webnovel

Hacienda Casteel

They met at a young age. Puppy love when puberty hits them. High school love. Years later everything was changed. What happened in between? When she was gone and when she comes back she was slapped by the truth that Hacienda Casteel no longer owns by her family. The legacy of their family. How could her Lolo Faust give aways the Hacienda Casteel to someone that she used to know wholeheartedly but no longer have any affection? To whom should Hacienda Casteel really belongs? Who should really own this, is it because it was written in the last will testament or is it because you are a family?! She had plans on how to get back the Hacienda Casteel. There must be something wrong or something happened when she was gone, it just can't be. But despite of the rivalry for the inheritance, love will maturely blooms.. for the two heirs.

Jannmr · Masa Muda
Peringkat tidak cukup
37 Chs

Chapter 30

Charlotte Monica Casteel POV

"Bye Mama." Paalam ko kay Mama. Hinalikan sya sa pisngi. Sumunod na rin akong sumakay sa van kasama sina Erica at Chris, na nasa unang hilera ng mga upuan naupo. Ako naman nasa ikalawang hilera ng mga upuan, katapat ng sliding door. Huling sumakay si Thirdy, kausap sya ni Tita Claire. Bakit kaya? Mukhang seryoso kasi? Pero ngi-ngiti-ngiti lang si Thirdy. Pumasok na din sya maya-maya sa van, tumabi sa akin.

"We can go now, Kuya." He said. Ang kyut ng pagkapronounce nya ng kuya. Ngayon ko lang sya narinig nagsalita ng Tagalog.

"Did I just heard you say a Tagalog word?"  Nasa boses ko 'yong panga-ngantiyaw sa kanya. Sasagot na sana sya pero umagaw ng eksena si Chris. Eh?

"Hey." Lingon ni Chris sa amin ni Thirdy sa likod pero kay Thirdy sya nakatingin.

"Hey." Mahinang tugon naman ni Thirdy. So, ayon iyong batian nila? Lol. Parang mga iwan. Awkward pa siguro si Thirdy kay Chris. Or likewise? Lol. Ngi-ngiti-ngiti akong umiling. Pagkatapos may naalala ako.

"Erica, did you have a news about Jeane? Sorry, I wasn't able to talk to her yet." Nilagay ko ang mga daliri ko sa balikat nya para kunin ang atensyon nya, sinilip ko muna kasi sya kung anong ginagawa nya, busy sya kababasa ng isang e-book app.

Nilingon naman nya ako, "Oh my gosh, yes!" Bulalas nya. "I almost forgot to tell you that she will be home next Saturday."

"Really!?" We both giggled. "Eeeeeeeeei"

"Erica, bakit hindi ko alam 'yan?" Nang-aagaw na naman ng attention 'tong si Chris. Kami ni Erica nag-uusap eh.

"Epal ka Chris! Kanina ka pa eh!" Pang-aaway ko kay Chris. Haha.

"What?" Nagulantang sya sa pinagsasabi ko. Haha.

"What! What ka dyan!" Inis kong ismid sa kanya. "Kanina kausap ko si Thirdy agaw eksena ka, ngayon kausap ko naman si Erica agaw eksena ka na naman! Bakit hindi kayo mag-usap ni Thirdy. Tsk."

"Teka, may dalaw ka ba?" Pati si Thirdy nakatingin na sa akin, hinihintay marahil ang sagot ko sa tanong ni Chris. Si Erica umiiling-uling na nagpipigil ng tawa.

"Of course not." Mahinahon kong tugon. Hindi na nakapagpigil pa si Erica. Natawa na talaga sya.

"Bakit ang sungit-sungit mo sa akin ngayon, ha?!" Patuloy na tanong ni Chris. Hindi ko alam pero mas lalo nya ata akong inaasar.

"Wala!" Singhal ko. "Tumahimik ka na nga."

"Tsaka, best friend ko rin naman si Jeane ah. Bawal ba malaman?"

"Ewan. Epal ka." Kanina natatawa pa ako, ngayon hindi na. Luh! Baka nga tama si Chris, malapit na nga siguro buwan ng dalaw ko. Ang sungit ko raw e.

"Uy! Wag ka naman magalit sa akin." Biglang lambing ni Chris. "Iyong-iyo naman 'yang si Thirdy."

"What!?" I can't believe him. Ano ba naman 'tong best friend ko, ilaglag ba ako? Si Thirdy naman umiiling lang. Hindi ko alam kung naintindihan ba nya ang sinabi ni Chris? "Tumahimik ka!" Sinapok ko sya sa ulo.

