulihan kung magkahulihan.

Tahimik ang paligid nang makalabas ako ng kuwarto. Iginala ko ang tingin ko't wala talagang katao-tao. Siguro dahil weekdays at busy ang mga tao sa kani-kanilang personal na buhay kaysa mag-beach lang.

Nag-unat ako ng katawan. Sinusubukang patunugin ang bawat buto sa aking katawan. I feel so satisfied kapag may naririnig akong pagtunog galing sa mga kasu-kasuan ko, e.

Kaonting lakaran lang at makakarating ka na sa stairs papunta sa shore line ng beach.

Hanggang sa bumababa ako papuntang shore line, wala akong nakitang mga taong nakabantay. Sobrang tahimik ng buong paligid. It is very ideal for tourists na gusto ng katahimikan sa buhay. Kaya hindi na talaga ako nagtaka kung bakit simula no'ng maitayo ang resort na ito, dinadayo pa rin ito ng iilang kababayan namin.

Humugot ako ng isang malalim na hininga at dinama ang malamig na hangin na galing North East side of the island, probably from the island of Cebu since kitang-kita from my puwesto ang kalapit na island ng province namin na Cebu.

Dinama ko ang hangin, inisip na nasa isang panatag na situwasiyon ako ngayon.

Life is sure a bit messy sometimes. You can't decide for everything. There are certain things that are not easy to access. There are certain situations you wished you were there but wasn't able to.

I am uncertain of what will happen next. But I am very sure where I am going next.

I took a deep breath again and let the wind decide for my next. Bahala na ang haplos ng hangin sa lahat.

Isang kalmadong dagat at tahimik na paligid ang namutawi sa akin. Matapos ang ilang minutong pagpapakalma sa sarili ko, naisipan kong bumalik na sa room. Baka gising na si Siggy at hinahanap ako.

I went up the stairs again. Anticipating another silent resort.

But I was so wrong. May narinig akong mga boses na nag-uusap at kalampag ng iilang metal na galing sa kung saan. Habang paakyat ako sa sementong hagdan, mas lumalakas din ang ingay na naririnig ko.

Nang tuluyang nasa itaas na, napatingin ako sa kaliwa ko nang marinig kong doon nanggagaling ang ingay. Dahan-dahan akong naglakad papunta sa direksiyong iyon hanggang sa may nakita akong tatlong lalaking may kaniya-kaniyang bitbit ng iba't-ibang klaseng tools.

'Yong unang lalaki na nakasuot ng puting t-shirt na may maninipis na braso, ay siyang may hawak ng parang wheelbarrow pero parang sirang version.

'Yong pangalawang lalaki na nakasuot naman ng pulang t-shirt na may butas-butas pa ang ilalim ng manggas, ay siyang may hawak na parang strainer pero malaki. Tapos sa bawat shake niya ng strainer na iyon ay may buhangin na bumabagsak sa ilalim that formed into a mountain-like shape.

And the last guy who wear a yellow shirt that's obviously from a politician who run an office last election, he's the one in charge with a shovel and shovelling the cement that mixed with sand and water. He continously did that until I was drawn into just staring to what he's doing.

Sa bawat sandok na ginagawa niya sa sementong may halong tubig at buhangin, mas lalo akong na-engganyong mas panoorin ito. And the sound it makes, it feels relaxing. It's like a music in my ears just like how the waves crash to the shore and how the wind blew the branches of the nearby tree. Ang tunog na napo-produce no'n ay parang kasama na sa nature, and it will always be with nature.

You can literally last a day just by staring this act. Pagmamasa yata ang term nila rito.

I remember when I was still a child, may ginawang renovation sa clinic, nilagyan ng bagong room which is ang laboratory daw. The Hinolan Clinic stood inside the compound of the family mansion. It was summer, idle for a while, kaya naisipan kong panoorin ang mga workers sa kanilang ginagawa. I was from afar since pinagbawalan kaming lumapit talaga sa construction area. Pero from my puwesto, kitang-kita ko ang mga ginagawa nina manong.

I was sitting on a metal swing, slowly swaying while hugging my favorite toy that Dad bought me for my sixth birthday, and it has been in me for five years now.

"Nag-i-enjoy ka na sa ganiyan?"

Napatigil ang pagtitig ko kay manong na naghahalo ng semento from afar when I heard a familiar voice of a boy. I looked on my left side and there… I saw Kuya Hugo, my cousin from my paternal side, sitting next to me.

"Hi, Kuya Hugo, you're here pala." I straightened my posture and smiled at him. Hindi ko kasi namalayan ang pagdating niya kaya nagulat ako.

"Hi, Little Sandi," sabi naman niya sabay tap sa tuktok ng ulo ko.

