webnovel

Hacienda Casteel

They met at a young age. Puppy love when puberty hits them. High school love. Years later everything was changed. What happened in between? When she was gone and when she comes back she was slapped by the truth that Hacienda Casteel no longer owns by her family. The legacy of their family. How could her Lolo Faust give aways the Hacienda Casteel to someone that she used to know wholeheartedly but no longer have any affection? To whom should Hacienda Casteel really belongs? Who should really own this, is it because it was written in the last will testament or is it because you are a family?! She had plans on how to get back the Hacienda Casteel. There must be something wrong or something happened when she was gone, it just can't be. But despite of the rivalry for the inheritance, love will maturely blooms.. for the two heirs.

Jannmr · Masa Muda
Peringkat tidak cukup
37 Chs

Chapter 32

Chapter 32

Charlotte Monica POV

Why the heck Chris was teasing me? Sa isip-isip ko.

"What?" Singhal ko.

"Ang sabi ko, nagselos iyon." Wow! Inulit pa talaga!

"Mukhang hindi naman, ah!" Pinagsasabi nito. Eh?

"Sus! Ang lalake magaling magtago ng nararamdaman, madalas."

"Talaga? Mukhang hindi naman, ah! Chris stop it!" Best friend ko ba ito? Napatingin tuloy ako doon sa gawi ng CR.

Nakita ko na lang si Thirdy lumabas sa CR at iyong paningin nya ay nakatutok lang sa akin habang naglalakad palapit sa kinatayuan ko. Napasinghap ako. Parang nahihirapang huminga. Bakit nga ba? Kumakalabog ang puso ko. Bakit nga ba? Bakit? Paulit-ulit kong tanong  sa isip ko, sa sarili ko. Natigilan ako.

"Charlotte, are you okay?!" Tawag nya sa akin. Natulala na pala ako. Narinig kong tumikhim si Chris.

"Maybe, she's thinking of you, and she was lost in it." Sumabat bigla si Chris saka inosenteng umalis sa harap ng counter at pumaroon na sa table namin. What the heck! Ano iyong pinagsasabi nya? Naiwan kaming dalawa ni Thirdy dito sa harap ng counter. Eh? Awkward.

"Are you okay, Charlotte?" Tanong nya ulit.

"Eh! I-Im ok-kay." Shucks! I'm stuttering! Nagiging mas apektado na ako ngayon sa mga titig nya sa akin. Nakakahiya!

"Alright. Ahm, when we get home, I have something to tell you and I hope you'll agree." Ngumiti lang sya pagkatapos magsalita, iyon bang kaswal lang.

"Ahh, sure." Pero ako dito sa loob-loob ko sobrang lakas na ng kaba ng dibdib ko.

Pagkatapos namin nag-dinner umuwi na din agad kami. Ang una namin hinatid si Erica. Bumaba na sya sa van at sumunod naman akong bumaba, magpapaalam na sana sya pero niyakap ko sya tapos binulungan.

"Thank you for today, Erica."

"You're welcome. You don't have to mentioned that, we are best friends."

"I know, but of course, I still need to say it." Nagbeso-beso na kami.

"Fine. Chat later."

"Sure."

"Bye, Erica." Sumingit naman si Chris.

"Bye, Chris. Bye, Thirdy." Paalam nya.

"Bye." Tugon naman ni Thirdy.

Nang makapasok na sya sa gate nila nag-wave ulit sya.

"Bye."

Ang sunod na hinatid ay si Chris, eventhough nasa tapat lang din naman ng Hacienda Casteel ang bahay nila. Nang bumaba sya, bumaba din ako. Sinara ang sliding door ng van.

"Nakakainis ka kanina, alam mo ba iyon?!"

"What! What did I do?" Nagkukunwaring hindi alam ang mga sinasabi ko pero nakikita sa mukha nya ang matatawa na.

Hinampas ko ang braso nya. "Aw! Charl!" Reklamo nya. "Easy, I'm just teasing you."

"Yeah! Right. And it's not funny! At all."

"Hay naku, hindi ka man lang ba kinikilig kay Thirdy?"

"Ang gross ng tanong mo. Mukhang cool ka na talaga kay Thirdy, ha!" Napapansin kong hindi na sya indifferent kay Thirdy.

"Nag-cha-chat kami, syempre about boys. Pero kasama namin sila Enrique at Brian. May ginawa kaming sariling GC namin. Boys only."

"Talaga?" Kaya pala mukhang ok lang sila sa isa't isa.

"Pero sekreto lang iyon kaya wag mong babanggitin sa iba tungkol dito." Aniya.

"Sige. Makaka-asa ka. Ngayon ko lang napansin na kanina pa tahimik si Thirdy."

"Baka naman iniisip  ka rin nya?"

"Heh!" Hahampasin ko sana sya ulit pero nakaiwas sya.

"Pasok ka na nga! Uwi na." Nakatingin lang ako sa kanya. Binuksan ko ang sliding door. Hindi na ako nagpumilit na gumanti pa.

"Bro, Thirdy!" Sigaw na paalam ni Chris. Nang nakaupo na ako sa pwesto ko. Nang nilingon ko, tumango lang si Thirdy kay Chris.

Binuksan na ng driver ang  gate.

Habang nasa loob pa rin kami ni Thirdy. "Are you tired?"

