webnovel

Haplos ng Hangin (Tagalog)

Sandi Hinolan is loved and adored by all. Will the man of her life be able to love and adore her?

_doravella · perkotaan
Peringkat tidak cukup
47 Chs

The Beginning

"Because tonight will be the night that I will fall for you, over again. Don't make me change my mind. Or I won't live to see another day, I swear it's true. Because a boy like you is impossible to find... impossible to find."

I heard a loud cheer from the crowd when we finished the song. I stood up and wave to every one here inside the school's covered court.

"Well played, Mik," pagbati ko sa kaibigan kong naging gitarista ko sa performance na ito.

"You did it the best, Sand," sagot naman niya sa akin.

Tinulungan ko siyang mag-ayos sa beat box na siyang ginamit ko kanina sa performance para mag-harmonize sa beat.

"Oh, my God! Ang galing-galing n'yo talagang dalawa! Lalo ka nang gaga ka!"

Pagbaba namin sa hagdan ng stage, Kiara immediately pinch my cheeks and showered me with hugs. It's kind of annoying pero nasanay na ako sa ganitong klaseng gesture niya kaya pinagtiisan ko lang muna. Kidding.

"Ang galing mo, Ate. Ikaw din Kuya Mikan."

"Thanks, Dahlia. May libre kang cheeseburger sa 'kin mamaya."

"Yehey! Thanks, Kuya Mikan! Gustong-gusto ko 'yan."

Oh, my gosh, these two talaga.

"Pero Ate, baka malaman na naman nina Mommy at Daddy na kumanta ka rito sa school."

We all look at my sister when she said that. Panandalian din kaming napatingin sa isa't-isa ni Kiara. Exchanging some looks, weird looks.

"Hindi ka naman magsusumbong, Dahlia, 'di ba?" Tanong ni Kiara sa kaniya.

We waited for her to answer that and to give us the assurance na she will not.

"Oo naman po. Alam n'yo naman pong hindi talaga ako nagsusumbong. Mabuti na nga lang at absent ngayon si Hannah, paniguradong 'yon, magsusumbong talaga kina Mommy at Daddy."

"Kung hindi sila magtatanong, hindi tayo magsasalita. Kapag nagtanong, edi magsasabi ng totoo. Simple," sagot ko sa kanila.

"Sandi..." May pag-aalalang tawag ni Kiara sa pangalan ko. I smiled to her para mawala na 'yang pag-aalala niya sa akin.

"That's fine, Ki."

"Oh, well, 'wag n'yo na nga'ng isipin 'yan. Walang magsusumbong at walang makakarating sa kanilang ganitong klaseng balita. At saka, isa pa, as if naman singing in front of other people is a crime."

Binalewala namin ang usaping iyon at sabay-sabay kaming nagtungo papunta sa canteen ng school, few meters from the school's covered court.

They say strict parents produces the best liars, and probably the rebel ones. I am not a liar and I don't consider my self as a rebel. Hindi naman ako nagri-rebelde. Hindi ko naman sinusuway ang lahat ng utos ng mga magulang ko, in fact, sinusunod ko pa nga ito without any complains. As in lahat na gusto nila sinusunod ko. Mga magulang ko sila, e, and the bible said obey your parents.

May program kasi sa school kaya ni-request kami ng subject teacher namin sa TLE na mag-perform for an intermission number. Duo kasi kami nitong si Mikan, bestfriend ko, sa mga ganitong klaseng talent. Siya kasi 'yong guitarist, ako naman 'yong singer.

Hindi naman sa nagba-brag ako, ha, pero marunong akong kumanta. Maraming nagsasabing pasado na raw ang boses ko sa mga singing competition sa bansa, lalo na ang national singing competition like 'yong makikita sa TV pero binabalewala ko lang at nagpapasalamat na lang sa compliment na sinasabi nila tungkol sa talent ko.

Kung gaano ka-raming nag-praise sa akin sa talent kong iyon, ganoon din ka-raming pasa ang natanggap ko galing kay Daddy. Ayaw niya kasing mas inuuna namin ang mga walang kabuluhang bagay, like the extra-curricular activities sa school. Ang gusto ni Daddy ay mag-focus kami sa aming academic status dahil 'yon daw ang pinaka-importante sa lahat.

"Sand, chicken skin, o."

"Thank you, Mik-mik!" Malawak akong ngumiti sa kaniya habang tinitingnan na mailapag niya ang balat ng fried chicken na in-order niya sa canteen ngayon-ngayon lang.