"Aray ko naman! Nagiging brutal ka na ah!" I sticked out my tongue. Bleh! Nakakainis nang-aasar eh. Pero kahit sinapok ko sya natawa naman sya sa ginawa ko.

"Nandito na po tayo sa mall, parking lang tayo." Sabad ng driver.

"Finally." Sabi ni Thirdy.

Bumaba agad kami sa van matapos kaming nag-park.

"Kuya, okay ka lang ba dito?"

"Okay lang Charl."

"Sigurado ka po ha?! Basta kung nagugutom ka o may kailangan ka, text mo po ako agad ah?!"

"Sige, Charl. Salamat."

"So what are we going to do here?!"

"Samahan mo si Thirdy. May gustong bilhin 'yan. Kami naman ni Erica ang magkasama." Sabi ko kay Chris.

"Thirdy, you go with Chris. And I'll go with Erica.

"Sus, date n'yo 'tong dalawa ni Thirdy," Sabay lumingon kay Thirdy na may ngiti sa labi nya. "Tapos sinama n'yo pa kami ni Erica." Kantiyaw ni Chris.

Sinapok ko na naman ulit sya. "Hindi 'to date!" Haist! Nakangiti naman si Thirdy tapos binalik ulit ang paningin sa iphone nya. Sino kaya ang kausap nya? "Tara na nga, Erica."

"Alright. See you later."

"See you later, Charlotte." Paalam ni Thirdy.

"Okay."

"Chris.." Anas ko kay Chris.

"Oh?" Hinihintay nya sasabihin ko. Medyo nauna nang naglakad si Thirdy.

"Baka mawala si Thirdy. Ingat kayo."

"Sure." Ngumiti lang sya tapos nagmadali nang sundan si Thirdy.

"Thirdy wait!" Narinig ko pang tawag nya.

_________

"So, saan tayo?" Maya-maya tanong ni Erica. Ako kasi palinga-linga na kung saan, naghahanap ng kung ano-ano na pwede.

"Bibili ng remembrance."

"For Thirdy?"

"Oo sana." Tinignan ko naman sya. Busy din ang isang 'to sa phone nya. "Gagawa sana ako ng anklet o kung may makita akong anklet na sa tingin ko babagay sa kanya, bibilhin ko."

"Hmm." Habang nakatuon parin ang mga mata nya sa phone nya.

"Sino ba 'yang kausap mo, at hindi mo alis ang paningin mo dyan sa phone mo?"

"Ah, wala! Wala. Sorry best friend." Kaagad sinuksok ang phone nya sa loob ng shoulder bag nya.

Sino kaya kausap no'n? Hmm. "Erica, sa tingin mo anong mas ok, anklet na gawa ko o anklet na bibilhin ko?"

"Well for me, mas may value kung gagawan mo sya ng anklet. Like what you gave us, tayong apat may anklet with the same design but different color, colors na paborito natin. Ayan o," Ini-angat nya konti ang paa  nya para ipakita nyang suot nga nya ang anklet na bigay ko, kahit si Chris, suot din nya, kahit ako.

"Sa tingin mo, magugustuhan nya?"

"Oo naman noh! Wag ka nga mag-alinlangan."

"Pero mauubusan na ako ng oras kapag gumawa pa ako, sa Friday na ang alis nila eh."

"Ganoon ba? Ikaw? Kung saan ka mas okay?! Siguro naman hindi magrereklamo 'yong si Thirdy sa ibibigay mo. Kaya ba nandito tayo para bilhan ka rin nya ng remembrance?!" Nakuha nga ni Erica. Hello! Valedictorian namin 'yan.

"Oo eh," Nahihiyang tugon ko. Wala naman akong balak magtago o magsinungaling o mag-deny sa kanya. "Kaya nga sinama namin kayo dito para mas enjoy tsaka hindi masyadong awkward na kaming dalawa lang ni Thirdy ang maglibot sa mall."

"Oyy, gusto mo  na rin sya noh?"

"Oo eh."

"Waaa sa wakas dalaga ka na talaga Charl." Niyakap nya ako. Masayang masaya sya.

"Pero wag kang maingay ah. Please."

"Oo naman. Peksman!" Tinaas nya ang kanang kamay nya na parang kumakaway. "Cross my heart." At nag sign of cross sya sa dibdib nya.

"Thank you, Erica."

To be continued..

📝 Jannmr