"Yes." Tugon lang nya.

"Oh! Magpahinga ka na agad, tomorrow mo na lang sabihin ang gusto mong sabihin." Sabi ko. Nakikita naman talaga sa itsura nya na pagod sya. Napagod sya kakalibot sa mall para makahanap ng ibibili sa akin?

"No, I'll tell you now. Is it okay to spend time with you tomorrow in the cabin?" Prangka nyang tanong.

"Eh?"

"Yes or no?" Asik pa nya.

"Ahm.." Pinikit ko aking mga mata to think it over nang maramdaman ko ang mga mainit nyang mga palad, nilagay nya ang dalawang palad nya sa magkabilaang pisngi ko. Parang huminto ulit ang aking paghinga. Napakahirap huminga!

"Say yes." Utos nya.

"Yes." Nadala ako sa haplos nya sa mga pisngi ko at napa-oo na lang ako. Nanatili kami ng ilang segundo na ganoon lang ang position.

"Thank you, Charlotte." Hindi nya pa sana tatanggalin ang mga palad nya sa mga pisngi ko kung hindi lang bumukas ang pinto kung saan pumasok ang driver. Naalis nya agad ang mga palad nya at saka kami natigilan at 'di umimik.

"Magandang gabi po." Naabutan namin ang lahat sa sala, may pinapanood silang palabas sa HBO.

Una kong nilapitan ay si Lolo Faust, nagmano ako. Sumunod naman si Thirdy sa ginawa ko, nagmano din sya kay Lolo Faust. Sumunod si Papa at Mama at may halik sa pisngi. Huli sila Tita Claire at Tito Miguel. Sumunod din si Thirdy.

"Kumusta ang lakad nyo, anak?" Tanong sa akin ni Mama.

"Okay naman po. Masaya." Pagkatapos ngumiti lang ako.

"I'll go up first, excuse me everyone." Paalam ni Thirdy.

"Alright Son, go ahead." Pagpayag ni Tita Claire.

"Good night, Charlotte."

"Good night, Thirdy." Paalam ko. Umalis naman din agad sya at umakyat na.

"Teka, nag-dinner na ba kayo, hija Charlotte?!" Naalalang tanong ni Tita Claire.

"Opo. Tapos na po kami kumain. Sya nga pala, mauuna na din po akong pumasok."

"Sige, anak." Tugon ni Papa. Tutok sila lahat sa pinapanood na palabas sa HBO. Kahit si Lolo Faust. Nakakatuwa ang mga matatanda.

"Sige po, good night." Hindi ko na hinintay ang mga sagot nila. Tutok talaga sila eh.

Malapit na ako sa pinto ng kwarto ko ng biglang may humigit sa akin muntikan na akong mapasigaw ng malakas sa gulat pero maagap ang kamay ni Thirdy kaya'y natakpan nya agad ang aking bibig.

"It's me, Thirdy." Pabulong nyang sabi. Tinignan ko naman kung siya nga nang nasigurado ko na, saka lang ako kumalma. Inalis naman nya agad ang kanyang palad sa bibig ko.

"What are you doing here? You gave a heart attack! Nakakainis ka! And I thought you were resting?"

"Psh." Mahinang pakawala nya ng hangin. "I'm sorry, Charlotte. I was waiting for you to come up here."

"Why? May Nakalimutan ka bang sabihin pa sa akin?" Inosenteng tanong ko. Nakakgulat talaga kasi sya kanina e.

"No."

"I thought you're resting?" Tanong ko ulit. Kulit ko rin noh?!

"Yeah. But, there's something I want to do."

I totally lost, hindi ko ma-gets ang sinasabi nya. Kinabig nya ako palapit sa kanya saka ako niyakap. Grabe! Gulat na gulat ako. Hindi ako makagalaw. Mas hinigpitan pa nya ang pagyakap nya. Mas lalo naman akong hindi makapaniwala sa ginawa nya ngayon.

"I'll miss you." Bulong nya. Nang hindi ako tumugon inulit pa nya. "I'll miss you, Charlotte." Napapikit ako.

"Me too, Thirdy. I'm gonna miss you too." I sincerely told him. Matapos nya akong niyakap ng sobrang higpit pinakawalan na nya ako. Akala ko tapos na pero hinalikan naman nya ako sa noo, and then he rest his forehead to mine, nagbungguan din ang aming mga ilong. Nanatili kami ng gano'n ng ilang segundo. Nakatitig lang kami sa isa't isa. Kung hindi lang kami may narinig na kaluskos na ingay ay parang hindi na matatapos ang aming posisyon. Nagpakawala sya ng hangin. Hindi sya nagsalita, hinaplos lang nya ulit ang kaliwang pisngi ko, nanatili din ng ilang segundo.

"I'll miss this face."

"Thirdy." Awkward! My gosh! Sobrang lakas ng kalabog ng puso ko. I can't breathe!

"Alright. I'll be waiting for you in the cabin. Good night, Charlotte." He kissed me on the cheek.

Umawang lang ang bibig ko, pinagmasdan ang pag-alis nya, kaswal lang ang lakad nya at nakapamulsa pa.

Napahawak ako sa pisngi ko kung saan nya hinalikan. Oh my gosh!

To be continued..

📝 Jannmr