I really like chicken skin kasi, lalo na kapag fried 'yong chicken. Pinapatos ko naman kahit na hindi fried pero ang pinaka-favorite ko sa lahat ay itong crispy chicken skin.

"Here din sa 'kin, Sand, o."

Mas lalong lumawak ang ngiti ko nang i-abot din ni Kiara ang balat ng fried chicken sa akin.

I animated a pouting lips as a sign of my gratitude to her.

"Thank you, Kiki, you're the best!"

After ng program kanina, dumiretso kaming canteen to eat our lunch. 'Yong kapatid ko namang si Dahlia ay sumama na sa mga friends niya kaya kaming tatlo na lang 'yong naiwan dito sa table. Kaming tatlo rin 'yong mag-bestfriends. Iba-iba man ang sections namin, iba-iba man ang group of friends na meron kami sa school na 'to, we remain as the best-est of friends. Simula bata pa lang, kami naman talaga ang magkakaibigan na tatlo. Mikan is a boy. Kiara is a girl. I am a girl. But we don't see each other base on our gender. We see each other as equals. Kaya kami naging mag-bestfriends.

"Anyways, how's the preparation for your debut? Who's the lucky escort?"

Pinapapak ko 'yong chicken skin nang magpatuloy sa pag-uusap si Kiara. I just glance at her before answering.

"I don't know. Dad and Mom didn't tell me yet. Siguro ito, kasi siya lang naman 'yong kilala ni Daddy na close ko sa mga boys dito sa school." Itinuro ko si Mikan na mismong katabi ko. Nasa harap naman namin si Kiara.

"'Yan? Magiging escort mo? Maniwala ako sa 'yo. Hindi nga sumali sa eighteen roses ng Ate niyang si Ate Verm, e. Sa 'yo pa kaya?"

Pareho kaming natawa ni Kiara sa sinabi niya at nakipag-apir pa ako sa kaniya.

"Sinabi mo pa. Paniguradong wala akong escort nito."

"Tss..."

Mas lalo kaming natawa nang bumuga ng isang naiinis na expression sa mukha si Mikan our boy. Hay naku, bully talaga kami sa buhay ni

Mikan Osmeña. Sorry na lang siya, nag-iisa lang siyang lalaki sa barkada tapos dalawa kaming babae ni Kiara.

"Pero imposibleng wala, sa dami ba namang kilala ni Daddy, paniguradong may kukunin siyang isa sa mga anak ng kakilala niya," sabi ko naman.

"Tama ka nga naman. So, na-dsitribute na 'yong mga invitations mo?" Tanong ulit ni Kiara.

"Sabi ni Mommy kanina, ngayong araw daw ipamimigay. Baka pag-uwi n'yo mamaya, nasa bahay n'yo na 'yong mga invitations."

"Sand, why don't you ask Mikan's cousin, Yohan, to be your escort on your debut? 'Di ba bet mo siya? Go na! It's your chance!"

"Kiara, really?"

"What? I mean, your cousin is single. Our friend here is single. What's wrong with that? Help your friend with your cousin! At saka, crush kaya ni Sandi 'yang cousin mo. It's her chance naman na magka-lovelife na, Diyos ko po, mag-i-eighteen na siya pero hindi pa nagkaka-lovelife."

"Kiki! 'Yang bibig mo!" Pagpipigil ko sa kaniya. Baka kasi may makarinig na iba sa mga pinagsasabi niya't maniwala pa. Ang dami pa namang tao rito sa canteen.

Kiara just shrug her shoulder and look at Mikan again.

"Fine. Do you have an extra invitation?"

A part of me is kind of rejoicing when I heard Mikan finally agreed with what we wanted from long time ago.

Medyo, slight lang naman, crush ko kasi 'yong pinsan ni Mikan na si Yohan Osmeña. Batchmate namin siya pero hindi kami classmates na dalawa. Sila ni Mikan ang mag-classmates. Parati ko siyang nakikita sa school. Nakakasalamuha na rin. Siguro sa madalas ko siyang makita at minsang pagpansin niya sa akin, naka-develop ako ng crush thingy sa kaniya. And he's cool though, lalo na sa mga videos na ginagawa at ini-edit niya online.

"Why? Aren't they invited?"

"I don't know. In case?"

"Wala akong extra kasi fixed na 'yong mga bisitang dadalo sa debut. At sina Mommy kasi ang may control no'n kaya hindi ko alam."

"Ah, basta! Merong invitation o wala, it's your job, Mikan, na papuntahin ang pinsan mong iyan sa birthday mismo ni Sandi, okay? At saka kahit hindi na escort, basta nando'n lang ang presence niya, magiging masaya na itong kaibigan natin."