Kuya Hugo is two years older than me. He's in high school na and hindi na sila nakatira rito sa mansion. He's here lang kung bibisita ang parents niya sa clinic, kay Lolo at Lola, at kung aayain niya si Dahlia sa kung anu-anong klaseng activities. I think it's the latter kaya siya nandito, he's not with his parents, e.

"Sama ka sa 'min ni Dahlia? It will be fun."

"Bakit? Saan ba kayo pupunta ni Dahlia?"

"Soccer clinic. Tito Bernardo said Dahlia's interested in joining daw kaya dinaanan ko na para sabay na kaming pumunta roon. Sama ka? Balita ko nandoon 'yong friend mong si Mikan and his cousins."

It's so inviting and exciting. I wanna try it. Pero umiwas ako ng tingin sa kaniya at itinoon na lang ang tingin ulit sa mga workers na nagtatrabaho from afar.

"Kayo na lang ni Dahlia, Kuya Hugo. I have speech class later with my tutor, e."

"Oo nga pala. May summer speech workshop ka nga pala. Sige, kami na lang muna ni Dahlia. Enjoy what you're doing. Pero 'wag kang lalapit sa mga nagtatrabaho roon ha?"

"Okay, Kuya Hugo."

Kuya Hugo went inside the mansion kaya napatingin ulit ako sa nasa harapan ko. Just like what Kuya Hugo said, my attention was drawn again to that manong na nagmi-mix ng cement. Umaabot sa puwesto ko ang ingay no'n. Hindi siya boring tingnan. Hindi ko nga namalayan ang sarili kong I've been watching it for hours na pala. Kung hindi pa ako tinawag ng Yaya namin, baka hindi na ako natigil sa panonood no'n.

Tipid akong napangiti nang maaalala kung kailan ako unang na-addict sa panonood ng manual cement mixing. I was so little by then. Ngayon, twenty years old, gusto ko pa ring panoorin ang ganitong gawain.

Puwede ko kayang subukan 'to? Sana once in my life masubukan ko 'to.

"Magandang umaga, Sir Siggy."

"Magandang umaga po, Sir Siggy."

"Sir Siggy, ikaw po pala 'yan."

Napaayos ako ng tayo nang marinig kong may binati ang workers na ito somewhere. When I heard them say his name, agad kong hinanap kung saang direction silang nakatingin.

Kumaway muna siya sa mga bumati sa kaniya and then he gave his attention to me. Tipid akong napangiti nang magkasalubong ang tingin naming dalawa.

"You're here pala. I was looking for you when I woke up. Mabuti sinabi no'ng trabahador dito nasa may dagat ka raw."

"Ah, sorry, hindi na kita ginising para magpaalam. You're sleeping so soundly kasi." Umiwas ako ng tingin sa kaniya para pasadahan ng tingin ang puwesto ng mga workers.

Napalunok na lang ako nang makitang nakatingin nga silang tatlo sa amin, mukhang natigil pa sa ginagawa nila. Saka lang sila nagpatuloy nang makitang nakatingin ako sa kanila.

"Breakfast tayo? It's prepared na inside that cottage." Nagsalita siya kaya napatingin ako sa kaniya, sakto ring nakaturo siya sa isang cottage na malapit lang sa kinatatayuan namin.

"Sige."

Naglakad kami papunta sa cottage na iyon. Hindi rin nagtagal ay nagsimula ang tahimik naming agahan.

Few spoons before finishing my breakfast, Siggy spoke.

"Na-book na kita ng flight. The available schedule is this afternoon, four PM. Okay lang ba sa 'yo?"

"O-Oo naman. Um, maraming salamat talaga, Siggy, ha? Promise, kapag nakuha ko na 'yong card ko from my apartment, I'll pay you immediately."

"Sige, ikaw bahala. Pero kung ako 'yong tatanungin mo, okay lang na hindi ka na magbayad."

"Hindi, babayaran talaga kita."

He just nodded then we finally finished our breakfast.

After that, bumalik ako sa room habang siya ay nagpa-iwan muna sa labas to make some calls daw. Hindi na ako nagtanong kung sino 'yong tatawagan niya. Friends nga kami pero hindi ako ganoon pa ka-close sa kaniya para itanong ang lahat-lahat sa kaniya. He's not like Mikan. Kung kay Mikan magagawa ko 'yon, sa kaniya parang na-i-intimidate akong gawin 'yon, e.

I took that chance again to freshen up. Siguro, isusuot ko na lang 'yong sinuot ko from yesterday. Hinalungkat ko 'yong paperbag na nilagyan ko ng damit ko na iyon. Confident enough that this is the same paperbag I used last night, kinuha ko 'yon from the floor.

Pero pag-angat ko pa lang ng damit, napangiwi na ako. Hindi dahil sa pangit ito o kung ano. Napangiwi ako dahil ibang damit ang nakita ko instead from what I wore yesterday.

It looks new and it's obviously new kasi mayroon pang tag. It's from a well-known clothing brand. Kaiba sa brand ng pajama'ng suot ko ngayon. Though, yeah, they both are branded.

