webnovel

halfworld

We can't pretend

Lust_Seven · Fantasi
Peringkat tidak cukup
21 Chs

Who is drake?

Madilim na paligid mabilis na tahak ng paa ..May hinahabol na kalaban.kumukuha ng impormasyon..Isang buhay ng isang hollow tracker...Buhay ni drake...

Bata palang ay na train na siya ng kanyang ama sa pagiging espiya..laban sa mga kalaban...

Paghahanda lamang iyon sa darating na digmaan kung sakaling sumalakay ang mga knights ng Fosian..

Ngunit iyon lamang ay isang walang kabuluhan na propesyon para sa kanya dahil alam niya sa sarili niya na hindi sasalakay ang fosian..

Dahil matagal na silang may kaibigan sa loob ng fosian at itoy di matatawaran ang kabaitan na mga fosian...

Pero nagbago ang panahon ng maibaba ng dating hari ang kanyang korona sa kanyang sakim na anak na si remorth...

Dahil sa kanyang hindi pagtanggap ng mga misyon sa loob ng kaharian ng fos para mag espiya na matagal ng plinano ni remorth ay naging mainit ang mata ni remorth sa kanya...

Dahil sa kanyang taglay na kapangyarihan ng isang hollow tracker siya at ang kanyang mga kasamahan ang napili ni remorth sa masamang plano nito.

Ngunit sadyang ayaw talagang sumunod ni drake sa mga masasamang balak ni remorth...

at dahil dun sa kanyang pagmamatigas ay sinabihan siya ni remorth na pag sisihan nya ang ito sa pagdating ng panahon....

Ang buhay ni drake ay isang simpleng mamayanan ng stokadi...simple lang buhay ay okay na para sa kanya at sa kanyang nag iisang anak na babae..

Namatay ang asawa nito sa pagsilang nito sa kanyang anak...

Lumaki ang kanyang anak na babae na mabait at masunurin..

Ngunit isang araw ay nagkaroon ng maitim ng plano ang remorth.. Dinukot ito ng hindi kilalang mga tao ng stokadian....

Para mapasunod si drake ay nilagyan ng malalang karamdaman ang kanyang nag iisang anak na babae..

Aalisin lang daw ito ni remorth kapag sumunod siya sa utos nya.

Ang utos ay umispiya sa loob ng fos.. at alamin kung saan nagpupunta ang hari ng Fos..

Sinunod ito ni drake para sa kanyang nag iisang anak na babae...kahit labag sa kanyang kalooban..

Nang napatay ang hari ng Fos dahil sa binigay niyang impormasyon sa hari ng stokadi ay napaisip siya kung tapos na ang misyon nya?

Pero nagkamali siya dahil pinatawag ulit sya ng araw na yun ..

Drake huling misyon kapalit ng buhay ng anak mo.!!

Ngunit mahal na hari nag usap po tayo na isang misyon lamang ang susundin ko?

Drake ano ang mahalaga ang sumunod ka o mamatay ang anak mo sa kanyang karamdaman?

Ngunit mahal na hari....

Sumunod kana lamang drake isang misyon kapalit ng buhay ng anak mo..

napaisip bigla si drake..

Tinanung ni drake sa mahal na hari kung ano ang ipapagawa nito..

Sige po mahal na hari..Ano po ang huling misyon ko?

Sundan mo ang anak ng hari sa mundo ng mga tao .kasama ang limang hollow tracker...pagkatapos niyan ay malaya na ang iyong anak sa kanyang nararamdaman..

Napaisip si drake sa kanyang narinig..humiling nalang si drake sa mahal na hari ng isang kahilingan.

Pero mahal na hari pwede ko bang isama ang anak ko sa mundo ng mga tao?

Yun lang ba drake ang iyong kahilingan?

Opo mahal na hari...

Sige drake isama mo ang anak.mo ..pero ang misyon mo ay hanapin at magpadala ng impormasyon sa akin kung san napunta ang anak ng hari.ng fos..

Opo mahal na hari..

makakaalis na kayo.. bukas ang simula ng iyong misyon..

Aasahan ko ikaw drake...

Tandaan mo hawak ko ang buhay ng anak mo...

Malungkot na umuwi si drake sa kanilang bahay..

Ngunit nawala ang kalungkutan nito ng makita ang kanyang anak..pero halata ito sa mukha ni drake..

Ngumiti ito sa kanya at kinumusta ang araw ng kanyang ama..

Papa kumusta ang araw mo?

Okay naman anak..

Bat parang malungkot ka papa?

Kinausap nya ang kanyang anak na silay pupunta sa mundo ng ng mga tao bukas ng umaga..

Mundo ng mga tao papa?

malayo po ba yun?

maganda po ba dun?

sunod sunod na tanong ng kanyang anak ....

Maganda dun anak..

Talaga papa maganda dun?

Excited na ako papa..!!!!!

ng gabing yun ay maagang nakatulog ang anak ni drake..

Hinanda nya na ang mga gamit nila sa pagpunta sa mundo ng mga tao ng gabing yun...habang ang kanyang anak ay himbing na himbing sa pagkatulog..

Umaga na ng nagusing ang kanyang anak,..

Goodmorning papa ... pupunta na ba tayo sa mundo ng mga tao?

"oo kumain kana muna at maghanda na rin aalis na tayo maya maya..

yeheeey pupunta na kami sige po papa kakain muna ako..

Nakahanda na ang mag ama.. Hinihintay nila ang lima nilang kasamahan ang mga hollow tracker unit na siyang mag hahanap sa anak ng hari ng fos..

Sir Drake magandang umaga bou na po ang tao natin handa na po kami..

O sige..

Gumamit si drake ng dimensional portal patungo sa mundo ng mga tao kasama ang kanyang anak at ang lima niyang kasamahan..