"Fine."

I pinch Mikan's face.

"Thanks, Mik-mik. You're the best!"

The program at school continued. Except that hindi na ako nag-intermission number pa. Once is enough na, 'no. Pinanood na lang namin ang banda nina Mikan na mag-play sa gitna.

By sectioning ang pag-upo rito sa covered court kaya hindi ko kasama ngayon si Kiara since tiga-ibang section siya. I was left with my classmates na obviously namang hindi nakikinig sa program na ito. Nutrition month kasi, kaya ganoon.

Maraming ipinakitang talent sa program na iyon. Even Mikan's cousin, MJ, showcased her talent, which is dancing.

After the program, Dahlia came to me.

"Ate, nand'yan na raw sundo natin."

"Okay. Samahan mo muna ako, kukunin ko lang 'yong bag ko sa classroom."

"Okay."

Kaniya-kaniyang uwian ang lahat nang matapos ang program at binuksan na rin ang gate ng school.

Grade twelve na nga pala ako ngayon. Graduating. College na next school year. Ang bilis talaga ng panahon.

Galing ako sa pamilya ng mga doctor. From my great Lolo up to my Dad's generation, lahat doctor. Even my Mom. Kilala kami sa buong city namin dahil ang pamilya namin ang kauna-unahang nagkaroon ng clinic sa city. Respected din ang elders ng family namin. In short, kilala talaga kami ng lahat.

May tatlo akong nakababatang kapatid. I'm the eldest. So the pressure is on me. Dahlia is the one next to me. Grade eleven student sa same school. Hannah is next to her, na absent ngayon kaya hindi namin makakasama, na Grade ten naman sa parehong school kung saan kaming nag-aaral. And Hoover is our youngest. Nasa elementary pa 'yon kaya masiyado pang bata.

"Si Hoover at Yaya, nakita mo na?" Salubong na tanong ko kay Dahlia once I got my bag. Nakapagpaalam na rin ako sa mga bestfriends ko kanina.

"Yeah. Text ni Yaya nasa car na raw sila."

"Wait, why are you with your phone? Phone's not allowed even during programs, a?"

"Heller, Ate! It's off-school na kaya and we're almost outside of the school na rin."

"Ang bilis talaga ng kamay mong bata ka," napapa-iling na sabi ko na lang sa sobrang sneaky ng kapatid kong ito.

Nagpatuloy kaming naglakad ni Dahlia. Medyo malayo pa kasi 'yong gate ng school sa mga buildings ng classroom.

"Hi, Sandi! I got the invitation nga pala. Thanks, ha?"

Napahinto ako sa paglalakad nang pansinin ako ng isang babae na schoolmate ko naman pero 'yong bag niya ay dinaig pa ang teachers namin dito sa sobrang gara. Ikaw ba naman, high school student lang, naka shoulder bag talaga na Louis Vuitton.

"Uh, yeah, welcome," nakangiting sagot ko naman.

"See you on your debut! And please tell Hannah, get well soon."

"Uh, okay. Sige, see you."

Matapos kong ngumiti sa babaeng iyon ay si Dahlia naman ang nilingon ko.

"Close pala kayo, 'Te?" Salubong na tanong niya nang magpang-abot ang tingin naming dalawa.

"Huh? Kilala mo ba 'yon? Hindi ko kasi kilala 'yon."

"Timang. Kaklase 'yon ni Hannah. Kaya nga pinapasabi niyang get well soon, e."

"Huh? Grade ten pa lang 'yon? E, bakit hindi man lang nag-Ate sa akin?"

Dahlia just shrug her shoulder and just continue walking. Wala tuloy akong nagawa kundi ang mapa-isip dahil akala ko talaga kasing edad ko lang 'yong batang iyon. Maka-arte kasi parang mature na masiyado. At saka knowing the junior high pa lang siya, kasisimula pa lang nila sa teenage phase nila, 'no. And I'm one of their senior kaya dapat lang na rumespeto rin sila.

Nang makarating sa car na siyang sundo namin, I just kiss Hoover and settled in. Agad din naman kaming umalis pauwi sa bahay.

Sobrang lapit lang ng bahay namin from the school. In fact, sa sobrang lapit, puwede lang siyang lakarin, o 'di kaya'y sumakay ng pedicab. Pero ewan ko ba ba't may sundo pa kami. Siguro, para na rin sa safety ni Hoover. Ewan, hindi ko kasi alam. Hindi ko rin naitanong kina Mommy and Daddy, e. Para namang kaya ko talagang magtanong sa kanila.