I checked that blouse and a skinny jeans. Mukhang kasya naman sa akin. Mamaya ko na lang itatanong ang tungkol dito, maliligo muna ako. Obvious din namang para sa akin 'to. Alangan namang para kay Siggy 'to, 'di ba? Mag-isip nga kayo.

Saktong pagkalabas ko ng CR ay siyang pagpasok naman ni Siggy. Agad siyang napatingin sa kabuuan ko bago niya ako tiningnan sa mata.

"Kasya ba? Pasensiya ka na, minadali ko lang kasi si Samuel na ibili 'yan sa 'yo. Hindi ko na rin natanong 'yong size mo."

"O-Oo, kasya naman. Thank you. I just accidentally saw it and assume that it's for me, okay lang ba?

"Oo naman. Para naman talaga sa 'yo 'yan."

Ngumiti ako sa sinabi niya at hinayaan siyang pumasok sa CR. Ang sabi niya, siya naman daw ang maliligo.

Pero Samuel? Oo nga pala, paano nga palang nagkaroon ng mga damit dito sa loob? Kagabi ko nga palang gustong itanong 'yon sa kaniya. Paniguradong hindi naman siya umalis kasi magkasama naman kami buong magdamag. At before ko pa mang maisuot ang pajama, hindi na rin naman nakita siyang umalis. Except na lang no'ng lumabas siya at natagalan bago siya nakabalik. Aba ewan. Ang dami ko na nga'ng problema sa buhay, pati 'yong ganoon ka-simpleng bagay, poproblemahin ko? Tumigil ka nga, Sandreanna.

Few hours later, after lunch, bumiyahe kami papuntang Silay to catch for my four PM flight. Kinakabahan ako sa ginagawa kong ito. Masiyado pang malabo ang lahat ng plano ko sa ngayon pero paniguradong kapag nakuha ko na ang pera at iilang gamit na nasa apartment, magiging clear na sa akin ang plano kong ito. Sa ngayon talaga malabo pa ang lahat. Kung hindi lang talaga dahil sa in-offer na tulong ni Siggy, hanggang ngayon yata ay mangangapa ako sa dilim at hindi ko na alam kung anong gagawin. At paniguradong nasa puder na ako ng mga magulang ko ngayon, continue doing the things I don���t want in my life kung hindi lang ako pumasok sa particular na room na iyon, paniguradong madali akong nahanap ni Krane.

I sighed as I watch the fast motion of the things I see outside. Nakaalis na kami sa premises ng city namin. Nasa boundary na kami ng Sagay and Cadiz. Tinatahak na namin ang tinatawag ng lahat na Bag-ong Dalan.

"Madonna's checking on you. I just said you're fine. But is it okay na magbigay ako ng updates sa kaniya tungkol sa 'yo? Masiyado kasing makulit, hindi ako tinatantanan."

Bahagyang bumagal ang pagpapatakbo ni Siggy sa kaniyang kotse nang magsalita siya. Lumingon ako sa kaniya at ngumiti.

"Oo naman, walang kaso sa akin 'yon. Sure naman sigurong hindi magsusumbong si Madonna sa parents ko."

"Okay, I'll update her later, then," he said then may kinuha siya from his pocket. His one hand is holding the steering wheel while the other is on his pockets. Umiwas na lang ako ng tingin at pinagpatuloy ang pagtingin sa labas.

"Use this phone to contact Mikan when you get there."

Napalingon ulit ako sa kaniya at bumagsak agad ang tingin ko sa phone na inabot niya sa akin. It's the same phone I used to call Mikan last night.

"'Di ba sa 'yo 'yan? I'll buy na lang later. Hihiram din naman ako ng pera sa 'yo, 'di ba?"

He flipped his hands that holds the phone at ang nakita ko naman doon ay isang card.

"Nasa card na rin na ito ang perang hihiramin mo. Kunin mo na 'yong phone ko, nakabili na rin ako ng bago. Compute mo na lang lahat kung magkano ang utang mo sa akin, and when the time comes, bayaran mo na lang ako."

I deeply sighed but in the end, kinuha ko pa rin ang phone at ang card na ibinigay niya.

"Babayaran talaga kita as soon as possible."

"Kahit never, okay lang."

"Hoy, anong never? Ang pangit kapag ganoon. Ang pangit kapag hindi nababayaran ang utang. Kaya magbabayad ako. Kahit lagyan mo pa ng interes basta wala lang due date. Sa laki ng utang ko, baka kinailangan ko pang maghanap ng trabaho para mabayaran 'yong iba."

Nagkatinginan kaming dalawa, isang lagpas ilang segundong titigan. Nakikita ko sa mga mata niyang parang may gusto siyang sabihin o isagot sa sinabi ko but he chose to look away and continued focusing on the road.

"Our friendship is enough payment for all of this."

~