Pagkarating sa bahay, since Mom and Dad are not yet around, agad kong pinuntahan ang kuwarto ni Hannah kung saan siya presently nagpapahinga. Nagka-lagnat kasi siya kagabi at kanina before kaming umalis papuntang school.

"How's our little baby?"

Naabutan ko siyang nakahiga sa kama niya at may Cool Fever bandage pa sa noo niya. Tumabi ako sa kaniya to check on her pero mas lalo lang niyang itinaklob ang kumot niya sa kaniyang katawan.

"Shut it out, Ate," namamalat na sagot niya.

Hindi na masiyadong mainit ang leeg at noo niya nang pasadahan ko ito ng dampi. Siguro, bumubuti na ang pakiramdam niya at namamaos na lang ang boses niya ngayon.

"Char, biro lang, Han. Kumusta ka na? Magaling ka na ba? Ibibili na kita ng ice cream."

"Nang-iinggit ka ba, Ate?"

Mahina akong natawa dahil sa tono ng boses niya.

"Nope. I'm just motivating you to recover fast. More, more pahinga and more water para tuluyan kang gumaling at para makakain na rin kami ng ice cream. Kapag magaling ka na, gagawan ka ng ice cream ng Ate Dahlia mo."

"But I want your version, Ate," she pouted.

Awe, my little sister is so cute.

"Okay. Kaming dalawa ni Ate Dahlia ang gagawa. Kaya dapat magpagaling ka na, ha?"

"Oo sabi. Go out now, please, para makapagpahinga na ako and gumaling." Mas lalo niyang niyakap ang kumot niya at nag-shift pa siya sa higaan niya.

"Drink your medicine and don't forget your water. Ipapahatid ko mamaya kay Manang ang dinner mo. And don't worry, once na makauwi sina Mom and Dad, I-chi-check ka rin nila."

"Arasso, arasso."

"Nagko-Korean na naman siya, o." Masiyado kasing nahilig sa K-drama ang batang ito kaya minsan sinasagot niya kami gamit ang language ng mga Koreans. Hindi ako maka-relate, hindi naman kasi ako masiyadong nanunuod ng Korean dramas na 'yan. I'm more on operatic and theatrical dramas.

Iniwan ko si Hannah at hinayaan siyang magpahinga. Pumunta ako sa katabing kuwarto niya, which is my room, at nagbihis.

Sobrang suwerte ng mga kapatid ko ngayon. May Ate silang katulad ko na nagchi-check sa kanila kung sakaling magkasakit sila. Ako kasi dati, wala. Palagi kasing wala ang mga magulang ko noon kaya kapag nilalagnat ako, sarili ko lang ang kaagapay ko.

But enough of the drama, let's continue with the present.

I matured fast due to my parents' absence during the important happenings to the lives of my younger siblings. I hold the responsibility as their second parent. We do understand naman the demand of their job, kasi nga mga doctors sila, and they're what other people's needs.

I matured fast but not to the extent of having an energy to oppose my parents. I can't imagine my life not following their rules. I can't imagine my life talking back to them. Parents namin sila and they should receive our utmost respect kaya palagi kong sinasabi sa mga kapatid ko na habaan na lang ang pasensiya nila kapag hindi present ang parents namin sa mga special occasions or special moments nila like getting an award from school. Ako nga, simula no'ng mag-aral ako, I've never seen my parents accompanied me on stage everytime I'm getting an award, hindi nga ako nagreklamo.

Naibibigay naman nila ang mga pangangailangan at ang gusto namin, e. Tapos nakakatulong pa sila sa ibang tao through their profession kaya masaya na kami sa ganito.

Pero minsan sa buhay ko, I can't help myself from comparing our family to the families of my bestfriends, most especially Mikan's clan.

Mostly, hindi mga professional ang family ni Mikan. They're a big family and sikat din sila sa city namin. Masayang pamilya sila. I always experience their warm family everytime na merong event sa kanilang pamilya and invited kami ni Kiara. Masaya sila, minsan magulo dahil sa sobrang dami nila as a family, pero intact sila, nagkakasundo. Close na close din silang magpi-pinsan.

Kaya may parte sa akin na minsan ay naiinggit sa pamilya nila. Hindi man family of profession, masaya at intact naman sila as a family. Kaming pamilya na lahat yata ay professional ay dinaig pa ang broken family sa sobrang watak-watak namin.

But that's life, you can't get what you don't have and you can't have the ones that you don't get.

~